“13. Sunday School,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“13. Sunday School,” Pangkalahatang Hanbuk.
13.
Sunday School
13.1
Layunin
Ang Sunday School ay tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Ang mga lider, guro, at mga klase sa Sunday School ay:
-
Nagpapalakas ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtuturo ng “doktrina ng kaharian” (Doktrina at mga Tipan 88:77).
-
Itinataguyod ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan at sinusuportahan ng Simbahan.
-
Tinutulungan ang mga miyembro na magturo sa paraan ng Tagapagligtas.
13.2
Pamunuan ng Sunday School sa Ward
13.2.1
Bishopric
Ang bishopric ang namamahala sa Sunday School. Karaniwan ay aatasan ng bishop ang isa sa kanyang mga counselor na gampanan ang responsibilidad na ito sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Ang inatasang counselor na ito ay regular na nakikipagpulong sa Sunday School president. Sila ay nagsasanggunian tungkol sa mga pangangailangan ng Sunday School, kung paano nito naisasakatuparan ang layunin nito, at ang mga responsibilidad na nakasaad sa 13.2.2.2.
13.2.2
Sunday School President
13.2.2.1
Pagtawag ng Sunday School President
Ang bishop ang tumatawag at nagse-set apart ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood para maging ward Sunday School president. Tinatalakay nila kung dapat bang tumawag ng mga counselor. Kung kailangan ang mga counselor, at kung may sapat na kalalakihang makapaglilingkod sa mga posisyong ito, ang Sunday School president ay maaaring magrekomenda ng isa o dalawang mga counselor. Kung inaprubahan ng bishopric, isang miyembro ng bishopric ang magpapaabot sa kanila ng tawag na maglingkod.
Ipakikilala ng isang miyembro ng bishopric ang mga miyembro ng Sunday School presidency sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon ng mga miyembro ng ward. Isang miyembro ng bishopric din ang magse-set apart sa kanila.
Sa isang malaking ward, ang bishopric ay maaaring tumawag at mag-set apart ng isang lalaki para maging Sunday School secretary. Ang Sunday School president ay maaaring magrekomenda kung sino ang tatawagin. Matutulungan ng secretary ang presidency na masubaybayan ang mga takdang-gawain o attendance, kung nais.
13.2.2.2
Mga Responsibilidad
Ang Sunday School president ay may sumusunod na mga responsibilidad. Kung siya ay may mga counselor, tinutulungan nila siya.
-
Maglingkod sa ward council. Naglilingkod siya bilang (1) miyembro ng council na tumutulong na matugunan ang mga pangangailangan sa ward at makahanap ng mga solusyon at (2) isang kinatawan ng Sunday School (tingnan sa 29.2.5).
-
Pamahalaan ang mga pagsisikap na paghusayin pa ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan at sa simbahan.
-
I-organisa ang mga klase sa Sunday School, nang may pag-apruba ng bishopric (tingnan sa 13.3). Magrekomenda sa bishopric ng mga adult na miyembro na maglilingkod bilang mga Sunday School teacher.
-
Suportahan, hikayatin, at turuan ang mga Sunday School teacher. Tulungan silang maging mas epektibong mga guro ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa mga banal na kasulatan at sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Hikayatin silang pag-aralan ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.
-
Pamunuan ang mga teacher council meeting ayon sa paggabay ng bishop (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 40–41).
-
Hikayatin ang mga guro na tulungan ang mga miyembrong hindi dumadalo sa klase.
-
Makipagtulungan sa mga guro sa pag-iingat ng mga attendance record. I-report ang attendance kada quarter sa ward clerk o sa LCR o Member Tools. Ang isang secretary, kung may tinawag, ay maaaring makatulong sa responsibilidad na ito.
13.2.3
Mga Sunday School Teacher
Ang Sunday School president ay maaaring magrekomenda ng mga miyembro na maglilingkod bilang mga Sunday School teacher. Kung aaprubahan ng bishopric, sila ay tatawaging maglingkod, ipapakilala sa sacrament meeting para sa pagsang-ayon ng mga miyembro ng ward, at ise-set apart ng isang miyembro ng bishopric.
Kinikilala ng mga Sunday School teacher ang mga miyembro ng klase, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa klase. Sinusuportahan ng mga guro ang mga miyembro sa kanilang mga pagsisikap na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Para makapaghandang magturo, ginagamit ng mga Sunday School teacher ang mga banal na kasulatan, at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Sinusunod nila ang mga alituntunin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas at sa kabanata 17 ng hanbuk na ito.
Ang mga Sunday School teacher ay dumadalo sa mga teacher council meeting na idinaraos bawat quarter (tingnan sa 17.4).
13.3
Mga Klase sa Sunday School
Ang mga klase sa Sunday School ay idinaraos sa una at ikatlong Linggo ng buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang mga klase ay nagsisimula at nagtatapos sa panalangin.
Nang may pag-apruba ng bishopric, ang Sunday School president ay nag-oorganisa ng mga klase para sa mga adult at kabataan. Kung siya ay may mga counselor, tinutulungan nila siya.
Ang bilang ng mga klase ay nakadepende sa (1) dami ng miyembro sa ward at sa (2) dami at laki ng mga silid na magagamit. Ang mas maliliit na klase ay karaniwang nakatutulong na maging mas madali para sa mas maraming tao na aktibong makibahagi at matuto. Matutulungan ng ward council ang Sunday School president sa pagpapasiya kung ilang klase sa Sunday School ang ioorganisa.
Ang mga kabataang lalaki at babae ay karaniwang nagsisimulang dumalo sa youth Sunday School class sa simula ng taon na magiging 12 taong gulang sila. Sila ay nagsisimulang dumalo sa adult class kapag sila ay naging 18 taong gulang.
Ang Sunday School president ay nag-oorganisa ng maraming klase para sa mga kabataan kung kailangan. Ang mga kabataan ay dapat na italaga sa mga klase ayon sa kanilang edad. Kung kakaunti lamang ang mga kabataan sa isang age-group, maaari silang isama sa klase na may katulad na age-group. Nananatili sila sa klaseng iyon hanggang sa Enero ng susunod na taon.
Dapat ay mayroong hindi bababa sa dalawang responsableng adult ang bawat klase ng mga kabataan. Ang mga adult na ito ay maaaring dalawang lalaki, dalawang babae, o mag-asawa. Upang matugunan ang kinakailangang ito, ang mga klase ay maaaring kailanganing pagsamahin.
Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Inuulit nila ang training kada tatlong taon mula noon.
13.3.1
Maliliit na Branch
Sa isang maliit na branch, maaaring tanging ang Sunday School president lamang ang lider at guro sa Sunday School. Siya ang nagtuturo sa isang klase sa Sunday School para sa lahat ng kabataan at adult sa branch.
13.3.2
Mga Klase sa Sunday School para sa Partikular na mga Grupo
Kung kailangan, ang Sunday School president ay maaaring mag-organisa ng mga klase para sa partikular na mga grupo. Ang kurikulum para sa mga klaseng ito ay ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
Kabilang sa mga grupong maaaring makinabang sa kanilang sariling klase sa Sunday School ang:
-
Mga young single adult.
-
Mga miyembrong hindi nagsasalita ng pangunahing wika ng ward.
-
Mga bagong miyembro, nagbabalik na mga miyembro, at mga taong nag-aaral tungkol sa Simbahan.
-
Iba pang mga grupo na tinukoy ng bishop.
13.4
Pagpapahusay ng Pag-aaral at Pagtuturo sa Ward
Responsibilidad ng mga lider ng ward ang pagpapahusay sa pag-aaral at pagtuturo sa kanilang mga organisasyon. Kabilang dito ang pagbibigay ng patnubay sa bagong tawag na mga guro (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 42). Kung kailangan, maaari silang humingi ng tulong sa ward Sunday School president.
Ang mga teacher council meeting ay idinaraos bawat quarter na kasabay ng 50-minutong mga klase sa araw ng Linggo (tingnan sa 17.4). Ang layunin ng mga ito ay tumulong na mapahusay ang pag-aaral at pagtuturo. Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ang pangunahing resource para sa mga miting na ito.
Ang ward council ang namamahala sa at nagtatakda ng iskedyul ng mga teacher council meeting. Isang miyembro ng Sunday School presidency ang kadalasang namumuno sa mga miting. Gayunman, maaaring hilingin ng bishopric sa isa pang miyembro na pamunuan ito.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “Para sa mga Lider—Pagtulong sa mga Guro na Magtagumpay” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (mga pahina 40–41).
13.5
Pagpapahusay ng Pag-aaral at Pagtuturo sa Tahanan
Responsibilidad ng mga magulang na ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak.
Ang ward council ay maaaring mag-organisa ng mga teacher council meeting para sa mga magulang sa 50-minuto na oras ng klase sa araw ng Linggo. Ang mga miting na ito ay pinamumunuan ng isang miyembro ng Sunday School presidency o ng isang taong inatasan ng bishopric. Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ang pangunahing resource para sa mga miting na ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga teacher council meeting para sa mga magulang, tingnan ang 17.5.
13.6
Mga Stake Sunday School Leader
Inaatasan ng stake president ang isa sa kanyang mga counselor na pamahalaan ang Sunday School sa stake. Tinatawag at sine-set apart din niya ang isang high councilor na maging Stake Sunday School president.
Ang mga responsibilidad ng stake Sunday School president ay nakasaad sa 6.7.1 at 6.7.3. Kung tumawag ng mga counselor, tinutulungan nila siya.
13.7
Mga Karagdagang Tuntunin
13.7.1
Mga Miyembrong May Kapansanan
Ang mga Sunday School teacher ay nagbibigay ng espesyal na pangangalaga sa mga miyembro ng klase na may mga kapansanan. Para sa impormasyon tungkol sa pagtuturo sa mga miyembrong may kapansanan, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din ang 38.8.27 sa hanbuk na ito.
13.7.2
Resource Center
Ang ilang meetinghouse ay may resource center (library) para tulungan ang mga miyembro sa pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo. Pinamamahalaan ng ward Sunday School president ang resource center. Ang mga ward na gumagamit ng iisang meetinghouse ay naghahati rin sa iisang resource center. Ang mga klase sa seminary at institute at mga FamilySearch center ay nakikihati rin sa resource center ng mga ward.
Sa mga meetinghouse na may resource center, ang bishopric ay tumatawag ng isang resource center specialist. Ang Sunday School president ay maaaring magrekomenda kung sino ang tatawagin. O maaaring hilingin ng bishopric sa isang miyembro ng Sunday School presidency na maging resource center specialist. Ang taong ito ay:
-
Inaayos at inaalagaan ang mga resource o kagamitan.
-
Tumutulong sa mga lider, guro, at iba pang mga miyembro na makuha at magamit ang mga resource na ito.
Ang Sunday School president ay sumasangguni sa resource center specialist para malaman kung kailangan ng taunang budget para sa resource center. Pagkatapos ay nagbibigay siya ng rekomendasyon sa bishopric.
Ang resource center specialist ay dapat regular na dumalo sa sacrament meeting bawat linggo at sa iba pang mga miting sa araw ng Linggo. Kung kailangan, maaaring tumawag ang bishopric ng assistant ng specialist.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “Resource Centers”sa ChurchofJesusChrist.org.