Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Sinabi ng Panginoon sa mga miyembro ng Simbahan na lumipat sa malayo. Ang ilan ay naglakbay sakay ng may takip na mga bagon. Ang ilan ay humila ng mga kariton.
Nagpunta sila sa isang bagong lugar para doon mamuhay. Nagtayo sila ng mga bahay at bayan. Nagtayo sila ng mga bagong templo.
Nagpunta ang mga missionary sa maraming bansa. Tinuruan nila ang iba tungkol kay Jesucristo. Mas maraming tao ang nabinyagan. Ang Simbahan ay lumago.
Ngayon, ang mga miyembro ng Simbahan ay nangakatira sa iba’t ibang panig ng mundo. May mga templo sa maraming bansa.
Saanman tayo nakatira, mahal tayo ni Jesus. Alam kong mahal Niya ako!