Mga Hanbuk at Calling
14. Mga Single na Miyembro


“14. Mga Single na Miyembro,“ Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“14. Mga Single na Miyembro,” Pangkalahatang Hanbuk.

mga taong nag-uusap

14.

Mga Single na Miyembro

14.0

Pambungad

Inaanyayahan ng Tagapagligtas ang lahat na lumapit sa Kanya at mapabilang sa Kanyang Simbahan (tingnan sa 2 Nephi 26:24). Ang mga kalalakihan at kababaihan na hindi pa nakakapag-asawa o nagdiborsiyo o nabalo ay bumubuo ng malaking bahagi ng bilang ng mga miyembro ng Simbahan. Mahalaga para sa lahat na makahanap ng pag-asa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo (tingnan sa Eter 12:4). Ang sumusunod na mga walang-hanggang katotohanan ay makatutulong para magkaroon ng gayong pag-asa:

  • Pinagtitibay ng mga banal na kasulatan at ng mga propeta sa mga huling araw na lahat ng matatapat sa pagtupad sa mga tipan ng ebanghelyo ay may oportunidad para sa kadakilaan.

  • Ang mismong panahon at paraan kung paano ipagkakaloob ang mga pagpapala ng kadakilaan ay hindi pa lahat naihahayag. Gayunpaman, ang mga ito ay tiyak (tingnan sa Mosias 2:41).

  • Ang paghihintay sa Panginoon ay kinabibilangan ng patuloy na pagsunod at pag-unlad sa espirituwal patungo sa Kanya (tingnan sa Isaias 64:4).

  • Iniaalok ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa lahat ng Kanyang anak. Ang lahat ng karapat-dapat sa magiliw na kaloob na pagpapatawad ng Tagapagligtas at sumusunod sa Kanyang mga kautusan ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. (Tingnan sa Mosias 26:30; Moroni 6:8.)

  • Ang pagtitiwala sa mga pangakong ito ay nagmumula sa pananampalataya kay Jesucristo. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, ang lahat ng bagay hinggil sa mortalidad ay maitatama (tingnan sa Alma 7:11–13).

Kailangan ng Diyos ang lahat ng miyembro na tumulong sa Kanyang gawain ng kaligtasan sa kanilang mga ward at stake (tingnan sa 1 Corinto 12:12–27). Ayon sa patnubay ng Espiritu, ang mga single na miyembro ay tinatawag na maglingkod sa mga katungkulan sa pamumuno at pagtuturo. Maaaring kabilang sa mga posisyon sa pamumuno ang mga sumusunod:

  • Mga presidency ng mga organisasyon sa ward at stake

  • Mga elders quorum presidency

  • Mga counselor sa bishopric

  • Mga high councilor

  • Mga counselor sa stake presidency

Sa kabanatang ito:

  • Ang “mga single na miyembro” ay tumutukoy sa lahat ng adult na miyembro ng Simbahan na kasalukuyang hindi kasal.

  • Ang “mga young single adult” ay tumutukoy sa mga edad 18-35.

  • Ang “mga single adult” ay tumutukoy sa mga edad 36 pataas.

14.1

Mga Single na Miyembro sa mga Geographic Unit

Karamihan sa mga single na miyembro ay dumadalo sa isang geographic unit kung saan ang mga miyembro ay iba’t iba ang edad. Sila ay may mga pagkakataong maglingkod, magturo, mamuno, at makisalamuha sa mga tao sa maraming sitwasyon.

14.1.1

Pamunuan sa Stake

14.1.1.1

Stake Presidency

Ang stake presidency ay may mahalagang papel na ginagampanan sa patulong sa mga single na miyembro na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.

Maaaring atasan ng stake president ang isa sa kanyang mga counselor at isang high councilor na suportahan ang mga single adult. Maaari din niyang atasan ang isang counselor at isang high councilor na suportahan ang mga young single adult. Maaari din niyang hilingin sa stake Relief Society president na atasan ang isang miyembro ng presidency na suportahan ang mga single adult at young single adult. Ang mga lider ding iyon ay maaaring atasan sa dalawang grupong ito.

Binibigyan ng stake presidency ng partikular na pansin ang mga young single adult—tulad ng gingawa nila para sa lahat ng miyembro ng bagong henerasyon.

