“Lesson 19: Pera,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 19,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 19
Money
Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa pagbili ng mga bagay-bagay.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ
Manampalataya kay Jesucristo
Jesus Christ can help me do all things as I exercise faith in Him.
Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.
Isang araw, nagturo si Jesucristo sa libu-libong tao sa disyerto. Nag-alala si Jesus at ang Kanyang mga disipulo dahil hindi nagdala ng anumang makakain ang mga tao. Isang batang lalaki sa grupo ang nag-alok ng limang buong tinapay at dalawang isda na paghahatian. Maraming tao ang nagtaka kung paano mapapakain ng limang buong tinapay at dalawang isda lamang ang lahat ng tao. Ngunit pinasalamatan ni Jesus ang Diyos para sa pagkain, binasbasan iyon, hinati-hati sa mga basket, at sinabihan ang kanyang mga disipulo na ipamigay iyon. Sabi sa Biblia:
“Kumain silang lahat at nabusog. … at [may] lumabis … at napuno ang labindalawang kaing” (Mateo 14:20).
Nakakain ang lahat, at may natira pang pagkain. Isang himala iyon. Gayundin, maaaring pakiramdam mo ay wala kang sapat na oras para mag-aral ng Ingles. Sundin ang halimbawa ni Jesus sa kuwentong ito. Pasalamatan ang Diyos sa anumang oras at lakas na taglay mo at hilingin sa Kanya na basbasan iyon. Kung ibibigay mo ang makakaya mo nang may pananampalataya, maaaring dagdagan ng Diyos ang iyong kakayahan. Kahit kakaunti lamang ang oras mo, marahil ay maaari kang mag-aral ng ilang pattern o sumubok ng ilang bagong salita bawat araw. Maaaring gawin ng Diyos na mas maganda ang resulta ng iyong mga pagsisikap. Ang pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at pagsunod sa Kanyang halimbawa ay makakatulong sa iyo na gumawa ng higit pa sa inakala mong posible.
Ponder
-
Paano ka matutulungan ng Diyos na matuto ng Ingles?
-
Mag-isip ng isang pagkakataon na tinulungan ka ng Diyos na gumawa ng higit kaysa inakala mong posible. Ano ang iyong ginawa? Ano ang Kanyang ginawa?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.
buy |
bumili |
cost/costs |
halaga/mga halaga |
want |
gusto |
How much does this cost? |
Magkano ito? |
Nouns
coat/coats |
amerikana/mga amerikana |
dress/dresses |
bestida/mga bestida |
pants |
pantalon |
shirt/shirts |
polo/mga polo |
shoe/shoes |
sapatos/mga sapatos |
tie/ties |
kurbata/mga kurbata |
car/cars |
kotse/mga kotse |
phone/phones |
cell phone/mga cell phone |
Price
$50/fifty dollars |
$50/limampung dolyar |
Adjectives
cheap |
mura |
expensive |
mahal |
good |
mabuti, ayos, maganda |
bad |
masama |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: How much does this (noun) cost?A: It costs (price).
Examples
Q: How much does this phone cost?A: It costs five hundred dollars.
Q: How much do these pants cost?A: They cost twenty dollars.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang matutuhan ang iba pa tungkol sa mga pattern sa lesson na ito. Isiping gumamit ng mga grammar book o website.
Q: Do you want to buy this (noun)?A: Yes, this (noun) is (adjective).
Examples
Q: Do you want to buy that car?A: Yes, that car is cheap.
Q: Does she want to buy these shoes?A: No, those shoes are expensive.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Pumili ng presyo para sa bawat item. Huwag sabihin sa partner mo kung anong presyo ang pinili mo. Magtanong at sumagot sa mga tanong kung magkano ang bawat item. Magsalitan.
New Vocabulary
apple/apples |
mansanas/mga mansanas |
motorcycle/motorcycles |
motorsiklo/mga motorsiklo |
table/tables |
mesa/mga mesa |
Example
-
A: How much do your apples cost?
-
B: They cost three dollars. Do you want to buy these apples?
-
A: Yes, those apples are cheap.
-
B: How much do your apples cost?
-
A: My apples cost five dollars. Do you want to buy these apples?
-
B: No, those apples are expensive.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magdula-dulaan. Si partner A ay namimili ng damit at may 50 dolyar na gagastusin. Si partner B ay nagtatrabaho sa isang tindahan ng mga damit. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga bagay na nasa bawat larawan. Nagdesisyon si partner A kung ano ang bibilhin at hindi maaaring gumastos ng higit pa sa 50 dolyar. Magpalitan ng ginagampanang papel.
New Vocabulary
pretty |
maganda |
ugly |
pangit |
Why not? |
Bakit hindi? |
Yes, I want to buy it. |
Oo, gusto kong bilhin ito. |
No, I don’t want to buy it. |
Hindi, ayaw kong bilhin ito. |
Example
-
A: How much does this shirt cost?
-
B: It costs 15 dollars. Do you want to buy it?
-
A: No, I don’t want to buy it.
-
B: Why not?
-
A: That shirt is expensive and ugly.