Doktrina at mga Tipan 2021
Mga Ideya sa Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral at Pag-aaral ng Pamilya


“Mga Ideya sa Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral at Pag-aaral ng Pamilya,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Mga Ideya sa Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral at Pag-aaral ng Pamilya,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

mag-aamang nagbabasa ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Ideya sa Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral at Pag-aaral ng Pamilya

Narito ang ilang ideyang tutulong sa iyo na hikayatin ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang salita ng Diyos sa tahanan, kapwa nang mag-isa at bilang mga pamilya. Maging sensitibo sa katotohanan na hindi lahat ng miyembro ng klase ay kayang pag-aralan ang mga banal na kasulatan na kasama ang kanilang pamilya (halimbawa, ang ilang miyembro ay mag-isang namumuhay o nag-iisang miyembro sa pamilya).

  • Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga naranasan nila sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa tahanan. Halimbawa, maaari mong hilingin sa kanila na magbahagi ng isang talata na nagpalalim sa kanilang pagmamahal kay Jesucristo.

  • Hilingin sa mga miyembro ng klase na magbigay ng mga halimbawa kung ano ang ginagawa nila para maging mas makabuluhan ang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan. (Ang ilang ideya ay matatagpuan sa ilalim ng “Mga Ideya para Mapagbuti pa ang iyong Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan” at “Mga Ideya para Mapagbuti pa ang Pag-aaral ng Iyong Pamilya ng mga Banal na Kasulatan” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.)

  • Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano sila kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan.

  • Mag-ukol ng ilang minuto para ipakita sa mga miyembro ng klase ang ilang resources na bigay ng Simbahan para tulungan ang mga miyembro na pag-aralan ang ebanghelyo, tulad ng mga tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na matatagpuan sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org; “Scripture Stories” na matatagpuan sa children.ChurchofJesusChrist.org; mga content na nakatuon sa mga kabataan sa youth.ChurchofJesusChrist.org; mga manwal sa seminary at institute; at mga video, audio recording, at image na matatagpuan sa MediaLibrary.ChurchofJesusChrist.org. Marami rin sa mga ito ang nasa Gospel Library app.

  • Mag-ukol ng ilang minuto para ipaliwanag kung paano gamitin ang Gospel Library app para pag-aralan ang mga banal na kasulatan, pati na kung paano markahan ang mga talata at itala ang mga impresyon.

  • Anyayahan ang isa o mahigit pang mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano nila naituro ang isang partikular na alituntunin ng ebanghelyo sa kanilang pamilya.