Lesson 58
Mosias 11–12:17
Pambungad
Dahil naimpluwensyahan ng kapalaluan at magulong pamumuhay ni Haring Noe ang marami sa kanyang mga tao sa paggawa ng kasamaan, isinugo ng Panginoon ang propetang si Abinadi para balaan si Noe at ang kanyang mga tao. Binalaan sila ni Abinadi na sila ay madadala sa pagkaalipin kung hindi sila magsisisi. Hindi pinakinggan ng mga tao ang mga babala, at iniutos ni Haring Noe na ipabilanggo si Abinadi.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Mosias 11:1–19
Inimpluwensyahan ni Haring Noe ang kanyang mga tao na maging masama
Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong bago magklase:
Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang mga tanong na ito. Pagkatapos ay itanong:
-
Bakit mahirap ang mga sitwasyong ito?
-
Ano ang gagawin ninyo para masunod ang payo ng inyong mga magulang o lider sa mga sitwasyong tulad nito?
-
Bakit handang sundin ng mabubuting tao ang mga payo kahit nangangailangan ito ng mahirap na pagbabago sa kanilang buhay?
Ipaliwanag na sa lesson na ito, malalaman ng mga estudyante ang tungkol sa isang pangkat ng mga tao na hindi sumunod sa payo ng propeta.
Para maibigay ang konteksto ng lesson, ipaalala sa mga estudyante na pinamunuan ni Zenif ang isang pangkat ng mga tao patungo sa lupain ng Nephi, kung saan sila ay naalipin ng mga Lamanita. Bagama’t ang pagiging labis na pabigla-bigla ni Zenif ay naging dahilan para siya malinlang ng mga Lamanita, siya ay isang mabuting tao, at itinuro niya sa kanyang mga tao na magtiwala sa Panginoon. Bago mamatay si Zenif, ibinigay niya ang kaharian sa kanyang anak na si Noe. (Tingnan sa Mosias 9–10.)
Ipaliwanag na si Noe ay isang masamang tao. Upang maipakita kung paano nakaimpluwensya ang kanyang kasamaan sa kanyang mga tao, hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ipabasa sa unang grupo ang Mosias 11:1–2, 5–7, at sa pangalawang grupo ang Mosias 11:14–19. Sabihin sa dalawang grupo na hanapin ang mga detalye kung paano nakaimpluwensya ang kasamaan ni Haring Noe sa mga tao. Tulungan ang mga estudyante na masuri ang mga talatang ito sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
-
Sa inyong palagay, bakit handang suportahan ng mga tao si Noe sa kasamaan nito?
-
Bakit nalilinlang ang mga tao ng “mga walang kabuluhan at mapanghibok na salita”? (Sa pagsagot ng mga estudyante sa tanong na ito, maaari mong ipaliwanag na ang panghihibok ay hindi totoong pagpuri, na karaniwang ibinibigay para manipulahin ang taong pinupuri.)
-
Mula sa talang ito ng mga tao ni Noe, ano ang matututuhan natin sa dapat nating itugon sa mga walang kabuluhan at mapanghibok na salita? (Kapag naniwala tayo sa mga walang kabuluhan at mapanghibok na salita ng iba, pinapayagan natin ang ating sarili na malinlang.)
-
Ano ang maaari nating gawin kapag ang mga taong nakapaligid sa atin ay hindi matwid ang pamumuhay?
Mosias 11:20–12:17
Binalaan ni Abinadi ang mga tao na madadala sila sa pagkaalipin kung hindi sila magsisisi
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 11:20.
-
Ano ang ginawa ng Panginoon upang matulungan ang mga tao ni Noe? (Nagsugo Siya ng isang propeta para sabihan sila na magsisi.)
Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Isinusugo ng Diyos ang mga propeta para tulungan tayong magsisi at hindi maging miserable. Ipaliwanag na dalawang beses na isinugo ng Panginoon si Abinadi para balaan ang mga tao.
Isulat ang sumusunod na chart sa pisara. Mag-iwan ng sapat na espasyo na pagsusulatan ng buod sa ilalim ng bawat scripture reference.
