“29. Mga Miting sa Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“29. Mga Miting sa Simbahan,” Pangkalahatang Hanbuk.
29.
Mga Miting sa Simbahan
29.0
Pambungad
Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nagtitipun-tipon upang sumamba, patibayin ang isa’t isa, at magturo at matutuhan ang ebanghelyo (tingnan sa Alma 6:6; Moroni 6:5–6). Ipinangako ng Panginoon, “Kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:20). Ang pagtitipun-tipon ay isang paraan na ang ating mga puso ay “magkakasama sa pagkakaisa at sa pag-ibig” (Mosias 18:21).
Ang mga leadership meeting ay tumutulong sa mga lider na magsanggunian at iorganisa at pag-ugnayin ang mga pagsisikap na paglingkuran ang iba. Gayunman, ang pagdaraos ng miting ay hindi dapat kailanman pumalit sa paglilingkod at pagmiminister na tulad ng ginawa ni Jesucristo. Ang mga paraan ng pagtulong sa Diyos sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ay maaaring planuhin sa isang miting, ngunit madalas itong naisasakatuparan sa labas ng miting.
29.1
Pagpaplano at Pangangasiwa ng mga Miting
Nagpaplano at nangangasiwa ang mga lider ng mga miting “habang sila ay ginagabayan ng Espiritu Santo, alinsunod sa mga kautusan at paghahayag ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 20:45; tingnan din sa Moroni 6:9; Doktrina at mga Tipan 46:2). Naghahanap sila ng mga paraan para maanyayahan ang impluwensya ng Espiritu sa kanilang mga miting.
Sinisiguro ng mga lider na ang dami at haba ng mga miting ay hindi lumilikha ng mga pasanin para sa mga miyembro o sa kanilang mga pamilya. Halimbawa, ang mga miting ay hindi dapat maging dahilan na maging mahirap para sa mga pamilya na magkaroon ng oras na magkasama-sama sa araw ng Sabbath.
Tinitiyak din ng mga lider na ang mga miting ay nakatuon sa kung ano ang pinakamahalaga. Halimbawa, ang mga sacrament meeting ay dapat nakatuon sa sakramento at pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Ang mga presidency meeting at mga council meeting ay nakatuon sa pagpapalakas ng mga indibiduwal at pamilya.
Ang namumunong opisyal ay maaaring mangasiwa sa miting. O maaari niyang hilingin sa iba, tulad ng isang counselor, na mangasiwa sa ilalim ng kanyang patnubay.
Paminsan-minsan, may nangyayari sa gitna ng miting na maaaring maramdaman ng namumunong opisyal na kailangan niyang bigyan ng linaw. Halimbawa, maaaring magturo ang isang tao ng maling doktrina. Kung mangyayari iyan, dapat linawin ito ng namumunong opisyal nang hindi pinapahiya ang sinuman.
29.2
Mga Miting sa Ward
29.2.1
Sacrament Meeting
29.2.1.1
Pagpaplano ng Sacrament Meeting
Ang bishopric ang nagpaplano at nangangasiwa sa sacrament meeting. Tinitiyak nila na nakatuon ito sa sakramento at sa pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo.
Ang sacrament meeting ay tumatagal nang isang oras. Ito ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod:
-
Pambungad na saliw ng musika (tingnan sa 19.3.2 para sa mga tuntunin). Ang mapitagang musika bago magsimula ang miting ay maaaring mag-anyaya ng diwa ng pagsamba.
-
Mga pagbati.
-
Pagkilala sa mga namumunong awtoridad o iba pang mga lider na bumibisita. Ang mga namumunong awtoridad at mga bumibisitang high councilor ay dapat anyayahang maupo sa harapan. Inaanyayahan din ang mga General Officer na umupo sa harapan maliban kung dumadalo sila sa kanilang home ward.
-
Mga Anunsyo. Dapat kakaunti lamang ito. Karamihan sa mga ito ay maaaring i-print, ibahagi online, o ibahagi sa ibang mga miting.
-
Pambungad na himno at panalangin. Tingnan sa 19.3.2 at 29.6.
-
Ward at stake business, tulad ng sumusunod:
-
Pagsang-ayon at pag-release sa mga lider at guro (tingnan sa 30.3 at 30.6).
-
Pagpapakilala sa mga kalalakihan na ioorden sa isang katungkulan sa Aaronic Priesthood (tingnan sa 18.10.3).
-
Pagkilala sa mga bagong miyembro ng ward, kabilang na ang mga bagong binyag. Matapos ang ilang salita para sa pagpapakilala, hinihiling ng taong nangangasiwa sa kongregasyon na ipakita sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay na malugod nilang tinatanggap ang miyembro sa ward.
Kapag ang mga batang member of record ay nabinyagan at nakumpirma, sila ay kinikilala sa sacrament meeting. Gayunman, hindi sila kailangang ipakilala para sa pagtanggap sa ward.
-
-
Pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata (tingnan sa 18.6). Ito ay karaniwang ginagawa sa isang fast and testimony meeting (tingnan sa 29.2.2).
-
Pagkumpirma sa mga bagong binyag (tingnan sa 18.8).
-
Himno sa sakramento at pangangasiwa ng sakramento. Ang miting na ito ay pangunahing nakatuon sa sakramento. Ang ibang bahagi ng meeting ay hindi dapat maging sagabal sa pagbibigay-tuon sa sakramento. Ang ordenansang ito ay isang pagkakataon para sa mga miyembro na maituon ang kanilang mga isipan sa Tagapagligtas at sa Kanyang sakripisyo para sa kanila. Dapat itong maging sagradong panahon ng espirituwal na pagpapanibago.
Dapat ihanda ang sacrament table bago magsimula ang pulong. Tinitiyak ng bishop na ang sakramento ay binabasbasan at ipinapasa sa mapitagan at maayos na paraan. Kinakatawan ng mga nangangasiwa sa sakramento si Jesucristo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghahanda, pagbabasbas, at pagpapasa ng sakramento, tingnan ang 18.9.
Para sa impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng sakramento sa mga di-pangkaraniwang sitwasyon, tingnan ang 29.2.1.5 at 18.9.1.
-
Mga mensahe ng ebanghelyo at pag-awit ng kongregasyon at iba pang musika. Ang mga mensahe at musika ay dapat naaayon sa sagradong katangian ng sakramento. Para sa impormasyon tungkol sa pagpili ng mga tagapagsalita, tingnan ang 29.2.1.4. Para sa impormasyon tungkol sa mga seleksiyon ng musika sa sacrament meeting, tingnan ang 19.3.2.
-
Pangwakas na himno at panalangin.
-
Pangwakas na saliw ng musika.
Ang mga visual aid at mga audiovisual material ay hindi dapat gamitin sa mga sacrament meeting (tingnan sa 38.8.3).
29.2.1.2
Pamumuno sa Sacrament Meeting
Ang bishop ang namumuno sa sacrament meeting maliban kung dadalo ang isang miyembro ng stake presidency, Area Seventy sa kanyang nasasakupan, o General Authority. Kung hindi makadadalo sa sacrament meeting ang bishop at ang kanyang mga counselor, magtatalaga ang stake president ng taong mamumuno. Karaniwang itinatalaga niya ang elders quorum president. Gayunman, maaari niyang anyayahan ang isa pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood.
29.2.1.3
Oras bago ang Sacrament Meeting
Bago magsimula ang miting, ang mga miyembro ng kongregasyon ay espirituwal na naghahanda para sa sakramento. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng tahimik na pananalangin at pagninilay. Ang mga lider ay nagpapakita ng halimbawa ng pagpipitagan.
Inaanyayahan ng isang miyembro ng bishopric ang mga Young Women class presidency na i-organisa ang mga kabataan na mag-minister sa pamamagitan ng pagbati sa mga bisita at mga miyembro na papasok ng sacrament hall. Sinisikap ng mga kabataan na batiin ang mga miyembro gamit ang pangalan ng mga ito. Nagtataguyod din sila ng pagpipitagan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at pagtulong sa mga tao na makahanap ng upuan kung kinakailangan.
29.2.1.4
Pagpili ng mga Tagapagsalita
Ang bishopric ang pumipili ng mga tagapagsalita para sa sacrament meeting. Kadalasan ay inaanyayahan nila ang mga miyembro ng ward, kabilang na ang mga kabataan at mga bata (tingnan sa 38.8.18). Maaaring atasan ng stake president ang mga high councilor o mga miyembro ng presidency ng mga organisasyon sa stake na magbigay ng mensahe. Stake president ang tumutukoy kung gaano kadalas ang gayong pagsasalita.
Maagang ibinibigay ng bishopric ang paanyayang magbigay ng mensahe sa sacrament meeting. Ang mga tagapagsalita ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo at nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo gamit ang mga banal na kasulatan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:12; 52:9). Ang mga mensahe ay dapat magpatatag ng pananampalataya at naaayon sa sagradong katangian ng sakramento.
Para sa impormasyon tungkol sa pagsasalita sa sacrament meeting ng mga bagong tawag na missionary o mga bagong returned missionary tingnan ang 24.5.2 at 24.8.3.
Ang bishopric ay nag-iiskedyul ng isang sacrament meeting bawat taon para sa pagtatanghal ng mga bata sa Primary. Para sa impormasyon tungkol sa pagtatanghal na ito, tingnan ang 12.1.6.
29.2.1.5
Sacrament Meeting sa mga Hindi Karaniwang Sitwasyon
Ang bawat miyembro ay kailangan ang espirituwal na pagpapala na nagmumula sa pakikibahagi sa sakramento. Gayunman, ang ilang miyembro ay hindi makakayang dumalo sa sacrament meeting dahil sila ay nasa ospital o bahay kalinga, o kaya ay hindi makalabas ng bahay. Maaaring atasan ng bishop ang mga mayhawak ng priesthood na pangasiwaan ang sakramento para sa mga miyembrong ito (tingnan sa 18.9.1).
Sa ilang pagkakataon, maaaring pahintulutan ng bishop ang online streaming ng sacrament meeting para sa mga hindi makadadalo. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 29.7.
Kapag ang mga miyembro ay naglalakbay o pansamantalang nakatira malayo sa tahanan, dapat silang dumalo sa sacrament meeting sa isang kalapit na ward kung maaari. Ang mga sacrament service ay hindi dapat idaos sa mga reunion ng pamilya, bakasyon, o iba pang mga aktibidad na hindi itinataguyod ng Simbahan.
29.2.2
Fast and Testimony Meeting
Sa fast and testimony meeting, walang nakatalagang mga tagapagsalita o espesyal na seleksiyon sa musika. Sa halip, ang taong nangangasiwa ay magbabahagi ng maikling patotoo. Pagkatapos ay aanyayahan niya ang mga miyembro ng kongregasyon na magbahagi ng kanilang patotoo. Ang ibig sabihin ng pagpapatotoo ay pagpapahayag ng mga katotohanan ng ebanghelyo ayon sa inspirasyon mula sa Espiritu Santo. Ang mga patotoo ay dapat maikli lamang para maraming tao ang makapagbahagi.
Malugod na tinatanggap ang pagbabahagi ng patotoo ng mga malilit na bata sa fast and testimony meeting. Makabubuti sa kanila na matutong gawin ito sa bahay hanggang sa makaya na nilang magbahagi ng patotoo nang walang tulong mula sa iba.
Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, karaniwang nagsasagawa ng pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata sa fast and testimony meeting (tingnan sa 29.2.1.1).
29.2.3
Ward Conference
Ang ward conference ay pinaplano upang matugunan ang lokal na mga pangangailangan. Kabilang dito ang sacrament meeting na pinlano ng stake president. Ang stake president ang karaniwang namumuno sa miting, at isang miyembro ng bishopric ang karaniwang nangangasiwa.
Sa miting na ito, isang miyembro ng stake presidency o high council ang nagpapakilala sa mga general officer, mga lider ng stake, at mga lider ng ward para sa pagsang-ayon. Ginagamit niya ang Officers Sustained form, na inihanda ng ward clerk. Ang bishop at stake president ay karaniwang nagsasalita sa miting na ito.
Ang ward ay nagdaraos ng regular na mga priesthood meeting at mga miting ng mga organisasyon bilang bahagi ng ward conference. Ang mga lider ng stake ay maaaring magturo at magbigay ng tulong sa mga miting na ito. Nagmiminister sila sa mga lider at miyembro ng ward.
Kaugnay ng ward conference, ang stake presidency ay nakikipagpulong sa bishopric. Magkasama nilang nirerebyu ang progreso ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa ward. Ang pulong na ito ay maaaring idaos sa araw ng Linggo ng ward conference o sa iba pang pagkakataon.
29.2.4
Bishopric Meeting
Ang bishop ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga bishopric meeting. Maaaring kabilang sa mga bagay na pag-uusapan ang:
-
Pag-organisa at pag-uugnay ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa ward.
-
Pagpapalakas ng mga indibiduwal at pamilya sa ward—lalo na ang mga kabataan at mga bata.
-
Pagtukoy sa mga miyembrong maaaring maghandang tumanggap ng mga ordenansa, kabilang na ang mga ordinasyon sa priesthood.
-
Pagtukoy sa mga miyembro na tatawagin sa mga katungkulan sa ward.
-
Pagtukoy sa mga miyembro na maaaring irekomenda sa stake president para maglingkod bilang mga missionary.
-
Pagrebyu ng mga tagubilin mula sa mga banal na kasulatan, mga lider ng Simbahan, at hanbuk na ito.
Maaaring kabilang sa iba pang mga bagay na pag-uusapan ang mga organisasyon at programa ng ward, budget ng ward, mga ulat tungkol sa mga takdang-gawain, at mga plano para sa darating na mga miting at aktibidad.
29.2.5
Ward Council Meeting
Ang bishop ang nagpaplano, namumuno, at nangangasiwa sa mga ward council meeting. Kung wala siya, maaaring atasan niya ang isang counselor na mamuno at mangasiwa. Gayunman, ang council ay hindi gumagawa ng mahahalagang desisyon kung wala ang bishop.
Hinahangad ng ward council na tulungan ang mga miyembro ng ward na magkaroon ng espirituwal na lakas, tumanggap ng mga nakapagliligtas na ordenansa, tumupad ng mga tipan, at maging mga tagasunod ni Jesucristo (tingnan sa Moroni 6:4–5). Sa mga ward council meeting, pinaplano at inoorganisa ng mga miyembro ng council ang gawaing ito. Sama-sama nilang tinutukoy kung paano magagamit ang mga kakayahan at talento ng mga miyembro ng ward upang pagpalain ang mga nangangailangan. Hinihingi nila ang patnubay ng Espiritu Santo habang nagkakaisa sila sa pagmamahal at pagmamalasakit sa mga miyembro ng ward.
Ang mga lider ng mga organisasyon sa ward ay dumadalo sa mga ward council meeting bilang:
-
Mga miyembro ng ward council na tumutulong na mapagpala ang lahat ng miyembro ng ward.
-
Mga kinatawan ng kanilang mga organisasyon.
Kapag sila ay nagpupulong, tinatalakay ng mga miyembro ng ward council ang mga bagay na magkakaroon ng pinakamagandang resulta mula sa sama-samang pagsasanggunian at pagtutulungan ng buong council. Ang bawat miyembro ng council ay hinihikayat na ibahagi ang kanyang mga saloobin at inspirasyon tungkol sa mga bagay na ito.
Ang mga ward council meeting ay karaniwang hindi tumatagal nang mahigit isang oras. Magsisimula sila sa isang panalangin at maiikling ulat tungkol sa mga takdang-gawain mula sa mga nakaraang miting. Nakalista sa ibaba ang mga bagay na maaaring talakayin. Walang sapat na oras para talakayin ang lahat ng ito sa bawat miting. Inuuna ng bishop ang mga bagay na pinakakailangan para mapagpala ang mga indibiduwal at pamilya.
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Pagtulong sa lahat ng miyembro na magkaroon ng pananampalataya, tanggapin ang mga nakapagliligtas na ordenansa, at tuparin ang kanilang mga tipan.
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan. Pagbabahagi ng mga resource at mga kasanayan para mapagpala ang mga indibiduwal, pamilya, at komunidad. Pagtulong sa mga miyembro ng ward na umasa sa kanilang sariling kakayahan. (Tingnan sa kabanata 22.)
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Pagrerebyu sa progreso ng mga taong nag-aaral tungkol sa ebanghelyo, gayundin ang mga bago at nagbabalik na miyembro. Pagtalakay sa mga paraan na maibabahagi ng mga miyembro ang ebanghelyo sa iba. (Tingnan sa kabanata 23.)
-
Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan. Pagrerebyu sa progreso ng mga miyembrong naghahandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo. Pagpaplano ng mga paraan para matulungan ang mas maraming miyembro na maging karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend. Pagtalakay sa mga paraan kung paano makikibahagi ang mga miyembro sa gawain sa templo at family history. (Tingnan sa kabanata 25.)
Habang tinatalakay ng mga miyembro ng ward council ang mga bagay na ito, isinasaalang-alang nila ang mga pangangailangan at kakayahan ng mga miyembrong pinaglilingkuran nila. Inaalam nila ang tungkol sa mga pangangailangan at kakayahang ito sa mga presidency meeting, sa mga pakikipag-usap sa mga miyembro ng kanilang organisasyon (kabilang ang mga ministering interview), at sa sarili nilang mga pagsisikap na magminister. Dagdag pa rito, ang Leader and Clerk Resources ay may tools at mga report na makatutulong sa mga lider na malaman ang pag-unlad ng mga miyembro. Dapat panatilihing kumpidensyal ng mga miyembro ng council ang anumang pribado o sensitibong impormasyon (see 4.4.6).
Dapat ay kilala ng ward council ang mga bata at kabataan sa ward at ang kanilang mga sitwasyon sa tahanan. Binibigyan nila ng partikular na pansin ang mga walang suporta ng ebanghelyo sa tahanan.
Pagkatapos talakayin ang isang bagay, maaaring magpasiya ang bishop sa gagawing aksyon o ipagpapaliban ang paggawa ng desisyon at maghahangad ng karagdagang impormasyon at patnubay. O maaari niyang idulog ang bagay na ito sa ibang council, tulad ng bishopric. Tingnan sa 4.4.3.
Kung minsan ay maaaring mapagpasiyahan ng ward council na makatutulong ang isang aktibidad para sa buong ward para matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro. Maaaring pamahalaan ng ward council ang pagpaplano ng mga aktibidad para sa buong ward. Gayunman, ang malaking bahagi ng pagpaplano ay ginagawa bago at pagkatapos ng mga council meeting. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga aktibidad, tingnan ang kabanata 20.
Matapos makauwi ang mga full-time missionary, maaari silang anyayahang magbigay ng ulat sa ward council tungkol sa kanilang misyon (tingnan sa 24.8.3).
Upang maunawaan ang mga alituntunin na gumagabay sa mga council meeting sa Simbahan, dapat pag-aralan ng lahat ng miyembro ng council ang 4.3 at 4.4.
29.2.6
Ward Youth Council Meeting
Maaaring pangasiwaan ng bishop ang mga ward youth council meeting. O maaari niyang atasan ang isang tao na gawin ito, tulad ng isa sa kanyang mga priests quorum assistant o president ng pinakamatandang Young Women class. Ang mga ward youth council meeting ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga kabataan na mamuno. Matutulungan sila ng bishopric o ng iba pang mga lider na maghanda para sa mga miting na ito sa mga quorum o class presidency meeting.
Bago ang bawat miting, nirerebyu ng bishop at ng taong mangangasiwa ang mga bagay na tatalakayin. Maaaring kasama rito ang mga sumusunod:
-
Ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
-
Mga pangangailangan ng mga kabataan sa ward at mga paraan para matugunan ang mga ito.
-
Mga pagsisikap na tulungan ang mga kabataan na di-gaanong aktibo o bagong miyembro.
-
Mga aktibidad, kabilang na ang mga pagkakataong paglingkuran ang mga nangangailangan. Karamihan sa pagpaplano ay ginagawa sa mga quorum o class presidency meeting (tingnan sa kabanata 20).
-
Ministering (tingnan sa kabanata 21).
-
Pagbibigay ng oryentasyon sa mga bagong tawag na quorum presidency at class presidency.
Upang maunawaan ang mga alituntunin na gumagabay sa mga council meeting sa Simbahan, dapat pag-aralan ng lahat ng miyembro ng council ang 4.3 at 4.4.
29.2.7
Iba pang mga Miting at Klase sa Ward
Ang mga miting para sa mga priesthood quorum at kanilang mga presidency ay inilarawan sa mga kabanata 8 at 10.
Ang mga miting para sa mga Relief Society sister at kanilang mga lider ay inilarawan sa kabanata 9.
Ang mga miting para sa mga kabataang babae at kanilang mga lider ay inilarawan sa kabanata 11.
Ang mga miting para sa mga bata sa Primary at kanilang mga lider ay inilarawan sa kabanata 12.
Ang mga klase sa Sunday School ay inilarawan sa 13.3.
Ang mga teacher council meeting ay inilarawan sa 17.4.
Ang mga coordination meeting para sa gawain ng pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro ay inilarawan sa 23.4.
Ang mga coordination meeting para sa gawain sa templo at family history ay inilarawan sa 25.2.7.
29.2.8
Iskedyul para sa mga Miting sa Araw ng Linggo
Ginagamit ng mga ward ang isa sa mga sumusunod na dalawang-oras na iskedyul para sa mga miting sa araw ng Linggo.
Plano 1
60 minuto |
Sacrament meeting |
---|---|
10 minuto |
Paglipat sa mga klase at miting |
50 minuto |
Lahat ng Araw ng Linggo: Primary, kabilang na ang nursery (tingnan sa 12.2.1.2) Una at ikatlong Linggo ng buwan: Sunday School (tingnan sa 13.3) Ikalawa at ikaapat na Linggo: mga priesthood quorum meeting (tingnan sa 8.2.1.2 at 10.2.1.2), mga Relief Society meeting (tingnan sa 9.2.1.2), at mga Young Women meeting (tingnan sa 11.2.1.2) Ikalimang Linggo: mga miting para sa mga kabataan at adult. Ang bishopric ang pumipili ng paksa at nagtatalaga ng mga guro (karaniwang mga miyembro ng ward o stake). Sila rin ang nagpapasiya kung ang mga kabataan at mga adult, lalaki at babae, ay magtitipon nang magkakahiwalay o magkakasama. |
Plano 2
50 minuto |
Lahat ng Araw ng Linggo: Primary, kabilang na ang nursery (tingnan sa 12.2.1.2) Una at ikatlong Linggo ng buwan: Sunday School (tingnan sa 13.3) Ikalawa at ikaapat na Linggo: mga priesthood quorum meeting (tingnan sa 8.2.1.2 at 10.2.1.2), mga Relief Society meeting (tingnan sa 9.2.1.2), at mga Young Women meeting (tingnan sa 11.2.1.2) Ikalimang Linggo: mga miting para sa mga kabataan at adult. Ang bishopric ang pumipili ng paksa at nagtatalaga ng mga guro (karaniwang mga miyembro ng ward o stake). Sila rin ang nagpapasiya kung ang mga kabataan at mga adult, lalaki at babae, ay magtitipon nang magkakahiwalay o magkakasama. |
---|---|
10 minuto |
Paglipat sa sacrament meeting |
60 minuto |
Sacrament meeting |
Kapag nagpupulong ang dalawang ward sa iisang gusali at ang isa o parehong ward ay may kakaunti lamang na mga bata o kabataan, maaaring kanais-nais para sa mga bata o kabataan na magkakasamang dumalo sa mga klase sa araw ng Linggo. Ang ilang bahagi ng iskedyul ng mga miting ng ward sa araw ng Linggo ay maaaring magkasabay tulad ng makikita sa ibaba.
Maaari ding isaalang-alang ang planong ito kung magkaibang wika ang gamit ng dalawang ward, ngunit ang mga bata at kabataan ay nagsasalita ng iisang wika.
Ang paggamit ng planong ito ay nangangailangan ng pag-apruba ng stake president. Kung aaprubahan niya, ang bishop ng bawat ward ay nakikipagpulong sa mga lider ng mga organisasyon upang hingin ang kanilang payo tungkol sa pagpapatupad nito.
Ang dalawang bishopric ay magpupulong upang matukoy kung sinong mga miyembro mula sa bawat ward ang dapat tawaging maglingkod sa mga korum at mga organisasyon. Ang bawat bishop ay mananatili bilang president ng kanyang priests quorum, ngunit ang dalawang bishop ay maaaring magsalitan sa pamumuno sa mga quorum meeting sa araw ng Linggo. Ang mga bishop mula sa dalawang ward ay dumadalo sa pinagsamang mga ward youth council meeting. Matapos ipatupad ang plano, ang mga lider ay patuloy na nagpupulong nang regular upang pag-ugnayin ang kanilang mga pagsisikap.
29.2.9
Pasko ng Pagkabuhay at Pasko
Tuwing Linggo ng Pagkabuhay, ang sacrament meeting lamang ang idinaraos na miting. Ganoon din kapag ang Araw ng Pasko ay pumatak sa araw ng Linggo. Kapag ang Pasko ay hindi araw ng Linggo, sacrament meeting lamang ang idinaraos na miting sa araw ng Linggo na pinakamalapit sa araw ng Pasko—karaniwang ang araw ng Linggo bago ang araw ng Pasko—ayon sa pagpapasiya ng stake presidency.
Sa ilang mga lugar, may pista opisyal na hindi pang-Kristiyano na lubhang mahalaga sa kanilang kultura. Kapag ang gayong pista opisyal ay araw ng Linggo, maaaring bigyan ng Area Presidency ng awtorisasyon ang mga bishop na sacrament meeting lamang ang idaos sa araw na iyon.
Maaaring kumonsulta ang mga stake presidency sa mga bishop para malaman kung kailangan bang ilipat ang oras ng pagsisimula ng mga sacrament meeting sa mga araw na ito ng Linggo.
29.3
Mga Miting sa Stake
29.3.1
Stake Conference
Ang Korum ng Labindalawang Apostol ang nag-iiskedyul ng mga stake conference. Karaniwang ang stake president ang namumuno sa isang kumperensya bawat taon at isang inatasang Area Seventy o General Authority ang namumuno sa isa pa.
Pinamamahalaan ng namumunong opisyal ang lahat ng pagpaplano para sa kumperensya. Maaga niyang inaaprubahan ang lahat ng makikibahagi at mga seleksiyon ng musika. Para sa impormasyon tungkol sa musika sa stake conference, tingnan ang 19.3.4.
Kapag namumuno ang Area Seventy o General Authority, maaari niyang anyayahan ang stake president na magmungkahi ng mga paksa na ituturo sa kumperensya. Kapag ang stake president ang mamumuno, sila ng kanyang mga counselor ang pumipili ng mga paksa. Maaaring talakayin ng stake presidency ang mga posibleng paksa sa stake council. Sa paggawa ng mga pagpiling ito, isinasaalang-alang ng stake presidency ang mga paksang binigyang-diin ng Unang Panguluhan kamakailan.
Habang inaasikaso ng stake president ang paghahanda para sa stake conference, maaari siyang humingi ng tulong sa mga priesthood quorum at iba pang mga organisasyon, indibiduwal, at pamilya. Halimbawa, maaari silang atasan na ayusin ang mga upuan, magbigay ng mga usher, at linisin ang gusali.
Karaniwang kabilang sa bawat stake conference ang mga sumusunod na miting:
-
Isang miting ng Area Seventy o General Authority (kung inatasan) at ng stake presidency. Dumadalo rin ang stake clerk at stake executive secretary.
-
Isang stake priesthood leadership meeting (tingnan sa 29.3.3). Ang namumunong awtoridad ang nagpapasiya kung idaraos ang miting na ito sa araw ng Sabado o Linggo. Isang miyembro ng stake presidency ang nangangasiwa.
-
Isang sesyon sa Sabado ng gabi para sa lahat ng miyembro ng stake na edad 18 pataas. Depende sa lokal na sitwasyon, ang sesyong ito ay maaaring idaos sa araw ng Linggo kung inaprubahan ng namumunong awtoridad. Isang miyembro ng stake presidency ang nangangasiwa.
-
Isang pangkalahatang sesyon, na idinaraos sa araw ng Linggo, para sa lahat ng miyembro at iba pang nais dumalo. Ang stake president ang nangangasiwa at siya ay nagsasalita sa pulong na ito. Maaaring magdaos ng mahigit sa isang pangkalahatang sesyon sa araw ng Linggo kung walang sapat na lugar para makadalo ang lahat sa iisang sesyon. Ang mga bata ay dumadalo kasama ang kanilang pamilya, hindi sa isang hiwalay na miting.
Kung kailangan, ang mga sesyon ng kumperensya ay maaaring i-stream sa iba pang mga meetinghouse o lokasyon sa stake. Maaaring kailanganin ng ilang miyembro na i-stream sa kanilang tahanan ang kumperensya. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa online streaming ng mga miting, tingnan ang 29.7.
Ang mga tagapagsalita sa pangkalahatang sesyon ay hindi dapat gumamit ng mga visual aid o audiovisual material (tingnan sa 38.8.3).
Kung dumadalo ang mga General Officer, temple president at matron, mission president at companion, o stake patriarch, dapat silang umupo sa harapan. Angkop din ito para sa mga counselor sa temple presidency at mission presidency (at kanilang mga asawa) kung dumadalo sila bilang kahalili ng temple president o mission president.
Sa isang stake conference bawat taon, ipinakikilala ng isang miyembro ng stake presidency ang mga general, area, at stake officer para sa pagsang-ayon. Ginagamit niya ang Officers Sustained form na inihanda ng stake clerk. Ito ay karaniwang ginagawa sa unang stake conference ng taon.
Kung ang mga opisyal ng stake ay tinatawag o inire-release sa pagitan ng mga stake conference, sila ay ipakikilala sa susunod na stake conference para sa pagsang-ayon o pagpapahayag ng pasasalamat. Maaari din itong gawin sa mga sacrament meeting ng bawat ward. Tingnan ang 30.3 at 30.6.
Ang mga kalalakihan na inirekomendang maordenan bilang mga elder o high priest ay ipinakikilala para sa pagsang-ayon sa isang stake conference. Kung kailangang maordenan ang isang lalaki bago ang susunod na stake conference, maaari siyang sang-ayunan sa sacrament meeting ng kanyang ward. Pagkatapos ay ipakikilala siya sa isang stake conference para sa pagpapatibay (tingnan sa 18.10.3).
29.3.2
Stake General Priesthood Meeting
Ang stake presidency ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake general priesthood meeting. Mapanalangin nilang pinipili ang mga paksa at mga tagapagsalita.
29.3.3
Stake Priesthood Leadership Meeting
Ang stake presidency ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake priesthood leadership meeting. Maaaring baguhin at iangkop ang pagka-organisa ng mga miting na ito. Lahat ng mga kalahok ay maaaring manatiling magkakasama sa buong miting. O, matapos ang ilang pangkalahatang pagtuturo, maaari silang maghiwalay sa mas maliliit na grupo para sa pagtuturo ng partikular na paksa batay sa kanilang mga tungkulin at takdang-gawain.
Ang stake presidency at iba pang mga lider ng stake ang karaniwang nagtuturo. Ang mga lider ng ward, kabilang na ang mga lider na babae, ay maaari ding anyayahang magturo minsan.
29.3.4
Mga Stake Leadership Meeting
Ang mga presidency ng mga organisasyon ng stake ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake leadership meeting. Maaaring baguhin at iangkop ang pagka-organisa ng mga miting na ito. Lahat ng mga lider ay maaaring manatiling magkakasama sa buong miting. O, matapos ang ilang pangkalahatang pagtuturo, maaari silang maghiwalay sa mas maliliit na grupo para sa pagtuturo ng partikular na paksa batay sa kanilang mga tungkulin at takdang-gawain.
Ang mga lider ng organisasyon, mga miyembro ng stake presidency, o iba pang mga lider ng stake ang karaniwang nagtuturo. Ang mga lider ng organisasyon ng ward ay maaari ding anyayahang magturo minsan.
Ang stake Young Men presidency ay hindi nagdaraos ng stake leadership meeting. Ang pagtuturo para sa mga naglilingkod sa mga Aaronic Priesthood quorum ay ibinibigay sa mga stake priesthood leadership meeting (tingnan sa 29.3.3).
29.3.5
Stake Presidency Meeting
Ang stake president ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake presidency meeting. Maaaring kabilang sa mga bagay na pag-uusapan ang:
-
Gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake.
-
Pagpapalakas sa mga indibiduwal at pamilya sa stake.
-
Mga pangangailangan at kakayahan ng mga ward, elders quorum, at iba pang mga organisasyon sa stake.
-
Mga kalalakihang inirekomenda ng mga bishop na maordenan bilang elder.
-
Mga miyembro na tatawagin sa mga katungkulan sa stake at ilang mga katungkulan sa ward tulad ng nakasaad sa 30.8.
-
Mga miyembrong inirekomenda ng mga bishop na magmisyon.
-
Mga tagubilin mula sa mga banal na kasulatan, mga lider ng Simbahan, at hanbuk na ito.
Maaaring kabilang sa iba pang mga bagay na pag-uusapan ang mga aktibidad at programa ng stake, budget ng stake, mga ulat tungkol sa mga takdang-gawain, at mga plano para sa darating na mga miting.
29.3.6
High Council Meeting
Ang stake presidency ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga high council meeting. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang:
-
Pagtanggap ng tagubilin mula sa stake presidency tungkol sa doktrina at mga takdang-gawain.
-
Pagsasanggunian tungkol sa pagpapalakas sa mga indibiduwal at pamilya sa stake. Ang Leader and Clerk Resources (LCR) ay may tools at mga report na makatutulong sa mga lider na malaman ang pag-unlad ng mga miyembro.
-
Pagtalakay kung paano isasakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake.
-
Pagbibigay ng ulat tungkol sa mga takdang-gawain.
-
Pakikipagsanggunian sa stake presidency at pagsang-ayon sa kanilang mga desisyon na iorden ang mga kalalakihan bilang elder at high priest.
