Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Muling Pagtatayo ng Simbahan ni Jesucristo
Noong Abril 6, 1830, nagkaroon ng espesyal na pulong sa isang bahay na yari sa troso. Muling itinatag ni Joseph Smith ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa.
Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang nagbasbas at nagpasa ng sakramento. Pagkatapos ng miting, ilang tao ang nabinyagan.
Makalipas ang ilang buwan, tinawag ng Diyos si Emma Smith para buuin ang isang aklat ng mga awitin para sa Simbahan. Sa pamamagitan nito ay magagawang kumanta ang mga tao ng mga awitin sa mga miting ng Simbahan.
Ako’y kabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Maaari akong kumanta ng mga awitin at tumanggap ng sakramento bawat linggo.