Tungkol sa mga Magasin ng Simbahan
Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Bagong Magasin para sa mga Kabataan
Para sa Lakas ng mga Kabataan


Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Bagong Magasin para sa mga Kabataan,” Ene. 2021.

Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Bagong Magasin para sa mga Kabataan

Pagkakaroon ng Kagalakan kay Cristo

Larawan
dalagitang gumagamit ng mobile phone

Isang Pandaigdigang Magasin ng mga Kabataan na Para Lamang Sa Iyo!

Ang Para sa Lakas ng mga Kabataan ay isang magasin na para sa mga kabataan. Ang bawat isyu ay naglalaman ng mga mensaheng magpapalakas ng espirituwalidad mula sa mga Apostol at sa iba pang mga lider ng Simbahan, mga patotoo at karanasan mula sa mga kabataan sa buong mundo, masasayang aktibidad, at marami pang iba. Sa bawat pahina ay makakahanap ka ng inspirasyon at lakas na makatutulong sa iyo na magkaroon ng kagalakan bilang disipulo ni Jesucristo.

Suporta para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Maraming artikulo at aktibidad sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ang sumusuporta sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan na bahagi ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin bawat buwan. Makatutulong ito na mapagbuti ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at ang pag-aaral ng inyong pamilya ng mga banal na kasulatan, at maiuugnay ka sa mga kabataan sa buong mundo habang pinag-aaralan nila ang kaparehong banal na kasulatan. Saan ka man nakatira, bibigyang-inspirasyon at tutulungan ka ng mga artikulong ito habang sinisikap mong ipamuhay ang natututuhan mo mula sa mga banal na kasulatan araw-araw!

Ipadala sa Amin ang Iyong Kuwento

Nais ng Para sa Lakas ng mga Kabataan na makarinig mula sa iyo! Maaari kang makatulong na pagpalain ang mga kabataang tulad mo sa buong mundo. Ang pagbabahagi mo ng iyong mga karanasan sa pamumuhay ng ebanghelyo ay makahihikayat sa mga kabataan sa lahat ng dako.

Mangyaring ipadala sa amin ang alinman sa mga sumusunod:

  • Isang pagkakataon na matapat mong ipinamuhay ang ebanghelyo, kahit mahirap itong gawin

  • Isang hamon na nalampasan mo sa tulong ng iyong pananampalataya sa Diyos

  • ano ang pakiramdam ng maging miyembro ng Simbahan ni Jesucristo sa inyong lugar

  • isang karanasan kung saan ipinakita sa iyo ng isang tao ang tunay na pagmamahal na tulad ng kay Cristo

  • ang iyong patotoo

  • anumang iba pang kuwento na nagpapakita kung paano napagpala ng ebanghelyo ang iyong buhay

Ipadala ang iyong mga kuwento sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org.

Mas Maraming Artikulo sa Digital Format

Alam mo ba na ang Para sa Lakas ng mga Kabataan ay naglalathala ng mas maraming content o nilalaman kaysa sa makikita mo sa nakalimbag na magasin? Ang mga digital extra na ito ay matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org o sa Gospel Library app.

Para sa mas masaya at nakasisiglang content o nilalaman, subukan ang Gospel Living app! Ito ay may feed na puno ng mga quiz, video, tip sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, wallpaper, at iba pa.

Tingnan ang “Mga Digital na Opsiyon” para sa karagdagang impormasyon tungkol sa digital content para sa mga kabataan.

Print