Mga Hanbuk at Calling
Liham ng Unang Panguluhan, 2 Abril 2018: Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society


Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Frequently Asked Questions

Frequently Asked Questions

Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Liham ng Unang Panguluhan, 2 Abril 2018: Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society: Karagdagang Madalas na Itinatanong

Ipinakita ng buhay at paglilingkod ni Jesus ang dalawang dakilang utos: “Ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo” at “Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37, 39). Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas na tunay na naglalayon na maging mga disipulo Niya, kailangan natin sundin ang Kanyang utos na mahalin at paglingkuran ang ating Ama sa Langit at Kanyang mga anak. “Kung mahal ninyo ako kayo ay maglilingkod sa akin,” wika ng Tagapagligtas (D at T 42:29). Itinuro ni Haring Benjamin, “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17). Ibinuod ni Alma ang ating tungkulin sa pagsabing, “Pinangalagaan nila ang kanilang mga tao, at pinagyaman sila sa mga bagay na may kinalaman sa kabutihan” (Mosias 23:18).

Upang matulungan ang bawat isa sa atin na makasunod sa banal na kautusan na pangalagaan at paglingkuran ang iba, ang Unang Panguluhan ay nag-anunsyo ng mga sumusunod na pagbabago, na idinisenyo upang maituon ang mga paggawa ng mga korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society sa paglilingkod na tulad ng ginawa ng Tagapagligtas. Ang mga pagbabagong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Sa ward, isang korum ng Melchizedek Priesthood.

  • Sa stake, isang korum ng high priest.

  • Papalitan ng ministering ang home teaching at visiting teaching.

  • Pagsama sa mga youth sa ministering.

Bilang suporta sa mga pagbabagong ito, ang mga ward at stake ay hindi na magsasagawa ng mga priesthood executive committee meeting. Kung magkakaroon ng espesyal na isyu sa ward, tulad ng isang sensitibong bagay na may kinalaman sa pamilya o hamon sa welfare, maaari itong pag-usapan sa isang pinalawak na bishopric meeting. Ang ibang bagay na di-masyadong sensitibo ay maaaring pag-usapan sa ward council. Ang noon ay tinatawag na “mga stake priesthood executive committee meeting” ay tatawagin na ngayon na “mga high council meeting” (tingnan ang mga tanong 8 at 19 sa ibaba).

Sa Ward, Isang Korum ng Melchizedek Priesthood

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na “ang paghahayag ay maaaring hindi dumating nang minsanan. Maaaring paunti-unti ito.”1 Ang mga nalalahad na pangyayari hinggil sa mga korum ng priesthood at lumalawak na pag-unawa sa mga susi ng priesthood ay naglalaan ng huwaran ng paunti-unting paghahayag. Sa buong kasaysayan ng Simbahan, madalas inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban nang taludtod sa taludtod, paunti-unting pinagpapala ang Kanyang mga anak ng dagdag na kaalaman kung paano nila ipapamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa kasalukuyang mga pangyayari (tingnan sa D at T 46:15–16).

Sa loob ng nakaraang ilang taon, pinag-isipan ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ang mga pagbabagong inilarawan sa ibaba. Tanging sa maraming panalangin, masusing pag-aaral ng mga banal na kasulatan na saligan ng mga korum ng priesthood, pagkakaisa ng mga namumunong mga lider, at pagtanggap ng patunay na ito ang kalooban ng Panginoon, ay sumulong ang mga lider nang may pagkakaisa sa isa pang hakbang patungo sa pagbubunyag ng Panunumbalik.

1. Ano ang mga pagbabago sa mga ward high priest group at mga elders quorum?

Sa mga ward, ang mga miyembro ng elders quorum at high priest group ay pagsasamahin sa isang korum na may isang presidency. Ang korum na ito, na madaragdagan sa bilang at pagkakaisa, ay itatalagang “elders quorum,” at hindi na ipagpapatuloy ang mga ward high priest group.

Ang elders korum ay kabibilangan ng lahat ng mga elder at prospective elder sa ward at mga high priest na hindi kasalukuyang naglilingkod sa bishopric, stake presidency, high council, o gumaganap na patriarch.

2. Paano ioorganisa ang presidency ng elders quorum?

Ang stake president, sa tulong ng kanyang mga tagapayo, ay ire-release ang mga kasalukuyang liderato ng mga high priest group at mga presidency ng elders quorum. Pagkatapos, tatawag ang stake president ng bagong elders quorum president sa bawat ward, at ang stake president, isang naka-assign na tagapayo sa stake presidency, o isang naka-assign na high councilor ay tatawagin ang mga counselor na inirekomenda para sa elders quorum presidency. Maaaring kabilang sa bagong presidency ng elders quorum ang mga elder at high priest, na may iba’t ibang edad at karanasan, na maglilingkod nang sama-sama sa isang quorum presidency. Puwedeng isang elder o high priest ang maglingkod bilang quorum president o counselor sa presidency.2

3. Sino ang gagabay sa gawain ng elders quorum president?

Ang elders quorum president ay may direktang pananagutan sa stake president, na nagbibigay ng training at tagubilin sa pamamagitan ng stake presidency at high council. Ang bishop, bilang namumunong high priest sa ward, ay regular na nakikipagkita rin sa elders quorum president. Pinapayuhan siya ng bishop at binibigyan ng tamang direksyon kung paano siya higit na makapaglilingkod at makatutulong sa mga miyembro ng ward, habang nakikipagtulungan sa lahat ng mga organisasyon sa ward. (Tingnan sa Handbook 2, 7.3.1.)

4. Ang pagbabago bang ito ay babaguhin ang tungkulin sa priesthood na hawak ng mga miyembro ng korum?

Hindi. Ang mga elder ay mananatiling elder at ang mga high priest ay mananatiling high priest ayon sa kanilang tungkulin sa priesthood. Gayunman, ang mga elder ay patuloy na maoordenahan na high priest kapag sila ay tinawag sa stake presidency, high council, o bishopric—o sa mga pagkakataon na itatakda ng stake president sa pamamagitan ng mapanalanging pag-iisip at inspirasyon.

5. Maaari bang magkaroon ng higit sa isang elders quorum ang isang ward?

Oo. Ayon sa Doktrina at mga Tipan 107:89, kapag ang isang ward ay may hindi pangkaraniwang dami ng mga aktibong mayhawak ng Melchizedek Priesthood, ang mga lider ay maaaring mag-organisa ng higit pa sa isang elders quorum. Sa gayong mga pagkakataon, ang bawat korum ay dapat magkaroon ng tamang balanse sa mga edad, karanasan, at tungkulin sa priesthood at lakas.

6. Sa anong korum nakabilang ang mga miyembro ng temple, mission, at missionary training center presidency?

Ang mga kapatid na ito ay mga miyembro ng kanilang ward elders quorum.

Sa Stake, Isang High Priests Quorum

7. Ano ang mga pagbabago sa isang stake high priests quorum?

Ang stake presidency ay patuloy na maglilingkod bilang presidency ng stake high priests quorum. Ang mga miyembro ng korum na iyon ay kabibilangan lamang ng mga high priest na naglilingkod sa stake presidency, mga bishopric, high council, at mga gumaganap na patriarch. Ang mga ward at stake clerk at mga executive secretary ay hindi miyembro ng high priests quorum.

Ang mga miyembro ng stake high priests quorum ay karaniwang makikilahok sa elders quorum kung hindi naka-assign sa ibang lugar.

8. Ano ang tungkulin ng mga stake high priests quorum?

Sa kanilang tungkuling mamuno, ang stake presidency ay nakikipagmiting sa mga miyembro ng mga stake high priests quorum upang magbigay ng training at tulungan ang mga miyembro ng korum sa kanilang mga tungkulin. Ang kasalukuyang ginagawang mga miting ng stake na ipinaliwanag sa Handbook 2 section 18.3 ay magpapatuloy nang may mga sumusunod na pagbabago:

  • Ang mga stake priesthood executive committee meeting ay tatawaging “mga high council meeting.”

  • Ang taunang miting ng lahat ng inordenahang mga high priest sa stake ay hindi na gaganapin. Gayunman, ang stake presidency ay magdaraos ng taunang miting ng stake high priests quorum.

9. Ano ang mga layunin ng mga pagbabagong ito sa mga korum ng Melchizedek Priesthood?

Ang pagkakaroon ng isang korum ng Melchizedek Priesthood sa ward ay pinagkakaisa ang mga mayhawak ng priesthood na maisakatuparan ang lahat ng aspeto ng gawain ng kaligtasan, kabilang ang temple at family history work na dating pinamamahalaan ng mga high priest group leader. Tinutulutan nito ang mga miyembro ng korum na may iba’t ibang edad at pinagmulan na makinabang mula sa pananaw at karanasan ng mga miyembro na nasa iba’t ibang yugto ng buhay. Ito ay nagbibigay din ng karagdagang mga oportunidad para sa mga mayhawak ng priesthood na may higit na karanasan na turuan ang iba, kabilang na ang mga prospective elder, bagong miyembro, young adult at mga nagbabalik sa pagkaaktibo sa Simbahan.

Ang mga pagbabagong ito ay tutulong sa mga elders quorum at mga Relief Society na magkaroon ng koordinasyon ang kanilang mga gawain. Papasimplehin din nito ang koordinasyon ng korum sa bishopric at sa ward council. At tutulutan nito ang bishop na magbigay ng mas maraming responsibilidad sa mga elders quorum at Relief Society president upang mapagtuunan niya at ng kanyang mga tagapayo ang kanilang pangunahing mga tungkulin—lalo na sa pamumuno sa Aaronic Priesthood at young women.

10. Sa isang stake, ang mga high priest ba na naglilingkod sa isang branch presidency ay miyembro ng high priests quorum?

Hindi. Ang mga high priest na naglilingkod sa mga branch presidency sa isang stake ay hindi mga miyembro ng high priest quorum. Ang mga miyembro ng high priests quorum ay iyon lamang mga tao na ang mga tungkulin ay nasa stake presidency, sa bishopric, sa high council, at bilang functioning patriarch kung saan kailangan silang maging high priest.

11. Ang mga elder ba na naglilingkod sa isang bishopric (halimbawa, sa young single adult stake) ay mga miyembro ng high priest quorum?

Hindi. Ang mga elder na naglilingkod sa bishopric ay hindi mga miyembro ng high priests quorum.

12. Paano naaangkop ang ministering sa mga miyembro ng high priest quorum?

Sa ilalim ng pamamahala ng kanilang bishop, ang namumunong high priest sa ward, ang mga miyembro ng high priest quorum at kanilang mga pamilya ay may mga ministering brother at sister na itinalaga sa kanila ng kanilang elders quorum at Relief Society.

Dahil ang mga stake presidency at bishopric ang responsable sa lahat ng miyembro ng stake o ward, ang mga kapatid na ito ay hindi karaniwang itinatalaga bilang mga ministering brother sa partikular na mga indibiduwal o pamilya. Ang mga high councilor at functioning patriarch ay maaaring italaga, batay sa mga sitwasyon sa lugar, ayon sa pasiya ng stake president. Kung sila ay itatalaga, ito ay gagawin ng kanilang elders quorum president sa ilalim ng pamamahala ng bishop ng kanilang ward.

Bukod sa iba pang mahahalagang responsibilidad tulad ng namumunong high priest at karaniwang hukom sa Israel, ang mga bishop ay may partikular na responsibilidad, kasama ng kanilang mga counselor, na pangalagaan ang mga kabataan. Mababasa sa Doktrina at mga Tipan 107:15, “Ang obispado ang panguluhan ng pagkasaserdoteng ito [Aaronic], at humahawak sa mga susi o kapangyarihan ng nabanggit.” Nakasaad sa Handbook 1, 2.2, “Ang mga miyembro ng bishopric ang nagbabantay at nangangalaga sa mga kabataang lalaki at kabataang babae sa ward.”

Gayundin, ang stake president, bilang namumunong high priest ng stake, ay “ang pangunahing espirituwal na lider sa stake” (Handbook 1, 1.1.1) at “namumuno sa gawain ng kaligtasan” (Handbook 1, 1.1.2).

Papalitan ng Ministering ang Home Teaching at Visiting Teaching

Sa loob ng maraming taon, ang mga home teacher at mga visiting teacher ay tumugon sa pagbisita sa bahay ng bawat miyembro kada buwan, sa paghatid ng mensahe, at sa pagtulong kung kinakailangan. Hindi mabibilang na mga oras ng tapat at walang pag-iimbot na paglilingkod ang ibinigay sa dakilang gawain na ito.

Mula sa katapatang iyon, ang mga lider ng Simbahan ngayon ay humihiling sa mga miyembro na dagdagan ang pagtuon sa pangangalaga sa iba tulad ng ginawa ni Cristo, kapwa sa espirituwal at temporal na pamamaraan (tingnan sa Handbook 2, 3.2.3.). Upang bigyang-diin ang pangangalagang iyon, ang dating mga programa ng home teaching at visiting teaching ay pag-iisahin na at tatawaging “ministering,” na pamamahalaan ng mga elders quorum at mga Relief Society presidency sa ilalim ng pamumuno ng bishop.

13. Ano ang “ministering”?

Ipinakita ng Tagapagligtas ang halimbawa ng ibig sabihin ng pagmiminister nang Siya ay naglingkod dahil sa pagmamahal Niya sa Kanyang Ama at sa bawat tao (tingnan sa Juan 15:9–10). Minahal, tinuruan, ipinagdasal, inalo, at pinagpala Niya ang mga taong nakapaligid sa Kanya, at inanyayahan ang lahat na sumunod sa Kanya (tingnan sa Marcos 8:34). Habang nagmiminister ang mga miyembro ng Simbahan, mapanalanging hahangarin nila na maglingkod na tulad ng gagawin Niya kung nandito Siya—upang “aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw,” “pangalagaan ang simbahan tuwina, at makapiling at palakasin sila,” “bumisita sa bahay ng bawat kasapi,” at tulungan ang bawat isa na maging tunay na disipulo ni Jesucristo (Mosias 18:9; D at T 20:51, 53; tingnan din sa Juan 13:35).

Sa pagmiminister ng mga miyembro, inaalam nila sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at inspirasyon ang dalas at uri ng pagkontak nila sa mga pinangangalagaan nila. Makikipag-usap sila at nagrereport ng resulta ng kanilang ministering sa kanilang mga lider minsan o mas higit pa kada tatlong buwan tungkol sa kanilang paglilingkod at tungkol sa pangangailangan at kakayahan ng mga taong kanilang pinangangalagaan. Nirereport ng mga lider ang mga nangyari o interbyu sa ministering na ito kada tatlong buwan; hindi na nila nirereport ang bilang ng pagbisita o pagkontak na ginawa sa mga indibidwal at pamilya. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng priesthood link sa bawat miyembro, ang mga ministering brother at sister ay bumubuo ng network ng komunikasyon na magagamit ng mga lider sa panahon ng panganib o emergency.

14. Ano ang tawag sa mga nagmiminister?

Ang mga mayhawak ng priesthood ay tatawaging “mga ministering brother,” at ang mga Relief Society sister ay tatawaging “mga ministering sister.” Kadalasan, sila ay tatawagin sa kanilang mga pangalan lamang: “si Brother Jones” at “si Sister Smith.” Hindi sila tatawaging mga “ministro.”

15. Ano ang mga pagkakapareho at mga pagkakaiba ng ministering mula sa home teaching at visiting teaching?

Ang ministering ay katulad ng home teaching at visiting teaching sa paraan na ang bawat sambahayan ay may mga kapatid na lalaki sa priesthood—mga ministering brother—na maglilingkod at mangangalaga sa pamilya o mga taong naninirahan doon (tingnan sa D at T 20:47, 59). Bawat nasa hustong gulang na babae ay magkakaroon ng mga miyembro ng Relief Society—mga ministering sister—na maglilingkod at mangangalaga sa kanya, na lalong pinagtitibay ang pagbibigay-diin sa paglilingkod na ibinahagi ng Relief Society General Presidency noong Enero 2018 (tingnan sa “Kontakin Siya Anumang Oras, Saanmang Lugar, sa Anumang Paraan,” Ensign o Liahona, Ene. 2018, 7).

Dagdag pa rito, ang ilang ginagawa sa home teaching at visiting teaching ay binago upang tulungan ang mga miyembro na magminister nang may higit na pagtuon sa pagtugon sa mga pangangailangan. Ang mga pagkontak ay hindi na kinakailangan na laging pormal na pagbisita. Maaari itong mangyari sa tahanan, sa simbahan, o sa kahit anong lokasyon na ligtas, komportable, at madaling puntahan. Tulad ng itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland: “[Ang] pinakamahalaga ay kung paano ninyo pinagpala at pinangalagaan ang mga taong nasa inyong pangangalaga, na walang anumang kinalaman sa isang partikular na iskedyul o lugar. Ang mahalaga ay mahal ninyo ang mga taong nakatoka sa inyo at sinusunod ang utos na ‘pangalagaan ang simbahan tuwina.’”3

Sa madaling salita, ang ministering ay pinapatnubayan ng Espiritu, ito ay naiaangkop sa mga pangyayari, at ito ay ayon sa pangangailangan ng bawat miyembro.

16. Paano pinapatnubayan ng Espiritu ang ministering?

Habang nagmiminister ang mga miyembro, humihingi sila ng inspirasyon kung paano pinakamainam na tumulong sa iba at tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang isang bang nakaiskedyul na pagbisita at regular na pagtawag sa isang nakatatandang sister na nakatira mag-isa sa bahay ay magbibigay ng koneksyon na kanyang kailangan? Ang isang paanyaya ba sa isang hindi gaanong aktibong young adult na makilahok sa isang proyektong pangkomunidad ang pinakamainam na pagkontak? Ang pagsuporta ba sa isang soccer game ng isang kabataan ay makakatulong sa kanya at kanyang mga magulang? Ang pagpapadala ba ng isang inspirational scripture verse sa text message sa isang miyembro ay makatutulong para mapagaan ang kanyang mga pasanin? Ang isang maikling sulat o kard o email ba ay magpapakita ng pagmamalasakit? Ano ang nais ipagawa ng Tagapagligtas sa Kanyang mga tagapaglingkod? Ang paghahanap ng mga inspiradong sagot sa mga tanong na tulad nito at ang paggamit ng lahat ng paraang magagamit para makontak ang mga miyembrong naka-assign sa kanila ang sentro ng inspiradong ministering. Upang magbigay ng paglilingkod na tulad ng ginawa ni Cristo, ang mga ministering brother at sister ay hindi maaaring umasa sa mga naka-iskedyul na pagbisita o mga mensahe na gawa na; kailangan nilang humingi ng inspirasyon at makipag-usap sa mga miyembro ng pamilya na naka-assign sa kanila upang mas mainam silang mapangalagaan—gamit ang kanilang oras at iba pang mga bagay.

17. Paano naiaangkop sa mga pangyayari ang ministering?

Ang mga ministering brother at sister ay may pagkakataon na gawin ang bagay na sa tingin nila ay pinakamainam. Ang mga taong pangangalagaan nila ay maaaring hindi nangangailangan ng pantay-pantay na atensyon. Sa pakikipagtulungan sa bishopric at sa ward council, ipinaaalam ng mga elders quorum at mga Relief Society presidency sa mga ministering brother at sister ang mga priyoridad upang malaman nila kung sino ang higit na nangangailangan sa kanila. Ang pinakamataas na priyoridad ay karaniwang ibinibigay sa mga bagong miyembro, di gaanong aktibong miyembro na maaaring tanggapin ang pagminister, at iba pa tulad ng mga single parent, biyuda at biyudo. Maaaring mag-assign ang mga lider ng isang lider ng youth sa isang pamilya kung saan ang isang binata o dalaga ay dumaranas ng mga pagsubok, at agad silang mag-assign ng mga ministering brother at sister sa mga bagong binyag. Maaari silang mag-assign ng sinumang miyembro ng elders quorum—mga high priest at elder—sa pagminister na ito.

Kung naaangkop, ang mag-asawa ay maaaring i-assign sa isang pamilya o indibidwal. Bukod pa rito, ang mga Laurel at Mia Maid ay maaaring makapagbigay ng mahahalagang kontribusyon sa paglilingkod bilang kompanyon sa mga Relief Society sister, tulad ng ginagawa ng mga priest at teacher sa pamamagitan ng paglilingkod kasama ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood (tingnan ang tanong sa 22, sa ibaba).

18. Paano naaayon ang ministering sa mga pangangailangan ng bawat miyembro?

Ang mga ministering brother at sister ay sinisikap na gawin ang pinakamabuting bagay na tutugon sa mga indibidwal na pangangailangan. Bawat uri ng komunikasyon ay maaaring gamitin para makasunod sa pahiwatig ng Espiritu at matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pinaglilingkuran. Ang pagtugon sa mga pangangailangang iyon ay nagsisimula sa pag-iisip nang may panalangin at sa pagkakaroon ng masusing pakikipag-usap sa mga pamilya at indibiduwal na naka-assign sa kanila. Sa pag-uusap na iyon at sa mga susunod na pagkontak, nakikinig sila sa mga taong pinaglilingkuran nila upang maunawaan kung paano pinakamainam na maglilingkod sa kanila, ang dalas at uri ng pagkontak na nais nila, at ang kinakailangang mensahe at nilalaman nito na ibabahagi nila. Tinitiyak ng mga nagmiminister na angkop ang lahat ng komunikasyon sa sinumang miyembro ng pamilyang naka-assign sa kanila.

Sinisikap ng mga ministering brother at sister na tulungan ang mga indibidwal at pamilya na maghanda para sa kanilang susunod na ordenansa, tuparin ang mga tipan na ginawa nila, at maging self-reliant. Ang tulong na ito ay maaaring kabilangan ng pagbabahagi ng mga espirituwal na mensahe na tutugon sa pangangailangan ng isang tao o pamilya, bagama‘t ang ministering ay hindi lamang pagbabahagi ng mensahe. Ang Liahona at Ensign ay hindi na magkakaroon ng partikular na mga mensahe na gagamitin sa ministering.

19. Paano pinag-iisa ng mga lider ng Melchizedek Priesthood at Relief Society ang kanilang gawain?

Ang pinahusay na kakayahang magminister sa iba ay isa sa mga layon at natural na epekto ng pagdagdag ng lakas ng binagong mga korum ng priesthood at bunga ng pakikiisa sa Relief Society. Ang ministering ay nagiging isang magkasamang paggawa upang magampanan ang mga tungkulin sa priesthood na “dumalaw sa bahay ng bawat kasapi” at na “pangalagaan ang simbahan tuwina, at makapiling at palakasin sila,” at ang mga layunin ng Relief Society na “palakasin ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo; patatagin ang mga indibidwal, pamilya, at tahanan sa pamamagitan ng mga ordenansa at mga tipan; at tumulong nang nagkakaisa upang tulungan ang mga nangangailangan” (D at T 20:47, 53; Handbook 2, 9.1.1).

Sa pakikipagtulungan at sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang elders quorum at ang Relief Society presidency ay makatatanggap ng pagkakataon na maging inspirado, organisado, at magkasama sa pagsisikap na magbantay at mangalaga sa bawat indibidwal at pamilya. Ang koordinasyon ay kinabibilangan ng magkasamang paggawa sa mga sumusunod na paraan:

  • Ang mga elders quorum presidency ay magrerekomenda ng mga assignment sa ministering para sa mga indibidwal at pamilya ng ward. Ang mga Relief Society presidency ay magrerekomenda ng mga assignment sa ministering para sa mga Relief Society sister. Kung may mga espesyal na pangangailangan, maaaring mag-usap muna ang mga elders quorum at mga Relief Society presidency bago gawin ang mga assignment.

  • Ang mga elders quorum at mga Relief Society presidency ay magrerekomenda ng assignment sa ministering sa bishop para sa kanyang pagsang-ayon.

  • Kung kinakailangan, maaaring pag-usapan ng mga ministering brother at sister ang mga espesyal na kalagayan ng mga tao at, kung kinakailangan, makipag-ugnayan sa kanilang korum o sa mga lider ng Relief Society para sa karagdagang tulong at iba pang mga bagay.

  • Nagmimiting ang mga elders quorum at mga Relief Society presidency kada tatlong buwan upang pag-usapan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya na nalaman sa pamamagitan ng interbyu sa ministering.

  • Pagkapatapos ng miting na iyon, makikipagkita ang mga elders quorum at mga Relief Society president sa bishop upang pag-usapan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal at mga pamilya.

  • Kung kinakailangan, sasangguni ang mga lider ng elders quorum at ng Relief Society sa ward council tungkol sa mga kakayahan at mga pangangailangan na natukoy sa mga interbyu sa ministering at gumawa at magpatupad ng plano na paglingkuran at pagpalain ang mga miyembro ng ward.

Upang gawing mas simple ang koordinasyon, magtutuon ang mga ward sa mga ward council meeting at hindi na gagawin ang mga priesthood executive committee meeting. Ang mga bagay na pinag-uusapan dati sa mga priesthood executive committee meeting ay tatalakayin, kung kinakailangan, sa pinalawak na bishopric meeting, ward council, o miting kada tatlong buwan ng mga bishop, elders quorum president, at Relief Society president.

20. Paano matatanggap ng mga miyembro ang kanilang assignment sa ministering?

Ang mga lider ay makikipagkita sa mga ministering brother at sister—hangga’t maaari sa bawat magkompanyon—upang ibigay sa kanila ang kanilang mga assignment at upang makapag-usap sila tungkol sa mga kakayanan, pangangailangan, at hamon ng mga miyembrong pinaglilingkuran nila. Ang pag-uusap na ito ay maaaring maganap sa isang interbyu sa ministering (tingnan ang tanong 24, sa ibaba) o tuwing kinakailangan.

21. Ano ang papel ng mga pagbisita sa tahanan?

Dahil sa dami ng bilang, distansya, kaligtasan, at iba pang mga bagay, ang pagbisita sa bawat tahanan bawat buwan ay maaaring hindi posible o praktikal; gayunman, ang mga personal na pagbisita ay mahalaga kapag ang mga ito ay magagawa. Upang makapaglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas, iniisip ng mga ministering brother at sister ang bawat posibleng paraan ng pangangalaga at pagkontak sa mga miyembrong naka-assign sa kanila.

22. Ang ministering ba ay laging may kalakip na pagbabahagi ng mensahe?

Hindi. Habang nakikilala ng mga ministering brother at sister ang mga naka-assign sa kanila, nalalaman din nila ang mga pangangailangan ng mga ito at ang Espiritu Santo ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa kanila na magbahagi ng isang alituntunin ng ebanghelyo. Ang isang magulang ay maaaring humiling ng isang partikular na paksa para sa kanyang pamilya. Ngunit ang pinakamainam na “mensahe” ay ang pangangalaga at pagdamay.

23. Paano nire-report ng mga ministering brother at sister ang kanilang mga nagawa?

Ang mga lider ay hindi na nagtitipon ng mga report ng mga pamilya at indibidwal na nabisita sa loob ng isang buwan. Sa halip, ang mga ministering brother at sister ay may mga pagkakataon na sumangguni sa kanilang mga lider sa elders quorum at Relief Society tungkol sa kalagayan ng kanilang mga pinaglilingkuran at tungkol sa kanilang patuloy na pagmiminister. Ang pagsangguning ito ay magaganap minsan o higit pa kada tatlong buwan sa mga interbyu sa ministering at iba pang oras kung ang komunikasyon ay kinakailangan.

24. Ano ang interbyu sa ministering?

Ang interbyu sa ministering ay ginaganap (1) upang magsanggunian tungkol sa mga kakayahan, pangangailangan, at hamon ng mga naka-assign na mga pamilya at indibidwal, (2) upang malaman ang mga tulong na maaaring ibigay ng korum, Relief Society, o ng ward council, at (3) upang matuto mula sa mga lider at mahikayat na magminister.

