Mga Hanbuk at Calling
23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro


“23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“23. Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

mga tao na nakatingin sa cellphone

23.

Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro

23.0

Pambungad

Ang pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2 ng hanbuk na ito; Mateo 28:19–20). Kabilang dito ang:

  • Pakikibahagi sa gawaing misyonero at paglilingkod bilang missionary.

  • Pagtulong sa mga bago at nagbabalik na miyembro na umunlad sa landas ng tipan.

23.1

Ibahagi ang Ebanghelyo

2:33
2:46

23.1.1

Pagmamahal

Tayong lahat ay mga anak ng Ama sa Langit na lubos ang pagmamahal sa Kanyang mga anak. Binibigyan Niya ang lahat ng pagkakataong mapuspos ng Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Juan 3:16; 2 Nephi 26:24–28; Alma 26:37; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3).

Ang isang paraan na maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa Kanyang mga anak (tingnan sa Mateo 22:36–39; 25:40). Nagsisikap tayong magmahal at maglingkod na tulad ng ginawa ni Jesucristo. Ang pagmamahal na ito ay naghihikayat sa atin na tulungan ang mga tao ng lahat ng relihiyon, lahi, at kultura (tingnan sa Mga Gawa 10:34; 2 Nephi 26:33).

23.1.2

Pagbabahagi

Dahil mahal natin ang Diyos at ang Kanyang mga anak, natural nating gugustuhing ibahagi ang mga pagpapalang ibinigay Niya sa atin (tingnan sa Juan 13:34–35) at tumulong na tipunin ang Israel. Hinahangad nating tulungan ang mga tao na madama ang kagalakang nadarama natin (tingnan sa Alma 36:24). Bilang mga disipulo ni Jesucristo, dapat nating itaas ang Kanyang liwanag (tingnan sa 3 Nephi 18:24–25). Hayagan tayong nagsasalita tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang impluwensya sa ating buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 60:2).

Nagbabahagi tayo ng pagmamahal, mga katotohanan ng ebanghelyo, oras, mga karanasan, at mga programa ng Simbahan para mapagpala ang mga anak ng Diyos at tulungan silang mapalapit sa Tagapagligtas. Ibinabahagi natin ang mga bagay na ito sa normal at natural na mga paraan bilang bahagi ng ating mga pakikipag-ugnayan sa personal, online, at sa iba pang mga pagkakataon.

23.1.3

Pag-aanyaya

Inaanyayahan ng Tagapagligtas ang lahat na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo at maghanda para sa buhay na walang hanggan (tingnan sa Alma 5:33–34). Bilang Kanyang mga disipulo, tinutularan natin ang Kanyang halimbawa, inaanyayahan ang lahat na “lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya” (Moroni 10:32).

Ipinagdarasal natin na bigyan tayo ng inspirasyon at patnubay kung paano aanyayahan ang iba na:

  • Pumarito at tingnan ang mga pagpapalang matatamo sa pamamagitan ni Jesucristo, ng Kanyang ebanghelyo, at ng Kanyang Simbahan (tingnan sa Juan 1:37–39, 45–46).

  • Pumarito at maglingkod sa mga taong nangangailangan.

  • Pumarito at mamalagi sa ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo.

Kapag ang ating mga paanyaya ay nakabatay sa mga pangangailangan at interes ng isang tao, mas malamang na tanggapin niya ang mga paanyayang iyon. Kadalasan, ang ibig sabihin ng pag-anyaya ay ang pagsali sa ating mga kapamilya, kaibigan, at kapitbahay sa mga bagay na ginagawa na natin. Halimbawa, maaari natin silang anyayahan na:

  • Sumali sa mga aktibidad sa ating tahanan.

  • Samahan tayong sumamba at mag-aral ng ebanghelyo.

  • Dumalo sa mga espesyal na okasyon, tulad ng pagbabasbas ng sanggol o binyag.

  • Makibahagi sa mga aktibidad o paglilingkod ng ward at komunidad, kabilang na sa mga proyektong inorganisa sa pamamagitan ng JustServe.org (kung saan ito ay magagamit).

  • Makibahagi sa mga programa at aktibidad ng Simbahan. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga aktibidad ng Primary, mga aktibidad ng mga kabataan, family history, mga kurso sa self-reliance, BYU–Pathway Worldwide, at mga kurso sa literasiya at Ingles.

  • Makipagkita sa mga full-time missionary at makinig sa kanilang mensahe.

Para sa iba pang mga ideya at sanggunian, tingnan ang:

Ang mga ward at stake ay maaaring lumikha ng natural na mga pagkakataon para maanyayahan ng mga miyembro ang ibang tao. Kabilang sa mga paraan para magawa ito ang pagdaraos ng mga kaganapan at aktibidad at pagbabahagi ng resources ng Simbahan sa lokal na komunidad.

Nagsanggunian ang mga lider ng ward at stake upang matukoy ang (1) mga pangangailangan sa komunidad at (2) resources ng Simbahan na ibabahagi. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “Sharing Church Resources” sa Gospel Library.

Ang mga alituntunin ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-aanyaya ay angkop din sa pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro.

23.2

Palakasin ang mga Bagong Miyembro

Ang pagsapi sa Simbahan ay kapwa napakaganda at mahirap para sa marami. Nagdadala ito ng malalaking pagpapala, ngunit kailangan din dito ang pagtanggap at pakikibagay sa mga bagong paniniwala, mga bagong gawi, at mga bagong ugnayan (tingnan sa 1 Tesalonica 1:6).

Ang bawat bagong miyembro ay nangangailangan ng kaibigan, mga pagkakataong maglingkod, at espirituwal na pangangalaga. Bilang mga miyembro ng Simbahan, ibinibigay natin ang ating pagmamahal at suporta sa mga bagong miyembro (tingnan sa Mosias 18:8–10). Tinutulungan natin silang madama na kabilang sila sa Simbahan. Tinutulungan natin silang umunlad sa landas ng tipan at maging mas “nagbabalik-loob sa Panginoon” (Alma 23:6). Tinutulungan natin silang “mapangalagaan ng mabuting salita ng Diyos, upang mapanatili sila sa tamang daan, … umaasa lamang sa mga gantimpala ni Cristo” (Moroni 6:4).

Matutulungan din natin ang mga bagong miyembro na:

  • Malaman at maranasan ang kagalakang nagmumula sa pagiging disipulo ni Jesucristo.

  • Malaman kung paano makikilala ang mga pahiwatig mula sa Espiritu.

  • Makaugalian ang pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang personal at kasama ang pamilya.

  • Ibahagi ang ebanghelyo sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan.

  • Hanapin ang mga pangalan ng mga ninuno at maghandang tanggapin ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Umunlad sa pamamagitan ng pagtupad sa mga takdang-gawain sa Simbahan at pakikibahagi sa maraming iba pang mga oportunidad na ibinibigay ng Simbahan.

23.3

Palakasin ang mga Nagbabalik na Miyembro

Pinipili ng ilang miyembro na tumigil sa pakikibahagi sa Simbahan. “Sa mga yaon,” sinabi ng Tagapagligtas, “kayo ay patuloy na maglilingkod; sapagkat hindi ninyo alam kung sila ay magbabalik at magsisisi, at lalapit sa akin nang may buong layunin ng puso, at pagagalingin ko sila; at kayo ang magiging daan ng pagdadala ng kaligtasan sa kanila” (3 Nephi 18:32). Ang mga salitang ito ay angkop sa lahat na nangangailangan ng patuloy na pagmiminister, anuman ang dahilan.

Ang mga miyembrong hindi lubos na nakikibahagi ay mas malamang na bumalik kung mayroon silang matibay na ugnayan sa mga miyembro ng Simbahan. Ang ating pagmamahal at suporta ay makatutulong sa kanila na madaig ang mga hamon. Tulad ng mga bagong miyembro, kailangan nila ng kaibigan, mga pagkakataong maglingkod, at espirituwal na pangangalaga. Ang pag-unawa sa kanilang mga kalagayan at mga hamon ay makatutulong sa atin na magminister sa kanila nang may pagiging sensitibo at pagmamahal.

23.4

Magdaos ng mga Lingguhang Coordination Meeting

Bawat linggo, nagdaraos ng maikli at di-pormal na mga miting upang pag-ugnayin ang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro. Kung may tinawag na ward mission leader, siya ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Kung walang tinawag na ward mission leader, ang miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito ang siyang mangangasiwa sa miting.

Kabilang sa iba pang inaanyayahang dumalo ang:

  • Mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency at elders quorum presidency.

  • Mga ward missionary.

  • Isang assistant sa priests quorum (o ang teachers o deacons quorum president kung walang mga priest sa ward).

  • Isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class.

  • Mga full-time missionary.

