Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang mga Banal ay Nagtayo ng Bagong Tahanan
Matapos maipanumbalik ang Simbahan, mas dumami pa ang mga taong nakakaalam ng tungkol sa ebanghelyo. Gusto nilang mabinyagan. Sila ay tinawag na “mga Banal.”
Lumipat ang ilan sa kanila para manirahan malapit sa iba pang mga miyembro ng Simbahan. Tinulungan at pinalakas ng mga Banal ang isa’t isa.
Hindi gusto ng ibang tao ang Simbahan. Tinangka nilang saktan ang mga Banal. Sapilitan nilang pinaalis sila sa kanilang mga tahanan.
Nanalig ang mga Banal na tutulungan sila ng Diyos. Kahit mahirap, lumipat sila sa ibang lugar. Nagtulungan sila para magtayo ng isang bagong lungsod.
Kaya kong harapin ang mahihirap na bagay nang may pananampalataya. Matutulungan ko rin ang iba sa mga panahong nahihirapan sila.