-
Pakikipagsanggunian sa stake presidency at pagsang-ayon sa kanilang mga desisyon na magbigay ng mga calling.
-
Pagtulong sa pagpaplano ng mga stake priesthood leadership meeting (tingnan sa 29.3.3).
-
Pakikinig sa report ng mga returned missionary (tingnan sa 24.8.3).
Kung minsan ang isang maikling high council meeting ay maaaring sundan kaagad ng isang stake council meeting (tingnan sa 29.3.7). Makatutulong ito na mabawasan ang bilang ng mga miting na dadaluhan ng mga lider.
Upang maunawaan ang mga alituntunin na gumagabay sa mga council meeting sa Simbahan, dapat pag-aralan ng lahat ng miyembro ng council ang 4.3 at 4.4.
Para sa impormasyon tungkol sa mga kalahok na sumasali sa miting sa pamamagitan ng internet, tingnan ang 29.7.
29.3.7
Stake Council Meeting
Ang stake president ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake council meeting. Sa mga miting na ito, ang mga miyembro ng council ay maaaring:
-
Turuan ng stake presidency tungkol sa doktrina at kanilang mga takdang-gawain.
-
Magsanggunian tungkol sa pagpapalakas sa mga indibiduwal at pamilya sa stake. Ang LCR ay may tools at mga report na makatutulong sa mga lider na malaman ang pag-unlad ng mga miyembro.
-
Talakayin ang pangkalahatang mithiin na gagabay sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake.
-
Talakayin ang temporal na mga pangangailangan ng mga miyembro sa stake at kung paano sila tutulungang umasa sa sarili nilang kakayahan. Tukuyin ang resources na makukuha sa komunidad at sa stake. Maaaring kabilang sa mga halimbawa nito ang mga lokal na paaralan at ang BYU–Pathway Worldwide. (Tingnan sa 22.12 at 22.13.)
-
Bumuo at magpanatili ng isang simpleng plano para makatugon ang stake sa mga emergency (tingnan sa 22.9.1.3).
-
Magplano ng mga paraan para makapaglingkod sa komunidad ang mga miyembro ng stake (tingnan sa 22.9.1). Kung saan ito ay magagamit, ang JustServe.org ay nagbibigay ng mga mungkahi para sa mga pagkakataong maglingkod sa komunidad.
-
Magreport tungkol sa mga organisasyon, aktibidad, at programa ng stake.
Kung minsan ang isang stake council meeting ay idinaraos kaagad pagkatapos ng isang maikling high council meeting (tingnan sa 29.3.6). Makatutulong ito na mabawasan ang bilang ng mga miting na dadaluhan ng mga lider.
Upang maunawaan ang mga alituntunin na gumagabay sa mga council meeting sa Simbahan, dapat pag-aralan ng lahat ng miyembro ng council ang 4.3 at 4.4.
Para sa impormasyon tungkol sa mga kalahok na sumasali sa miting sa pamamagitan ng internet, tingnan ang 29.7.
29.3.8
Stake Adult Leadership Committee Meeting
Sinusuportahan ng stake adult leadership committee ang mga elders quorum presidency at ward Relief Society presidency sa kanilang gawain. Binibigyang-diin ng mga miyembro ng komite ang mga pagsisikap ng ward sa ministering, pagbabahagi ng ebanghelyo, pagpapalakas ng mga bago at nagbabalik na miyembro, at pakikibahagi sa gawain sa templo at family history.
Bukod pa rito, pinag-uugnay ng komiteng ito ang mga pagsisikap ng stake na may kaugnayan sa welfare at self-reliance, kabilang na ang JustServe.org (kung saan ito ay magagamit) at BYU–Pathway Worldwide (tingnan sa 22.13).
Ang stake presidency ang nagpaplano at nangangasiwa sa mga stake adult leadership committee meeting. Ang mga miting na ito ay maaaring karugtong ng mga stake council meeting. Halimbawa, pagkatapos ng ilang stake council meeting, maaaring magpulong ang adult leadership committee upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa ilang partikular na bagay.
29.3.9
Stake Youth Leadership Committee Meeting
Sinusuportahan ng stake youth leadership committee ang mga bishopric, mga Young Women presidency at adviser, at mga Aaronic Priesthood quorum adviser sa kanilang gawain sa mga kabataan. Binibigyang-diin ng mga nakatatandang mga lider sa komite ang pakikibahagi ng mga kabataan sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
Ang stake youth leadership committee ay may sumusunod na karagdagang mga responsibilidad:
-
Magplano ng mga gawaing-paglilingkod at aktibidad. Maaaring kabilang dito ang mga youth conference, sayawan, devotional, service projects, at multistake event. (Para sa mga ideya sa paglilingkod, tingnan ang JustServe.org, kung saan ito ay magagamit.) Ang mga kabataan ang dapat na mamuno sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga aktibidad na ito. Ang mga aktibidad sa stake ay hindi dapat maging napakadalas na magiging pasanin na ang mga ito sa mga ward. Ang mga aktibidad na ito ay dapat na pandagdag lamang sa mga aktibidad ng ward at hindi makipagkumpetensya sa mga ito. Dapat maagang abisuhan ang mga lider ng ward tungkol sa mga aktibidad ng stake.
-
Magplano ng mga paraan para masuportahan ang mga For the Strength of Youth conference.
-
Pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng stake na may kaugnayan sa programang Mga Bata at Kabataan.
Isang miyembro ng stake presidency ang namumuno sa mga stake youth leadership committee meeting. Maaari siyang mangasiwa, o maaari niyang atasan ang isang tao na gawin ito, kabilang ang mga kabataan. Ang mga miting na ito ay maaaring karugtong ng mga stake council meeting. Halimbawa, pagkatapos ng ilang stake council meeting, maaaring magpulong ang youth leadership committee upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa ilang partikular na bagay.
29.3.10
Stake Bishops’ Council Meeting
Maaaring kabilang sa mga bagay na pag-uusapan ang:
-
Pagtulong sa mga kabataan na umunlad sa espirituwal.
-
Paggamit ng mga handog-ayuno para pangalagaan ang mga nangangailangan. Pagtulong sa mga miyembro na umasa sa sarili nilang kakayahan (tingnan sa kabanata 22, lalo na ang 22.11). Pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa resources na makukuha sa komunidad.
-
Pagtulong sa mga miyembro na magsisi at maranasan ang pagbabago ng puso (tingnan sa kabanata 32).
-
Pangangasiwa sa pananalapi ng Simbahan (tingnan sa kabanata 34).
Pinamumunuan ng stake president ang miting na ito. Tinutulungan niya ang mga bishop na matutuhan at magampanan ang kanilang mga pangunahing responsibilidad (tingnan sa 7.1). Inaanyayahan din niya ang mga bishop na magsanggunian tungkol sa mga tagubilin mula sa mga lider ng Simbahan.
Ang miting na ito ay hindi pumapalit sa regular na interbyu ng stake president sa bawat bishop (tingnan sa 6.2.1.2).