Nagpapasiya ang stake presidency kung ang mga aktibidad para sa mga young single adult ay dapat gawin sa ward level, sa stake level, o kombinasyon ng dalawa. Ang mga aktibidad para sa mga single adult ay ginagawa sa stake at multistake level. (Tingnan sa kabanata 20.)

Kapag may sapat na bilang ng mga single na miyembro sa isang lugar, maaaring irekomenda ng mga stake president na mag-organisa ng isang young single adult ward o isang single adult ward (tingnan sa 14.3).

Ang isang stake (o isang grupo ng magkakatabing stake) ay maaaring walang sapat na bilang ng mga single na miyembro para lumikha ng isang young single adult o single adult ward. Sa sitwasyong ito, maaaring i-awtorisa ng Area Presidency ang isang stake president na anyayahan ang lahat ng miyembrong ito na maging miyembro ng isang itinalagang geographic ward. Tinutulungan nito ang mga single adult o young single adult na magkakasamang maglingkod at sumamba. Ang Area Presidency ay sumasangguni sa miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu at Korum ng Labindalawa na nakatalaga sa kanila.

14.1.1.2

Stake Young Single Adult Committee at Stake Single Adult Committee

Ang mga single na miyembro ay naglilingkod sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa 1.2 at 14.2). Upang matulungan silang gawin ito, ang stake presidency ay lumilikha ng isang young single adult committee. Ang komiteng ito ay binubuo ng mga young single adult leader mula sa bawat ward.

Isang young single adult na lalaki at isang young single adult na babae ang tinatawag para mamuno sa komite. Naglilingkod sila sa stake council.

Kung walang sapat na mga young single adult para bumuo ng isang komite sa isang stake, ang isang grupo ng magkakalapit na mga stake ay maaaring lumikha ng isang komite kapag inaprubahan ng Area Presidency.

Ang stake presidency ay maaari ding lumikha ng isang single adult committee. Binubuo ito ng ilang single adult mula sa bawat ward. Isang single adult na lalaki at isang single adult na babae ang tinatawag para mamuno sa komite. Naglilingkod sila sa stake council.

Kung walang sapat na mga single adult para bumuo ng isang komite sa isang stake, ang isang grupo ng magkakalapit na mga stake ay maaaring lumikha ng isang komite kapag inaprubahan ng Area Presidency.

Hinahangad ng mga komite na suportahan ang mga miyembro sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan at mga pagkakataong makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 14.2). Sila ay nagpaplano ng mga pagkakataon para sa pag-aaral ng ebanghelyo at sa paglilingkod at mga aktibidad.

Nagpupulong ang mga komite kung kinakailangan. Ang inatasang miyembro ng stake presidency at stake Relief Society presidency at ang inatasang high councilor ay maaaring dumalo sa mga pulong na ito upang magbigay ng suporta.

Nakikipag-ugnayan ang mga young single adult committee sa mga campus institute program, kung saan mayroon.

Karaniwan na ang single adult committee at young single adult committee ay kumikilos nang hiwalay sa isa’t isa.

14.1.2

Pamunuan ng Ward

14.1.2.1

Bishopric

Napakahalaga ng papel ng bishopric sa pagtulong sa mga single na miyembro na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Nakikipagtulungan sila sa ward council para matukoy ang makabuluhang mga calling at takdang-gawain na ibibigay sa mga single na miyembro. Inaalam at sinisikap nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga single parent o solong magulang.

Karaniwang sinusuportahan ng bishopric ang mga single na miyembro habang sinusuportahan nila ang lahat ng miyembro ng elders quorum at Relief Society. Gayunman, dahil sa kanilang pangunahing responsibilidad sa bagong henerasyon, ginagawa rin ng bishopric ang sumusunod:

  • Kinakausap nang personal ng isang miyembro ng bishopric ang bawat young single adult kahit minsan sa isang taon.

  • Ang bishopric ay tumatanggap ng regular na mga update tungkol sa kapakanan ng mga young single adult. Tinatalakay ng elders quorum president at Relief Society president ang mga pangangailangan ng mga young single adult sa ward council meeting. Ang mga lider ng young single adult committee ay maaaring anyayahang dumalo.

  • Maaari ding mag-organisa ang bishopric ng isang ward young single adult committee (tingnan sa 14.1.2.4). (Ang mga single adult committee para sa mga edad 31 pataas ay inoorganisa sa stake level.)

14.1.2.2

Mga Miyembro ng Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency na Nakatalaga sa mga Young Single Adult

Maaaring atasan ng mga elders quorum president at Relief Society president ang isang miyembro ng kanilang presidency na suportahan ang mga young single adult. Inaalam ng mga miyembro na ito ng presidency ang mga kalakasan ng mga young single adult at tumutulong na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang elders quorum president at ang Relief Society president ay maaaring iulat ang mga pagsisikap na ito sa ward council meeting. Kung mayroong ward young single adult committee, ang mga lider ng komiteng ito ay inaanyayahang dumalo at magbigay ng ulat tungkol sa kanilang mga pagsisikap.

Sinusuportahan ng mga miyembro ng presidency na ito ang ward young single adult committee kung nag-organisa ng ganitong komite (tingnan sa 14.1.2.4).

14.1.2.3

Mga Young Single Adult Leader

Sa isang ward na may maraming young single adult, ang bishopric ay maaaring tumawag ng isang young single adult na lalaki at isang young single adult na babae bilang mga young single adult leader. Kabilang sa kanilang mga responsibilidad ang:

  • Tulungan ang mga young single adult na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 14.2).

  • Maglingkod sa stake young single adult committee.

  • Pamunuan ang ward young single adult committee kung lumikha ng ganitong komite.

  • Regular na makipagpulong sa elders quorum presidency at Relief Society presidency. Sa mga pagpupulong na ito, tinatalakay nila ang mga kakayahan ng mga young single adult at kung paano tutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Pinagtutuunan din nila ang pagmiminister sa mga young single adult.

  • Dumalo sa mga ward council meeting kapag inanyayahan.

14.1.2.4

Ward Young Single Adult Committee

Ang ilang ward ay may maraming young single adult. Sa mga ward na ito, maaaring madama ng bishop na ang mga young single adult leader ay maaaring tulungan ng isang ward young single adult committee. (Ang mga single adult committee ay inoorganisa sa stake level. Tingnan sa 14.1.1.2.)

Kabilang sa mga miyembro ng komite ang:

  • Mga ward young single adult leader.

  • Mga karagdagang young single adult na inanyayahan ng bishopric.

  • Ang mga miyembro ng mga elders quorum presidency at Relief Society presidency na inatasang suportahan ang mga young single adult.

14.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at makibahagi sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa pamamagitan ng:

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo.

  • Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan.

Ang mga single na miyembro ay nakikibahagi sa gawaing ito sa tahanan at sa simbahan. Nakikibahagi sila sa mga elders quorum at Relief Society. Naglilingkod sila sa mga calling at mga takdang-gawain, kabilang na ang ministering. Ang mga ward at stake ay maaaring magplano ng mga opsiyonal na aktibidad na para sa mga single na miyembro na nais makibahagi (tingnan sa 14.2.1.3).

14.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

14.2.1.1

Home Evening at Pag-aaral ng Ebanghelyo

Ang mga lider o miyembro na nagnanais na makibahagi ay maaaring mag-organisa ng isa o higit pang mga home evening group para sa mga single adult at iba pang mga grupo para sa mga young single adult. Ang mga nakikibahagi sa mga ito ay walang mga anak na kasama sa tahanan. Sa mga stake na may kaunting single na miyembro, ang mga home evening group ay maaaring kabilangan ng ilang ward.

Bukod pa rito, maaaring piliin ng mga single na miyembro na magtipun-tipon sa pamamagitan ng internet o nang personal para sa pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay maaaring gamiting sanggunian.

Lahat ng young single adult ay hinihikayat na mag-enroll sa institute (tingnan sa 15.2).

14.2.1.2

Mga Klase sa Sunday School

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, ang ward Sunday School president ay maaaring mag-organisa ng isang Sunday School class para sa mga young single adult (tingnan sa 13.3.2).

14.2.1.3

Mga Aktibidad

Sa ilalim ng pamamahala ng mga lider ng ward o stake, ang mga young single adult ay maaaring magplano ng at makibahagi sa mga aktibidad na para lamang sa kanila. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring gawin sa ward, stake, o multistake level. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:

  • Pagpunta sa templo.

  • Gawain sa family history.

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo.

  • Paglilingkod sa komunidad.

  • Musika at cultural event.

  • Sports.

Sa ilalim ng pamamahala ng mga lider ng stake, ang mga single adult ay maaaring magplano ng katulad na mga aktibidad sa stake level.

Ang mga Area Seventy ay maaaring makipagtulungan sa mga stake president sa paglikha ng mga komite na magpaplano ng mga multistake na aktibidad para sa mga single na miyembro.

Ang pondo para sa mga aktibidad ay nagmumula sa mga budget ng stake o ward. Kapag nagdaraos ng mga aktibidad sa multistake o area, tinitiyak ng itinalagang lider na makatarungan ang paghahati-hati ng pondo sa pagitan ng mga stake.

Ang pagpopondo para sa mga aktibidad ay dapat na naaayon sa mga patakaran sa 20.2.6. Bilang eksepsyon, maaaring bayaran ng mga miyembro ang ilang bahagi ng mga gastusin kapag nagdaraos ng isang multistake o area event. Tinitiyak ng mga lider na lahat ay maaaring makibahagi.

Para sa karagdagang mga tuntunin tungkol sa mga aktibidad, tingnan ang 20.2 at 20.3.

mga taong naglalaro ng football

14.2.2

Pangangalaga sa mga Nangangailangan

14.2.2.1

Gawaing-Paglilingkod

Tulad ng lahat ng disipulo ni Jesucristo, ang mga single na miyembro ay may regular na mga pagkakataong paglingkuran ang iba sa sarili nila at bilang mga grupo. Ang paglilingkod sa komunidad ay isa sa mga pangunahing paraan na mapalalakas ang espirituwalidad ng mga young single adult.

Ang mga gawaing-paglilingkod ay maaaring nakatuon sa:

  • Welfare at self-reliance.

  • Family history.

  • Pagtulong sa komunidad.

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo.

  • Pagpapalakas sa bago at nagbabalik na mga miyembro.

  • Mga humanitarian needs sa lokal na lugar o sa ibang lugar.

Sa mga lugar kung saan ito magagamit, ang JustServe.org ay nagmumungkahi ng mga pagkakataong maglingkod para sa mga indibiduwal at mga grupo.

14.2.2.2

Ministering

Ang bawat single na lalaki ay binibigyan ng mga ministering brother. Ang bawat single na babae ay binibigyan ng mga ministering sister at mga ministering brother. Ang mga ministering assignment ay ginagawa para sa bawat indibiduwal, hindi para sa mga grupo ng tao o sa mga taong nakatira sa iisang apartment complex. (Tingnan sa kabanata 21.)

14.2.3

Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo

Ang mga single na miyembro ay may pagkakataong anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro, at pagtulong sa mga di-gaanong aktibo. (Tingnan sa kabanata 23.)

Ang ilang young single adult ay madalas lumipat ng tirahan. Ang mga young single adult ay maaaring mag-organisa paminsan-minsan ng mga aktibidad upang hanapin at malugod na tanggapin ang iba pang mga young single adult sa stake. Ang mga aktibidad na ito ay maaari ding gawin kasama ng mga kalapit na stake.

Ang mga young single adult ay maaaring makatulong nang malaki sa pagsuporta at pagtuturo kasama ng mga full-time missionary.

14.2.4

Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan

Bilang mga indibiduwal at bilang mga grupo, ang mga single na miyembro ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan. Halimbawa, maaari silang:

  • Maghandang gumawa ng mga tipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa, kabilang na ang endowment sa templo (tingnan sa 27.2.2).

  • Maglingkod bilang mga temple ordinance worker o temple volunteer (tingnan sa 25.5).

  • Makibahagi sa mga ordenansa para sa mga patay.

  • Alamin ang tungkol sa kanilang mga kamag-anak at mga ninuno (tingnan sa Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin).

  • Tukuyin ang mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa FamilySearch.org).

  • Maglingkod bilang mga temple and family history consultant (tingnan sa 25.2.4).

  • Makibahagi sa indexing (tingnan sa FamilySearch.org/indexing).

14.3

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Young Single Adult Ward at Stake at mga Single Adult Ward

Karamihan sa mga single na miyembro ay dumadalo sa mga geographic ward. Bilang eksepsyon, sa mga lugar na may maraming single na miyembro na magkakalapit ang tirahan, maaaring magrekomenda ang mga priesthood leader na lumikha ng mga sumusunod na unit. Dapat matugunan ng mga unit na ito ang mga pamantayan sa kabanata 37.

  • Isang young single adult ward para sa mga edad 18–35 (tingnan sa 37.2)

  • Isang young single adult stake para sa mga edad 18–35 (tingnan sa 37.3)

  • Isang single adult ward para sa mga edad 36–45 (tingnan sa 37.5)

Sa mga lugar na may malaking bilang ng mga young single adult, maaaring irekomenda ng mga priesthood leader na lumikha ng:

  • Isang young single adult ward para sa mga edad 18–25.

  • Isang young single adult ward para sa mga edad 26–35.

Ginagamit ng mga unit na ito ang regular na programa ng Simbahan hangga’t maaari. Sinusunod ng mga ito ang mga tagubilin sa hanbuk na ito.

Ang mga kwalipikadong maging miyembro ay maaaring piliing maging miyembro ng young single adult ward o ng single adult ward, kung saan mayroon. O maaari nilang piliing maging miyembro ng kanilang geographic ward.

Ang pagiging miyembro sa isang young single adult ward o isang single adult ward ay pansamantala lamang:

  • Kapag ikinasal na ang isang single na miyembro, siya ay nagiging miyembro ng isang geographic ward.

  • Kapag ang isang miyembro ng isang young single adult ward ay umabot na sa edad na 31, siya ay nagiging miyembro ng isang single adult ward (kung mayroong ganitong ward na nakakasakop sa kanyang tinitirhan) o ng isang geographic ward.

  • Kapag ang isang miyembro ng isang single adult ward ay umabot na sa edad na 46, siya ay nagiging miyembro ng isang geographic ward.

Kapag lilipat na ng ward, ang miyembro at kanyang mga lider ay nakikipag-ugnayan sa mga lider ng geographic ward. Ang mga lider ng bagong ward ay nagbibigay ng mga ministering brother at mga ministering sister. Pinagpaplanuhan nila kung anong calling o takdang-gawain ang ibibigay sa miyembro na makatutulong sa kanya na madama na malugod siyang tinatanggap sa ward at makibahagi sa gawain ng ward.

14.4

Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran

14.4.1

Mga Lugar ng Pagtitipon

Ang lugar ng pagtitipon ay isang itinalagang lugar kung saan ang mga young single adult at kanilang mga kaibigan ay maaaring magtipun-tipon para sa pakikipagkaibigan at pakikibahagi sa alinman sa mga sumusunod:

  • Pag-aaral ng ebanghelyo, kabilang na ang institute

  • Mga kurso sa self-reliance, mga oportunidad sa edukasyon, at mga support group

  • Paglilingkod at mga aktibidad

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo at pagtulong sa komunidad

  • Gawain sa templo at family history

  • Iba pang mga programa ng Simbahan

Ang lahat ng itinalagang lugar ng pagtitipon ay dapat aprubado ng Area Presidency. Ang mga lugar ng pagtitipon ay pinamamahalaan ng mga stake president at bishop. Itinatatag ang mga ito sa kasalukuyang mga pasilidad ng Simbahan, tulad ng isang meetinghouse o institute building. Ang mga stake president na nagnanais na magtatag ng lugar ng pagtitipon para sa mga young single adult ay dapat kontakin ang Area Presidency.

14.4.2

Mga Gabi ng Lunes

Bilang eksepsyon, ang mga young single adult ward at mga single adult ward ay maaaring magdaos ng mga aktibidad sa gabi ng Lunes, pati na sa mga gusali ng Simbahan (tingnan sa 20.5.3).

14.4.3

Karagdagang mga Elders Quorum at Relief Society

Sa pag-apruba ng stake president, ang bishop ng isang ward para sa mga single na miyembro ay maaaring mag-organisa ng mahigit sa isang Relief Society at elders quorum. (Tingnan sa 8.1.3 at 9.1.3.)