Ang mga lingguhang coordination meeting ay nakatuon sa mga pangangailangan ng mga indibiduwal. Karaniwang tinatalakay sa miting na ito ang sumusunod na apat na paksa:

  • Paano tulungan ang mga tinuturuan ng mga missionary. Maaaring kabilang dito ang pakikibahagi sa pagtuturo, pagtulong sa mga tao na gumawa at tumupad ng mga pangako, at pagsuporta sa darating na mga serbisyo sa binyag.

  • Paano tutulungan ang mga bagong binyag

  • Paano tutulungan ang mga nagbabalik na miyembro

  • Paano tutulungan ang mga miyembro na makahanap ng mas maraming taong tuturuan

Ang mga miting na ito ay maaaring idaos nang personal o online. Ang pakikipag-ugnayan ay maaari ding gawin sa iba pang paraan, tulad ng pagtawag sa telepono, text, at email.

2:10

23.5

Mga Lider ng Stake

23.5.1

Stake Presidency

Taglay ng stake president ang mga susi sa stake para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas sa mga bago at nagbabalik na miyembro. Siya at ang kanyang mga counselor ang namamahala sa mga pagsisikap na ito sa pangkalahatan. Sinisiguro niya na ang gawaing ito ay regular na tinatalakay sa mga miting ng stake.

Ang stake president ay nakikipagpulong sa mission president, karaniwang isang beses bawat buwan, upang pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng mga lider ng stake at ward at ng mga full-time missionary. Kabilang sa iba pang maaaring dumalo ay ang:

  • Mga counselor sa stake presidency at mission presidency.

  • Mga inatasang high councilor.

  • Ang stake Relief Society president.

  • Mga missionary na inatasan ng mission president.

23.5.2

Stake Adult Leadership Committee

Kabilang sa stake adult leadership committee ang:

  • Stake presidency.

  • Stake Relief Society presidency.

  • Mga high councilor na inatasang makipagtulungan sa mga elders quorum.

Tinuturuan at sinusuportahan ng mga lider na ito ang mga elders quorum presidency at mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 23.6.2). Ang pagtuturo na ito ay maaaring gawin bilang grupo o nang personal. Maaaring anyayahan ang mga ward mission leader para maturuan din sila.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga miting ng komiteng ito, tingnan ang 29.3.8.

23.5.3

Mga High Councilor

Maaaring atasan ng stake presidency ang mga high councilor na turuan at suportahan ang mga elders quorum presidency at mga ward mission leader. Maaaring mag-atas ng isa o higit pang mga high councilor para pamunuan ang mga pagsisikap na ito. Gayunman, lahat ng mga high councilor ay mayroong ganitong mga responsibilidad para sa mga ward at korum na nakaatas sa kanila.

23.5.4

Stake Relief Society Presidency

Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, tinuturuan at sinusuportahan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro.

mga magkapitbahay na nag-uusap

23.6

Mga Lider ng Ward

23.6.1

Bishopric

Ang bishopric ay nakikipagtulungan sa elders quorum presidency at Relief Society presidency sa pamumuno sa mga pagsisikap ng ward sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro. Regular na nagsasanggunian ang mga lider na ito.

Sinisiguro ng bishopric na ang mga pagsisikap na ito ay tinatalakay at pinag-uugnay sa mga ward council meeting at ward youth council meeting. Nirerebyu at inaaprubahan din ng bishopric ang plano ng ward para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 23.6.6).

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Ang bishopric ay sumasangguni sa stake president upang matukoy kung tatawag ba ng isang ward mission leader (tingnan ang 23.6.3 para sa karagdagang impormasyon).

Iniinterbyu ng bishop ang mga bagong miyembro na angkop ang edad upang mabigyan ng temple recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 26.4.2). Iniinterbyu rin niya ang mga lalaki na angkop ang edad upang tanggapin ng Aaronic Priesthood (tingnan sa 38.2.9.1). Karaniwang isinasagawa niya ang mga interbyu na ito sa loob ng isang linggo pagkatapos ng kumpirmasyon ng miyembro.

Nakikipag-ugnayan ang bishopric sa iba pang mga lider upang matiyak na ang mga bago at nagbabalik na miyembro ay may mga pagkakataong maglingkod. Ang gayong mga oportunidad ay makatutulong sa mga miyembrong ito na umunlad sa espirituwal at madama ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay. Ang paglilingkod ay makatutulong din sa mga miyembro na makadama ng kagalakan at makabuo ng malapit na mga ugnayan sa iba sa ward.

