Mga Hanbuk at Calling
Kabanata 17: Pagtuturo ng Ebanghelyo


“17. Pagtuturo ng Ebanghelyo,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“17. Pagtuturo ng Ebanghelyo,” Pangkalahatang Hanbuk.

ina na nagtuturo sa kanyang anak na lalaki

17.

Pagtuturo ng Ebanghelyo

Itinuturo natin ang ebanghelyo upang tulungan ang mga tao na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hinahangad natin na tulungan ang mga tao na maging higit na tulad ng Tagapagligtas, tanggapin ang Kanyang kapangyarihan sa kanilang buhay, at sa huli ay magtamo ng buhay na walang hanggan. Kapag ang salita ng Diyos ay itinuro at tinanggap sa pamamagitan ng Espiritu, may kapangyarihan itong baguhin ang mga puso at bigyang-inspirasyon ang pagbabalik-loob. Ang salita ng Diyos ay may “higit [na] malakas na bisa sa isipan ng mga tao kaysa … ano pa mang bagay” (Alma 31:5).

17.1

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo

Sa pagtuturo ng ebanghelyo, ang mga magulang, guro, at lider ay tinutularan ang halimbawa ni Jesucristo, na siyang Dalubhasang Guro. Ang pagtuturo sa paraan ng Tagapagligtas ay isang sagradong pagtitiwala at responsibilidad.

Ibinabahagi ng mga lider sa mga guro sa kanilang mga organisasyon ang sumusunod na mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Ang mga alituntuning ito ay ipinaliwanag nang mas detalyado sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.

2:3

17.1.1

Mahalin ang mga Tinuturuan Mo

Lahat ng ginagawa ng Tagapagligtas ay nagpapakita ng Kanyang pagmamahal (tingnan sa 2 Nephi 26:24). Tinutularan ng mga lider at guro ang Kanyang halimbawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa mga tinuturuan nila. Ipinagdarasal nila ang kanilang mga tinuturuan na binabanggit ang mga pangalan ng mga ito, hinahangad nila na makaugnayan at maunawaan ang mga ito, at pinagtutuunan nila ang pangangailangan ng bawal indibiduwal. Kinokontak nila ang mga miyembro ng kanilang klase o korum na hindi dumadalo sa mga klase o pulong.

2:3

17.1.2

Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu

Upang mahikayat ang mga tao na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo, ang mga guro ay dapat na magturo sa pamamagitan ng Espiritu. Hinahangad ng mga guro ang patnubay ng Espiritu habang sila ay naghahanda at nagtuturo, at sila ay nagsisikap na mamuhay nang karapat-dapat para sa Kanyang impluwensya sa bawat araw.

2:3

17.1.3

Ituro ang Doktrina

Itinuro ng Tagapagligtas ang doktrina ng Kanyang Ama. Sinusunod ang halimbawa ng Tagapagligtas, pinagtutuunan ng mga guro ang mahahalaga at nakapagliligtas na mga katotohanan ng ebanghelyo. Sila ay nagtuturo gamit ang mga banal na kasulatan, mga turo ng mga propeta sa mga huling araw, at inaprubahang mga materyal ng kurikulum. Pinangungunahan ng mga guro ang mga talakayan na nagbibigay-inspirasyon at sinisiguro nila na ang kanilang pagtuturo ay nagpapasigla at naaayon sa doktrina. Ang mga inaprubahang materyal ay nakalista sa kasalukuyang Mga Tagubilin para sa Kurikulum sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

17.1.4

Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Hinihikayat ng mga guro ang mga miyembro na maging responsable sa sarili nilang pagkatuto. Sinusuportahan nila ang mga miyembro sa kanilang pagsisikap na matutuhan ang ebanghelyo nang mag-isa at kasama ang kanilang mga pamilya. Inaanyayahan nila ang mga miyembro na ibahagi ang mga natututuhan nila at kumilos ayon dito. Lumalago ang pananampalataya ng isang tao kapag aktibo siyang nakikilahok sa pag-aaral ng ebanghelyo at isinasabuhay ang mga alituntunin nito sa araw-araw na pamumuhay.

17.2

Pag-aaral at Pagtuturo ng Ebanghelyo na Nakasentro sa Tahanan

Upang magbalik-loob sa Panginoong Jesucristo, responsibilidad ng bawat miyembro ng Simbahan na matutuhan ang ebanghelyo para sa kanyang sarili. Dagdag pa rito, ang mga magulang ay may responsibilidad na ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak. Ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo ay dapat nakasentro sa tahanan. Hinihikayat at sinusuportahan ng mga lider at guro sa Simbahan ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan.

Hinihikayat ng mga lider at guro ang mga miyembro na maghangad ng sarili nilang inspirasyon kung paano nila aaralin at ituturo ang ebanghelyo. Ang dapat na pangunahin nilang mga sanggunian ay ang mga banal na kasulatan at mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Ang mga sumusuportang sanggunian ay kinabibilangan ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at mga magasin ng Simbahan.

