Para sa mga Batang Mambabasa
Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako


“Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako

Mula sa 1 Nephi 1–3

si Nephi at ang kanyang pamilya

Si Nephi ay nanirahan sa Jerusalem kasama ang kanyang pamilya. Ang kanyang tatay, si Lehi, ay isang propeta. Ang kanyang nanay ay si Saria. Ang kanyang mga kapatid ay sina Laman, Lemuel, at Sam.

si Nephi at ang kanyang pamilya

Sinabi ng Ama sa Langit sa tatay ni Nephi na kinakailangang umalis ang kanyang pamilya sa lungsod para maligtas sila. Mahirap para sa kanila na iwan ang kanilang tahanan. Pero sumunod ang pamilya ni Nephi at pumunta sila sa ilang.

si Nephi at ang kanyang mga kapatid

Sinabi ng Ama sa Langit na kailangang bumalik sa lungsod si Nephi at ang kanyang mga kapatid para kunin ang mga banal na kasulatan. Si Nephi ay isang mabuting halimbawa nang ayaw sumunod ng kanyang mga kapatid. Sinabi niya na gagawin niya anuman ang ipinagagawa ng Ama sa Langit.

Liahona

Binigyan ng Ama sa Langit ang pamilya ni Nephi ng isang espesyal na kompas na tinawag na Liahona. Kapag sinunod nila ang Ama sa Langit, itinuturo nito ang kanilang daraanan sa paglalakbay. Ipinakita nito sa kanila kung saan makakahanap ng pagkain.

tatay at anak na babae

Maaari tayong maging katulad ni Nephi kapag sinunod natin ang mga kautusan at ang Ama sa Langit!

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Maaari Kong Piliin ang Tama

batang babae na tinutulungang tumayo ang batang lalaki

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott