Tungkol sa mga Magasin ng Simbahan
Ang Kaibigan: Isang Pandaigdigang Magasin para sa mga Bata
Tungkol sa Kaibigan


“Ang Kaibigan: Isang Pandaigdigang Magasin para sa mga Bata,” Ene. 2021.

Ang Kaibigan: Isang Pandaigdigang Magasin para sa mga Bata

Magkakasamang Sumusunod kay Jesus

Larawan
batang babaeng hawak ang magasin na Kaibigan

Isang Pandaigdigang Magasin

Inaanyayahan ng magasin na Kaibigan ang mga bata sa buong mundo na magkakasamang sumunod kay Jesus. Ang bawat isyu ay naglalaman ng mga kuwento mula sa mga banal na kasulatan, mga mensahe para sa mga bata mula sa mga propeta at iba pang mga lider ng Simbahan, mga laro at mga pahinang kukulayan, at mga kuwento ng mga bata sa buong mundo na kumikilos ayon sa kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas. Ang Kaibigan ay naglalaman ng mga content na nakakaakit at nagpapatibay ng pananampalataya na isinalin sa 48 wika.

Para sa mga Bata sa Lahat ng Edad

Ang bawat isyu ng Kaibigan ay mayroong mga bahagi na para sa mas nakatatandang mga bata at para sa mas maliliit na bata. Naglalaman din ito ng mga ideya kung paano gagawing mas masaya para sa mga bata sa lahat ng edad ang mga lesson sa home evening at sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Matutulungan ng Kaibigan ang mga bata at pamilya na pagbutihin pa ang mga kasanayan sa pagbabasa at pagsusulat, palawakin ang kaalaman sa ebanghelyo, at mas mapalapit kay Jesucristo, na kanilang Tagapagligtas at kaibigan.

Para sa mga Magulang at mga Guro

Magagamit ng mga magulang at guro ang magasin para makatulong sa pagtuturo ng mga banal na kasulatan kasama ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ang mga kuwento sa magasin ay magagamit bilang mabisang kasangkapan sa pagtuturo at upang simulan ang pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa sarili nilang mga karanasan.

Mga Video at Iba Pa

Ang Kaibigan ay naglalathala ng mga video tungkol sa mga banal na kasulatan at mga sing-along video para sa mga bata, gayundin ng mga kuwentong available lamang sa digital format tungkol sa mga sensitibong paksa. Makukuha ang mga video at iba pa sa ChurchofJesusChrist.org o sa Gospel Library app.

Nais Naming Makarinig Mula Sa Iyo!

Nais ng Kaibigan na makarinig mula sa mga bata sa buong mundo! Mangyaring ipadala sa amin ang alinman sa mga sumusunod:

  • isang pagkakataon na pinili mo ang tama, kahit na mahirap ito

  • isang larawan o drowing ng iyong sarili na nasa templo

  • isang pagkakataon na tinulungan mo ang isang tao

  • isang halimbawa kung paano ginagamit ng inyong pamilya ang Kaibigan (magsama ng retrato!)

  • isang drowing o iba pang gawang-sining na ipinapakita ang isang kuwento sa banal na kasulatan, si Jesus, mga templo, atbp.

Ipadala ang iyong kuwento o sining sa friend@ChurchofJesusChrist.org.

Print