Upang maunawaan ang mga alituntunin na gumagabay sa mga council meeting sa Simbahan, dapat pag-aralan ng lahat ng miyembro ng council ang 4.3 at 4.4.
29.3.11
Iba pang mga Miting sa Stake
Ang mga miting ng stake single adult committee at stake young single adult committee ay inilarawan sa 14.1.1.2.
29.4
Mga Coordinating Council Meeting
Ang Area Seventy ang namumuno sa mga miting at nangangasiwa sa mga talakayan. Lahat ng dumadalo ay nagsasanggunian bilang pantay-pantay na kalahok (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:122).
Sa mga miting na ito, ang mga kalahok ay:
-
Naghahangad ng paghahayag tungkol sa kung paano pinakamainam na maipatutupad ang mga turo at tagubilin ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Area Presidency.
-
Inoorganisa at pinag-uugnay sa kanilang council ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
-
Nagsanggunian tungkol sa temporal at espirituwal na kapakanan ng mga miyembro at kung paano sila tutulungang maging tunay na mga tagasunod ni Jesucristo.
-
Tinuturuan at pinatitibay ang isa’t isa.
-
Pinag-uugnay ang mga bagay na nauukol sa dalawa o higit pang stake.
29.5
Mga Funeral Service at Iba Pang mga Serbisyo para sa mga Patay
Kapag namatay ang isang miyembro ng Simbahan, maaaring mag-alok ang bishop na magdaos ng mga serbisyo para mapanatag ang mga buhay at magbigay-pugay sa namatay. Ang mga serbisyo para sa mga taong namatay ay iba-iba ayon sa relihiyon, kultura, tradisyon, at mga lokal na batas. Ang sumusunod na mga tagubilin ay makatutulong sa mga bishop na magplano ng mga serbisyo para sa mga namatay na nakasentro sa ebanghelyo habang iginagalang ang mga pagkakaiba-ibang binanggit.
29.5.1
Mga Pangkalahatang Alituntunin
Ang kamatayan ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit (tingnan sa Alma 12:24–27). Dahil kay Jesucristo, lahat ay mabubuhay na mag-uli. Ang isang mahalagang layunin ng mga serbisyo ng Simbahan para sa mga namatay ay magpatotoo sa plano ng kaligtasan, lalo na sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Ang mga serbisyong ito ay dapat marangal at maging mga espirituwal na karanasan.
Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat magpakita ng paggalang sa mga kaugalian ng ibang mga relihiyon sa panahon ng kamatayan. Gayunman, hindi sila dapat sumali sa mga ritwal o tradisyon na salungat sa mga kautusan o mga pamantayan ng Simbahan. Hindi dapat isama ng mga lider ng Simbahan ang ritwal ng ibang relihiyon o grupo sa mga pulong ng Simbahan para sa mga namatay.
Ang mga miyembro ay pinapayuhan laban sa mga gawain o tradisyon na nagiging pabigat para sa mga nabubuhay. Maaaring kabilang sa gayong mga gawain ang labis-labis na paglalakbay, magagarbong anunsyo sa pubiko, pagbibigay ng pera sa pamilya, matagal na handaan, at labis-labis na pagdiriwang ng anibersaryo.
Ang mga miyembro ng Simbahan na nakikibahagi sa mga serbisyo para sa mga namatay ay hindi dapat tumanggap ng bayad.
Sinusunod ng mga lider at miyembro ng Simbahan ang mga lokal na batas tungkol sa kung ano ang gagawin kapag namatay ang isang tao.
29.5.2
Pag-aalok ng Tulong sa Pamilya
Bilang mga disipulo ni Cristo, ang mga lider ng Simbahan at mga miyembro ay “[nakiki]dalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, … at [nagbibigay] aliw [sa] yaong mga nangangailangan ng aliw” (Mosias 18:9). Kapag namatay ang isang miyembro, binibisita ng bishop ang pamilya upang magbigay ng kapanatagan. Maaari niyang hilingin sa kanyang mga counselor na samahan siya. Inaabisuhan din niya ang elders quorum president at Relief Society president.
Ang bishop ay nag-aalok ng tulong mula sa mga miyembro ng ward, kabilang na ang elders quorum at Relief Society. Halimbawa, maaaring gawin ng mga miyembro ng ward ang sumusunod:
-
Abisuhan ang mga kaibigan at kamag-anak.
-
Tumulong sa paghahanda ng isang obitwaryo.
-
Tumulong sa pagpaplano ng funeral service o iba pang serbisyo sa patay.
-
Tumulong sa pag-aasikaso sa punerarya at sementeryo, kung naaangkop.
-
Damitan ang bangkay para sa libing (tingnan sa 38.5.10).
-
Maghanda ng pagkain.
29.5.3
Burol (Kung Saan Kaugalian)
Kung minsan ay inilalagay sa meetinghouse ng Simbahan ang bangkay para masulyapan ng mga tao sa huling pagkakataon bago isagawa ang funeral service. Dapat buksan ng mga lider ang meetinghouse para sa mangangasiwa ng funeral service ng kahit isang oras bago ang nakatakdang oras para sa burol.
Matapos ang burol, isang panalangin ng pamilya ang maaaring gawin kung nais ng pamilya. Ang kabaong ay dapat isara bago simulan ang funeral service.
29.5.4
Mga Funeral Service (Kung Kaugalian)
Kapag ang funeral service ay ginanap sa isang gusali ng Simbahan, ang bishop ang nangangasiwa rito. Kung ang funeral service ay ginanap sa tahanan, sa punerarya, o sa sementeryo, maaaring hilingin ng pamilya na ang bishop ang mangasiwa nito. Ang counselor ng bishop ay maaaring mangasiwa kung hindi ito magagawa ng bishop. Para sa impormasyon tungkol sa mga funeral service na idinaraos sa isang gusali ng Simbahan para sa isang taong hindi miyembro ng Simbahan, tingnan ang 29.5.6.
Ang funeral service na pinangangasiwaan ng bishop, sa isang gusali man ng Simbahan o sa ibang lugar, ay isang pulong ng Simbahan at pulong na panrelihiyon. Dapat itong maging espirituwal na okasyon. Hinihikayat ng bishop ang mga kalahok na panatilihin ang diwa ng pagpipitagan at dignidad.
Kapag isang bishop ang nangangasiwa sa funeral service, siya o isa sa kanyang mga counselor ang namamahala sa pagpaplano ng pulong. Isinasaalang-alang niya ang nais mangyari ng pamilya, tinitiyak na ang funeral service ay simple at kagalang-galang, na ang musika at maiikling mensahe ay nakasentro sa ebanghelyo. Dapat bigyang-diin ang kapanatagang ibinibigay ni Jesucristo dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli. Hindi kailangang magsalita o makibahagi ang mga miyembro ng pamilya sa pulong.
