Para sa mga Batang Mambabasa
Nagsulat si Mormon sa mga Laminang Ginto


“Nagsulat si Mormon sa mga Laminang Ginto,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Nagsulat si Mormon sa mga Laminang Ginto”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Nagsulat si Mormon sa mga Laminang Ginto

Mula sa Mormon 1, 9

nagtatawanan ang mga tao

Maraming propeta ang nagsulat sa mga laminang ginto. Isinulat nila ang tungkol kay Jesucristo at kung paano susundin ang mga kautusan. Pero nalimutan ng mga tao si Jesucristo at hindi na Siya sinusunod.

kinakausap ni Amaron si Mormon

Isang mabuting tao na nagngangalang Amaron ang nagtago ng mga laminang ginto upang maingatan ang mga ito. Sinabi niya sa isang bata na nagngangalang Mormon kung saan nakatago ang mga lamina. Sinabi niya kay Mormon na sumulat sa mga lamina kapag malaki na siya.

ang batang si Mormon na nakakita ng maningning na liwanag

Noong 15 taong gulang na si Mormon, si Jesucristo ay dumalaw sa kanya at itinuro sa kanya ang tungkol sa ebanghelyo. Sinikap ni Mormon na ituro sa mga tao ang tungkol kay Jesus, ngunit hindi sila nakinig.

si Mormon na nagsusulat sa mga laminang ginto

Nang medyo matanda na si Mormon, kinuha niya ang mga lamina. Isinulat niya ang tungkol kay Jesucristo. Isinulat niya na maaari tayong magsisi, magpabinyag, at tumanggap ng Espiritu Santo.

kinakausap ni Mormon si Moroni

Si Mormon ay may anak na nagngangalang Moroni. Sinabi ni Mormon sa kanyang anak na palaging alalahanin kung gaano tayo kamahal ni Jesucristo. Maaari din nating alalahanin kung gaano rin tayo kamahal ni Jesus!

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Maipapakita Ko ang Pagmamahal Ko sa mga Hayop

bata na may kasamang mga hayop

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott