“Nutrisyon ng Bata,” Nutrisyon ng Bata (2023)
Nutrisyon ng Bata
Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, nakipagtipan tayong pangalagaan ang lahat ng anak ng Diyos sa buong mundo. Ang ating mithiin ay paglingkuran at pangalagaan ang mga bata upang maabot nila ang kanilang buong potensyal. “Walang pagsisikap sa kapakanang-pantao na mas mahalaga pa sa Simbahan ni Cristo kaysa sa pagpapakain sa nagugutom,” sabi ni Relief Society General President Camille N. Johnson. “Nagpapasalamat kami na may mga paraan para makipagtulungan sa magagandang organisasyon at tumulong sa mga bata at nakababatang mga ina na may matitinding pangangailangan. Habang magkakasama tayong naglilingkod, pinalalawak natin ang naaabot ng mapagmahal na mga bisig ni Cristo.”
Maraming bata sa buong mundo ang nagdurusa dahil sa mga epekto ng malnutrisyon. Kailangan ng mga bata ng sapat na nutrisyon, lalo na mula sa pagbubuntis hanggang sa dalawa o tatlong taong gulang. Ang sustansyang natatanggap nila ay mahalaga para sa wastong paglakas ng utak, katawan, at immune system. Dahil napakahalaga ng panahong ito sa paglaki ng isang bata, nagtuon ang Simbahan sa mga pagsisikap na tumutulong sa mas maraming maliliit na bata na magkaroon ng access sa komprehensibong nutrisyon, kabilang na ang masusustansyang pagkain, ligtas na inuming tubig, suportadong access sa serbisyo ng mga lokal na klinika, at iba pang mga bagay na tumutulong sa mga bata na lumaki nang mabuti.
Ang pinakamatagumpay na mga programa ng nutrisyon ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga lokal na komunidad, lalo na kapag lumahok ang mga kababaihan. Ang Simbahan ay na-organisa upang ihatid ang ganitong mga uri ng solusyon sa pamamagitan ng mga ward council, ministering, at Relief Society. Bukod pa rito, ang Simbahan ay nakikipagtulungan sa mga pandaigdigang organisasyon upang mapabuti ang nutrisyon para sa lahat ng batang nangangailangan.
Gamitin ang mga sanggunian sa link sa ibaba para malaman ang iba pa tungkol sa nutrisyon ng bata, kung paano ito nakakaapekto sa ating pamilya, at kung paano mo mapagbubuti ang nutrisyon ng sarili mong pamilya.