Lesson 68
Mosias 28–29
Pambungad
Matapos makapagbalik-loob, ang mga anak ni Mosias ay nakadama ng matinding hangaring ipangaral ang ebanghelyo sa mga Lamanita. Pagkatapos magtanong sa Panginoon at matanggap ang katiyakan na pagkakalooban sila ng tagumpay at proteksyon, pinahintulutan sila ni Mosias na humayo at mangaral sa mga Lamanita. Sa panahon ding ito, pinangangalagaan ni Mosias ang mga sagradong talaan na ipinagkatiwala sa kanya. Isinalin niya ang mga talaan ng mga Jaredita at ibinigay ang lahat ng talaan kay Nakababatang Alma. Dahil hindi tinanggap ng kanyang mga anak ang pagkakataong maging hari, nagtatag siya ng bagong sistema ng pamahalaan sa lupain na pamumunuan ng mga hukom.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Mosias 28:1–9
Ninais ng mga anak anak ni Mosias na ipangaral ang ebanghelyo sa mga Lamanita
Bago magklase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na pahayag:
Para masimulan ang talakayan, sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga pahayag sa pisara para tahimik na masuri ang kanilang sarili. Sabihin sa kanila na gamitin ang rating scale na 1 hanggang 10, ang rating na 1 ay nagsasaad na ang pahayag ay hindi gaanong naglalarawan sa kanila at ang rating 10 ay nagsasaad na ang pahayag ay lubos na naglalarawan sa kanila.
Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Mosias 27:8–10.
-
Ano ang rating ni Alma at ng mga anak ni Mosias sa scale sa panahong ito ng buhay nila?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 28:1–4.
-
Ano ang rating ng mga anak ni Mosias sa scale pagkatapos ng kanilang pagbabalik-loob? Alin sa mga parirala sa Mosias 28:1–4 ang nagsasaad kung gaano sila nagbago?
-
Bakit nabago ang mga hangarin ng mga anak ni Mosias? (Sila ay nanampalataya kay Jesucristo, nagsisi ng lahat ng kanilang mga kasalanan, at nagbalik-loob; tingnan sa Mosias 27:34–36. Maaari mo ring tukuyin ang Mosias 28:4 para maipaliwanag kung paano nakaimpluwensya sa kanila ang Espiritu ng Panginoon.)
-
Mula sa natutuhan ninyo tungkol sa mga Lamanita sa panahong ito ng kanilang kasaysayan, ano ang hirap na maaaring maranasan ng mga misyonero sa kanila?
-
Ayon sa Mosias 28:2, anong kaibhan ang nagawa ng pinaniniwalaan ng mga anak ni Mosias na maidudulot ng kanilang pangangaral sa buhay ng mga Lamanita?
-
Paano nakaimpluwensya ang pagbabalik-loob ng mga anak ni Mosias sa kanilang hangarin na ibahagi ang ebanghelyo? Anong mga alituntunin ang matututuhan natin mula sa kanilang karanasan? (Ibuod ang mga sagot ng mga estudyante na isinusulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kapag mas lumalalim ang ating pagbabalik-loob, tumitindi ang hangarin nating ibahagi ang ebanghelyo.)
Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang pahayag na ito sa margin ng kanilang banal na kasulatan sa tabi ng Mosias 28:1–4.
“Ang sidhi ng pagnanais nating ibahagi ang ebanghelyo ay malaking palatandaan ng ating pagbabalik-loob” (“Sharing the Gospel,” Ensign, Nob. 2001, 7).
Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano tumindi ang hangarin nilang ibahagi ang ebanghelyo nang mas napalapit sila sa Panginoon.
-
Anu-ano ang mga karanasan ninyo sa buhay na naghikayat sa inyo na ibahagi sa iba ang ebanghelyo?
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay may kilala silang isang binatilyo na miyembro ng Simbahan pero walang gaanong hangaring magmisyon.
