Para sa mga Batang Mambabasa
Ang Simbahan ni Jesucristo ay Ipinanumbalik


Ang Simbahan ni Jesucristo ay Ipinanumbalik

Ang Simbahan ni Jesucristo ay Ipinanumbalik

Ang Simbahan ni Jesucristo ay Ipinanumbalik!

children looking at sky

Bago tayo pumarito sa mundo, nabuhay tayo sa piling ng ating mga Magulang sa Langit. Mahal Nila tayo! Ang Ama sa Langit ay may dakilang plano para sa atin. Paparito tayo sa mundo upang magkaroon ng katawan at matuto at umunlad. Pagkatapos ay makakabalik tayo sa ating tahanan sa langit. Ngunit hindi natin ito magagawa nang mag-isa. Kakailanganin natin ang tulong.

Jesus reaching out to man

Pinili ng Ama sa Langit ang ating panganay na kapatid, si Jesucristo, na pumarito sa lupa upang tulungan tayo. Ipinakita sa atin ni Jesus kung paano mahalin ang iba at sundin ang mga utos ng Ama sa Langit. Pumili Siya ng mga Apostol para mamuno sa Kanyang Simbahan.

girl looking out the window

Pagkatapos ay nagdusa si Jesus para sa atin sa Halamanan ng Getsemani. Nadama Niya ang lahat ng ating mga pasakit at kalungkutan. Namatay Siya sa krus para sa atin. Dahil dito, maaari tayong bumaling sa Kanya kapag tayo ay nasasaktan o nalulungkot o nangangailangan ng tulong. Maaari tayong magsisi kapag nagkakamali tayo.

Jesus and Mary at the tomb

Sa ikatlong araw matapos mamatay ni Jesus, Siya ay nabuhay na mag-uli. Si Jesus ay nabuhay na muli! Dahil diyan, mabubuhay din tayong muli. Maaari tayong mamuhay muli sa langit matapos tayong mamatay.

girl getting baptized

Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, dinalaw ni Jesus ang Kanyang mga disipulo sa Jerusalem at sa mga lupain ng Amerika. Iniutos Niya sa Kanyang mga Apostol na ituloy ang pagtuturo ng Kanyang ebanghelyo sa mga tao. Ang maraming taong nakarinig sa mga Apostol ay nabinyagan at sumapi sa Simbahan.

man with hand on his head

Pagkamatay ng mga Apostol, nagsimulang kalimutan ng mga tao ang ilang mahahalagang bahagi ng ebanghelyo ni Jesus. Tumigil sila sa paniniwala na palaging bibigyan ng Ama sa Langit ng inspirasyon ang Kanyang mga anak sa mundo. Nalimutan nila na lahat ng tao ay magkakaroon ng pagkakataong magpabinyag. Tumigil sila sa paniniwala na ang mga propeta at apostol ay laging mamumuno sa Simbahan.

Joseph Smith

Maraming taon ang lumipas. Sa huli, panahon na para ibalik ang nawawalang bahagi ng ebanghelyo ni Jesus. Panahon na para ipanumbalik ang Kanyang Simbahan! Kailangan ng Ama sa Langit ng isang magiging propeta at tutulong na maibalik ito sa mundo. Pinili Niya ang isang batang lalaki na nagngangalang Joseph Smith.

Bible

Isang araw, si Joseph ay nagbabasa ng Biblia. Sa Santiago 1:5, sinabi nito na sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga tanong kapag humiling tayo nang may pananampalataya. Si Joseph ay may tanong! Alam niya na maraming Simbahan ang nagtuturo tungkol kay Jesus. Ngunit nais niyang malaman kung may isang katulad ng Simbahan ni Jesus sa Bagong Tipan.

Joseph praying

Sa isang magandang tagsibol na halos kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay, nagtungo si Joseph sa kakahuyan malapit sa kanyang tahanan. Lumuhod siya at nagsimulang magdasal. Pagkatapos ay may naramdamang hindi maganda si Joseph. Pinipilit ni Satanas na pahinain ang loob niya. Ngunit patuloy na nagdasal si Joseph nang buong kakayahan niya.

First Vision

Pagkatapos ay bumaba ang isang magandang liwanag. Nakita ni Joseph ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ito ang tinatawag na Unang Pangitain. Sinabi Nila na ang Simbahan ni Jesus ay wala pa sa mundo. Ngunit malapit nang dumating. Ang Panunumbalik ay nagsisimula na!

Angel Moroni

Nagsugo ang Ama sa Langit ng mga anghel upang ibalik ang mahahalagang bahagi ng ebanghelyo. Ibinigay ng Anghel na si Moroni kay Joseph ang mga laminang ginto upang mapasaatin ang Aklat ni Mormon para tulungan tayong malaman ang tungkol kay Jesucristo.

little girl being confirmed

Ibinalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood para mabinyagan tayo. Ibinalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood upang matanggap natin ang Espiritu Santo at mabigyan ng mga basbas kapag tayo ay maysakit.

family in front of the temple

Pumarito si Elijah upang mabuklod tayo sa ating mga pamilya sa templo.

family going to church

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay inorganisa. Ibig sabihin naibalik na sa mundo ang Simbahan ni Jesus! Lahat ng bagay na ito ay bahagi ng Panunumbalik.

serving

Ang Panunumbalik ng ebanghelyo ay patuloy pa rin ngayon. Ibinabahagi ng mga propeta, apostol, mga missionary, at mga miyembro ang mabuting balita tungkol kay Jesucristo sa lahat ng dako ng mundo. Nagtatayo ng mga templo sa maraming lupain upang mabuklod ang mga tao sa kanilang mga pamilya magpakailanman. At ang Simbahan ay tumutulong sa mga lugar kung saan may kagutuman o kalamidad.

temple, family history, tithing

Lahat ng tao ay may magagawa para makatulong sa Panunumbalik. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa inyong family history at pagsasagawa ng mga binyag sa templo. Makakapagbigay ka ng ikapu sa pagtatayo ng mga simbahan at mga templo. Makakapagbigay ka ng mga handog-ayuno para tulungan ang mga taong nangangailangan. Maaari kang magkuwento sa mga tao tungkol kay Jesucristo.

Jesus eating dinner with apostles
Jesus teaching apostles
boy taking the sacrament

Ibinigay sa atin ni Jesus ang Kanyang Simbahan upang tulungan tayong makabalik sa ating tahanan sa langit. Makakatanggap tayo ng sakramento at laging aalalahanin ang ginawa Niya para sa atin. Makapagpapakita tayo ng pagmamahal sa iba, tulad ng ginawa Niya. Maaari nating tulungan ang iba na malaman ang tungkol sa Kanyang ebanghelyo! ●

Pahinang Kukulayan

coloring page of the First Vision

Mga paglalarawan ni Apryl Stott