Para sa mga Batang Mambabasa
Si Alma ay Nagbinyag ng Maraming Tao


“Si Alma ay Nagbinyag ng Maraming Tao,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Si Alma ay Nagbinyag ng Maraming Tao”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Si Alma ay Nagbinyag ng Maraming Tao

Mula sa Mosias 16–18

kinakausap ni Abinadi si Haring Noe

Si Abinadi ay isang propeta. Tinuruan niya ang mga tao na maniwala kay Jesus at itigil ang paggawa ng masama. Isang masamang hari na nagngangalang Noe ang nagalit kay Abinadi. Ayaw magsisi ni Noe.

nananalangin si Alma

Isang lalaking nagngangalang Alma ang naniwala kay Abinadi. Tumakas siya at nagtago para hindi makita ng galit na hari. Nalungkot siya dahil sa mga maling bagay na nagawa niya, at siya ay nagsisi, tulad ng itinuro ni Abinadi.

nagtuturo si Alma sa mga tao

Maraming tao ang dumating para makinig sa mga turo ni Alma tungkol kay Jesucristo. Itinuro ni Alma na kung magsisisi sila at susunod kay Jesus, maaari silang mabinyagan.

masayang pamilya

Pumalakpak sa tuwa ang mga tao. Nangako sila na tutulungan ang iba. Nangako sila na mamahalin ang Diyos at sasabihin sa ibang tao ang tungkol sa Kanya. Handa na silang mabinyagan.

binibinyagan ni Alma ang batang lalaki

Isa-isang bininyagan ni Alma ang mga tao. Napakasaya nila na maging bahagi ng Simbahan ni Jesus.

Kapag bininyagan tayo, ipinapangako rin natin ang mga ipinangako ng mga tao ni Alma. At nagiging bahagi rin tayo ng Simbahan ni Jesus!

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Nagbibinyag si Alma

Ilang puso ang mahahanap mo?

babaeng binibinyagan

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott