“32. Pagsisisi at mga Church Membership Council,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“32. Pagsisisi at mga Church Membership Council,” Pangkalahatang Hanbuk.
32.
Pagsisisi at mga Church Membership Council
32.0
Pambungad
Kadalasan, ang ginagawang pagsisisi ay nagaganap sa pagitan ng indibiduwal, ng Diyos, at ng mga taong naapektuhan ng mga kasalanan ng isang tao. Gayunpaman, kung minsan ay kailangang tulungan ng bishop o stake president ang mga miyembro ng Simbahan sa kanilang mga pagsisikap na magsisi.
Sa pagtulong nila sa mga miyembro na magsisi, ang mga bishop at stake president ay dapat na maging mapagmahal at mapagmalasakit. Sinusunod nila ang halimbawa ng Tagapagligtas, na tumulong sa mga indibiduwal na maging mas mabuti at talikuran ang kasalanan at bumaling sa Diyos (tingnan sa Mateo 9:10–13; Juan 8:3–11).
Gaya ng pagkakabalangkas sa ibaba, ang kabanatang ito ay inayos para gabayan ang mga lider sa mahahalagang desisyon at aksyon na kinakailangan upang matulungan ang isang tao na magsisi mula sa mabigat na kasalanan at matulungang protektahan ang ibang tao.
-
Ang Papel na Ginagampanan ng Simbahan sa Pagtulong sa Isang Tao na Magsisi. Ipinapaliwanag sa mga bahagi 32.1–32.4 ang doktrina ng Panginoon tungkol sa pagsisisi at kapatawaran. Ang mga bahaging ito ay nagpapaliwanag din sa tatlong layunin ng mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan. Dagdag pa rito, ipinapaliwanag ng mga ito ang papel ng mga bishop at stake president sa pagtulong sa pagsisisi.
-
Pagtukoy sa Paraan ng Pagtulong sa Isang Tao na Magsisi. Ang mga bahagi 32.5–32.7 ay nagbibigay ng mga tuntunin sa pagpapasiya kung membership council o personal na pagpapayo ang nararapat na paraan para matulungan ang isang tao na makapagsisi.
-
Pagsasagawa ng Personal na Pagpapayo. Ang bahagi 32.8 ay nagbibigay ng mga tuntunin para sa personal na pagpapayo ng bishop o stake president. Ipinapaliwanag din nito ang di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan.
-
Pagsasagawa ng mga Church Membership Council. Ipinapaliwanag sa mga bahagi 32.9–32.14 kung sino ang may responsibilidad para sa mga membership council, kung paano ito pangangasiwaan, at kung ano ang posibleng mga desisyon. Ang mga resulta ng mga desisyong iyon ay ipinaliwanag din.
-
Pagbalik sa mga Pribilehiyo ng Pagiging Miyembro ng Simbahan. Ipinapaliwanag sa mga bahagi 32.15–32.17 kung paano maipapanumbalik sa isang tao ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng pagsisisi.
Maliban kung iba ang nakasaad, ang mga pagtukoy sa mga stake president ay angkop din sa mga mission president. Ang pagtukoy sa mga bishop ay angkop din sa mga branch president.
Ang Unang Panguluhan ang nagtatakda ng mga patakaran at proseso para sa pagsisisi sa mabibigat na kasalanan. Ang Unang Panguluhan ay sinusuportahan ng Confidential Records Office ng Simbahan. Maaaring kontakin ng stake president o bishop ang opisinang ito para sa mga tanong tungkol sa mga patakaran o tanong na pang-administratibo. Ang opisinang ito ay maaari ding magbigay ng mga tagubilin kung paano magsumite ng mga kahilingan sa Office of the First Presidency. Makikita ang contact information sa ibaba:
Telepono: 1-801-240-2053 o 1-800-453-3860, extension 2-2053
Toll free (GSD phone): 855-537-4357
ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG SIMBAHAN SA PAGTULONG SA ISANG TAO NA MAGSISI
32.1
Pagsisisi at Kapatawaran
Sinabi ng Panginoon na “walang maruming bagay ang magmamana ng kaharian ng langit” (Alma 11:37; tingnan din sa 3 Nephi 27:19). Ang ating mga kasalanan ay ginagawa tayong marumi—hindi karapat-dapat na mamuhay sa piling ng ating Ama sa Langit. Naghahatid din ito sa atin ng dalamhati sa buhay na ito.
Kinakailangan sa batas ng katarungan ng Diyos na magkaroon tayo ng kaparusahan kapag nagkakasala tayo (tingnan sa Alma 42:14, 17–18). Gayunman, ang Kanyang dakilang plano ng awa ay “mabibigyang-kasiyahan … ang hinihingi ng katarungan, at yayakapin [tayo] ng mga bisig ng kaligtasan,” (Alma 34:16; tingnan din sa Mosias 15:9).
Upang maisakatuparan ang Kanyang plano ng awa, isinugo ng Ama sa Langit ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesucristo upang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan (tingnan sa Alma 42:15). Pinagdusahan ni Jesus ang kaparusahang hinihingi ng batas ng katarungan para sa ating mga kasalanan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:15–19; tingnan din sa Alma 42:24–25). Sa pamamagitan ng sakripisyong ito, ipinakita ng Ama at ng Anak ang Kanilang walang-hanggang pagmamahal sa atin (tingnan sa Juan 3:16).
Kapag tayo ay nagkaroon ng “pananampalataya tungo sa pagsisisi,” patatawarin tayo ng Ama sa Langit, na nagkakaloob ng awa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo (Alma 34:15; tingnan din sa Alma 42:13). Kapag tayo ay nalinis at napatawad, sa huli ay maaari nating manahin ang kaharian ng Diyos (tingnan sa Isaias 1:18; Doktrina at mga Tipan 58:42).
Ang pagsisisi ay higit pa sa pagbabago ng pag-uugali. Ito ay pagtalikod sa kasalanan at pagbaling sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Humahantong ito sa pagbabago ng puso at isipan (tingnan sa Mosias 5:2; Alma 5:12–14; Helaman 15:7). Sa pamamagitan ng pagsisisi, tayo ay nagiging mga bagong tao na nakipagkasundo sa Diyos (tingnan sa 2 Corinto 5:17–18; Mosias 27:25–26).
Ang pagkakataong makapagsisi ay isa sa mga pinakadakilang pagpapalang ibinigay sa atin ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng kaloob na Kanyang Anak.
32.2
Mga Layunin ng mga Restriksyon o Pagbawi sa Pagkamiyembro sa Simbahan
Kapag nabinyagan ang isang tao, siya ay nagiging bahagi ng “sangbahayan ng Diyos” (Efeso 2:19). Ang tipan sa binyag ay kinapapalooban ng pangakong magsikap na mamuhay ayon sa mga turo at kautusan ni Cristo. Kapag ang isang tao ay nagkulang sa pagtupad nito, siya ay nananampalataya kay Jesucristo at nagsisisi, umaasa sa Kanyang awa para mapalakas at mapatawad.
Kapag ang isang miyembro ay nakagawa ng mabigat na kasalanan, siya ay tinutulungan ng bishop o stake president na magsisi. Bilang bahagi ng prosesong ito, maaari niyang lagyan ng restriksyon o limitahan ang ilang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan sa loob ng ilang panahon. Sa ilang mga sitwasyon, maaaring kailanganin niyang bawiin ang pagkamiyembro ng isang tao sa loob ng ilang panahon.
Ang pagbibigay ng restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro ng isang tao ay hindi nilayong maging parusa. Sa halip, ang mga aksyon na ito ay kinakailangan kung minsan upang matulungan ang isang tao na makapagsisi at magkaroon ng pagbabago ng puso. Binibigyan din ng mga ito ang isang tao ng panahon para makapaghanda sa espirituwal upang panibaguhin at tuparing muli ang kanyang mga tipan.
Ang bishop o stake president ang namamahala sa mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro tulad ng nakabalangkas sa 32.5–32.14. Ang mga aksyon na ito ay may kaakibat na mga kondisyon ng pagsisisi. Kapag ang isang tao ay taos-pusong nagsisisi, maaaring maipanumbalik sa kanya ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan.
Kapag kailangang magbigay ng restriksyon o bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan, sinusunod ng bishop o stake president ang patnubay ng Espiritu Santo at ang mga tagubilin sa kabanatang ito. Siya ay kumikilos nang may pagmamahal (tingnan sa 32.3).
Ang mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan ay pangsimbahan, at hindi sibil o pangkrimen. Ang katayuan ng isang tao sa Simbahan lamang ang naaapektuhan nito. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 134:10.)
Ang tatlong layunin ng mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro ay ang sumusunod.
32.2.1
Tulungang Maprotektahan ang Iba
Ang unang layunin ay tulungang maprotektahan ang iba. Kung minsan ang isang tao ay maaaring makapagdulot ng pisikal o espirituwal na panganib. Ang mga mapagsamantalang pagkilos, mga pisikal na panganib, seksuwal na pang-aabuso, pag-abuso sa droga, panlilinlang, at apostasiya ay ilan sa mga paraan na maaaring mangyari ito. Sa pamamagitan ng inspirasyon, ang bishop o stake president ay kumikilos upang maprotektahan ang ibang tao kapag ang isang tao ay maaaring makapagdulot ng ganitong mga panganib at iba pang mabibigat na banta (tingnan sa Alma 5:59–60).
32.2.2
Tulungan ang Isang Tao na Matanggap ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagsisisi
Ang pangalawang layunin ay tulungan ang isang tao na matanggap ang nakatutubos na kapangyarihan ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi. Sa prosesong ito, siya ay maaaring muling maging malinis at karapat-dapat na tumanggap ng lahat ng mga pagpapala ng Diyos.
Itinuro ng Tagapagligtas na “bagbag na puso at nagsisising espiritu” ang sakripisyong hinihingi Niya para sa kapatawaran ng kasalanan (3 Nephi 9:20). Kabilang dito ang kalungkutan para sa mga kasalanan at ang mga ibinunga nito (tingnan sa 2 Corinto 7:9–10).
Kapag ang isang tao ay nakagawa ng mabigat na kasalanan, ang mga restriksyon sa pagkamiyembro o pagbawi sa pagkamiyembro ay makatutulong sa pagbuo ng bagbag na puso at nagsisising espiritu na kailangan para magsisi, tunay na talikuran ang kasalanan, at maunawaan ang mga bunga ng kasalanan. Ang pagkaunawang ito ay makatutulong sa mga tao na mas lumalim ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga tipan sa Diyos at naising tuparin ang mga tipang iyon sa hinaharap.
32.2.3
Protektahan ang Integridad ng Simbahan
Ang pangatlong layunin ay protektahan ang integridad ng Simbahan. Ang pagbibigay ng restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao ay maaaring kailanganin kung ang kanyang pagkilos ay lubhang nakapipinsala sa Simbahan (tingnan sa Alma 39:11). Ang integridad ng Simbahan ay hindi pinoprotektahan sa pamamagitan ng paglilihim o pagpapagaan sa mabibigat na kasalanan—kundi sa pagtugon sa mga ito.
32.3
Ang Papel na Ginagampanan ng mga Hukom sa Israel
Ang mga bishop at stake president ay tinawag at na-set apart na maging mga hukom sa Israel (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:72–74). Taglay nila ang mga susi ng priesthood para katawanin ang Panginoon sa pagtulong sa mga miyembro ng Simbahan na makapagsisi (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13:1; 107:16–18).
Ang mga bishop at stake president ay kadalasang tumutulong sa pagsisisi sa pamamagitan ng personal na pagpapayo. Maaaring kabilang sa tulong na ito ang pagbibigay ng ilang restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan sa loob ng ilang panahon. (Tingnan sa 32.8.)
Para sa ilang mabibigat na kasalanan, ang mga lider ay tumutulong sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang membership council (tingnan sa 32.6 at 32.9–32.14). Maaaring kabilang sa tulong na ito ang pormal na pagbibigay ng restriksyon sa ilang mga pribilehiyo sa pagiging miyembro ng Simbahan o pagbawi sa pagkamiyembro ng isang tao sa loob ng ilang panahon (tingnan sa 32.11.3 at 32.11.4).
Tinutulungan ng mga bishop at stake president ang mga miyembro ng Simbahan na maunawaan na mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak. Dahil nais Niya na sila ay lumigaya at makatanggap ng mga pagpapala, malaki ang pagnanais Niya na sila ay maging masunurin at magsisi.
Ang mga bishop at stake president ay mapagmahal at mapagmalasakit sa pagtulong sa mga miyembro na magsisi. Ang pakikipag-ugnayan ng Tagapagligtas sa babaeng nahuli sa pangangalunya ay isang gabay (tingnan sa Juan 8:3–11). Bagama’t hindi Niya sinabing napatawad na ang mga kasalanan nito, hindi Niya ito hinatulan. Sa halip, sinabi Niya rito na “huwag ka nang magkasala”—na ibig sabihin ay magsisi at baguhin ang kanyang buhay.
Itinuturo ng mga lider na ito na “magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi” (Lucas 15:7). Sila ay mapagpasensya, matulungin, at may positibong pananaw. Nagbibigay sila ng pag-asa. Sila ay nagtuturo at nagpapatotoo na dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas, lahat ng tao ay maaaring magsisi at maging malinis.
Hinihingi ng mga bishop at stake president ang patnubay ng Espiritu Santo para malaman kung paano nila matutulungan ang bawat tao na magsisi. Tanging sa lubhang mabibigat na kasalanan lamang nagtatakda ang Simbahan ng pamantayan kung anong mga hakbang ang gagawin ng mga lider na ito (tingnan sa 32.6 at 32.11). Walang dalawang sitwasyon na magkapareho. Ang payo na ibinibigay ng mga lider at ang proseso ng pagsisisi na pinangangasiwaan nila ay dapat gawin nang may inspirasyon at maaaring magkakaiba para sa bawat tao.
Alam ng Panginoon ang mga kalagayan, kakayahan, at antas ng espirituwalidad ng bawat tao. Tutulungan ng Espiritu Santo ang mga lider na mahiwatigan kung paano tulungan ang mga miyembro na gumawa ng mga kinakailangang pagbabago upang sila ay mapagaling at mapaglabanan nila ang tuksong ulitin ang kasalanan.
Ang pagtulong sa isang tao na magsisi, bumaling sa Diyos, at mapagaling sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay isa sa pinakamasasayang karanasan na maaaring madama ng isang tao. Ipinaliwanag sa Doktrina at mga Tipan 18:10–13:
“Tandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos;
“Sapagkat, masdan, ang Panginoon na inyong Manunubos ay nakaranas ng kamatayan sa laman; dahil dito kanyang tiniis ang mga pasakit ng lahat ng tao, upang ang lahat ng tao ay magsisi at lumapit sa kanya.
“At siya ay nabuhay na muli mula sa patay, upang kanyang madala ang lahat ng tao sa kanya, kung sila ay magsisisi.
“At anong laki ng kanyang kagalakan sa kaluluwang nagsisisi!”
32.4
Pagtatapat, Kumpidensyalidad, at Pagsusumbong sa mga Awtoridad ng Pamahalaan
32.4.1
Pagtatapat
Ang pagsisisi ay nangangailangan ng pagtatapat ng kasalanan sa Ama sa Langit. Sinabi ni Jesucristo, “Sa pamamagitan nito inyong malalaman kung ang isang tao ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan—masdan, kanyang aaminin ang mga yaon at tatalikdan ang mga yaon” (Doktrina at mga Tipan 58:43; tingnan din sa Mosias 26:29).
Kapag nakagawa ng mabibigat na kasalanan ang mga miyembro ng Simbahan, bahagi rin ng kanilang pagsisisi ang pagtatapat sa kanilang bishop o stake president. Pagkatapos ay magagamit niya ang mga susi ng ebanghelyo ng pagsisisi para sa kanila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13:1; 84:26–27; 107:18, 20). Tinutulungan sila nito na gumaling at bumalik sa landas ng ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
Ang layunin ng pagtatapat ay hikayatin ang mga miyembro na bawasan ang kanilang mga pasanin nang sa gayon ay lubos silang makapagtuon sa paghingi ng tulong sa Panginoon para sa pagbabago at pagpapagaling. Nakatutulong ang pagtatapat sa pagkakaroon ng “bagbag na puso at nagsisising espiritu” (2 Nephi 2:7). Ipinakikita ng boluntaryong pagtatapat na nais ng isang tao na magsisi.
Kapag nagtapat ang isang miyembro, sinusunod ng bishop o stake president ang mga tuntunin sa pagpapayo na matatagpuan sa 32.8. Mapanalangin siyang naghahangad ng patnubay para malaman kung ano ang nararapat na paraan upang matulungan ang miyembro na magsisi (tingnan sa 32.5). Isinasaalang-alang niya kung makatutulong ang isang membership council. Kung ayon sa patakaran ng Simbahan ay kailangang magdaos ng isang membership council, ipinapaliwanag niya ito (tingnan sa 32.6 at 32.10).
Kung minsan ay nagkakasala ang isang miyembro sa isang asawa o sa isa pang adult. Bilang bahagi ng pagsisisi, kadalasan ay dapat siyang magtapat sa taong iyon at humingi ng tawad. Ang isang kabataang nakagawa ng isang mabigat na kasalanan ay kadalasang hinihikayat na sumangguni sa kanyang mga magulang.
32.4.2
Mabibigat na Kasalanan na Hindi Ipinagtapat o Itinatanggi
Karaniwang nalalaman ng bishop o stake president ang tungkol sa isang mabigat na kasalanan sa pamamagitan ng pagtatapat o mula sa ibang tao. Maaari din siyang makatanggap ng mga pahiwatig tungkol sa isang mabigat na kasalanan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kung makadama siya ng pahiwatig mula sa Espiritu na ang isang tao ay maaaring nagdurusa dahil sa kasalanan, maaari siyang mag-iskedyul ng isang interbyu. Sa interbyu, ibinabahagi niya ang kanyang mga alalahanin sa mabait at magalang na paraan. Iniiwasan niya ang anumang kilos o paraan na maaaring mabigyang-kahulugan bilang pagpaparatang.
Kung itinatanggi ng miyembro na siya ay nakagawa ng mabigat na kasalanan ngunit ang bishop o stake president ay may sumusuportang impormasyon kaugnay nito, maaari pa ring magdaos ng isang membership council. Gayunman, ang espirituwal na impresyon lamang ay hindi sapat na basehan para magdaos ng isang membership council (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 10:37). Ang lider ay maaaring mangalap ng karagdagang impormasyon kung kailangan. Sinusunod niya ang mga tuntunin sa 32.4.3 at 32.10.2.
32.4.3
Pangangalap ng Impormasyon
Bago magdaos ng membership council, tinitipon ng bishop o stake president ang lahat ng impormasyong kailangan niya. Kadalasan ay sapat na ang impormasyong mula sa pagtatapat ng isang miyembro. Ang impormasyon ay maaari ding magmula sa isang kapamilya, isa pang lider ng Simbahan, isang biktima, o isang kasama sa paggawa ng kasalanan.
Kapag nagtitipon ng impormasyon, ang bishop o stake president ay dapat gumamit ng mga pamamaraan na angkop sa isang priesthood leader. Hindi niya dapat subaybayan ang bahay ng isang tao o irekord ito nang walang pahintulot nito. Hindi rin siya dapat gumamit ng mga pamamaraan na labag sa batas.
Ang mga maling paratang ay bihira lamang ngunit maaari itong mangyari. Dapat maging maingat ang mga priesthood leader kapag limitado ang impormasyon at ang tanging mapagkukunan lamang ng impormasyon ay ang salita ng isang tao. Halimbawa, ang isang miyembrong pinaratangan ng pangangalunya ay maaaring pasinungalingan ito. Ipinapaliwanag sa mga banal na kasulatan na “ang bawat salita ay papagtibayin laban sa kanya ng dalawang saksi ng simbahan” (Doktrina at mga Tipan 42:80). Ang ibig sabihin ng “dalawang saksi” ay dalawang magkahiwalay na mapagkukunan ng impormasyon. Ito ay maaaring ang kaalaman ng isang kalahok at ng iba pang mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon. Kung minsan ang isang priesthood leader ay maaaring kailangang ipagpaliban ang aksyong gagawin hanggang sa magkaroon ng karagdagang impormasyon.
Kapag ang isang lider ng Simbahan ay nangangalap ng impormasyon para sa isang membership council, dapat siyang huminto kaagad kapag nalaman niya na ang miyembro ay aktibong iniimbestigahan ng mga alagad ng batas. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang posibleng mga pagpaparatang ng pagiging sagabal o hadlang sa pagpapatupad ng batas. Para sa legal na payo tungkol sa ganitong mga sitwasyon sa Estados Unidos at Canada, kokontakin ng stake president ang Office of General Counsel ng Simbahan:
1-800-453-3860, extension 2-6301
1-801-240-6301
Sa labas ng Estados Unidos at Canada, kokontakin ng stake president ang area legal counsel sa area office.
Karaniwan ay hindi nagdaraos ng membership council para sa isang ginawang aksyon na sinusuri ng hukumang sibil o pangkrimen hanggang sa magkaroon ng huling hatol ang hukuman. Sa ilang kaso maaaring angkop ding ipagpaliban ang membership council hanggang sa matapos ang panahon para sa legal na pag-apela o matapos tanggihan ang apela.
32.4.4
Kumpidensyalidad
Ang mga bishop, stake president, at kanilang mga counselor ay may sagradong tungkulin na protektahan ang lahat ng kumpidensyal na impormasyong ibinahagi sa kanila. Ang mga impormasyong ito ay maaaring matanggap sa mga interbyu, pagpapayo, at pagtatapat. Ang gayong tungkulin sa kumpidensyalidad ay angkop din sa lahat ng nakikibahagi sa mga membership council. Ang kumpidensyalidad ay napakahalaga dahil ang mga miyembro ay hindi magtatapat ng mga kasalanan o hihingi ng gabay kung ang mga ibabahagi nila ay hindi pananatilihing kumpidensyal. Ang pagbabahagi ng kumpidensyal na impormasyon sa mga hindi dapat makaalam ay pagtataksil sa pagtitiwala ng mga miyembro at magiging dahilan ito para mawalan sila ng tiwala sa kanilang mga lider.
Alinsunod sa kanilang tungkulin sa pagiging kumpidensyal, ang bishop, stake president, o kanilang mga counselor ay maaari lamang magbahagi ng gayong mga impormasyon ayon sa sumusunod:
-
Kailangan nilang sumangguni sa stake president, mission president, o bishop ng miyembro tungkol sa pagdaraos ng isang membership council o kaugnay na mga bagay. Maaari ding sumangguni ang stake president sa nakatalagang Area Seventy sa kanya. Kung kailangan, tutulungan ng Area Seventy ang stake president na sumangguni sa Area Presidency. Tanging ang stake president lamang ang magpapasiya kung dapat magdaos ng membership council o kung ano ang kalalabasan nito.
-
Ang tao ay lilipat sa isang bagong ward (o ire-release ang priesthood leader) habang mayroong hindi pa nalulutas na aksyon ukol sa pagkamiyembro o iba pang mabibigat na problema. Sa ganitong mga sitwasyon, ipinaaalam ng lider sa bagong bishop o stake president ang tungkol sa mga problema o hindi pa nalutas na aksyon (tingnan sa 32.14.7). Ipinaaalam din niya sa lider kung ang miyembro ay maaaring maging banta o mapanganib para sa ibang tao.
-
Nalaman ng bishop o stake president na ang isang miyembro ng Simbahan na naninirahan sa labas ng ward o stake ay nasangkot sa mabigat na kasalanan. Sa pagkakataong iyon, kokontakin niya sa paraang kumpidensyal ang bishop ng miyembro.
-
Kailangang magbigay ng impormasyon sa isang membership council. Lahat ng impormasyong natipon at ibinahagi bilang bahagi ng membership council ay kumpidensyal.
-
Pinili ng miyembro na magbigay ng pahintulot sa lider na ibahagi ang impormasyon sa partikular na mga tao. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga magulang, lider ng Simbahan, o iba pang maaaring makapagbigay ng suporta. Ang lider ay hindi nagbabahagi ng impormasyon sa ibang mga tao kung walang pahintulot ng miyembro.
-
Maaaring kailangang magbahagi ng limitadong impormasyon tungkol sa desisyon ng isang membership council (tingnan sa 32.12.2).
Sa lahat ng iba pang sitwasyon, dapat sumangguni ang lider sa 32.4.5. Kabilang sa ganitong mga sitwasyon ang mga pangyayari kung saan hinihiling ng batas na isumbong sa mga awtoridad ng pamahalaan ang isang krimen, tulad ng pang-aabuso sa bata.
Para matulungan ang mga lider sa pagprotekta sa ibang tao at pagsunod sa batas, ang Simbahan ay naglalaan ng tulong mula sa mga bihasang propesyonal. Para matanggap ang patnubay na ito, kaagad tumatawag ang mga lider sa abuse help line ng Simbahan kung saan mayroon nito (tingnan sa 32.4.5 at 38.6.2.1). Kung wala ito, kokontakin ng stake president ang area legal counsel sa area office.
Sa isang sitwasyon lamang maaaring magbahagi ng kumpidensyal na impormasyon ang bishop o stake president nang hindi muna humihingi ng gayong patnubay. Iyan ay kapag ang pagbabahagi ng impormasyon ay kinakailangan upang mapigilan ang banta sa buhay o matinding pinsala at wala nang oras para humingi ng patnubay. Sa gayong mga sitwasyon, ang tungkuling protektahan ang iba ay mas mahalaga sa tungkulin sa kumpidensyalidad. Dapat kaagad na kontakin ng mga lider ang mga awtoridad ng pamahalaan.
Kung ang mga lider ay nag-iingat ng mga tala o nakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa elektronikong paraan, pinangangalagaan nila ang access sa impormasyong ito. Buburahin at wawasakin din nila ang impormasyon kapag hindi na nila ito kailangan. Hindi sila nagbabahagi ng personal na impormasyon kung hindi naman talaga kailangan.
Maaaring hamunin ng mga awtoridad ng pamahalaan ang kumpidensyalidad na kinakailangan sa isang priesthood leader. Kapag nangyari ito sa Estados Unidos at Canada, humihingi ang stake president ng legal na payo mula sa Office of General Counsel ng Simbahan:
1-800-453-3860, extension 2-6301
1-801-240-6301
Sa labas ng Estados Unidos at Canada, kokontakin ng stake president ang area legal counsel sa area office.
32.4.5
Pagsusumbong sa mga Awtoridad ng Pamahalaan
Ang ilang tao na nagsisisi ay lumabag sa mga batas na sibil o kriminal. Sa ilang pagkakataon, hindi ito alam ng mga awtoridad ng pamahalaan. Hinihikayat ng mga bishop at stake president ang mga miyembro na sundin ang batas at isumbong ang gayong mga bagay kung kinakailangan. Pinapayuhan din ng mga lider ang mga miyembro na humingi ng maaasahang legal na payo kapag nagsusumbong. Ang patakaran ng Simbahan ay sundin ang batas.
Sa maraming lugar, inaatasan ng batas ang mga priesthood leader na isumbong ang ilang ilegal na pagkilos na kanilang nalalaman. Halimbawa, ipinag-uutos ng ilang mga estado at bansa na isumbong sa mga tagapagpatupad ng batas ang pang-aabuso sa bata.
Sa ilang bansa, ang Simbahan ay nagtatag ng isang confidential abuse help line para tulungan ang mga bishop at stake president. Dapat tawagan kaagad ng mga lider na ito ang help line para sa bawat sitwasyon kung saan ang isang tao ay maaaring naabuso—o nanganganib na maabuso (tingnan sa 38.6.2.1). Ito ay magagamit 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
Sa mga bansang walang help line, ang bishop na nakaalam tungkol sa pang-aabuso ay dapat makipag-ugnayan sa kanyang stake president, na dapat humingi ng patnubay mula sa area legal counsel sa area office.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusumbong ng pang-aabuso, tingnan ang 38.6.2.1 at 38.6.2.7.
PAGTUKOY SA PARAAN NG PAGTULONG SA ISANG TAO NA MAGSISI
32.5
Mga Paraan ng Pagtulong sa Isang Tao na Magsisi
Matapos malaman na ang isang miyembro ay nakagawa ng mabigat na kasalanan, ang bishop o stake president ay gumagawa ng mga hakbang para protektahan ang ibang tao. Hinahangad din niya ang patnubay ng Espiritu Santo sa pagtukoy sa paraan na gagamitin sa pagtulong sa tao na magsisi at mas mapalapit sa Tagapagligtas.
32.5.1
Buod ng mga Paraan
Ang sumusunod na table ay naglilista ng tatlong paraan sa pagtulong sa isang tao na magsisi. Ibinubuod din nito ang ilan sa mga dapat isaalang-alang ng mga lider kapag nagpapasiya kung aling paraan ang gagamitin.
Mga Paraan ng Pagtulong sa Isang Tao na Magsisi
Paraan |
Ilan sa mga Isasaalang-alang (tingnan din sa 32.7) |
---|---|
Paraan Stake Membership Council | Ilan sa mga Isasaalang-alang (tingnan din sa 32.7) |
Paraan Ward Membership Council | Ilan sa mga Isasaalang-alang (tingnan din sa 32.7)
|
Paraan Personal na Pagpapayo (tingnan sa 32.8) | Ilan sa mga Isasaalang-alang (tingnan din sa 32.7)
|
Kung minsan, ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon ng bishop o stake president ay hindi sapat para matulungan ang isang tao na makapagsisi sa mabibigat na kasalanan. Inilaan ng Panginoon ang mga membership council para tulungan ang isang hukom sa Israel sa ganitong mga sitwasyon. (Tingnan sa Exodo 18:12–27; Mosias 26:29–36; Doktrina at mga Tipan 42:80–83; 102.) Para sa ilang mabibigat na kasalanan, ang isang membership council ay kailangan ayon sa patakaran ng Simbahan (tingnan sa 32.6.1). Ang paglabag sa mga tipan sa templo ay nagdaragdag sa posibilidad na kakailanganin ang pagdaraos ng isang membership council (tingnan sa 32.7.4).
Sa isang ward, tumutulong ang mga counselor ng bishop sa mga membership council. Sa isang stake, tumutulong ang mga counselor ng stake president. Sa ilang mga stake membership council, lumalahok din ang high council (tingnan sa 32.9.2). Sa isang membership council, kinakausap ng bishopric o ng stake presidency ang tao nang may pagmamahal.
32.5.2
Pagtukoy sa Paraan at Panahon
Kapag nagpapasiya kung alin sa mga paraang ito ang pinakamainam na makatutulong sa isang tao na makapagsisi, hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu Santo. Isinasaalang-alang din nila ang mga sumusunod:
-
Ang bigat ng kasalanan at ang patakaran ng Simbahan tungkol sa kung kailangang magdaos ng isang membership council (tingnan sa 32.6)
-
Ang mga kalagayan ng tao (tingnan sa 32.7)
Sumasangguni ang bishop sa stake president tungkol sa partikular na mga sitwasyon. Kailangan siyang tumanggap ng pag-apruba mula sa stake president bago magdaos ng membership council.
Sa mahihirap na bagay, maaaring sumangguni ang stake president sa nakatalagang Area Seventy sa kanya. Ang stake president ay dapat sumangguni sa Area Presidency tungkol sa mga bagay na nakabalangkas sa 32.6.3. Gayunman, tanging ang stake president lamang ang magpapasiya kung dapat bang magdaos ng membership council upang tugunan ang nagawa ng isang tao. Kung magdaraos ng isang membership council, ang stake president o bishop ang nagpapasiya kung ano ang kalalabasan nito.
Kung napagpasiyahan ng bishop o stake president na sapat na ang personal na pagpapayo, sinusunod niya ang mga tuntunin sa 32.8. Kung napagpasiyahan niya na kailangang magadaos ng isang membership council, o kung ayon sa patakaran ng Simbahan ay kailangang magdaos ng membership council, susundin ng nangangasiwa rito ang mga pamamaraan sa 32.9–32.14.
Bago magdaos ng membership council, maaaring mapagpasiyahan ng bishop o stake president na makabubuting magbigay muna ng di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro sa loob ng ilang panahon. Magdaraos siya ng membership council kapag ito ang pinakamainam na makahihikayat sa miyembro na taos-pusong magsisi. Gayunman, hindi niya dapat ipagpaliban ang pagdaraos ng membership council kung ito ay kailangan upang maprotektahan ang ibang tao.
32.6
Bigat ng Kasalanan at Patakaran ng Simbahan
Ang bigat ng isang kasalanan ay mahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa pagtukoy kung anong paraan ang (1) tutulong para maprotektahan ang iba at (2) tutulong sa isang tao na makapagsisi. Sinabi ng Panginoon na siya “ay hindi makatitingin sa kasalanan nang may pinakamaliit na antas ng pagsasaalang-alang” (Doktrina at mga Tipan 1:31; tingnan din sa Mosias 26:29). Hindi dapat ipagwalang-bahala ng Kanyang mga lingkod ang katibayan ng mabigat na kasalanan.
Ang mabibigat na kasalanan ay sadya at malaking paglabag sa mga batas ng Diyos. Ang mga kategorya ng mabibigat na kasalanan ay nakalista sa ibaba.
-
Marahas na kilos at pang-aabuso (tingnan sa 32.6.1.1 at 32.6.2.1)
-
Mga paglabag sa pagtitiwala (tingnan sa 32.6.1.4 at 32.6.2.4)
Ang sumusunod na mga bahagi ay naglalarawan ng mga sitwasyon kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council, kung kailan ito ay maaaring kailanganin, at kung kailan ito hindi kailangan.
32.6.1
Kailan Kailangan ang Membership Council
Ang bishop o stake president ay dapat magdaos ng membership council kapag ipinahihiwatig ng mga impormasyon na ang isang miyembro ay nakagawa ng alinman sa mga kasalanang inilalarawan sa bahaging ito. Para sa mga kasalanang ito, kailangang magdaos ng isang membership council anuman ang antas ng espirituwalidad at antas ng pang-unawa ng miyembro sa ebanghelyo.
Tingnan ang 32.11 para sa mga maaaring kalabasan ng mga membership council na idinaos para sa mga kasalanang nakalista sa bahaging ito. Ang di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay hindi opsiyon para sa mga membership council na ito.
32.6.1.1
Marahas na Kilos at Pang-aabuso
Pagpatay ng Tao. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay pumatay ng isang tao. Sa paggamit dito, ang pagpatay ng tao ay ang sinadya at hindi makatarungang pagkitil ng buhay ng tao. Kailangang bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng tao.
Hindi kasama rito ang mga pagkilos na nauugnay sa pagtupad sa tungkulin ng pulis o militar. Ang pagpapalaglag ay hindi ipinapakahulugan na pagpatay ng tao para sa kontekstong ito. Kung ang kamatayan ay sanhi ng aksidente o pagtatanggol sa sarili o sa ibang tao, ang pagkitil ng buhay ng tao ay maaaring hindi ipakahulugan bilang pagpatay ng tao. Maaaring totoo rin ito sa iba pang mga sitwasyon, tulad ng kapag ang isang tao ay may limitadong kakayahan sa pag-iisip.
Panggagahasa. Kailangang magdaos ng isang membership council para sa panggagahasa. Sa paggamit dito, ang panggagahasa ay ang sapilitang pakikipagtalik o ang pakikipagtalik sa isang tao na ayon sa batas ay walang kapasidad na magbigay ng pahintulot dahil sa kakulangan sa pag-iisip o pisikal na kakayahan. Sa paggamit dito, hindi kabilang sa panggagahasa ang kusang-loob na pagtatalik ng dalawang menor-de-edad na magkalapit ang mga edad.
Nahatulang Maysala sa Sexual Assault o Panghahalay. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay nahatulang maysala sa panghahalay.
Pang-aabuso sa Bata o Kabataan. Kailangang magdaos ng isang membership council kung inaabuso ng isang tao ang isang bata o kabataan ayon sa ipinaliwanag sa 38.6.2.3.
Pang-aabuso sa Asawa o sa Isa pang Adult. Iba-iba ang antas ng kabigatan ng mga pang-aabuso. Tingnan ang 38.6.2.4 para malaman kung kailangang magdaos ng isang membership council para sa pang-aabuso sa asawa o sa isa pang adult.
Marahas na Mapagsamantalang Pagkilos. Kailangang magdaos ng membership council kapag ang isang adult ay paulit-ulit na pisikal na sinasaktan ang ibang tao sa pamamagitan ng marahas na pagkilos at siya ay banta sa iba pang mga tao.
32.6.1.2
Seksuwal na Imoralidad
Incest o Pagtatalik ng Malapit na Magkamag-anak. Kailangang magdaos ng isang membership council para sa incest, ayon sa kahulugan nito sa 38.6.10. Kadalasan, kailangang bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng taong gumagawa o gumawa nito.
Pornograpiyang Gumagamit ng mga Bata. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang tao ay nasangkot sa pornograpiyang gumagamit ng mga bata tulad ng nakabalangkas sa 38.6.6.
Pag-aasawa nang Higit sa Isa. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang tao ay sadyang nag-asawa nang higit sa isa. Ang ilang pag-aasawa nang higit sa isa ay nangyayari nang palihim, kung saan hindi alam ng tao na ang kanyang asawa ay may isa pa o higit pang mga asawa. Kailangang bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang taong sadyang nag-asawa nang higit sa isa.
Seksuwal na Mapagsamantalang Pagkilos. Kailangang magdaos ng isang membership council kapag ang isang adult ay paulit-ulit na hinahalay ang ibang tao at siya ay banta sa iba pang mga tao.
32.6.1.3
Mapanlinlang na mga Gawa
Mapanlinlang na mga Gawa sa Pananalapi. Kailangang magdaos ng isang membership council kapag ang isang adult ay sadya at paulit-ulit na nanlilinlang o namiminsala ng mga tao sa aspekto ng pananalapi at siya ay banta sa iba pang mga tao (tingnan sa 38.6.2.4). Kabilang dito ang mapanlinlang na mga pamumuhunan o investment at katulad na mga gawain. Ang mga hindi sinasadyang pagkalugi dahil sa lagay ng ekonomiya ay hindi itinuturing na mapanlinlang na gawa. Kung may kaso sa korte, maaaring magpasiya ang mga priesthood leader na maghintay hanggang sa magkaroon ng huling hatol. Tingnan ang 32.6.3.3 kung ang isang miyembro ay nasangkot sa pagdispalko ng mga pondo o ari-arian ng Simbahan.
32.6.1.4
Mga Paglabag sa Pagtitiwala
Mabigat na Kasalanan Habang Humahawak ng Mahalagang Katungkulan sa Simbahan. Kailangang magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay nakagawa ng mabigat na kasalanan habang humahawak ng mahalagang katungkulan. Kabilang dito ang General Authority, General Church Officer, Area Seventy, temple president o matron, mission president o kanyang asawa (companion), stake president, patriarch, o bishop. Hindi ito angkop sa mga branch president. Gayunman, ang mga pribilehiyo ng branch president sa pagiging miyembro ng Simbahan ay maaaring lagyan ng mga restriksyon o bawiin tulad ng sa iba pang mga miyembro.
32.6.1.5
Iba Pang mga Gawa
Nahatulang Maysala sa Paggawa ng Felony o Mabigat na Krimen. Kadalasang kailangang magdaos ng isang membership council kapag ang isang miyembro ay nahatulang maysala sa paggawa ng felony o mabigat na krimen.
32.6.2
Kailan Maaaring Kailanganin ang Membership Council
Maaaring kailanganing magdaos ng membership council sa mga sumusunod na sitwasyon.
32.6.2.1
Marahas na Kilos at Pang-aabuso
Ipinag-utos ng Panginoon na “Huwag kayong … pumatay, ni gumawa ng anumang bagay na tulad nito” (Doktrina at mga Tipan 59:6; idinagdag ang italics). Ang mga marahas na kilos at pang-aabuso kung kailan maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council ay kinabibilangan ng (ngunit hindi limitado sa) mga nakalista sa ibaba.
Tangkang Pagpatay ng Tao. Sadyang pagtatangkang patayin ang isang tao.
Seksuwal na Pang-aabuso, Kabilang na ang Panghahalay at Panliligalig o Harassment. Ang seksuwal na pang-aabuso ay sumasaklaw sa maraming iba’t ibang uri ng pagkilos (tingnan sa 38.6.18). Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council para sa tao na nanghalay o nang-abuso ng isang tao. Ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan. Tingnan ang 38.6.18.3 para malaman kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council.
Pang-aabuso sa Asawa o sa Isa pang Adult. Iba-iba ang antas ng kabigatan ng mga pang-aabuso (tingnan sa 38.6.2.4). Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council para sa tao na nang-abuso ng asawa o ng isa pang adult. Ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan. Tingnan ang 38.6.2.4 para malaman kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council.
32.6.2.2
Seksuwal na Imoralidad
Ang batas ng kalinisang-puri ng Panginoon ay ang hindi pagkakaroon ng seksuwal na relasyon sa labas ng legal na kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae (tingnan sa Exodo 20:14; Doktrina at mga Tipan 63:16). Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council para sa seksuwal na imoralidad na inilarawan sa 38.6.5. Sa mga sitwasyong ito, ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan. Tingnan ang 32.6.1.2 para malaman kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council.
32.6.2.3
Mapanlinlang na mga Gawa
Itinuro sa Sampung Utos na, “Huwag kang magnanakaw” o “magiging sinungaling na saksi” (Exodo 20:15–16). Maaaring kailanganin ang isang membership council para sa mga gawaing tulad ng pagnanakaw, panloloob, pagdispalko, perjury, at panlilinlang. Sa mga sitwasyong ito, ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan.
Tingnan ang 32.6.1.3 para malaman kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council para sa mapanlinlang na mga gawa. Tingnan ang 32.6.3.3 kung ang isang miyembro ay nasangkot sa pagdispalko ng mga pondo o ari-arian ng Simbahan. Tingnan ang 38.8.2 para sa affinity fraud o panlilinlang ng kakilala.
32.6.2.4
Mga Paglabag sa Pagtitiwala
Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay:
-
Gumawa ng isang mabigat na kasalanan habang humahawak ng isang katungkulan na may awtoridad o may pagtitiwala sa Simbahan o sa komunidad.
-
Gumawa ng mabigat na kasalanan na alam ng marami.
Sa mga sitwasyong ito, ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan.
Tingnan ang 32.6.1.4 para malaman kung kailan kailangang magdaos ng isang membership council. Tingnan ang 32.6.3.3 kung ang isang miyembro ay nasangkot sa pagdispalko ng mga pondo o ari-arian ng Simbahan.
32.6.2.5
Iba Pang mga Gawa
Itinuro ni Haring Benjamin na “Hindi ko masasabi sa inyo ang lahat ng bagay kung saan kayo ay maaaring magkasala; sapagkat maraming magkakaibang daan at mga paraan, na lubhang napakarami kung kaya’t hindi ko na yaon magagawang bilangin” (Mosias 4:29). Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council kung ang isang tao ay:
-
Paulit-ulit na gumagawa ng mabibigat na kasalanan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 82:7).
-
Sadyang pinabayaan ang kanyang mga responsibilidad sa pamilya, kabilang na ang hindi pagbibigay ng sustento at alimony (sustentong itinakda ng korte) sa kanyang mga anak.
-
Nagbabanta ng pisikal na karahasan, nang personal man o online (tingnan sa 32.2.1).
-
Nagbebenta ng ilegal na droga.
-
Nakagawa ng iba pang mabibigat na krimen.
Sa mga sitwasyong ito, ang isang membership council ay mas malamang na kailangan upang matulungan ang isang miyembro na magsisi kung siya ay lumabag sa mga tipan sa templo o kung naging paulit-ulit ang kasalanan.
Maaaring kailanganing magdaos ng isang membership council kung ang isang miyembro ay sumasailalim sa, nagsasagawa ng, tumutulong na ayusin ang, nagbabayad para sa, o nanghihikayat ng pagpapalaglag. Tingnan ang 38.6.1 para sa mga tuntunin.
Kailan Kailangan o Maaaring Kailanganin ang Membership Council
Uri ng Kasalanan |
Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1) |
Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2) |
---|---|---|
Uri ng Kasalanan Marahas na Kilos at Pang-aabuso | Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1)
| Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2)
|
Uri ng Kasalanan Seksuwal na Imoralidad | Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1)
| Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2)
|
Uri ng Kasalanan Mapanlinlang na mga Gawa | Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1)
| Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2)
|
Uri ng Kasalanan Mga Paglabag sa Pagtitiwala | Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1)
| Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2)
|
Uri ng Kasalanan Iba Pang mga Gawa | Kailangang Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.1)
| Maaaring Kailanganing Magdaos ng Membership Council (tingnan sa 32.6.2)
|
32.6.3
Kapag Sumangguni ang Stake President sa Area Presidency Kung Kailangan o Hindi ang Isang Membership Council o Iba Pang mga Aksyon
Ang ilang mga bagay ay nangangailangan ng karagdagang pag-iingat at patnubay. Para malaman kung paano pinakamainam na makakatulong, ang stake president ay dapat sumangguni sa Area Presidency tungkol sa mga sitwasyon sa bahaging ito. Gayunman, tanging ang stake president lamang ang magpapasiya kung dapat bang magdaos ng membership council upang tugunan ang nagawa ng isang tao. Kung magdaraos ng isang membership council, ang stake president o bishop ang nagpapasiya kung ano ang kalalabasan nito.
Kung magdaraos ng membership council para sa isa sa mga bagay na nabanggit sa bahaging ito, ang desisyon ng council ay dapat na “mananatili sa mabuting katayuan,” “pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro,” o “pagbawi sa pagkamiyembro.” Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan para maalis ang pormal na mga restriksyon o para muling tanggapin ang isang tao sa Simbahan (tingnan sa 32.16.1, bilang 9).
32.6.3.1
Ibang Aksyon
Kung hindi nagdaos ng membership council, maaaring kabilang sa ibang aksyong gagawin ang:
-
Di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro (tingnan sa 32.8.3).
-
Paglalagay ng anotasyon sa membership record (tingnan sa 32.14.5).
-
Mga restriksyon sa ordenansa, na pumipigil sa isang tao na tumanggap o gumamit ng priesthood o tumanggap o gumamit ng temple recommend.
Sumasangguni ang stake president sa Area Presidency bago gawin ang isa sa mga aksyong ito.
32.6.3.2
Apostasiya
Ang mga isyu ng apostasiya ay kadalasang mayroong epekto maging sa labas ng mga hangganan ng ward o stake. Ang mga ito ay kailangang matugunan kaagad upang maprotektahan ang ibang tao.
Sumasangguni ang bishop sa stake president kung nadarama niya na ang ginagawa ng isang miyembro ay maituturing na apostasiya. Maaaring bigyan ng bishop o stake president ang miyembro ng di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro (tingnan sa 32.8.3). Kaagad na sasangguni ang stake president sa Area Presidency. Gayunman, tanging ang stake president lamang ang magpapasiya kung kailangang magdaos ng isang membership council o iba pang aksyon.
Sa paggamit dito, ang apostasiya ay tumutukoy sa paggawa ng isang miyembro ng alinman sa mga sumusunod:
-
Paulit-ulit na malinaw at sinasadya na hayagang pagsalungat sa Simbahan, sa doktrina nito, sa mga patakaran nito, o sa mga lider nito
-
Pilit na itinuturo bilang doktrina ng Simbahan ang mga bagay na hindi naman talaga doktrina ng Simbahan matapos na maituwid ng bishop o stake president
-
Patuloy na sadyang nagsisikap na pahinain ang pananampalataya at pagiging aktibo ng mga miyembro ng Simbahan
-
Patuloy na sinusunod ang mga turo ng nag-apostasiyang mga sekta matapos na maituwid ng bishop o stake president
-
Pormal na pagsapi sa ibang simbahan at pagtataguyod ng mga turo nito (Ang lubusang hindi pagdalo sa mga aktibidad ng Simbahan o ang pagdalo sa ibang simbahan ay hindi kaagad maituturing na apostasiya. Gayunman, kung ang isang miyembro ay pormal na sumapi sa ibang simbahan at itinataguyod ang mga turo nito, maaaring kailanganin na bawiin ang kanyang pagkamiyembro.)
Itinuro ng Tagapagligtas sa mga Nephita na dapat silang magpatuloy sa paglilingkod sa isang taong nagkasala. “Ngunit kung hindi siya magsisisi siya ay hindi mabibilang sa aking mga tao, upang hindi niya malipol ang aking mga tao” (3 Nephi 18:31).
32.6.3.3
Pagdispalko sa mga Pondo ng Simbahan
Kung ang isang miyembro ay nagdispalko ng mga pondo ng Simbahan o nagnakaw ng mahahalagang ari-arian ng Simbahan, sumasangguni ang stake president sa Area Presidency kung kailangan ang isang membership council o iba pang aksyon. Isinasaalang-alang ng mga lider:
-
Ang halaga na dinispalko o ninakaw.
-
Kung ang pagdispalko ay isang beses lamang ginawa o paulit-ulit na ginagawa.
-
Kung may ibinigay na kabayaran.
-
Ang antas ng pagsisisi ng tao.
-
Ang katungkulang hawak ng miyembro (tingnan ang 32.6.1.4 para sa mga miyembrong may hawak ng isang mahalagang katungkulan sa Simbahan).
Inirereport ng stake president ang isa sa mga sumusunod sa Leader and Clerk Resources:
-
Ang mga resulta ng isang membership council
-
Na sumangguni siya sa Area Presidency at nagpasiyahang hindi na kailangan ang isang membership council
Kung tinukoy ng Church Auditing Department na ang isang lider o empleyado ng Simbahan ay nagdispalko ng pondo o ari-arian ng Simbahan, karaniwang ipinag-uutos ng Unang Panguluhan na lagyan ang kanyang membership record ng anotasyon. Ang ibig sabihin ng “lider” ay isang taong may hawak ng mahalagang katungkulan sa Simbahan, pati na ang mga counselor, clerk, at branch presidency. Kapag nakumpleto na ang pagsisisi, maaaring hilingin ng stake president na alisin na ang anotasyon (tingnan sa 32.14.5 at 34.7.5). Ang anotasyon ay hindi nangangahulugan na may isinagawang membership council o iba pang aksyon.
32.6.3.4
Mga Indibiduwal na Nagsasabing Sila ay Transgender
Ang mga bishop at stake president na naglilingkod sa mga taong nagsasabing sila ay transgender ay dapat sundin ang mga tuntunin sa 38.6.23.
32.6.4
Kailan Karaniwang Hindi Kailangan ang Membership Council
Ang isang membership council ay karaniwang hindi kailangang idaos sa mga sumusunod na sitwasyon.
32.6.4.1
Pagkabigong Makasunod sa Ilang Pamantayan ng Simbahan
Ang membership council ay hindi idinaraos para sa mga gawaing nakalista sa ibaba. Gayunman, pansinin ang eksepsyon sa huling item.
-
Pagiging hindi aktibo sa Simbahan
-
Hindi pagtupad sa mga tungkulin sa Simbahan
-
Hindi pagbabayad ng ikapu
-
Mga kasalanan ng hindi paggawa sa isang utos o ipinagagawa
-
Masturbation o seksuwal na pagpaparaos sa sarili
-
Hindi pagsunod sa Word of Wisdom
-
Paggamit ng pornograpiya, maliban sa pornograpiyang gumagamit ng mga bata (tulad ng nakabalangkas sa 38.6.6) o sobra-sobra o pagkalulong sa paggamit ng pornograpiya na nagdulot ng malaking pinsala sa kasal o pamilya ng isang miyembro (tulad ng nakabalangkas sa 38.6.13).
32.6.4.2
Mga Pagkalugi ng Negosyo o Hindi Pagbabayad ng mga Utang
Hindi dapat gamitin ng mga lider ang mga membership council upang lutasin ang mga pagtatalo sa negosyo. Ang mga pagkalugi ng negosyo at hindi pagbabayad ng mga utang ay hindi mga dahilan para magdaos ng membership council. Gayunman, dapat magdaos ng membership council para sa lubhang mapanlinlang na mga gawain o iba pang mga malubhang panloloko sa pananalapi (tingnan sa 32.6.1.3).
32.6.4.3
Mga Usaping Sibil
Hindi dapat magdaos ng mga membership council para lutasin ang mga usaping sibil o mga pagtatalo sa batas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 134:11).
32.7
Mga Sitwasyon ng Tao
Sabi ng Panginoon, “Ang aking bisig ng awa ay nakaunat sa inyo, at kung sinuman ang lalapit, siya ay tatanggapin ko; at pinagpala ang mga yaong lumalapit sa akin” (3 Nephi 9:14). Ang mga sitwasyon ng isang tao ay mahalagang isaalang-alang sa pagtukoy ng:
-
Angkop na paraan sa pagtulong sa kanya na mapagsisihan ang mabibigat na kasalanan (tingnan sa 32.5 at 32.6).
-
Mga desisyon sa mga personal na pagpapayo o membership council (tingnan sa 32.8 at 32.11).
Hinahangad ng mga bishop at stake president ang isipan at kalooban ng Panginoon para sa bawat sitwasyon. Isinasaalang-alang nila ang mga sumusunod na bagay sa pagpapasiya kung anong paraan ang gagamitin at kung ano ang kalalabasan. Ang mga bagay na ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na desisyon. Sa halip, ang mga ito ay mga tulong sa mga lider sa pagbuo ng desisyon na ginagawa nila nang may panalangin at patnubay ng Espiritu.
32.7.1
Epekto ng Kasalanan
Ang kabigatan ng kasalanan ay nasusukat sa laki ng epekto nito. Maaaring kabilang dito ang dami at dalas ng ginawang kasalanan, ang bigat ng pinsalang idinulot nito, at ang bilang ng mga taong nasaktan nito.
32.7.2
Kapakanan ng Biktima
Isinasaalang-alang ng mga lider ang kapakanan ng mga biktima at ng iba pa. Maaaring kabilang dito ang asawa ng isang tao at ang iba pa niyang mga kapamilya. Isinasaalang-alang din ng mga lider ang tindi ng pinsala.
32.7.3
Katibayan ng Pagsisisi
Kailangan ang espirituwal na patnubay upang mahiwatigan kung ang isang tao ay taos-pusong nagsisi. Ang gayong pagsisisi ay mas naipapakita ng mabubuting gawa sa loob ng ilang panahon kaysa sa matinding kalungkutan sa oras mismo ng isang interbyu. Kabilang sa mga dapat isaalang-alang ang:
-
Lakas ng pananampalataya kay Jesucristo.
-
Katangian ng pagtatapat.
-
Tindi ng kalungkutan para sa kasalanan.
-
Paggawa ng pagsasauli sa mga taong nasaktan.
-
Pagsunod sa mga legal na pangangailangan.
-
Tagumpay sa pagtalikod sa kasalanan.
-
Katapatan sa pagsunod sa mga kautusan magmula noong magkasala.
-
Pagsasabi ng totoo sa mga lider ng Simbahan at sa iba.
-
Kahandaang sumunod sa payo ng mga lider ng Simbahan.
32.7.4
Paglabag sa mga Tipan sa Templo
Sinabi ng Panginoon, “Sapagkat sa kanya na siyang binigyan ng marami ay marami ang hihingin” (Doktrina at mga Tipan 82:3). Ang isang taong natanggap na ang kanyang endowment sa templo ay gumawa ng mga tipan na mamumuhay siya ayon sa mas mataas na pamantayan. Ang paglabag sa mga tipang ito ay nakadaragdag sa kabigatan ng kasalanan. Pinalalaki nito ang posibilidad na kakailanganin ang pagdaraos ng isang membership council.
32.7.5
Katungkulan na may Pagtitiwala o May Awtoridad
Ang kalubhaan ng kasalanan ay mas bumibigat kung ginawa ito ng isang tao habang siya ay nasa isang katungkulan na may pagtitiwala o may awtoridad, tulad ng isang magulang, lider, o guro.
32.7.6
Pag-uulit
Ang paulit-ulit na paggawa ng parehong mabigat na kasalanan ay maaaring magpahiwatig ng isang pag-uugaling may malalim na pinag-uugatan o adiksiyon na nagiging sagabal sa pag-unlad tungo sa tunay na pagsisisi. Bukod pa sa mga restriksyon sa pagkamiyembro na maaaring kailanganin, maaari ding makatulong ang mga addiction recovery program at professional counseling (tingnan sa 32.8.2).
32.7.7
Edad, Antas ng Kaalaman at Pag-unawa, at Karanasan
Isinasaalang-alang ng mga lider ang edad, antas ng kaalaman at pag-unawa, at karanasan kapag pinapayuhan ang isang miyembro o nagpapasiya ng kalalabasan ng membership council. Ang kaluwagan ay kadalasang naaangkop para sa mga hindi pa sapat ang pagkaunawa sa ebanghelyo. Halimbawa, maaaring angkop ang pagiging maluwag sa mga bata pang miyembro na gumawa ng imoral na gawain kung tinalikuran nila ang kasalanan at nagpakita ng taos-pusong pagsisisi. Gayunman, maaaring kailanganin ng mas seryosong aksyon kung patuloy nilang gagawin ito.
32.7.8
Kakayahan sa Pag-iisip
Ang sakit sa pag-iisip, adiksiyon, o limitadong kakayahan sa pag-iisip ay hindi katwiran para sa isang tao na gumawa ng isang mabigat na kasalanan. Gayunman, ang mga ito ay dapat isaalang-alang. Bilang bahagi ng pagtulong sa isang tao na magsisi, hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Panginoon tungkol sa pagkaunawa ng tao sa mga alituntunin ng ebanghelyo at sa antas ng pananagutan nito.
32.7.9
Kusang-loob na Pagtatapat
Ang kusang-loob na pagtatapat at kalumbayang mula sa Diyos para sa nagawang pagkakasala ay nagpapakita ng hangaring magsisi.
32.7.10
Panahon sa Pagitan ng Kasalanan at ng Pagtatapat
Ang pagtatapat ay bahagi ng pagsisisi at hindi dapat ipinagpapaliban. Kung minsan ang kasalanan ay nasusundan ng isang mahabang panahon ng paggawa ng pagsasauli at tapat na pamumuhay. Kung ipinagtapat ng miyembro ang isang kasalanan at hindi na niya ito inulit pa, ipinapakita nito na tinalikuran na niya ang kasalanan. Sa ganitong pagkakataon, ang pagtatapat ay maaaring magtapos sa halip na magpasimula sa proseso ng pagsisisi.
32.7.11
Mga Kasalanang Kinasasangkutan ng mga Miyembrong Naninirahan sa Magkaibang Ward o Stake
Kung minsan ang mga miyembrong magkasamang nakagawa ng mabigat na kasalanan ay naninirahan sa magkaibang ward o stake. Sa sitwasyong ito, nagsanggunian ang mga stake president tungkol sa pangangailangan ng mga restriksyon sa pagkamiyembro o membership council. Tinatalakay din nila kung nararapat ba na magkapareho ang mga restriksyon o mga desisyon ng membership council o kung may iba pang mga bagay na magiging dahilan para magkaiba ang kalalabasan ng mga membership council.
PAGSASAGAWA NG PERSONAL NA PAGPAPAYO
32.8
Personal na Pagpapayo at Di-pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro
Ang personal na pagpapayo ay kadalasang sapat na para maprotektahan ang iba at matulungan ang isang tao na matanggap ang nakatutubos na kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi. Ang gayong mga pagpapayo ay makatutulong din para maprotektahan ang mga miyembro mula sa mas mabibigat na kasalanan. Sa personal na pagpapayo, maaaring magbigay ang mga lider ng di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro para matulungan ang miyembro na mapagsisihan ang ilang mabibigat na kasalanan (tingnan sa 32.8.3).
Hindi dapat magaan ang pagtrato sa mabibigat na kasalanan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:31). Ang paglabag sa mga tipan sa templo ay nagdaragdag sa posibilidad na kakailanganin ang pagdaraos ng isang membership council (tingnan sa 32.7.4).
Ang mga patnubay na tutulong sa mga lider para malaman kung kailan maaaring maging sapat na ang pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon ay nakalista sa ibaba (tingnan din sa 32.7):
-
Ang isang tao ay hindi nakagawa ng kasalanan na mangangailangan ng isang membership council (tingnan sa 32.6.1).
-
Ang isang tao ay kusang nagtapat at tunay na nagsisisi.
-
Ang isang tao ay nagsisisi sa isang mabigat na kasalanan na unang beses niyang nagawa.
-
Ang kasalanan ng isang tao ay hindi lumabag sa mga tipan sa templo.
-
May mahahalagang sitwasyon ang tao na magiging dahilan para maging mas magaan ang ipapataw na desisyon.
32.8.1
Personal na Pagpapayo
Ang sumusunod na mga tuntunin ay angkop kapag ang bishop o stake president ay nagpapayo sa isang miyembro para tulungan siyang magsisi.
-
Humingi lamang ng sapat na impormasyon para matukoy (1) ang saloobin ng miyembro tungkol sa makasalanang gawain at (2) ang katangian, dalas, at itinagal ng kasalanan. Huwag humingi ng mga detalye na higit pa sa kung ano ang kinakailangan para maintindihan ang sitwasyon. Huwag magtanong ng mga bagay dahil lamang sa pag-uusisa.
-
Itanong kung paano nakaapekto ang kanyang ginawa sa ibang tao.
-
Magtuon sa mga positibong kondisyon na magpapalalim sa pagbabalik-loob at katapatan ng miyembro sa Panginoon. Hikayatin ang miyembro na gumawa ng partikular na mga hakbang para maisakatuparan ang pagbabago ng ugali at pagbabago ng puso tungo sa pagsisisi. Anyayahan siyang lumapit sa Tagapagligtas, na hinahangad ang Kanyang lakas at para madama ang Kanyang mapagtubos na pagmamahal.
-
Hikayatin ang nakasisiglang mga aktibidad tulad ng pagdarasal, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pagdalo sa mga miting sa Simbahan. Ituro na ang gawain sa templo at family history ay makababawas sa impluwensya ng kalaban. Hikayatin ang paglilingkod sa iba at pagbabahagi ng ebanghelyo.
-
Hikayatin na magsagawa ng pagsasauli sa mga napinsala ng kasalanan at humingi ng kapatawaran
-
Hikayatin na lumayo sa masasamang impluwensya. Tulungan ang mga miyembro na gumawa ng mga hakbang na tutulong sa kanila na mapaglabanan ang partikular na mga tukso.
-
Tandaan na ikaw ay isang lider ng simbahan at hindi isang professional counselor. Bilang karagdagan sa mga pagpapayo na iyong ibinibigay, ang ilang mga miyembro ay maaaring makinabang sa mga behavioral counseling o pagpapayo na nauukol sa pag-uugali. Ang ilan ay dumaranas ng sakit sa pag-iisip. Kung kailangan, payuhan ang mga miyembro na humingi ng tulong mula sa mga kwalipikadong propesyonal sa larangan ng medisina at mental health (tingnan sa 31.3.6).
-
Maging madasalin at humingi ng patnubay mula sa Espiritu bago magbigay ng di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro. Ang ilang miyembro ay maaaring mas makinabang sa mas aktibong paggamit ng mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan kaysa sa pagbibigay ng mga restriksyon sa paggamit ng mga pribilehiyong ito.
-
Mag-follow up upang manghikayat, magpatibay ng espirituwal na lakas, at subaybayan ang progreso.
Matapos magtapat ang isang miyembro sa bishop o stake president, ang mga follow-up na pagpapayo ay maaaring maganap sa ilang paraan. Maaaring ibigay ito mismo ng lider. O, sa pahintulot ng miyembro, maaari niyang atasan ang isa sa kanyang mga counselor para gawin ito.
Sa pahintulot ng miyembro, maaaring atasan ng bishop o stake president ang mga miyembro ng elders quorum o Relief Society na tumulong sa partikular na mga paraan. Para sa mga kabataan, maaari niyang atasan ang Young Women presidency o ang mga Aaronic Priesthood quorum adviser na tumulong. Ang mga inatasang tumulong ay may karapatan na tumanggap ng inspirasyon sa pagtupad sa gawaing iyon (tingnan sa 4.2.6).
Kapag nag-aatas ng isang tao para tumulong sa pagsagawa ng follow-up na pagpapayo, nagbibigay lamang ang lider ng sapat na impormasyong kailangan para matulungan ang miyembro. Ang taong inatasan ay dapat panatilihin itong kumpidensyal. Ipapaalam din niya sa bishop ang progreso at mga pangangailangan ng miyembro.
32.8.2
Pagtulong sa mga Tao na Tugunan ang mga Adiksiyon at Paggamit ng Pornograpiya
Kung minsan, ang personal na pagpapayo ay kinapapalooban ng pagtulong sa mga miyembro na mapagsisihan ang mga kasalanang may kaugnayan sa o dahil sa adiksiyon. Ang mga adiksiyon na ito ay maaaring kabilangan ng mga droga o iba’t ibang uri ng gawain. Ang mga adiksiyon ay nakapipinsala sa mga indibiduwal, kasal o pagsasama ng mag-asawa, at pamilya.
Maaaring payuhan ng mga bishop ang mga miyembro na humingi ng tulong mula sa Healing through the Savior: The Addiction Recovery Program ng Simbahan at sa mga kwalipikadong propesyonal sa larangan ng medisina at mental health. Tanging ang opisyal na programa ng Simbahan lamang ang dapat itaguyod o idaos sa mga gusali ng Simbahan.
Ang paggamit ng pornograpiya ay lalo pang nagiging karaniwan. Ang paggamit ng pornograpiya ay sobra-sobra man o paminsan-minsan, ito ay nakapipinsala. Itinataboy nito ang Espiritu. Pinahihina rin nito ang kakayahang humugot ng lakas na nagmumula sa pagtupad ng mga tipan. Nakasasakit din ito sa mahahalagang ugnayan.
Ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay karaniwang sapat na para matulungan ang isang tao na magsisi sa paggamit ng pornograpiya. Karaniwang hindi nagdaraos ng mga membership council. Para sa mga eksepsyon, tingnan ang 38.6.6 at 38.6.13. Maaaring makatulong ang professional counseling.
Sinusuportahan ng mga stake president at mga bishop ang mga miyembro ng pamilya kung kinakailangan. Maaaring isama ang mga magulang kapag nagpapayo sa mga kabataan tungkol sa paggamit ng pornograpiya. Maaaring isama ang asawa kapag nagpapayo sa taong may asawa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapayo sa mga miyembro na nasangkot sa pornograpiya, tingnan ang 38.6.13.
32.8.3
Di-pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro
Bukod sa paghikayat sa paggawa ng mga positibong aksyon kapag nagpapayo, ang bishop o stake president ay maaaring magbigay ng di-pormal na mga restriksyon sa mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan. Kapag buong katalinuhang iginawad, ang mga restriksyong ito ay makatutulong sa pagsisisi at espirituwal na pag-unlad. Ang mga ito ay itinuturing na di-pormal dahil hindi ito inilalagay sa membership record.
Ang mga di-pormal na restriksyon ay maaaring tumagal nang ilang linggo, ilang buwan, o mas matagal pa kung kinakailangan para lubos na makapagsisi ang tao. Sa mga di-pangkaraniwang sitwasyon, maaari itong tumagal nang mahigit sa isang taon.
Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu sa kung aling mga restriksyon ang pinakamainam na makatutulong sa isang tao na magsisi. Maaaring kabilang dito ang (ngunit hindi limitado sa) pagsuspinde sa pribilehiyo na maglingkod sa isang calling sa Simbahan, paggamit ng priesthood, o pagpasok sa templo. Maaari ding bigyan ng lider ng restriksyon ang tao sa pagbibigay ng mensahe, lesson, o panalangin sa mga miting ng Simbahan. Kung sinuspinde ng lider ang karapatan na makapasok sa templo, kinakansela niya ang temple recommend sa Leader and Clerk Resources (LCR).
Ang pakikibahagi ng sakramento ay mahalagang bahagi ng pagsisisi. Hindi dapat ito ang unang restriksyon na ibibigay sa isang taong nagsisisi na may bagbag na puso at nagsisising espiritu. Gayunman, kung nakagawa ng mabibigat na kasalanan ang isang tao, maaaring pansamantalang suspindihin ng isang lider ang pribilehiyong ito.
Karaniwang hindi sinasabi ng mga lider sa ibang tao ang tungkol sa mga di-pormal na mga restriksyon maliban kung kailangan nila itong malaman (tingnan sa 32.12.2).
Maaaring alisin ng bishop o stake president ang di-pormal na mga restriksyon ayon sa patnubay ng Espiritu kapag ang tao ay nakagawa ng partikular na pag-unlad tungo sa tunay na pagsisisi. Kung patuloy pa rin ang miyembro sa paggawa ng kasalanan, maaaring makatulong ang pagdaraos ng isang membership council.
PAGSASAGAWA NG MGA CHURCH MEMBERSHIP COUNCIL
Ang mga Church membership council ay idinaraos kapag napagpasiyahan ng bishop o stake president na makatutulong ito o kapag kailangan ito ayon sa patakaran ng Simbahan (tingnan sa 32.6). Idinaraos ang mga ito sa ward, stake, branch, district, o mission level. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano isasagawa ang mga ito.
32.9
Pakikibahagi at Responsibilidad
Makikita sa susunod na table kung sinu-sino ang karaniwang nakikibahagi sa mga membership council.
Mga Nakikibahagi sa mga Membership Council | |
---|---|
Ward Membership Council | Mga Nakikibahagi sa mga Membership Council
|
Stake Membership Council | Mga Nakikibahagi sa mga Membership Council
|
32.9.1
Stake President
Ang stake president ay:
-
Mayroong awtoridad sa mga membership council sa stake; gayunman, karamihan sa mga ito ay idinaraos ng mga bishop.
-
Kailangang magbigay ng pag-apruba bago magdaos ng membership council ang isang bishop.
-
Nagdaraos ng isang stake membership council kung ang lalaki o babae na nakatanggap na ng endowment sa templo ay malamang na mabawian ng kanyang pagkamiyembro sa Simbahan.
-
Maaaring magdaos ng isang membership council kung inapela ng miyembro ang desisyon ng ward membership council.
-
Dapat magbigay ng pag-apruba bago pagtibayin ang rekomendasyon ng ward membership council na bawiin ang pagkamiyembro ng isang taong hindi pa natatanggap ang kanyang endowment.
32.9.2
High Council
Ang mga miyembro ng high council ay hindi karaniwang nakikibahagi sa mga stake membership council. Gayunman, ang high council ay maaaring makibahagi sa mahihirap na sitwasyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 102:2). Halimbawa, maaaring anyayahan ng stake presidency ang high council na makibahagi kapag:
-
Pinagtatalunan ang mga impormasyon tungkol sa pangyayari.
-
Makapagdaragdag sila ng mahalagang kabatiran at pang-unawa at makatutulong na gawing balanse ang talakayan.
-
Hiniling ng miyembro na sila ay makibahagi.
-
Sangkot ang isang miyembro ng stake presidency o ang kanyang pamilya (tingnan sa 32.9.7).
32.9.3
Bishop (o Branch President sa isang Stake)
Ang bishop ay:
-
Mayroong awtoridad sa mga ward membership council.
-
Sasangguni muna sa stake president at hihingin ang kanyang pag-apruba bago magdaos ng isang membership council.
-
Hindi maaaring magdaos ng isang membership council kung ang lalaki o babae na nakatanggap na ng endowment sa templo ay malamang na mabawian ng kanyang pagkamiyembro sa Simbahan. Isang stake membership council ang dapat idaos sa gayong mga sitwasyon.
-
Maaaring anyayahang dumalo sa isang stake membership council para sa isang miyembro ng kanyang ward na nirerepaso ang pagkamiyembro sa Simbahan. Ang kanyang pagdalo ay kailangang aprubahan ng stake president at ng tao mismo.
Maaaring magrekomenda ang ward o branch membership council na bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao na hindi pa natatanggap ang kanyang endowment. Gayunman, kailangan ang pag-apruba ng stake president bago pagtibayin ang desisyon.
Kung minsan ang isang ward membership council ay idinaraos para sa isang miyembro na nakatanggap na ng endowment at napag-alaman dito na ang miyembro ay malamang na mabawian ng kanyang pagkamiyembro sa Simbahan. Sa ganitong mga sitwasyon, ipinapasa ng bishop ang bagay na ito sa stake president.
32.9.4
Mission President
Ang mission president ay:
-
Mayroong awtoridad sa mga membership council sa mga branch at district sa mission.
-
Kailangang magbigay ng pag-apruba bago magdaos ng isang membership council ang isang district o branch president.
-
Nagdaraos ng isang membership council kung ang lalaki o babae na nakatanggap na ng endowment sa templo ay malamang na mabawian ng kanyang pagkamiyembro sa Simbahan. Kung nahahadlangan ito ng oras o layo, maaari niyang atasan ang isa sa kanyang mga counselor na pamunuan ang membership council. Inaatasan din niya ang dalawa pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na makibahagi.
