Pag-aaral ng Ingles
Lesson 9: Damit at mga Kulay


“Lesson 9: Damit at mga Kulay,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 9,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

mga dalagitang naglalakad

Lesson 9

Clothing and Colors

Layunin: Matututo akong ilarawan kung ano ang suot ng isang tao.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Counsel with the Lord

Sumangguni sa Panginoon

I improve my learning by counseling with God daily about my efforts.

Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.

Ang pagkatuto ay isang prosesong nangyayari sa paglipas ng panahon. Nais ng Diyos na tulungan kang matuto at lumago. Nais Niyang tulungan kang matuto kung paano gumawa ng maliliit na hakbang para maisakatuparan ang mga dakila o malalaking bagay. May kuwento sa Aklat ni Mormon tungkol sa isang malakas na lalaking may pananampalataya na nagngangalang Alma. Siya ay isang propeta ng Diyos at pinuno ng kanyang bansa. Itinuro ni Alma:

“Sa maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay. … Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, at gagabayan ka niya sa kabutihan” (Alma 37:6, 37).

Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay. Ang maliliit na pagkilos ay maaaring magkaroon ng malalaking resulta sa paglipas ng panahon. Tayo ay nananalangin sa Ama sa Langit sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa pagdarasal at pag-aaral ng banal na kasulatan, maaari kang sumangguni o humingi ng payo sa Panginoon. Matutulungan ka Niyang pumili ng maliliit at mga karaniwang paraan para maging mas mahusay. Kailangan mo bang paghusayin ang iyong pag-unawa sa pakikinig? Kapag sumangguni ka sa Diyos sa panalangin, maaari kang magdesisyong gumugol ng 10 minuto sa isang araw sa pagpapraktis ng Ingles na kasama ang isang kaibigan. Nahihirapan ka bang tandaan ang mga bagong salita? Kapag sumangguni ka sa Diyos, maaari kang magpasiyang rebyuhin ang mga salita habang sakay ka ng bus. Ang iyong patuloy na pagsisikap ay maghahatid ng “mga dakilang bagay” habang natututo ka ng Ingles.

binatilyo at dalagitang nagdarasal sa kama

Ponder

  • May kasabihan ba sa kultura mo na katulad ng “maliliit at mga karaniwang bagay”?

  • Paano ka maaaring sumangguni o humingi ng payo sa Diyos tungkol sa iyong mga pagsisikap?

  • Ano ang maliliit na bagay na magagawa mo para matuto ng Ingles?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.

I’m

ako ay

he’s

siya ay (lalaki)

she’s

siya ay (babae)

they’re

sila ay

wearing

nakasuot

looking for

hinahanap

this/these

ito/ang mga ito

that/those

iyan/ang mga iyan

clothing

damit

color/colors

kulay/mga kulay

Nouns

coat/coats

amerikana/mga amerikana

dress/dresses

bestida/mga bestida

pants

pantalon

shirt/shirts

polo/mga polo

shoe/shoes

sapatos/mga sapatos

skirt/skirts

palda/mga palda

sweater/sweaters

sweater/mga sweater

Adjectives

orange

orange

purple

purple

yellow

dilaw

Tingnan ang lesson 7 para sa iba pang colors.

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: What are you wearing?A: I’m wearing a (adjective) (noun).

Questions

pattern 1 tanong ano ang suot mo

Answers

pattern 1 sagot Nakasuot ako ng pang-uri pangngalan

Examples

pulang polo

Q: What is he wearing?A: He’s wearing a red shirt.

Q: What is she wearing?A: She’s wearing an orange skirt.

Q: What are they looking for?A: They’re looking for black shoes.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong.

Q: Do you like this (adjective) (noun)?A: Yes, I like that (adjective) (noun).

Questions

pattern 2 mga tanong gusto mo ba itong pang-uring pangngalan

Answers

pattern 2 sagot oo, gusto ko iyang pang-uring pangngalan

Examples

isang pares ng pulang sapatos

Q: Do you like this green sweater?A: No, I don’t like that green sweater.

Q: Do you like these red shoes?A: Yes, I like those shoes.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Counsel with the Lord

(20–30 minutes)

binatilyo at dalagitang nagdarasal sa kama

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

New Vocabulary

belt/belts

sinturon/mga sinturon

sock/socks

medyas/mga medyas

suit/suits

amerikana/mga amerikana

tie/ties

kurbata/mga kurbata

Part 1

Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa iyong damit. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example
  • A: What are you wearing?

  • B: I’m wearing blue pants, a white shirt, yellow socks, and red shoes.

Part 2

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa damit ng bawat tao. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example: Eliana
babaeng may hawak na tropeo na nakasuot ng gray o kulay abo na blusa at itim na pantalon
  • A: What is Eliana wearing?

  • B: She’s wearing a gray shirt and black pants.

Image 1: Nadia

babaeng nagsasayaw sa bahay

Image 2: Obasi

lalaking nakangiti na nakasuot ng amerikana

Image 3: Mateo

batang lalaking naka-asul na shorts at dilaw na kamiseta na naglalaro ng football (soccer)

Image 4: Hina

dalagitang nakasuot ng itim na kamiseta, itim na shorts, itim na medyas, at dilaw na sapatos na naglalaro ng football (soccer)

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Pagsasadula. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang tindahan ng mga damit. Si partner B ay namimili ng mga damit at sapatos. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga bagay na nasa bawat larawan. Magpalitan ng ginagampanang papel. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

isang pares ng brown na sapatos at asul na sapatos
  • A: What are you looking for?

  • B: I’m looking for shoes.

  • A: Do you like these brown shoes?

  • B: No, I don’t like those brown shoes.

Image 1

isang pares ng berdeng sapatos at pulang sapatos

Image 2

mga damit na pambabae na nakasabit sa tindahan

Image 3

mga damit na panlalaki na nakasabit sa tindahan

Image 4

iba’t ibang medyas na de-kolor

Image 5

iba’t ibang kurbatang de-kolor

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Talk about clothing and colors.

    Magsalita tungkol sa damit at mga kulay.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Say what I and others are wearing.

    Sabihin kung ano ang suot ko at ng iba.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Maaari tayong manalangin sa ating Ama sa Langit at tumanggap ng patnubay at direksyon, mabalaan sa panganib at ligalig, at mabigyan ng kakayahan na gumawa ng mga bagay na hindi natin kakayanin nang mag-isa. …

“Manalangin … at [pagkatapos ay] makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin” (Russel M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 94–95).