Mga Kapansanan
Nahihirapan akong alagaan ang isang mahal sa buhay. Paano ko tutuparin ang mga responsibilidad ko sa simbahan?


“Nahihirapan akong alagaan ang isang mahal sa buhay. Paano ko tutuparin ang mga responsibilidad ko sa simbahan?“ Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)

“Nahihirapan akong alagaan ang isang mahal sa buhay. Paano ko tutuparin ang mga responsibilidad ko sa simbahan?“ Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga

Nahihirapan akong alagaan ang isang mahal sa buhay. Paano ko tutuparin ang mga responsibilidad ko sa simbahan?

Woman praying with children

Ang araw-araw na hirap sa pag-aalaga ay maaaring humantong sa pisikal at emosyonal na kapaguran, na maaaring makaapekto sa kapakanan ng mga kapamilya. Mahalagang makahanap kayo ng mga paraan upang pisikal, emosyonal, at espirituwal na mapangalagaan ang inyong sarili. Mapagmahal tayong inaanyayahan ng ating Tagapagligtas:

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.

“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.

“Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.” (Mateo 11:28–30).

Kung mapanalangin kayong hihingi ng tulong sa Panginoon, makasusumpong kayo ng lakas na balansehin ang mga pangangailangan sa buhay. Narito ang ilang tip na maaaring isaalang-alang habang naghahanap kayo ng mga paraan na mapangalagaan ang inyong sarili:

  • Araw-araw na panalangin at pag-aaral ng ebanghelyo. “Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, at gagabayan ka niya sa kabutihan” (Alma 37:37). Gawing personal na hangarin ang pag-aaral ng banal na kasulatan. Gamitin ang manwal na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang pinag-aaralan ninyo ang mga banal na kasulatan. Tutulungan kayo nito at ang inyong pamilya na “matuto ng doktrina, palakasin ang pananampalataya at pag-ibayuhin ang personal na pagsamba” (Russell M. Nelson, “Pambungad na Mensahe,” Liahona, Nob. 2018, 8).

  • Laging magkaroon ng walang-hanggang pananaw. Kapag tiningnan ninyo ang inyong buhay mula sa walang-hanggang pananaw, magkakaroon kayo ng lakas sa pagkaalam na ang mga hamon sa buhay na ito ay pansamantala lamang. Tulad ng sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith tungkol sa kanyang mga hamon, “ang iyong kasawian at ang iyong mga pagdurusa ay maikling sandali lamang” (Doktrina at mga Tipan 121:7).

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Sa pamumuhay ng ebanghelyo araw-araw, maaari kayong mapalakas at mapanatag ng Espiritu Santo.

  • Humingi ng tulong. Mahalagang ibahagi ang pasaning kung minsan ay nagmumula sa pagiging tagapag-alaga. Ang paghingi ng tulong ay maaaring mahirap, ngunit mahalagang bahagi ito ng pangangalaga sa inyong sarili. Huwag matakot na humingi ng tulong sa inyong mga ministering brother at sister. Hindi inaasahang gagawin ninyo ang lahat nang mag-isa.