Mensahe ni Abinadi |
Ginawa ng mga Tao | |
---|---|---|
Unang Babala | ||
Pangalawang Babala |
Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mensahe ni Abinadi, hatiin sa dalawang grupo ang klase at sabihin sa unang grupo na basahin ang Mosias 11:20–25, na nagsasaad ng unang babala ni Abinadi, at sa pangalawang grupo ang Mosias 12:1–8, na nagsasaad ng kanyang pangalawang babala. Sabihin sa mga estudyante sa bawat grupo na ibuod ang mga mensahe ni Abinadi habang isang estudyante ang nagsusulat ng kanilang mga buod sa pisara sa ilalim ng angkop na mga scripture reference.
-
Ano ang nakita ninyong pagkakaiba sa dalawang babala ni Abinadi?
Para matulungan ang mga estudyante na makita ang mga pagkakaibang ito, maaari mong ituon ang kanilang pansin sa Mosias 11:20–25 at sa inulit-ulit na mga pariralang “maliban kung magsisisi sila” at “maliban kung magsisisi ang mga taong ito.” Maaari mo silang hikayatin na markahan ang mga pariralang ito. Pagkatapos ay hikayatin sila na alamin ang pagkakaiba ng mga salitang ginamit sa mga pariralang ito at sa mga salitang ginamit sa Mosias 12:1–8. [No translation] (Tulungan ang mga estudyante na makita na nakaligtas sana ang mga tao sa mga nangyaring ito kung nagsisi sila matapos ang unang babala. Dahi hindi nagsisi ang mga tao, naging tiyak at mas tumindi ang kahihinatnan nila sa pangalawang babala ni Abinadi.)
-
Ano ang itinuturo sa inyo ng mga pagkakaibang ito tungkol sa kahihinatnan ng hindi pakikinig sa babala ng isang propeta?
-
Ano ang mga panganib ng patuloy na paggawa ng mga kasalanan at hindi pagsisisi?
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ginawa ng mga tao nang marinig nila ang mga mensahe ni Abinadi, ipabasa sa unang grupo ang Mosias 11:26–29, na inaalam ang ginawa ng mga tao at ng kanilang hari nang marinig nila ang unang mensahe ni Abinadi. Ipabasa sa pangalawang grupo ang Mosias 12:9–17, na inaalam ang ginawa ng mga tao nang marinig nila ang pangalawang mensahe ni Abinadi. Sabihin sa mga estudyante sa bawat grupo na ibuod ang mga ginawa ng mga tao habang may isang estudyante na nagsusulat ng mga buod sa chart.
-
Sa inyong palagay, bakit nagalit ang mga tao kay Abinadi, na ang hangarin lang naman ay tulungan sila? Sa inyong palagay, bakit nila ipinagtanggol si Haring Noe, na nagtulak sa kanila sa kalunus-lunos na kalagayan?
-
Sa Mosias 11:29, nabasa natin na “ang mga mata ng mga tao ay nabubulagan.” Paano naging bulag sa katotohanan ang mga taong ito?
Kapag sinagot ng mga estudyante ang mga tanong na ito, tulungan silang malaman ang sumusunod na alituntunin: Ang kasalanan ay bumubulag sa atin kaya hindi natin nakikita ang katotohanan ng mga salita ng mga propeta. Ipaliwanag na, dahil nabubulagan sila, inakala ng mga tao na kaibigan nila si Noe at kaaway nila si Abinadi, gayong ang kabaliktaran ang totoo. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
-
Nagalit na ba kayo o ipinagtanggol ang inyong mga pagkakamali nang pagsabihan kayo ng isang tao, kahit alam ninyong tama sila?
-
Ano ang maaari ninyong gawin para matanggap ninyo ang payo ng inyong pamilya, mga lokal na lider ng Simbahan, at mga propeta kapag pinapayuhan nila kayo kung paano susundin ang salita ng Diyos?
Ituro na maraming tao ang naghihikayat sa atin na mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Para matulungan ang mga estudyante na mapag-isipan pa ang tamang itutugon sa mga taong nagpapayo sa atin na magbago o magsisi, bumalik sa tatlong tanong na isinulat mo sa pisara bago magklase. Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang isa sa mga tanong sa kanilang scripture study journal o notebook. Kapag nakapagsulat na sila, anyayahan ang ilan sa kanila na magkuwento noong napagpala sila dahil sinunod nila ang payo ng kanilang mga magulang o lider. Hikayatin sila na hingin at sundin ang payo ng mga magulang, mga lokal na lider ng Simbahan, at ng mga propeta.