Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Word of Wisdom
Nagdaos si Joseph Smith ng mga miting para maturuan ang mga tao tungkol sa ebanghelyo. Kung minsan naninigarilyo at ngumangata ng tabako ang kalalakihan.
Ikinabalisa ito ni Emma Smith. Malaking perwisyo ang idinulot ng usok at tabako, at hindi tama ito. Inisip nina Emma at Joseph kung ano kaya ang nadama ng Diyos tungkol dito.
Nanalangin si Joseph, at sumagot ang Panginoon. Binalaan ng Panginoon ang mga miyembro ng Simbahan tungkol sa paninigarilyo at pananabako. Sinabi Niya na hindi mabuti ang mga ito para sa ating katawan. Binalaan din Niya sila tungkol sa pag-inom ng tsaa, kape, o alak.
Sinabi ng Diyos na kumain ng mga prutas, gulay, at iba pang masusustansyang pagkain. Tinatawag natin ang mga turong ito na Word of Wisdom.
Maipapamuhay ko ang Word of Wisdom. Pagpapalain ako ng Ama sa Langit kapag inaalagaan ko ang aking katawan.