2:3

17.3

Mga Responsibilidad ng mga Lider

Ang mga lider ang responsable sa pagtuturo at pagkatuto sa kanilang mga organisasyon. Ang ilan sa mga paraan na maisasagawa nila ang responsibilidad na ito ay nakasaad sa ibaba.

  • Magpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo at pagtuturo nito sa paraan ng Tagapagligtas.

  • Tiyakin na ang pagtuturo sa kanilang mga organisasyon ay nagpapalakas ng pananampalataya at tama ayon sa doktrina.

  • Kung ang mga lider ay mga miyembro ng ward council, talakayin sa iba pang mga miyembro ng council kung paano mapapahusay ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa ward. Maaaring anyayahan ng bishop ang Sunday School president na pangunahan ang ganitong mga talakayan.

  • Kung kailangan, magrekomenda sa bishopric ng mga miyembro ng ward na tatawagin bilang mga guro sa kanilang mga organisasyon, na sinusunod ang mga tuntunin sa 30.1.

  • Makipagkita sa bagong tawag na mga guro at tulungan sila na maghanda para sa kanilang mga calling (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas42).

  • Patuloy na suportahan ang mga guro sa kanilang mga organisasyon. Regular na kausapin ang mga guro tungkol sa kanilang mga pagsisikap na palakasin ang pananampalataya ng mga taong tinuturuan nila. Kung kailangan, humingi ng tulong sa Sunday School president.

17.4

Mga Teacher Council Meeting

Sa mga teacher council meeting, sama-samang nagpapayuhan ang mga guro tungkol sa mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Nagpapayuhan din sila kung paano mapapahusay ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo. Ginagamit nila ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas bilang sanggunian.

Ang mga teacher council meeting ay idinaraos bawat quarter na kasabay ng 50-minutong mga klase sa araw ng Linggo.

  • Ang mga miting para sa mga guro ng priesthood, Relief Society, at Young Women ay maaaring idaos sa una o ikatlong Linggo.

  • Ang mga miting para sa mga Sunday School teacher ay maaaring idaos sa ikalawa o ikaapat na Linggo.

Sumasangguni ang Primary presidency sa isang miyembro ng bishopric para matukoy kung paano mapag-iibayo ang pagtuturo sa Primary. Ang Sunday School president ay maaaring tumulong kung kailangan. Ang ilang opsiyon ay nakalista sa ibaba:

  • Ang mga Primary teacher ay maaaring dumalo sa mga teacher council meeting kasama ang mga guro ng ibang mga organisasyon.

  • Maaaring magdaos ng hiwalay na mga teacher council meeting para sa mga Primary teacher. Ang mga miting na ito ay maaaring idaos kasabay ng 20-minutong oras ng pag-awit ng Primary. Bilang isang alternatibo, maaari din itong idaos bago o pagkatapos ng mga regular na miting sa araw ng Linggo o sa ibang araw.

  • Ang mga miyembro ng Primary presidency ay maaaring bumisita sa mga klase ng Primary at pagkatapos ay payuhan ang mga guro tungkol sa pagtuturo sa paraan ng Tagapagligtas.

Ang ward council ang namamahala sa at nagtatakda ng iskedyul ng mga teacher council meeting. Isang miyembro ng Sunday School presidency ang kadalasang namumuno sa mga miting. Gayunman, maaaring hilingin ng bishopric sa isa pang miyembro na pamunuan ito.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Mga Teacher Council Meeting” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (mga pahina 40–41).

2:3

17.5

Mga Teacher Council Meeting para sa mga Magulang

Ang ward council ay maaaring mag-organisa ng mga teacher council meeting para sa mga magulang para tulungan silang mas mapahusay ang pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan. Tulad ng iba pang mga teacher council meeting, ang mga ito ay idinaraos kasabay ng 50-minutong mga klase sa araw ng Linggo.

Sa mga miting na ito, ang mga magulang ay sama-samang nagpapayuhan kung paano gagamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo sa pagtuturo nila sa kanilang mga anak. Ginagamit nila ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas bilang sanggunian, kabilang na ang bahaging may pamagat na “Tahanan at Pamilya” (mga pahina 32–33). Maaari din nilang talakayin ang mga mungkahi sa pagtuturo at pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, tulad ng bahaging may pamagat na “Paghahanda sa Inyong mga Anak sa Habambuhay na Pagtahak sa Landas ng Tipan ng Diyos.”

Ang ward council ang namamahala sa at nagtatakda ng iskedyul ng mga teacher council meeting para sa mga magulang. Nagpapasiya sila kung mag-aanyaya ng partikular na mga magulang na dumalo o aanyayahan ang lahat ng magulang sa ward.

Isang miyembro ng Sunday School presidency ang kadalasang namumuno sa mga miting. Gayunman, maaaring hilingin ng bishopric sa isa pang miyembro na pamunuan ito.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Mga Teacher Council Meeting” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (mga pahina 40–41).