Ang mga oportunidad sa paglilingkod ay dapat batay sa mga pangangailangan at kakayahan ng miyembro. Sa ilang pagkakataon, angkop ang isang calling. Sa iba naman, mas mainam ang hindi gaanong pormal na takdang-gawain.

23.6.2

Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency

Ang mga elders quorum presidency at Relief Society presidency ang namumuno sa pang-araw-araw na mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 8.2.3 at 9.2.3). Pinamumunuan ng elders quorum presidency ang mga pagsisikap na ito para sa mga miyembro ng elders quorum. Pinamumunuan ng Relief Society presidency ang mga pagsisikap ng mga miyembro ng Relief Society. Sila ay nagtutulungan na pamunuan ang mga pagsisikap na ito kasama ang ward council, sa pakikipagtulungan sa bishop.

Ang mga lider na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Tumulong na mahikayat ang mga miyembro na mahalin ang mga anak ng Diyos, ibahagi ang ebanghelyo, at anyayahan ang iba na tanggapin ang mga pagpapala ng Tagapagligtas (tingnan sa 23.1).

  • Sumangguni sa mga miyembro ng korum o Relief Society kung paano ibabahagi ang ebanghelyo. Talakayin kung paano maghahanap ng mga taong matuturuan ng mga missionary at kung paano susuportahan ang mga taong tinuturuan. Magsanggunian tungkol sa mga pangangailangan ng mga bago at nagbabalik na miyembro at kung paano magbibigay ng suporta.

  • Magbigay ng mga ministering brother at mga ministering sister sa mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 21.2.1). Maaari ding bigyan ng mga ministering brother at mga ministering sister ang mga taong tinuturuan ng mga missionary (ginagawa ito nang may pakikipag-ugnayan sa mga missionary). Kung maaari, inaatasan ng mga lider ang mga miyembro na mayroon o maaaring makabuo ng malapit na pakikipagkaibigan sa mga taong ito. Hinihikayat ng mga lider ang mga ministering brother at mga ministering sister na magbigay ng pagmamahal at suportang tulad ng kay Cristo.

  • Bigyan ang mga bago at nagbabalik na miyembro ng mga pagkakataong maglingkod bilang mga ministering sister o mga ministering brother. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ministering, tingnan ang kabanata 21.

  • Tulungan ang ward council na bumuo ng isang plano para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 23.6.6).

  • Pamunuan ang gawain ng ward mission leader. Kung walang tinawag na ward mission leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito (tingnan sa 23.6.3).

Ang elders quorum president at Relief Society president ay inaatasan ang isang miyembro ng kanilang presidency na tumulong sa pamumuno sa mga pagsisikap na ito. Nagtutulungan ang dalawang miyembrong ito ng presidency. Dumadalo sila sa mga lingguhang coordination meeting (tingnan sa 23.4).

23.6.3

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Ward Mission Leader

Ang bishopric ay sumasangguni sa stake president upang matukoy kung tatawag ba ng isang ward mission leader. Kung napagpasiyahan nila na tumawag ng ward mission leader, sasangguni ang bishop sa elders quorum president at Relief Society president para matukoy kung sino ang tatawagin.

Ang ward mission leader ay dapat mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Kung walang tinawag na ward mission leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito.

Sinusuportahan ng ward mission leader ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawaing misyonero. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod:

  • Pag-ugnayin ang gawain ng mga miyembro at lider ng ward, mga ward missionary, at mga full-time missionary. Maaaring kabilang dito ang pag-oorganisa ng mga pagsisikap sa pagtuturo, serbisyo sa binyag, at pagsisikap na palakasin ang mga bagong miyembro. Maaari ding kabilang dito ang pagpaplano ng mga paraan para matulungan ang mga miyembro ng ward na ibahagi ang ebanghelyo.

  • Pamunuan ang mga lingguhang coordination meeting (tingnan sa 23.4).

  • Dumalo sa mga ward council meeting kapag inanyayahan.

  • Tulungan ang ward council sa pagbuo at pagpapatupad ng plano ng ward para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 23.6.6).

  • Maghanap ng mga pagkakataong tulungan ang mga full-time missionary na maisakatuparan ang kanilang layunin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo at pagbuo ng mga ugnayan sa mga miyembro. Kung saan inaprubahan, maaaring kabilang dito ang pagkain kasama ang mga miyembro (mas maganda kung sa mga miyembro na hindi miyembro ang buong pamilya at mga bago at nagbabalik na miyembro hangga’t maaari; tingnan sa 24.6.2.3).