Minsan o higit pa sa loob ng tatlong buwan, ang mga ministering brother at sister ay nakikipagkita sa isang lider ng elders quorum o Relief Society para sa isang interbyu sa ministering, na mas mabuti kung personal at kasama ang kompanyon. Ang mag-asawa na nagmiminister nang magkasama ay maaaring makipagkita sa mga lider ng elders quorum o Relief Society o sa dalawang ito. Sa pagitan ng mga interbyu, ang mga ministering brother at sister ay nagbabahagi ng ibang impormasyon kung kinakailangan—sa paraang personal o sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, text, email, o iba pa. Sila ay nagbabahagi ng kumpidensyal na impormasyon sa elders quorum o Relief Society president—o direkta sa bishop.

25. Paano nag-iingat ang mga lider ng rekord ng mga interbyu sa ministering?

Ang mga elders quorum at mga Relief Society presidency ay nag-iingat ng rekord ng mga interbyu na ginawa nila kasama ang mga ministering brother at sister. Isinasaad ng mga lider ang buwan kung kailan ginanap ang interbyu at kung sino ang mga kasama rito. Nirereport nila na isang companionship ang na-interbyu nila kahit isa lang sa magkompanyon ang nainterbyu nila sa loob ng tatlong buwan.

Sa Agosto 1, 2018, ang mga update sa LDS Tools app at sa Leader and Clerk Resources sa LDS.org ay magagamit para sa mga pagreport na iyon. Ang mga pagbabago rin sa Quarterly Report ay makukuha sa kalagitnaan ng 2018. Marami pang detalye para sa mga lider at clerk ang ibibigay sa isang parating na abiso mula sa headquarters ng Simbahan.

26. Ano ang papel na ginagampanan ng mga ministering coordinator at supervisor?

Ang mga tungkulin ng ministering coordinator at ministering supervisor ay itinigil na. Ang mga tinawag sa mga posisyong ito ay dapat ma-release.

27. Sino ang nagsasagawa ng mga ministering interview?

Bawat miyembro ng elders quorum at mga Relief Society presidency ay nagsasagawa ng mga ministering interview. Kahit sa isang malaking ward, makikita ng mga lider na makakayang gawin ang mga interbyu kapag nagdaraos ng ilan nito bawat linggo ang bawat miyembro ng presidency. Ang mga ministering interview ay hindi kailangang maging mahaba para maging epektibo.

28. Kailan sa quarter gaganapin ng mga lider ang mga ministering interview?

Ang mga ministering interview ay maaari at dapat ganapin sa buong quarter—at hindi dapat ilaan para sa huling linggo o huling buwan ng quarter. Sa pagdaraos ng mga lider ng regular na interbyu, makikita nila na kaya nilang isakatuparan ang mga espirituwal at temporal na layunin ng ministering.

Pagsama sa mga Youth sa Ministering

29. Paano maaaring makibahagi ang mga youth sa assigment sa ministering?

Maaaring italaga ng mga lider ang mga Laurel at Miamaid na kompanyon sa mga Relief Society sister, tulad ng mga priest at teacher na ngayon ay nakatalaga bilang kompanyon sa mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Maaaring magbahagi ang mga youth ng kanilang natatanging mga kaloob at paunlarin ang kanilang espirituwalidad habang naglilingkod sila kasama ang mga matatanda sa gawain ng kaligtasan at habang sumasangguni sila tungkol sa paglilingkod na iyon sa mga interbyu sa ministering. Bukod pa rito, ang pagsama ng mga youth sa assignment sa ministering ay makadaragdag sa mga bilang ng mga miyembrong makikibahagi sa ministering at dahil diyan ay mas maraming miyembro ang mapangangalagaan. Maaari ring gawing simple at palakasin ang gawaing ito sa mga pamilya habang ang mga ina at anak na babae—at ang mga ama at mga anak na lalaki—ay magkasamang naglilingkod.

30. Dapat bang kapatid ng isang youth ang italaga na ministering brother o sister sa kanya?

Hindi. Ang mga nagmiminister sa kanilang pamilya ang siya ring magmiminister sa kanila at sila ay pangangalagaan din ng kanilang mga lider sa Aaronic Priesthood at Young Women.

31. Maaari bang italaga ang mga kabataang lalaki at mga kabataang babae na mag-minister kasama ng mga adult o nasa hustong gulang na kompanyon?

Oo. Ang mga gabay sa bagong dokumentong “Pagpigil at Pagtugon sa Pang-aabuso” ay nagtutulot na maging kompanyon ng mga adult o nasa hustong gulang ang mga kabataan. Ang “Ministering” ay hindi itinuturing na “aktibidad” o “klase,” gaya ng binabanggit sa mga patnubay na iyon.

