Pag-aaral ng Ingles
Lesson 7: Pamilya


“Lesson 7: Pamilya,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 7,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

pamilyang nag-uusap sa labas

Lesson 7

Family

Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga miyembro ng pamilya.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

Manampalataya kay Jesucristo

Jesus Christ can help me do all things when I exercise faith in Him.

Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos. Nasa Kanya ang lahat ng kapangyarihan. Sa mga banal na kasulatan, mababasa natin ang tungkol sa isang lalaki na ginamit ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo. Malubha ang sakit ng anak ng lalaki at walang makatulong sa kanya. Hiniling ng ama na pagalingin ni Jesus ang kanyang anak. Sabi ni Jesus sa kanya:

“Kung kaya mo[ng maniwala] ang lahat ng bagay ay maaaring mangyari. … Agad sumigaw ang ama ng bata na sinasabi, Nananampalataya ako; tulungan mo ang kawalan ko ng pananampalataya. … Ngunit hinawakan … ni Jesus [ang bata] sa kamay, at siya’y ibinangon at nagawa niyang tumayo” (Marcos 9:23–24, 27).

Tulad ng lalaking ito, maaari kang magsimula sa pag-asa at pananampalatayang taglay mo na. Pagkatapos ay maaaring lumago ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaari mo ring palaguin ang iyong pananampalataya habang nagsisikap kang matuto ng Ingles. Maaari kang magsimula sa nalalaman mo na ngayon. Magtuon sa magagawa mo sa Ingles, at gamitin iyon hangga’t kaya mo. Subukang makinig, magbasa, magsalita, at sumulat sa Ingles araw-araw. Kapag kumilos ka nang may pananampalataya para ibigay ang lahat ng kaya mo, matutulungan ka Niyang palaguin ang iyong pananampalataya.

ipinintang larawan ni Jesucristo

Ponder

  • Paano ka maaaring manampalataya kay Jesucristo?

  • Paano mo mapapalago ang iyong pananampalataya habang natututo ka ng Ingles?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group.

Tell me about …

Magkuwento ka sa akin tungkol sa …

yourself

iyong sarili

Nouns

cousin/cousins*

pinsan/mga pinsan

eyes

mga mata

glasses

salamin sa mata

hair

buhok

mustache

bigote

*Tingnan ang apendise para sa iba pang family nouns.

Adjectives

blue

asul

brown

brown/kayumanggi

green

berde

hazel

hazel

blonde

blonde

black

itim

gray

grey

red

pula

white

puti

long

mahaba

short**

maikli

tall

matangkad

short*

pandak

married

may-asawa

single

walang asawa

**Sa Ingles, ang salitang short ay maaaring tumukoy sa taas o haba.

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

A: Tell me about your (noun).B: They have (adjective) (noun).

Requests

pattern 1 hiling magkuwento ka sa akin tungkol sa iyong pangngalan

Answers

pattern 1 sagot mayroon silang pang-uring pangngalan

Examples

matandang lalaking nakangiti

A: Tell me about your brother.B: He has a mustache.

pamilyang nagpapakuha ng larawan sa parke

A: Tell me about your sisters.B: They have black hair.

A: Tell me about your aunt.B: She has blue eyes.

icon e
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang pansinin ang mga pattern na ito sa iyong araw-araw na praktis. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Q: Is your (noun) (adjective)?A: Yes, he is (adjective).

Questions

pattern 2 tanong Ang pangngalan mo ba ay pang-uri

Answers

pattern 2 sagot oo, siya ay pang-uri

Examples

mga magulang at tatlong anak na nakangiti

Q: Is your sister married?A: Yes, she is married.

Q: Are you married?A: No, I am single.

Q: Are your sisters tall?A: No, they are short.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

(20–30 minutes)

ipinintang larawan ni Jesucristo

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Pumili ng isang tao mula sa isa sa mga grupo sa ibaba. Huwag sabihin sa partner mo kung sino ang pinili mo. Magsabi ng tatlong pangungusap tungkol sa tao. Huhulaan ng partner mo kung sino iyon. Magsalitan.

New Vocabulary

bald

kalbo

beard

balbasin

curly

kulot

straight

tuwid

old

matanda

young

bata pa

Example: Maria

Maria
  • A: She has blue eyes. She has gray hair. She has glasses.

  • B: Is it Maria?

  • A: Yes!

Image Group 1

Agnes

babaeng pula ang buhok at berde ang blusa

Maria

babaeng puti ang buhok at berde ang blusa

Harriet

babaeng brown ang buhok at dilaw ang blusa

Victoria

babaeng itim ang buhok at purple ang blusa

Image Group 2

Mikhail

lalaking kalbo na kulay gray o abo ang polo

Banoy

lalaking itim ang buhok at kulay gray o abo ang polo

David

lalaking brown ang buhok, pula ang kurbata, at nakasalamin

Carlos

lalaking kalbo na kulay gray o abo ang polo at nakasalamin

Image Group 3

Gabriela

babaeng itim ang buhok at dilaw ang blusa

Abeni

babaeng itim ang buhok at pink ang blusa

Mei

babaeng itim ang buhok at asul ang blusa

Clara

babaeng blonde ang buhok at dilaw ang blusa

Image Group 4

Kumar

lalaking itim ang buhok at purple ang polo

James

babaeng blonde ang buhok at asul ang blusa

Dev

lalaking itim ang buhok, purple ang polo, at balbasin

Paolo

lalaking may puting buhok at nakasuot ng amerikana na may berdeng kurbata at nakasalamin

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Pumili ng tatlong miyembro ng pamilya. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat tao. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

  • A: Tell me about your cousin.

  • B: My cousin has curly hair. She has blue eyes.

  • A: Is your cousin tall?

  • B: Yes, she is tall.

  • A: Is your cousin married?

  • B: No, she is single.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Describe myself and my family.

    Ilarawan ang aking sarili at ang aking pamilya.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Ask about someone’s family.

    Magtanong tungkol sa pamilya ng isang tao.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Describe someone’s family.

    Ilarawan ang pamilya ng isang tao.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Ang Panginoon ay hindi humihingi ng perpektong pananampalataya para magamit natin ang Kanyang perpektong kapangyarihan. Ngunit hinihingi Niya na maniwala tayo. … Lahat ng bagay ay posible sa kanila na nananampalataya” (Russell M. Nelson, “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021, 101).