14.4.4

Mga Miyembrong Tinawag na Maglingkod sa mga Unit para sa mga Single na Miyembro

Ang bishop at stake president lamang sa mga unit na para sa mga single na miyembro ang kailangang tawagin mula sa isang geographic ward. Ayon sa patnubay ng Espiritu, maraming iba pang mga calling ang maaaring punan ng mga miyembro ng unit na para sa mga single na miyembro.

Ang mga tinawag mula sa kanilang geographic ward upang maglingkod sa isang unit na para sa mga single na miyembro ay karaniwang naglilingkod nang hindi hihigit sa tatlo hanggang limang taon sa mga unit na ito. Ang haba ng paglilingkod na ito ay para sa kabuuang panahon ng paglilingkod kahit pa iba-iba ang calling.

Ang mga lider ng mga geographic stake ay dapat magpakita ng pagsuporta kapag ang mga miyembro ay isinasaalang-alang na maglingkod sa mga unit na para sa mga single na miyembro. Gayunman, ang mga lider ay sumasangguni sa isa’t isa upang maunawaan ang mga kalagayan ng mga miyembro.

Ang mga calling ay maaaring ibigay sa mga indibiduwal o sa mga mag-asawa. Sa ilang pagkakataon, maaaring kailanganin ng isang asawa na manatili sa isang geographic ward habang ang isa naman ay naglilingkod sa isang ward na para sa mga single na miyembro.

Ang membership record ng mga bishop at kanilang mga pamilya ay karaniwang nananatili sa kanilang geographic ward habang naglilingkod sila sa mga ward na para sa mga single na miyembro. Mananatili rin sa kanilang geographic ward ang membership record ng mga naglilingkod sa stake presidency o bishopric, sa high council, o sa stake Relief Society presidency kung sila ay tinawag na maglingkod sa labas ng kanilang geographic ward. Ang mga miyembrong ito at kanilang mga pamilya ay nagbabayd ng ikapu at mga handog sa kanilang geographic ward. Pumupunta rin sila sa mga lider ng kanilang geographic ward at stake para sa mga interbyu para sa temple recommend.

14.4.5

Bakasyon sa Paaralan

Kung maaari, ang mga young single adult ward ay nagpupulong pa rin kahit bakasyon sa paaralan. Maaaring magpulong nang magkakasama ang ilang young single adult ward kung kinakailangan. Sa gayong sitwasyon, ang mga ward ay nagtatabi ng hiwalay na mga rekord, ulat ng pagdalo, at pananalapi.

14.4.6

Mga Interbyu sa mga Young Single Adult Ward at Stake

Kadalasan, ang stake president ang nag-iinterbyu sa mga miyembrong:

  • Tatanggap ng sarili nilang endowment.

  • Ibubuklod sa kanilang asawa.

  • Inirerekomendang tumanggap ng Melchizedek Priesthood.

  • Inirerekomendang magmisyon.

Bilang eksepsyon, maaaring i-awtorisa ng stake president ng isang young single adult stake ang kanyang mga counselor na isagawa ang ilan sa mga interbyu na ito.

Sa malalaking young single adult ward, maaaring i-awtorisa ng mga bishop ang kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu para sa mga miyembrong:

  • Tatanggap ng sarili nilang endowment.

  • Ibubuklod sa kanilang asawa. (Tingnan sa 26.3.1.)

14.4.7

Pakikibahagi sa mga Aktibidad para sa mga Single na Miyembro

Ang isang taong hiwalay sa kanyang asawa o naghahangad ng diborsiyo ay dumadalo sa isang geographic ward. Maaari siyang dumalo sa isang ward o sa mga aktibidad na para sa mga single na miyembro kapag natapos na ang proseso ng diborsiyo.

babae na binabasahan ang mga bata

14.4.8

Mga Single Parent o Solong Magulang

Inaalam at sinisikap ng mga lider na tugunan ang partikular na mga pangangailangan ng mga single parent o solong magulang. Ang mga single parent na may anak na kasama sa tahanan ay karaniwang dumadalo sa kanilang geographic ward. Ang paggawa nito ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataong maging aktibo sa Primary at mga organisasyon ng kabataan. Ang mga single parent ay maaaring dumalo sa mga aktibidad ng isang young single adult o single adult ward.