“Itinuro ni Alma Kung Paano Magdasal,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Itinuro ni Alma Kung Paano Magdasal”
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Itinuro ni Alma Kung Paano Magdasal
Mula sa Alma 31–33
Si Nakakabatang Alma at ang iba pa ay umalis para magturo sa mga Zoramita. Ang mga Zoramita ay hindi naniniwala kay Jesucristo. Hindi nila naaalala ang tamang paraan ng pagdarasal.
Minsan sa isang linggo ang mga Zoramita ay umaakyat sa isang mataas na tore. Itinataas nila ang kanilang mga kamay at nagdarasal. Pagkatapos ay sinasabi nila na mas espesyal sila kaysa sa ibang mga tao. Lahat sila ay binabanggit ang iisang dasal.
Nagdarasal lang ang mga Zoramita kapag umaakyat sila sa tore. Hindi nila iniisip ang Ama sa Langit o nagdarasal sa Kanya sa kanilang tahanan o saan man.
Itinuro ni Alma sa mga tao na maaari silang magdasal kahit anong oras at kahit saang lugar. Maaari nilang ipagdasal ang anumang bagay, at tutulungan sila ng Ama sa Langit.
Maaari tayong magdasal ayon sa paraang itinuro ni Alma. Maaari tayong magdasal kahit anong oras at kahit saang lugar. Maaari din tayong magdasal nang tahimik lamang sa puso natin. Palagi tayong maririnig ng Ama sa Langit!
Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.