Dapat gamitin ng mga lider ang inspiradong pagpapasiya kapag itinatalaga ang mga kabataan bilang mga ministering companion. Dapat iwasan ng mga adult na kompanyon ang mga sitwasyon na maaaring hindi maunawaan. Dapat silang maging maingat tungkol sa one-on-one na mga situwasyon para magkaroon ang kabataan ng ligtas at makabuluhang karanasan sa ministering. Bukod pa rito, dapat maging matalino na hindi italaga ang mga kabataan sa mahihirap na sitwasyon sa tahanan o pamilya.

32. Dapat ba lahat ng Mia Maid at Laurel ay may mga ministering assignment?

Ang mga Mia Maid at Laurel ay maaaring anyayahang mag-minister. Papayuhan ng mga magulang at lider ang bawat kabataang babae, at kapag maaari at handa siyang maglingkod ayon sa kanyang kalagayan, siya ay maaaring bigyan ng ministering assignment. Ang mga kabataang babae ay nagsisilbing kompanyon ng kababaihan ng Relief Society.

33. Sino ang nakikipag-ugnayan tungkol sa mga ministering assignment sa mga kabataan?

Sa pahintulot ng bishop, ipinapaabot ng isang miyembro ng Relief Society presidency ang mga ministering assignment sa mga Mia Maid at Laurel. At, sa pahintulot ng bishop, ipinapaabot ng isang miyembro ng elders quorum presidency ang ministering assignment sa mga teacher at priest.

Mga Korum at Relief Society

34. Ang pagtutuon ba sa elders quorum at Relief Society ay nagpapalakas sa papel na ginagampanan ng bishop at ng ward council?

Oo. Ang bishop ang namumunong high priest at “nagbibigay patnubay at payo sa iba pang mga lider sa ward” (Handbook 1, 2.1.1). Nirerepaso at inaaprubahan niya ang mga asaynment sa ministering. Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang ward council ay patuloy sa mahalagang papel nito na “tulungan ang mga tao na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng nakapagliligtas na mga ordenansa, tuparin ang mga tipan, at maging inilaang mga alagad ni Jesucristo” (Handbook 2, 4.4). Ang napatatag na elders quorum at Relief Society—na kinakatawan ng kanilang mga pangulo, na mga miyembro ng ward council—ay daragdagan ang pagiging epektibo ng council na iyon.

35. Dapat bang bisitahin o interbyuhin ng mga elders quorum presidency ang mga miyembro ng korum nang minsan sa isang taon (tingnan sa Handbook 2, 7.3.2)—bilang karagdagan sa pagdaraos ng quarterly ministering interview?

Oo. Bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang mga responsibilidad, dapat interbyuhin ng mga elders quorum presidency ang mga miyembro ng korum kaugnay ng lahat ng mga tungkulin sa priesthood—kabilang na ang kapakanan ng mayhawak ng priesthood, ang kanyang asawa, at ang kanyang pamilya—kahit minsan sa isang taon. Ang mga interbyu ay maaaring gawin sa buong taon. Ang talakayang ito ay hindi dapat isama sa ministering interview kung saan naroon din ang kompanyon.

36. Sino ang makatutulong sa mga elders quorum at Relief Society presidency na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan?

Ang mga elders quorum at Relief Society presidency ay maaaring isaayos ang mga miyembro upang tumulong sa pagsasakatuparan ng gawain kung kinakailangan. Halimbawa, maaari silang tumawag ng mga miyembro para mamuno at tumulong sa mga gawaing tulad ng paglilingkod, templo at family history, pagbabahagi ng ebanghelyo, at welfare.

37. Maaari bang magkaroon ng mahigit sa isang elders quorum o Relief Society ang isang ward?

Oo. Ayon sa diwa ng Doktrina at mga Tipan 107:89, kapag ang isang ward ay may hindi pangkaraniwang dami ng mga aktibong mayhawak ng Melchizedek Priesthood, ang mga lider ay maaaring mag-organisa ng higit pa sa isang elders quorum. Sa gayong mga pagkakataon, ang bawat korum ay dapat magkaroon ng tamang balanse sa mga edad, karanasan, at tungkulin sa priesthood at lakas. Ang katulad na mga alituntunin ay angkop sa Relief Society.

38. Maaari bang tumawag ang mga elders quorum at Relief Society president ng karagdagang mga tagapayo para tumulong sa ministering?

Hindi. Ang pangulo ay may dalawang tagapayo. Kung makikita ng mga lider na kailangan ang karagdagang tulong, maaari silang sumangguni sa kanilang bishop tungkol sa pagtawag ng isa o mahigit pang ministering secretary. Ang mga ministering secretary na ito ay maaaring italaga, halimbawa, para mag-iskedyul ng mga ministering interview at tumulong sa paghahanda ng quarterly report ng mga interbyu.