Mga Hanbuk at Calling
26. Mga Temple Recommend


“26. Mga Temple Recommend,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“26. Mga Temple Recommend,” Pangkalahatang Hanbuk.

bishop na iniinterbyu ang isang lalaki

26.

Mga Temple Recommend

26.0

Pambungad

Ang pagpasok sa bahay ng Panginoon ay isang sagradong pribilehiyo. Hinihikayat ng mga lider ng ward at stake ang lahat ng miyembro na maging karapat-dapat sa at magkaroon ng current temple recommend kahit na hindi sila nakatira malapit sa templo.

Ginagawa ng mga lider ng Simbahan ang lahat para masiguro na lahat ng papasok sa bahay ng Panginoon ay karapat-dapat na gawin ito (tingnan sa Mga Awit 24:3–5). Ang awtorisadong mga priesthood leader ay nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at nagbibigay ng mga temple recommend sa mga miyembrong makapagbibigay ng angkop at tapat na sagot sa mga tanong sa interbyu (tingnan sa 26.3). Nangako ang Panginoon na kung malinis ang mga taong papasok sa Kanyang bahay, Siya ay paroroon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 97:15–16).

Ang mga miyembro ay kailangang mayroong current temple recommend para makapasok sa templo. Ang mga batang wala pang 8 taong gulang na ibubuklod sa kanilang mga magulang o panonoorin ang pagbubuklod ng kanilang mga kapatid sa kanilang mga magulang ay hindi na kailangan ng temple recommend (tingnan sa 26.4.4).

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng mga tagubilin sa mga lider na nagbibigay ng temple recommend. Ang isang bishop ay sumasangguni sa kanyang stake president kung may mga tanong siya tungkol mga temple recommend na hindi nasagot sa kabanatang ito. Maaaring kontakin ng stake president ang Office of the First Presidency kung may mga tanong siya.

26.1

Uri ng mga Temple Recommend

Tinutulutan ng isang current temple recommend ang isang miyembro na makapasok sa lahat ng templo. Tinitiyak ng mga priesthood leader na natatanggap ng mga miyembro ang tamang recommend para sa kanilang sitwasyon sa kasalukuyan. Mayroong tatlong uri ng recommend:

  1. Temple recommend para sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment na ibubuklod sa kanilang mga magulang o magsasagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon. Ibinibigay ang mga ito sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources (LCR). Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 26.4.

  2. Temple recommend para sa mga ordenansa para sa buhay. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembrong tatanggap ng sarili nilang endowment o ibubuklod sa asawa. Ang mga ito ay ibinibigay mula sa recommend book 2. Ang recommend para sa mga ordenansa para sa buhay ay nakalakip sa regular na temple recommend para sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment (inilalarawan sa ibaba). Iniiwan sa templo ang recommend para sa mga ordenansa para sa buhay kapag isinagawa na ang ordenansa. Nananatili sa miyembro ang regular na recommend at gagamitin niya ito kapag bumalik siya sa templo.

  3. Temple recommend para sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment. Ang mga recommend na ito ay para sa mga miyembro na nakatanggap na ng endowment. Ang mga ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng LCR. Pinahihintulutan nito ang isang miyembro na makibahagi sa lahat ng mga ordenansa sa templo para sa mga yumao na. Ginagamit din ito kapag ang isang miyembrong nakatanggap na ng endowment ay ibubuklod sa buhay o yumao na mga magulang o anak. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 26.3.

26.2

Pag-iingat sa mga Temple Recommend

26.2.1

Pag-iingat ng mga Priesthood Leader sa mga Temple Recommend

Ang mga priesthood leader na awtorisadong hawakan ang mga aklat ng temple recommend ay dapat maingat na pangalagaan ang mga ito. Walang ibang tao ang dapat na magkaroon ng access sa mga ito. Kapag nagbigay ng mga update ang Simbahan sa mga aklat ng temple recommend, dapat wasakin ng mga lider ang mga lumang aklat.

Tinitiyak din ng mga priesthood leader na ang mga di-awtorisadong indibiduwal ay walang access sa impormasyon tungkol sa temple recommend sa LCR.

26.2.2

Nawala o Ninakaw na mga Recommend

Sinasabihan ng mga bishop ang mga miyembro na abisuhan siya sa lalong madaling panahon kapag ang kanilang recommend ay nawala o ninakaw. Kung karapat-dapat pa rin ang miyembro, ang bishop o ang isang itinalagang counselor o clerk ay magla-log in sa LCR para i-print muli ang recommend. Ang bagong recommend ay mawawalan ng bisa sa kaparehong petsa na nakasaad sa orihinal na recommend.

Kung minsan ang isang miyembro na ang recommend ay nawala o ninakaw ay hindi na namumuhay ayon sa mga pamantayan ng pagiging karapat-dapat. Sa mga sitwasyong ito, agad na kakanselahin ng bishop ang recommend (tingnan sa 26.2.3).

26.2.3

Mga May Hawak na Recommend na Hindi Namumuhay Ayon sa mga Pamantayan ng Pagkamarapat

Kung natukoy ng bishop na ang isang miyembrong may current temple recommend ay hindi ipinamumuhay ang mga pamantayan ng pagkamarapat (tingnan sa 26.3), hihingin niya sa miyembro ang recommend nito. Ginagamit niya ang LCR para kanselahin ang recommend. Kung hindi magagamit ang LCR, kokontakin ng bishop ang opisina ng templo para kanselahin ang recommend.

26.3

Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Pagbibigay ng mga Temple Recommend

Ang mga awtorisadong priesthood leader ay nagsasagawa ng mga interbyu bago matanggap ng isang miyembro ang kanyang temple recommend. Ang mga tagubilin ay nasa LCR. Dapat lamang magbigay ng recommend ang mga lider kung maayos na nasagot ng miyembro ang mga tanong para sa temple recommend.

Ang mga interbyu para sa temple recommend ay nagbibigay ng pakakataon sa mga miyembro na maipakita na sila ay may patotoo at nagsisikap na sundin ang mga kautusan ng Diyos at ang Kanyang mga propeta. Pinagtitibay rin ng mga priesthood leader, sa pamamagitan ng interbyu, na karapat-dapat ang miyembro. Tingnan ang 26.3.3 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend.

Sa mga stake, isang miyembro ng stake presidency o isang stake clerk ang nag-aactivate ng temple recommend sa LCR matapos itong ibigay. Sa mga district, isang miyembro ng mission presidency o isang mission clerk ang nag-aactivate ng recommend. Ang mga recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon ay awtomatikong naa-activate kapag nai-print na ito ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president. Ginagamit niya ng LCR para mai-print ang mga recommend.

26.3.1

Mga Interbyu para sa Temple Recommend para sa mga Miyembro na nasa mga Ward at Branch

Sa isang ward, ang bishop o isang naatasang counselor ang magsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at nagbibigay ng mga recommend sa mga taong karapat-dapat. Sa isang branch, ang branch president lamang ang nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at nagbibigay ng mga temple recommend.

Sa isang ward, personal na iniinterbyu ng bishop ang mga miyembro na:

  • Tatanggap ng kanilang sariling endowment (tingnan sa 27.1 at 27.2).

  • Ibubuklod sa kanilang asawa (tingnan sa 27.3).

Sa napakahalagang mga pagkakataon na wala ang bishop, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.

Sa malalaking young single adult ward, maaaring iawtorisa ng mga bishop ang mga counselor na may malawak na karanasan para isagawa ang mga interbyu na ito.

Bago magbigay ng recommend sa mga sitwasyon na nakalista sa itaas, nirerebyu muna ng bishop ang membership record ng miyembro para matiyak na wala itong tala tungkol sa mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan. Para sa mga miyembrong tatanggap ng sarili nilang endowment o ibubuklod sa asawa, tinitiyak din niya na:

  • Nakatala sa membership record ng miyembro ang kanyang binyag at kumpirmasyon.

  • Natanggap na ng lalaking miyembro ang Melchizedek Priesthood.

Kung minsan, ang mga petsa ng binyag at kumpirmasyon o ordinasyon sa Melchizedek Priesthood ng miyembro ay hindi naitala. Sa ganitong mga sitwasyon, ang mga ordenansa ay dapat maberipika at maitala, mapagtibay, o isagawang muli (tingnan sa 38.2.6).

Matapos interbyuhin ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president, isang miyembro ng stake presidency ang nag-iinterbyu sa mga miyembrong nakatira sa stake. Nilalagdaan niya ang mga recommend ng mga taong karapat-dapat. Isang miyembro ng mission presidency ang magsasagawa ng pangalawang interbyu para sa mga miyembrong nakatira sa isang district. Nilalagdaan din niya ang mga recommend ng mga taong karapat-dapat. Ang isang district president ay hindi nagsasagawa ng interbyu para sa temple recommend maliban kung awtorisado ng Unang Panguluhan.

Personal na iniinterbyu ng stake o mission president ang mga miyembro na:

  • Tatanggap ng sarili nilang endowment.

  • Ibubuklod sa kanilang asawa.

Kung wala ang stake president, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.

Maaaring iawtorisa ng isang mission president ang kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito kung kailangan.

Sa isang young single adult stake, maaaring iawtorisa ng stake president ang kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.

26.3.2

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Interbyu para sa Temple Recommend para sa mga Miyembro na nasa Malalayong Lugar

Ang ilang miyembro ay nakatira sa mga lugar na mangangailangan ng napakalaking gastos sa paglalakbay o napakahirap na paglalakbay para makipagkita sa isang miyembro ng stake o mission presidency. Sa mga sitwasyong ito, maaaring isagawa ng isang miyembro ng stake o mission presidency ang interbyu ng miyembro para sa temple recommend sa pamamagitan ng internet (tingnan sa 31.4). Kung karapat-dapat ang miyembro, lalagdaan ng lider ang recommend sa pamamagitan ng computer. Pagkatapos ay ipi-print ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president ang recommend at ibibigay ito sa miyembro.

Ang patakarang ito ay naaangkop din sa mga miyembro sa military na nasa malalayo o liblib na mga lugar.

mga kabataan sa labas ng templo

26.3.3

Pagsasagawa ng Interbyu para sa Temple Recommend

Ang templo ang bahay ng Panginoon. Ang pagpasok sa templo at pakikibahagi sa mga ordenansa ay isang sagradong pribilehiyo. Ang pribilehiyong ito ay nakalaan para sa mga taong handa sa espirituwal at nagsisikap na ipamuhay ang mga pamantayan ng Panginoon, ayon sa pagtukoy ng mga awtorisadong priesthood leader.

Upang mapagpasiyahan ito, iniinterbyu ng mga priesthood leader ang miyembro gamit ang mga tanong sa ibaba. Hindi dapat dagdagan o bawasan ng mga lider ang mga kinakailangan. Gayunman, maaari nilang iangkop ang mga tanong sa edad at mga kalagayan ng miyembro.

Kung minsan ang mga miyembro ay mayroong mga tanong habang isinasagawa ang interbyu para sa temple recommend. Maaaring ipaliwanag ng priesthood leader ang mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo. Kung kailangan, maaari din niyang tulungan ang mga miyembro na maunawaan ang mga tanong para sa temple recommend. Gayunman, hindi niya dapat ipahiwatig na ang kanyang personal na mga paniniwala, kagustuhan, o interpretasyon ay doktrina o patakaran ng Simbahan.

Ang mga interbyu para sa temple recommend ay hindi dapat madaliin. Dapat pribado ang mga ito. Gayunman, ang taong iniinterbyu ay maaaring anyayahan ang isang asawa, magulang, o isa pang adult para samahan siya.

26.3.3.1

Mga Tanong sa Interbyu para sa Temple Recommend

  1. May pananampalataya at patotoo ka ba sa Diyos Amang Walang Hanggan; sa Kanyang Anak na si Jesucristo; at sa Espiritu Santo?

  2. May patotoo ka ba sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa Kanyang papel na ginagampanan bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos?

  3. May patotoo ka ba sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo?

  4. Sinasang-ayunan mo ba ang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at bilang nag-iisang tao sa mundo na nagtataglay at may karapatang gamitin ang lahat ng susi ng priesthood?

    Sinasang-ayunan mo ba ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag?

    Sinasang-ayunan mo ba ang iba pang mga General Authority at mga lokal na lider ng Simbahan?

  5. Sinabi ng Panginoon na ang lahat ng bagay ay dapat “gawin sa kalinisan” sa Kanyang harapan (Doktrina at mga Tipan 42:41).

    Sinisikap mo bang gawing malinis ang iyong kaisipan at asal?

    Sinusunod mo ba ang batas ng kalinisang-puri?

  6. Sinusunod mo ba ang mga turo ng Simbahan ni Jesucristo sa mga ikinikilos mo sa pribado at publiko kasama ang mga miyembro ng iyong pamilya at ibang tao?

  7. Itinataguyod o tinatangkilik mo ba ang anumang mga turo, kaugalian, o doktrinang salungat sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

  8. Sinisikap mo bang panatilihing banal ang araw ng Sabbath, kapwa sa tahanan at sa simbahan; dumadalo sa iyong mga miting; naghahanda para sa at marapat na tumatanggap ng sakramento; at namumuhay nang naaayon sa mga batas at kautusan ng ebanghelyo?

  9. Sinisikap mo bang maging tapat sa lahat ng iyong ginagawa?

  10. Nagbabayad ka ba ng buong ikapu?

    Para sa mga bagong miyembro na humihingi ng recommend para magsagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon: Handa ka bang sundin ang kautusan na magbayad ng ikapu?

  11. Nauunawaan at sinusunod mo ba ang Word of Wisdom?

  12. (Ang tanong na ito ay hindi ginagamit kapag nag-iinterbyu ng isang bata o kabataan.) Ikaw ba ay mayroong anumang pinansiyal na obligasyon o iba pang mga obligasyon sa dati mong asawa o mga anak?

    Kung mayroon, nagagampanan mo ba ang mga obligasyong iyon?

  13. (Ang tanong na ito ay hindi ginagamit kapag nag-iinterbyu ng isang miyembro na hindi endowed.) Tinutupad mo ba ang mga tipang ginawa mo sa loob ng templo?

  14. (Ang tanong na ito ay hindi ginagamit kapag nag-iinterbyu ng isang miyembro na hindi endowed.) Iginagalang mo ba ang iyong sagradong pribilehiyo na isuot ang garment ayon sa itinagubilin sa mga panimulang ordenansa? (Basahin ang pahayag na “Pagsusuot ng Temple Garment,” na kasama sa ibaba, sa bawat miyembro.)

  15. May mabibigat na kasalanan ba sa iyong buhay na kailangang iresolba sa mga awtoridad ng priesthood bilang bahagi ng iyong pagsisisi?

  16. Itinuturing mo bang karapat-dapat ang iyong sarili na makapasok sa bahay ng Panginoon at makilahok sa mga ordenansa sa templo?

26.3.3.2

Pagsusuot ng Temple Garment

Inaprubahan ng Unang Panguluhan ang sumusunod na gabay sa pagsusuot ng garment:

“Ang kasuotan ng banal na priesthood ay nagpapaalala sa atin sa tabing sa templo, at ang tabing na iyon ay sumisimbolo kay Jesucristo. Kapag nagsusuot ka ng iyong garment, isinusuot mo ang sagradong simbolo ni Jesucristo. Ang pagsusuot nito ay pagpapakita ng iyong tapat na pangakong sundin Siya. Ang garment ay isa ring paalala sa iyong mga tipan sa templo. Dapat mong isuot ang garment araw at gabi sa buong buhay mo. Kapag kailangang hubarin ito para sa mga aktibidad na hindi magagawa habang nakasuot ng garment, isuot ito agad pagkatapos. Kapag tinutupad mo ang iyong mga tipan, kabilang na ang sagradong pribilehiyong magsuot ng garment ayon sa itinagubilin sa mga panimulang ordenansa, mas matatanggap mo ang awa, proteksyon, lakas, at kapangyarihan ng Tagapagligtas.”

Kung may mga tanong ang mga miyembro tungkol sa pagsusuot ng garment, sabihan sila na basahin ang 38.5.

26.3.3.3

Karagdagang Gabay

Binibigyang-diin ng priesthood leader sa miyembro na kailangan niyang ingatan ang kanyang recommend. Hindi ito dapat ipahiram kailanman at dapat ipabatid kaagad sa nag-isyu kung ito ay nawala o ninakaw.

26.4

Pagbibigay ng mga Temple Recommend sa mga Miyembrong Hindi Pa Nakatanggap ng Endowment

26.4.1

Mga Pangkalahatang Tuntunin

Sa isang ward, ang bishop o isang inatasang counselor ang nag-iinterbyu sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment para sa kanilang temple recommend. Sa isang branch, ang branch president lamang ang nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend. Sinusunod ng lider ang mga tuntunin sa 26.3. Nagbibigay siya ng recommend kung karapat-dapat ang taong iyon.

Ang mga temple recommend ay ibinibigay sa mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment na gaya ng sumusunod:

  • Para sa mga miyembrong edad 11 pataas na magsasagawa ng pagbibinyag at kumpirmasyon para sa mga patay. (Ang mga kabataang babae at mga naorden na kabataang lalaki ay maaaring makatanggap ng temple recommend simula sa Enero ng taon kung kailan sila magiging 12 taong gulang.)

  • Para sa mga miyembrong edad 8 hanggang 20 na ibubuklod sa kanilang mga magulang. Hindi na kailangan ng recommend ng mga batang wala pang 8 taong gulang para maibuklod sa kanilang mga magulang (tingnan 26.4.4).

  • Para sa mga miyembrong edad 8 hanggang 20 na manonood ng pagbubuklod ng kanilang mga kapatid o kinakapatid (stepsibling o half sibling) sa kanilang mga magulang.

Ang mga miyembrong nakatanggap na ng endowment ay hindi binibigyan ng mga recommend na ipinaliwanag sa bahaging ito.

Ang isang lalaking miyembro ng Simbahan na nasa hustong edad na para matanggap ang priesthood ay dapat i-orden sa isang katungkulan sa priesthood bago siya maaaring makatanggap ng temple recommend.

Kapag nagbibigay ng temple recommend, personal na iniinterbyu ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president ang bawat miyembro. Gayunman, ang taong iniinterbyu ay maaaring anyayahan ang isang magulang o isa pang adult para samahan siya.

26.4.2

Mga Temple Recommend para sa mga Bagong Binyag na Miyembro

Iniinterbyu ng bishop ang mga bagong miyembro na angkop ang edad para makatanggap ng temple recommend na para lamang sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon. Ginagawa niya ang interbyu na ito pagkatapos na pagkatapos ng kumpirmasyon ng miyembro, na karaniwan ay sa loob ng isang linggo (tingnan sa 26.4.1). Para sa mga lalaki, ang interbyu na ito ay maaaring isagawa bilang bahagi ng interbyu para sa pagtanggap ng Aaronic Priesthood. Ang mga lalaking miyembro ng Simbahan ay dapat maordenan sa isang katungkulan sa priesthood bago makatanggap ng temple recommend.

Maaaring tanggapin ng mga karapat-dapat na adult na miyembro ang kanilang sariling endowment makalipas ang isang buong taon mula noong sila ay nakumpirma bilang miyembro ng Simbahan (tingnan sa 27.2.1.1).

26.4.3

Mga Temple Recommend na para Lamang sa mga Proxy na Binyag at Kumpirmasyon

Ang mga temple recommend na ibinigay para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon ay maaari lamang gamitin para sa layuning iyon. Ang mga recommend na ito ay ipini-print gamit ang LCR. Ang mga ito ay nangangailangan lamang ng lagda ng miyembro at lagda ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president.

Para sa impormasyon tungkol sa pag-iiskedyul ng mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay, tingnan sa 28.2.1.

26.4.4

Mga Temple Recommend para sa Pagbubuklod ng Nabubuhay na mga Anak sa mga Magulang

Ang mga miyembrong hindi pa nakatanggap ng endowment na edad 8 hanggang 20 ay binibigyan ng mga temple recommend para makibahagi sa mga pagbubuklod sa sumusunod na mga sitwasyon:

  • Para mabuklod sa kanilang mga magulang

  • Para mapanood ang pagbubuklod ng kanilang mga kapatid o kinakapatid (stepsibling o half sibling) sa kanilang mga magulang

Ang mga taong binibigyan ng temple recommend para makibahagi sa mga pagbubuklod ay iniinterbyu ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president. Iniinterbyu rin sila ng isang miyembro ng stake o mission presidency.

Ipini-print ng isang miyembro ng bishopric o ng branch president ang mga recommend na ito gamit ang LCR. Ang mga temple recommend para sa mga pagbubuklod ay maaaring ibigay sa bawat anak o para sa isang grupo ng mga anak na mula sa iisang pamilya. Ang gayunding recommend ay maaaring gamitin upang ilista ang mga anak na ibubuklod at ang mga manonood.

Hindi na kailangan ng recommend ng mga batang wala pang 8 taong gulang para maibuklod sa kanilang mga magulang. Hindi rin nila kailangan ng recommend para mapanood ang pagbubuklod ng kanilang mga kapatid o kinakapatid (stepsibling o half sibling) sa kanilang mga magulang.

Ang mga miyembrong edad 21 pataas ay maaaring maibuklod sa kanilang mga magulang o mapanood ang pagbubuklod kung sila ay (1) nakatanggap na ng endowment at (2) mayroong current temple recommend.

Tingnan ang 27.4.4 at 38.4.2 para sa mga karagdagang patakaran sa panonood ng mga pagbubuklod at pagbubuklod sa mga magulang.

tinedyer na may hawak na mga recommend sa labas ng templo

26.5

Pagbibigay ng mga Temple Recommend sa mga Espesyal na Sitwasyon

26.5.1

Mga Miyembrong Tatanggap ng Sarili Nilang Endowment

Ang mga tagubilin sa pagbibigay ng recommend sa isang taong tatanggap ng sarili niyang endowment ay ibinigay sa temple recommend book 2. Ang mga karapat-dapat na miyembro na nais tanggapin ang kanilang sariling endowment ay maaari itong gawin kapag natugunan nila ang lahat ng sumusunod na mga kondisyon:

  • Sila ay hindi bababa sa 18 taong gulang.

  • Nakapagtapos na o hindi na sila dumadalo ng high school, secondary school, o ng katumbas nito.

  • Nakalipas na ang isang buong taon mula noong sila ay nakumpirma.

  • Mayroon silang hangaring tanggapin at tuparin ang mga tipan sa templo sa buong buhay nila.

Bukod pa rito, dapat hawak ng isang lalaki ang Melchizedek Priesthood bago niya tanggapin ang sarili niyang endowment. Para sa impormasyon tungkol sa mga miyembrong naghahandang tumanggap ng sarili nilang endowment, tingnan ang 25.2.8. Para sa impormasyon kung sino ang maaaring tumanggap ng endowment, tingnan ang 27.2.1.

26.5.2

Bagong Binyag na mga Miyembro

Maaaring tanggapin ng mga karapat-dapat na adult na miyembro ang kanilang sariling endowment makalipas ang isang buong taon mula noong sila ay nakumpirma bilang miyembro ng Simbahan (tingnan sa 27.2.1.1). Tinitiyak ng mga priesthood leader na ang petsa kung kailan matatanggap ng miyembro ang endowment ay hindi mas maaga sa isang buong taon mula sa araw ng kanyang kumpirmasyon, hindi sa araw ng binyag. Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng awtorisasyon para sa mga eksepsyon.

Ang mga bagong miyembro na karapat-dapat ay dapat bigyan ng temple recommend para mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 26.4.2).

26.5.3

Mga Bata Pang Missionary na Uuwi mula sa Paglilingkod na Malayo sa Tahanan

Bago matapos ng isang bata pang missionary ang kanyang paglilingkod na malayo sa tahanan, iniinterbyu siya ng mission president para sa temple recommend. Kung karapat-dapat ang missionary, bibigyan niya ito ng recommend. Ang mission president ay pipili ng isang petsang isusulat sa recommend at gagamitin sa pag-activate nito para mawalan ng bisa ang recommend tatlong buwan matapos makauwi ang missionary.

Iinterbyuhin ng bishop ang mga returned missionary para magbigay ng bagong temple recommend bago matapos ang tatlong buwang expiration period. Sa napakahalagang mga pagkakataon na wala ang bishop, maaari niyang iawtorisa ang isa sa kanyang mga counselor na isagawa ang mga interbyu na ito.

Sa malalaking young single adult ward, maaaring iawtorisa ng mga bishop ang mga counselor na may malawak na karanasan para isagawa ang mga interbyu na ito.

Pagkatapos ay makikipagkita ang mga returned missionary sa isang miyembro ng kanilang stake presidency para sa interbyu para sa temple recommend.

Sa mga interbyu na ito para sa temple recommend, nirerebyu rin ng bishop at ng miyembro ng stake presidency ang mga payong ibinigay sa release interview ng missionary (tingnan sa 24.8.2). Tinatalakay nila ang pag-unlad, kapakanan, at kasalukuyang calling sa Simbahan ng returned missionary. Hinihikayat din nila siya na magpatuloy sa panghabang-buhay na landas ng pag-unlad sa espirituwal at paglilingkod.

Kung walang calling sa Simbahan ang returned missionary, tinitiyak ng bishop at stake president na siya ay mabibigyan ng calling. Ang mga returned missionary ay maaaring irekomenda na maglingkod bilang mga temple ordinance worker o volunteer kung malapit ang templo (tingnan sa 25.5).

26.5.4

Mga Miyembrong Wala Pang Isang Taong Tuluy-tuloy na Naninirahan sa Isang Ward

Kung ang isang miyembro ay wala pang isang taong tuluy-tuloy na naninirahan sa isang ward, nirerebyu ng bishop ang membership record nito para matiyak na wala itong tala tungkol sa mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan.

Kokontakin ng bishop o ng inatasang counselor ang dating bishop bago isagawa ang interbyu para sa temple recommend. Kapag may nalamang kumpidensyal na impormasyon ang counselor, tatapusin niya ang usapan. Sasabihan niya ang kanyang bishop na kontakin ang dating bishop bago isagawa ang interbyu.

26.5.5

Pagkatapos ng Diborsiyo, Paghihiwalay, o Pagpapawalang-bisa ng Kasal

Maaaring madama ng bishop at stake president na kailangan niyang interbyuhin ang isang miyembrong diborsiyado o hiwalay ayon sa batas (legally separated) o napawalang-bisa ang kasal mula noong huling makatanggap ito ng temple recommend. Sa interbyu na ito, tumutulong silang palakasin ang miyembro sa espirituwal. Tinitiyak din nila na ang miyembro ay patuloy sa pagiging karapat-dapat sa templo.