-
Ano ang magagawa ng binatilyong ito para mapatindi ang kanyang hangaring ibahagi ang ebanghelyo? (Kapag nasabi na ng mga estudyante ang kanilang ideya, hikayatin sila na alalahanin ang nagpalallim sa pagbabalik-loob nila sa ebanghelyo ni Jesucristo at kung paano nila maimumungkahi ang gayon ding aktibidad o karanasan sa binatilyong ito. Tulungan sila na maunawaan na ang lumalalim na pagbabalik-loob ay humahantong sa tumitinding hangarin na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.)
Maaari mong ipaliwanag kung paano mo natanggap ang hangaring ituro ang ebanghelyo sa iba. Kapag ginawa mo ito, ibahagi ang iyong patotoo na habang napapalapit tayo sa Panginoon at nadarama ang Kanyang Espiritu, tumitindi ang ating hangaring ibahagi ang ebanghelyo sa iba.
Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mosias 28:5–8 at alamin kung bakit pinahintulutan ni Mosias ang kanyang mga anak sa gayong kadelikadong misyon.
-
Bilang sagot sa panalangin ni Mosias, anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga anak ni Mosias?
Mosias 28:10–20
Isinalin ni Mosias ang mga lamina ng mga Jaredita at ibinigay ang mga sagradong talaan kay Alma
Idrowing sa pisara ang mga sumusunod:
Ituro ang drowing na korona, at ipabasa sa isang estudyante ang Mosias 28:10. Sabihin sa klase na alamin ang naging problema ng hari nang magmisyon ang kanyang mga anak. (Kailangan niyang makahanap ng isang tao na papalit sa kanya bilang hari.)
Ibuod ang Mosias 28:11–19 na ipinapaliwanag na tumatanda na si Mosias, at itinuon niya ang kanyang pansin sa mga sagradong talaan na ipinagkatiwala sa kanya: ang mga talaan na ibinigay sa kanya ng kanyang ama at ibinilin na pangalagaan at ang mga talaang ibinigay ni Haring Limhi sa kanya. Sa kanyang tungkulin bilang tagakita, isinalin niya ang talaan ng mga Jaredita—ang mga lamina na natagpuan ng pangkat na sinugo ni Haring Limhi upang hanapin ang lupain ng Zarahemla (tingnan sa Mosias 8:7–9). Ituon ang pansin ng mga estudyante sa drowing na mga laminang ginto sa pisara.
Ipaliwanag na bukod sa pagtatalaga ng lider sa kaharian, kailangan din ni Mosias na magtalaga ng mangangalaga sa mga lamina. Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Mosias 28:20.
-
Sino ang tumanggap ng mga sagradong talaan?
-
Bakit mabuting si Alma ang napiling mangalaga sa mga talaang ito?
Mosias 29
Sinunod ng mga tao ang payo ni Mosias na magtatag ng bagong sistema ng pamahalaan na pamumunuan ng mga hukom
Sabihin sa mga estudyante na itaas ang kanilang kamay kung gusto nilang maging hari o reyna. Pumili ng isa sa mga estudyanteng nagtaas ng kamay at papuntahin siya sa harapan ng klase at patayuin sa tabi ng korona na nakadrowing sa pisara (o lagyan siya ng koronang papel sa ulo). Sabihin sa estudyante na ilahad ang mga pakinabang na mararanasan niya sa pagiging hari o reyna.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 29:1–3.
-
Sino ang gusto ng mga tao na maging hari?
-
Ano ang hindi tinanggap ng mga anak ni Mosias para makapangaral sila sa mga Lamanita?
-
Ano ang ilang oportunidad na isinasakripisyo o ipinagpapaliban ng mga kabataang lalaki at babae ngayon para makapagmisyon sila?
Ibuod ang Mosias 29:4–10 na ipinapaliwanag na nag-alala si Haring Mosias na baka humantong ang paghirang ng isang bagong hari sa alitan at maging sa digmaan. Binanggit din niya ang iba pang mga problemang maaaring mangyari kung isang masamang hari ang mamumuno. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mosias 29:16–18 at alamin ang mga problemang iyon.
Ipaliwanag na iminungkahi ni Haring Mosias na hindi na dapat pamunuan ng hari ang pamahalaan ng mga Nephita. Sa halip, iminungkahi niya ang isang pamahalaan na pinamumunuan ng mga hukom na pipiliin ng tinig ng mga tao.
Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Mosias 29:11, 25, at alamin kung paano hahatulan ng mga hukom ang mga tao. (“Alinsunod sa mga kautusan ng Diyos” at “alinsunod sa mga batas na ibinigay sa inyo ng ating mga ama.”)
Isulat sa pisara ang Mosias 29:26–27, 30, 33–34, 37–38. Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na basahing mabuti ang mga talatang ito at tukuyin ang responsibilidad ng mga tao sa pamahalaang iminungkahi ni Haring Mosias. Pagkatapos ay sabihin sa magkakapartner na talakayin ang mga sumusunod na tanong. (Maaari mong isulat ang mga tanong na ito sa pisara o gawin itong handout at ibigay sa kanila.)
-
Ayon kay Haring Mosias, ano ang mga kabutihang idudulot ng paggawa ng mga desisyon sa pamamagitan ng tinig ng mga tao? (Sinabi niya na hindi pangkaraniwan na ang tinig ng mga tao ay magnais ng anumang bagay na “salungat sa yaong tama.” Nagsalita rin siya tungkol sa pangangailangang tumulong sa pasanin ng kanilang pamahalaan at magkaroon ng “pantay na pagkakataon.”)
-
Ano ang mangyayari kapag pinili ng tinig ng mga tao ang kasamaan? (Ang mga paghahatol ng Diyos ay sasapit sa kanila, at sila ay malilipol.)
-
Sa Mosias 29:34, ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng pariralang “upang dalhin ng bawat tao ang kanyang gawa”? Paano maiaangkop ang pariralang ito sa mga responsibilidad ng mga mamamayan sa kanilang pakikibahagi sa kanilang lokal na pamahalaan at sa pamahalaan ng bansa?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Neal A. Maxwell ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Sa pagbaba ng kultura ng bansa, ang mga lider at mga mamamayan ang kapwa may pananagutan dito. … Napakadaling pintasan ang mga lider, ngunit huwag nating kalimutan na may pananagutan din dito ang mga mamamayan” (“Repent of [Our] Selfishness,” Ensign, Mayo 1999, 24).
-
Bakit mahalagang kapwa managot ang mga lider at mga mamamayan para sa kanilang mga ginawa?
-
Ano ang magagawa ninyo para masuportahan ang mabubuting batas at lider? (Maaaring ipabasa mo sa mga estudyante ang Mga Saligan ng Pananampalataya 1:12.)
Ipahayag na nakatitiyak ka na bagama’t hindi lahat ng bansa sa mundo ay may pagkakataong piliin ang kanilang sariling mga lider, palaging tutulungan ng Panginoon ang mga taong nagtitiwala sa Kanya, saanman sila nakatira.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 29:41–43.
-
Sino ang pinili ng mga tao na maging unang punong hukom? Naging mabuti at matwid ba siyang lider sa kanyang pamumuno? Ano ang ibinunga ng kanyang pamumuno?
Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag sa sarili nilang salita ang natutuhan nila sa Mosias 29. Maaari nilang matukoy ang ilan sa mga sumusunod na katotohanan:
Ang masamang pamumuno ay maaaring magdulot ng alitan at kasalanan.
Hindi pangkaraniwan para sa tinig ng mga tao na piliin ang isang bagay na hindi tama.
Kung pipiliin ng mga tao ang kasamaan, ang mga paghahatol ng Diyos ay sasapit sa kanila.
Bawat tao ay may tungkuling sundin ang mabubuting batas at lider.
Tapusin ang lesson na pinatototohanan ang mga alituntunin sa lesson sa araw na ito.
Pagrebyu sa aklat ni Mosias
Magkaroon ng oras na tulungan ang mga estudyante na mapag-aralang muli ang aklat ni Mosias. Sabihin sa kanila na pag-isipang mabuti ang natutuhan nila mula sa aklat na ito, kapwa sa seminary at sa kanilang parsonal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Kung kinakailangan, sabihin sa kanila na basahin nang mabilis ang aklat na makatutulong sa kanila na maalala ang mga nakasulat dito. Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang naisip at nadama nila tungkol sa isang bagay sa aklat na tumimo sa isipin nila.