Ang funeral service ay pagkakataon para makapagbigay-pugay sa namatay. Gayunman, ang gayong pagbibigay-pugay ay hindi dapat mangibabaw sa funeral service. Ang isang espesyal na pagtitipon ng pamilya, na hiwalay sa funeral service, ay karaniwang mas angkop na okasyon kung nais ng pamilya ng mas maraming oras para magbahagi ng mga papugay o alaala.
Ang mga video presentation ay hindi dapat maging bahagi ng funeral service na ginaganap sa sacrament hall.
Ang funeral service ay dapat magsimula sa takdang oras. Ang mga ito ay karaniwang hindi tumatagal nang mahigit 1.5 oras, bilang paggalang sa mga dumadalo.
Kung dadalo sa funeral service ang isang miyembro ng stake presidency, Area Seventy sa kanyang nasasakupan, o General Authority, siya ang mamumuno nito. Ang taong nangangasiwa ay maagang sasangguni sa kanya at kikilalanin siya sa oras ng pulong. Ang namumunong opisyal ay dapat anyayahan na magbigay ng pangwakas na mensahe kung nais niya.
Ang mga funeral service ay hindi karaniwang idinaraos sa araw ng Linggo.
Sa ilang pagkakataon, ang bishop ay maaaring makipag-ayos sa mga mortician o mga taong nangangasiwa sa libing na bayaran sila upang mag-asikaso ng maayos na serbisyo sa paglilibing kung ito ay babayaran gamit ang pondo ng handog-ayuno.
Para sa impormasyon tungkol sa pag-uwi ng mga missionary para dumalo sa funeral service, tingnan ang 24.6.2.7. Para sa mga tuntunin tungkol sa pag-stream at pagrekord ng mga funeral service, tingnan ang 29.7.
29.5.5
Libing o Cremation
Kung saan maaari, ang yumaong mga miyembro na tumanggap na ng endowment ay dapat ilibing o i-cremate na suot ang kasuotan sa templo. Para sa impormasyon tungkol sa temple burial clothing at pagbibihis ng mga patay, tingnan ang 38.5.10.
Kung maaari, dapat samahan ng kahit isang miyembro ng bishopric ang cortege o mga taong makikilibing sa sementeryo. Kung ang libingan ay ilalaan, sumasangguni siya sa pamilya at hihilingin sa isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na gawin ang paglalaan. Ang mga tagubilin ay ibinigay sa 18.16. Kung mas gusto ng pamilya, maaaring mag-alay ng panalangin sa tabi ng puntod sa halip na panalangin ng paglalaan.
Para sa impormasyon tungkol sa paglalaan ng lugar kung saan itatago ang abo ng na-cremate na miyembro, tingnan ang 18.16.2. Para sa iba pang mga tuntunin tungkol sa cremation, tingnan ang 38.7.2.
29.5.6
Mga Funeral Service para sa mga Hindi Miyembro
Maaaring ialok ng bishop na ipagamit ang meetinghouse ng Simbahan para sa funeral service ng isang tao na hindi miyembro ng Simbahan. Kung ang taong namatay ay kasapi ng ibang simbahan, ang funeral service ay maaaring isagawa alinsunod sa pamamaraang iminumungkahi ng simbahang iyon. Kung nais ng pamilya, ang funeral service ay maaaring isagawa ng isang pastor ng simbahang iyon, basta’t ito ay isinasagawa nang mapitagan at angkop. Gayunman, ang mga ritwal ng ibang simbahan o organisasyon ay hindi maaaring isagawa sa isang meetinghouse ng Simbahan.
29.6
Mga Panalangin sa mga Miting ng Simbahan
Ang mga panalangin sa mga miting sa Simbahan ay dapat maikli, simple, at ginagabayan ng Espiritu. Ang sinumang nabinyagang miyembro ng Simbahan ay maaaring mag-alay ng pambungad o pangwakas na panalangin. Ang mga batang hindi pa nabibinyagan ay maaaring mag-alay ng panalangin sa Primary. Dapat iwasan ng mga lider na palaging hilingin sa mag-asawa na mag-alay ng panalangin sa iisang miting.
Ang mga miyembro ay dapat manalangin gamit ang mga salitang nagpapahayag ng pagmamahal at paggalang sa Ama sa Langit. Sa Ingles, kabilang dito ang paggamit ng mga panghalip na Thee, Thy, Thine, at Thou sa pakikipag-usap sa Kanya.
29.7
Pag-stream ng mga Miting at Pagdaraos ng mga Online na Miting
Hangga’t maaari, dapat magsikap ang mga miyembro ng Simbahan na dumalo nang personal sa mga miting. May pakinabang sa pagtitipon na nagpapaganda sa pagsamba at tumutulong na mapagkaisa ang mga miyembro (tingnan sa 29.0).
Kapag hindi ito posible dahil sa problema sa kalusugan o iba pang mga kadahilanan, ang pag-stream at pagdaraos ng mga online na miting ay ginagawang posible na makibahagi ang mga hindi makadalo nang personal. Para sa kapakanan ng mga miyembrong ito at ng iba pa, maaaring pahintulutan ng bishop ang livestreaming ng mga sacrament meeting (tingnan sa 29.2.1.5), mga serbisyo sa binyag, funeral service, at iba pang mga miting ng ward. Maaaring pahintulutan ng stake president ang livestreaming ng stake conference (tingnan sa 29.3.1) at iba pang mga miting ng stake. Para sa patnubay tungkol sa pag-stream ng sakramento at iba pang mga ordenansa, tingnan ang 38.2.3.
Gayundin, kapag hindi makadalo nang personal ang mga miyembro sa mga klase o leadership meeting sa araw ng Linggo, maaaring pahintulutan ng bishop o stake president ang mga miyembrong ito na makibahagi sa pamamagitan ng internet.
Matutulungan ng mga ward at stake technology specialist ang mga lider na ihanda ang mga kinakailangan para sa pag-stream at mga online na miting (tingnan sa 33.10). Matutulungan din ng mga indibiduwal na ito ang mga miyembro na ma-access ang mga miting na ito.
Ang nakarekord na stream ng mga miting ng ward at stake ay dapat burahin isang araw pagkatapos ng miting.
29.8
Mga Retrato at Video Recording ng mga Miting
Upang mapanatili ang kasagraduhan ng mga pulong ng Simbahan, walang sinuman ang dapat kumuha ng mga retrato o gumawa ng mga video recording ng mga sacrament meeting o stake conference.
Para sa impormasyon tungkol sa mga stream recording ng mga miting, tingnan ang 29.7.
29.9
Pag-interpret sa mga Miting
Nais ng Panginoon na maunawaan ng lahat ang ebanghelyo sa kanilang sariling wika (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 90:11). Sa mga stake kung saan ang mga miyembro ay nagsasalita ng mahigit sa isang katutubong wika, ang isang miyembro ng stake presidency ay maaaring tumawag ng stake interpretation coordinator. Ang bishop ay maaaring tumawag ng mga ward interpreter.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Church Interpretation Training and Best Practices sa ChurchofJesusChrist.org.