26.5.6

Mga Miyembrong ang Malapit na mga Kamag-anak ay Hayagang Kumakalaban sa Simbahan o Kabilang sa mga Grupong Nag-apostasiya

Dapat maging maingat ang mga bishop at kanilang mga counselor kapag nagbibigay ng recommend sa mga miyembong ang malapit na mga kamag-anak ay hayagang kumakalaban sa Simbahan o kabilang sa mga grupong nag-apostasiya. Hindi dapat madama ng mga miyembrong nasa ganitong kalagayan na hindi sila maaaring magkaroon ng temple recommend dahil sa kanilang mga kapamilya. Dapat silang hikayatin na panatilihin ang mapagmahal na ugnayan sa kanilang malalapit na kamag-anak. Maaari silang bigyan ng temple recommend kung sila ay makapagbibigay ng angkop at tapat na sagot sa mga tanong sa interbyu.

26.5.7

Mga Indibiduwal na Nagsasabing Sila ay Transgender

Ang mga ordenansa sa templo ay tinatanggap ayon sa biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang. Ang mga karapat-dapat na miyembro na hindi sumailalim sa prosesong medikal, operasyon, o social transitioning para mabago ang kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang ay maaaring makatanggap ng temple recommend at mga ordenansa sa templo. (Para sa kahulugan ng social transition, tingnan sa 38.6.23.)

Ang mga miyembrong gumawa ng mga hakbang para mag-transition at pagkatapos ay bumalik sa kanilang biological na kasarian noong sila ay isinilang at karapat-dapat at determinadong sundin ang mga kautusan ng Diyos ay maaaring tumanggap ng temple recommend at mga ordenansa sa templo.

Ang mga bishop ay sumasangguni sa stake president upang maingat na matugunan ang partikular na mga sitwasyon at nang may pagmamahal na tulad ng kay Cristo. Ang mga stake at mission president ay humihingi ng payo mula sa Area Presidency.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.6.23.

26.5.8

Mga Miyembrong Nakagawa ng Mabigat na Kasalanan

Ang isang miyembrong nakagawa ng mabigat na kasalanan ay hindi maaaring makatanggap ng temple recommend hangga’t hindi siya nagsisisi (tingnan sa 32.6). Ang panahon sa pagitan ng paggawa ng kasalanan at ng pagbibigay ng recommend ay ipinauubaya sa pagpapasiya ng bishop at stake president. Dapat ay sapat ito upang malaman na tunay nang nagsisi ang tao.

26.5.9

Mga Miyembrong Muling Tinanggap Matapos Bawian ng Pagkamiyembro o Nagbitiw sa Pagkamiyembro sa Simbahan

26.5.9.1

Mga Miyembro na Hindi pa Nakatanggap ng Endowment

Matapos muling tanggapin sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon ang isang miyembro na hindi pa nakatanggap ng endowment, maaari siyang interbyuhin ng bishop para makatanggap ng temple recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon (see 26.4.2). Ang interbyu na ito ay karaniwang isinasagawa sa loob ng isang linggo pakatapos ng kumpirmasyon ng miyembro. Ang mga lalaking miyembro ng Simbahan ay kailangang i-orden sa isang katungkulan sa priesthood bago makatanggap ng temple recommend.

Ang mga miyembrong ito ay hindi maaaring bigyan ng mga recommend para sa pagtanggap ng sarili nilang endowment hangga’t wala pang buong isang taon matapos silang muling tanggapin sa Simbahan sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon.

26.5.9.2

Mga Miyembro na Dati nang Tumanggap ng Endowment

Ang mga miyembro na dati nang nakatanggap ng endowment ay hindi maaaring makatanggap ng anumang uri ng temple recommend hangga’t hindi naipapanumbalik ang kanilang mga pagpapala sa templo sa pamamagitan ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala (tingnan sa 32.17.2). Kapag naipanumbalik na ang kanilang mga pagpapala, maaari na silang bigyan ng temple recommend para sa mga miyembrong nakatanggap na ng endowment.