  • Makipagtulungan sa ward temple and family history leader at mga ward temple and family history consultant para matulungan ang mga nag-aaral ng ebanghelyo, mga bagong miyembro, at mga nagbabalik na miyembro na makibahagi sa gawain sa templo at family history.

23.6.4

Mga Ward Missionary

Tinutulungan ng mga ward missionary ang mga miyembro ng ward na maranasan ang kagalakan na nagmumula sa pagbabahagi ng ebanghelyo ayon sa inilarawan sa 23.1. Sila ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng ward mission leader o ng miyembro ng elders quorum presidency na gumaganap sa tungkuling ito. Maaaring magmungkahi ang mga elders quorum president at Relief Society president ng mga miyembrong maaaring maglingkod.

Ang mga ward missionary ay nagtuturo sa salita at halimbawa kung paano mahalin ang iba, ibahagi ang kanilang pananampalataya, at anyayahan ang iba na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Tinutulungan din nila ang mga miyembro ng ward na magminister sa mga bago at nagbabalik na miyembro.

Ang mga ward missionary ay nakikibahagi sa mga lingguhang coordination meeting (tingnan sa 23.4).

23.6.5

Ward Council at Ward Youth Council

Ang pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro ay dapat talakayin nang regular sa mga ward council meeting. Maaaring hilingin ng bishop sa elders quorum president o Relief Society president na pamunuan ang mga talakayang ito, na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga indibiduwal. Maaaring anyayahan ng bishop ang ward mission leader na dumalo sa mga ward council meeting.

Maaaring talakayin ng council ang plano ng ward para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro. Tinatalakay rin nila ang mga takdang-gawain na kailangan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon. Ang mga sanggunian na tulad ng mga sumusunod ay makatutulong sa mga talakayang ito:

  • Ang Aking Landas ng Tipan. Ang sanggunian na ito ay tumutulong sa mga bago at nagbabalik na miyembro na umunlad sa landas ng tipan sa unang 12 hanggang 24 na buwan matapos ang binyag o pagkatapos bumalik sa pakikibahagi sa ebanghelyo. Ang Ang Aking Landas ng Tipan ay makukuha sa Gospel Library.

  • Rekord ng Pag-unlad sa Landas ng Tipan. Ginagamit ng mga lider ng ward at mga full-time missionary ang sangguniang ito upang itala at makita ang progreso ng mga bago at nagbabalik na miyembro at ng mga taong tinuturuan ng mga missionary. Ang Pag-unlad sa Landas ng Tipan ay makukuha ng mga lider ng ward sa Member Tools app at sa Leader and Clerk Resources (LCR). Ang impormasyon mula sa Pag-unlad sa Landas ng Tipan ay maaaring ma-access at ibahagi ng mga full-time missionary sa pamamagitan ng Preach My Gospel app.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ward council, tingnan ang 29.2.5.

Binibigyan ng espesyal na atensyon ng ward youth council ang (1) mga bago at nagbabalik na kabataang miyembro at (2) mga kabataang tinuturuan ng mga missionary. Tinatalakay din ng council ang mga paraan na makakabahagi ang mga kabataan sa plano ng ward para sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng lahat ng bago at nagbabalik na miyembro. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ward youth council tingnan ang 29.2.6.

23.6.6

Plano ng Ward para sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro

Ang bawat ward ay dapat magkaroon ng isang simpleng plano sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro. Makatutulong ang planong ito na magkaroon ng direksyon ang mga miting, mga paglilingkod, at mga aktibidad. Maaaring kabilang dito ang mga plano at ideya para sa:

  • Pagtulong sa lahat na madama na tanggap sila sa mga pulong at aktibidad ng ward.

  • Pagtulong sa mga miyembro na maranasan ang kagalakan na nagmumula sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

  • Pagsuporta sa mga taong tinuturuan ng mga missionary.

  • Pagtulong sa mga bago at nagbabalik na miyembro na umunlad sa espirituwal.

Tinutulungan ng elders quorum president at Relief Society president ang ward council na buuin ang plano. Tumutulong din ang ward mission leader. Nirerebyu at inaaprubahan ito ng bishop.

Pinangungunahan ng mga miyembro ng ward council ang pagpapatupad sa planong ito. Inirereport nila sa mga ward council meeting ang mga nagawa nila. Ina-update din nila ang plano kung kinakailangan.