Mga Kapansanan
Paano ko tutulungan ang iba na unawain ang kapansanan ng isang mahal sa buhay?


“Paano ko tutulungan ang iba na unawain ang kapansanan ng isang mahal sa buhay?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)

“Paano ko tutulungan ang iba na unawain ang kapansanan ng isang mahal sa buhay?” Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga

Paano ko tutulungan ang iba na unawain ang kapansanan ng isang mahal sa buhay?

Boy with scriptures at church

Kapag maaari, ibahagi sa iba ang mahalagang impormasyon tungkol sa kapansanan ng inyong mahal sa buhay. Maging bukas tungkol sa mga hamon na kanyang kinakaharap at kung paano siya higit na matutulungan. Kung nagbabahagi kayo ng impormasyon sa isang bukas na paraan at ipinapakita ninyo na komportable kayong gawin iyon, magiging handang makinig at tumulong ang iba sa anumang paraan. Maaari kayong mag-ukol ng oras na isulat ang nais ninyong malaman ng iba tungkol sa inyong mahal sa buhay. Ano ang kanyang mga kalakasan at talento? Ano ang ilan sa mga hamon na kanyang kinakaharap? Ano ang natuklasan ninyo na nakakatulong? Ano ang magagawa niya para mas lubos na makibahagi sa ward? Ano ang maaaring iangkop para matulungan siyang mas lubos na magkaroon ng partisipasyon sa pag-aaral ng ebanghelyo at mga aktibidad sa simbahan?

Maaari ding makatulong sa inyo na sabihan ang iba na sumangguni sa disability.ChurchofJesusChrist.org at iba pang mga website, artikulo, at aklat na nakatulong sa inyo.

Kung ang inyong ward o stake ay may espesyalista sa kapansanan, maaari ninyo siyang kontakin at talakayin ang mga pangangailangan ng inyong mahal sa buhay. Maaaring maging mahalagang resource ang disability specialist hindi lamang sa inyo kundi maging sa iba pang mga miyembro ng ward sa pagtulong sa kanila na maunawaan ang mga kalakasan at hamon na kinakaharap ng inyong mahal sa buhay.

Maghanap ng mga sagot sa mga tanong, patakaran, at tuntunin na may kaugnayan sa kapansanan.

Mga Artikulo