-
Kung saan maaari, siya ay nagdaraos ng mga membership council para sa mga taong hindi pa nakatatanggap ng endowment. Kung nahahadlangan ito ng oras o layo, maaari niyang bigyan ng awtorisasyon ang tatlong mayhawak ng Melchizedek Priesthood na idaos ito. Sa kasong ito, ang district president o branch president ng miyembro ang karaniwang nagdaraos ng membership council.
-
Maaaring magdaos ng membership council kung inapela ng miyembro ang desisyon ng district o branch membership council.
-
Sa pag-apruba ng isang General Authority mula sa Missionary Department, siya ay nagdaraos ng membership council kung nakagawa ng mabigat na kasalanan ang isang missionary sa mission field (tingnan sa 32.9.8). Nirerebyu rin niya ang bagay na iyon kasama ang isang miyembro ng Area Presidency at sumasangguni siya sa stake president ng home stake ng missionary.
-
Dapat magbigay ng pag-apruba bago pagtibayin ang rekomendasyon ng branch o district membership council na bawiin ang pagkamiyembro ng isang taong hindi pa nakatatanggap ng endowment.
Kung ang isang missionary ay nagtapat ng isang mabigat na kasalanang ginawa niya bago magmisyon, kokontakin ng mission president ang kanyang in-field representative sa Missionary Department para magabayan.
Kapag ang isang mission president ay nagdaos ng isang membership council, siya ay pumipili ng dalawang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na tutulong sa kanya. Tanging sa mga di-pangkaraniwang sitwasyon lamang niya dapat piliing makibahagi ang mga bata pang missionary. Sinusunod niya ang parehong mga pamamaraan para sa isang stake membership council (tingnan sa 32.10). Gayunman, hindi nakikibahagi ang high council o district council.
32.9.5
District o Branch President sa Isang Mission
Ang district o branch president sa isang mission ay maaaring magdaos ng membership council kapag may awtorisasyon galing sa mission president. Hindi nakikibahagi ang district council.
Maaaring magrekomenda ang isang district o branch membership council ng pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao kung siya ay hindi pa nakatatanggap ng endowment sa templo. Gayunman, kailangan ang pag-apruba ng mission president bago pagtibayin ang desisyon.
32.9.6
Stake o Ward Clerk
Ang stake o ward clerk ay:
-
Nag-iingat ng nakasulat na mga tala ng membership council hangga’t kailangan pa ito para sa pagsusumite ng Report of Church Membership Council form.
-
Inihahanda ang form kung inatasan ng lider na nagsagawa ng membership council.
-
Hindi sumasali sa talakayan o sa pagpapasiya sa membership council.
32.9.7
Pakikibahagi sa Di-pangkaraniwang mga Sitwasyon
Kung ang isang counselor sa stake presidency ay hindi makadadalo sa isang membership council, hihilingin ng stake president sa isang high councilor o isa pang high priest na humalili sa counselor. Kung ang stake president ay hindi makadadalo, maaaring bigyang-awtorisasyon ng Unang Panguluhan ang isa sa kanyang mga counselor na mamuno bilang kahalili niya.
Kung ang isang counselor sa bishopric ay hindi makadadalo sa isang membership council, hihilingin ng bishop sa isang high priest sa ward na humalili sa counselor. Kung hindi makadadalo ang bishop, isasangguni niya ang usapin sa stake president, na siyang magdaraos ng isang stake membership council. Hindi maaaring atasan ng bishop ang isang counselor na magdaos ng isang membership council.
Kung isang membership council ang idaraos para sa isang kapamilya ng bishop o ng isa sa kanyang mga counselor, idinaraos ito sa stake level. Kung ito ay idaraos para sa isang kapamilya ng isa sa mga counselor ng stake president, aatasan ng stake president ang isa pang high priest na humalili sa counselor. Kung isang membership council ang idaraos para sa isang kapamilya ng stake president, sasangguni siya sa Office of the First Presidency.
Kung ang miyembro ay tutol sa pakikibahagi ng bishop o ng kanyang mga counselor, ang membership council ay idaraos sa stake level. Kung ang miyembro ay tutol sa pakikibahagi ng isa sa mga counselor ng stake president, aatasan ng stake president ang isa pang high priest para humalili sa counselor. Kung ang miyembro ay tutol sa pakikibahagi ng stake president, o kung sa palagay ng stake president ay hindi maiiwasan na wala siyang kikilingan, siya ay sasangguni sa Office of the First Presidency.
32.9.8
Pagtukoy Kung Sinong Lider ang Magdaraos ng Membership Council sa mga Espesyal na Sitwasyon
Ang mga membership council ay kadalasang idinaraos sa mismong unit ng Simbahan kung nasaan ang membership record ng miyembro.
Kung minsan ay kailangang magdaos ng isang membership council para sa isang taong lumipat ng tirahan. Kung ang paglipat ay nasa loob lamang ng parehong stake, ang stake president ay sumasangguni sa mga bishop ng dalawang ward at magpapasiya kung saan ito dapat idaos.
Kung ang miyembro ay lumipat ng tirahan sa labas ng stake, ang mga stake president ng dalawang stake ay sasangguni sa isa’t isa at magpapasiya kung saan idaraos ang membership council. Kung magpapasiya sila na dapat itong idaos sa dating ward o stake, ang membership record ay mananatili sa dating ward hanggang sa matapos ang membership council. Kung hindi, ang membership record ay ililipat sa bagong ward. Sa kumpidensyal na paraan, ipaaalam ng bishop o stake president sa kasalukuyang bishop o stake president kung bakit kailangang magdaos ng isang membership council.
Kung minsan ang membership council ay kailangang idaos para sa isang miyembro na pansamantalang malayo sa tahanan. Halimbawa, maaaring kailanganin ang pagdaraos ng membership council para sa isang estudyante o isang miyembro na naglilingkod sa military. Ang bishop ng lugar kung saan pansamantalang naninirahan ang miyembro ay makapagbibigay ng payo at suporta. Gayunman, hindi siya dapat magdaos ng membership council maliban kung ang membership record ay nasa kanyang unit at siya ay sumangguni na sa bishop ng home ward.
Kung minsan ang isang missionary ay nakagagawa ng mabigat na kasalanan habang nasa mission field na hindi naibubunyag hanggang sa matapos siyang ma-release. Pag-uusapan ng bishop at stake president kung sino sa kanila ang dapat magdaos ng membership council. Ang isa sa kanila ay sasangguni sa dating mission president bago ito idaos.
32.10
Mga Pamamaraan Para sa mga Membership Council
32.10.1
Magbigay ng Abiso at Maghanda para sa Council
Ang bishop o stake president ay nagbibigay sa isang miyembro ng nakasulat na abiso hinggil sa membership council na idaraos para sa kanya. Lalagdaan ng bishop o stake president ang sulat. Kabilang dito ang sumusunod na impormasyon:
“Ang [bishopric o stake presidency] ay magdaraos ng membership council para sa iyo. Ito ay gaganapin sa [petsa at oras] sa [lugar].
“Isasaalang-alang ng membership council na ito ang [ibuod ang ginawang kamalian gamit ang pangkalahatang tawag dito, ngunit huwag magbigay ng mga detalye o katibayan].
“Inaanyayahan kang dumalo sa membership council para ipahayag ang panig mo. Maaari kang magbigay ng mga nakasulat na pahayag mula sa mga taong makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol dito. Maaari mong anyayahan ang mga taong iyon na magsalita sa membership council para sa iyo kung maaga itong inaprubahan ng stake president o bishop. Maaari mo ring anyayahan si [ang ward Relief Society president o ang elders quorum president] na dumalo at magbigay ng suporta.
“Sinumang dadalo ay dapat handang sumunod sa kagalang-galang na katangian ng membership council, kabilang na ang mga pamamaraan nito at kumpidensyalidad. Ang mga legal na tagapayo at tagasuporta na hindi kabilang sa binanggit sa itaas ay hindi maaaring dumalo.”
Maaaring isulat sa huling talata ang pagpapahayag ng pagmamahal, pag-asa, at pagmamalasakit.
Ang mga tuntunin tungkol sa kung sinu-sino ang maaaring anyayahan ng tao na magsalita sa membership council ay ibinigay sa 32.10.3, bilang 4.
Kung ang sulat ay hindi maihahatid nang personal, ito ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng rehistradong koreo, na humihingi ng patunay ng pagkakatanggap.
Iniiskedyul ng bishop o stake president ang membership council sa oras na maluwag para sa tao. Tinitiyak din niya na nagkaroon ng sapat na panahon para makuha ang mga pahayag ng mga biktima kung nais nilang magbigay ng pahayag (tingnan sa 32.10.2).
Inihahanda ng bishop o stake president ang miyembro para sa membership council sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa layunin at mga pamamaraan nito. Ipinapaliwanag din niya ang mga desisyong maaaring maabot ng membership council at ang mga resulta ng mga ito. Kung ang isang miyembro ay nagtapat, ipinapaliwanag ng lider na ang pagtatapat ay kailangang gamitin sa membership council.
32.10.2
Kunin ang mga Pahayag ng mga Biktima
Kapag miyembro ng Simbahan ang biktima (tulad ng para sa incest, pang-aabuso sa bata, pang-aabuso sa asawa, o panlilinlang), kinokontak ng bishop o stake president ang kasalukuyang bishop o stake president ng taong iyon. Pinag-iisipan ng mga lider na ito kung makatutulong ang pagbibigay ng pagkakataon sa biktima na magbigay ng nakasulat na pahayag tungkol sa ginawang kamalian sa kanya at sa mga epekto nito. Ang mga pahayag na ito ay maaaring basahin sa membership council (tingnan sa 32.10.3, bilang 3). Walang awtoridad ang mga lider ng Simbahan na unang kumontak sa mga biktima na hindi miyembro ng Simbahan.
Ang anumang pakikipag-ugnayan sa biktima para sa layuning ito ay ginagawa ng kanyang kasalukuyang bishop o stake president. Kung ang isang biktima ay magbibigay ng pahayag, ibibigay ito ng lider na ito sa bishop o stake president na magdaraos ng membership council. Dapat lubhang mag-ingat ang mga lider na iwasang makapagdulot ng dagdag pang trauma o pinsala. Tingnan ang 32.4.3 para sa iba pang pag-iingat.
Ang anumang pagtatanong sa biktima na wala pang 18 taong gulang ay dapat gawin sa pamamagitan ng kanyang mga magulang o legal na tagapag-alaga, maliban na lamang kung ang paggawa nito ay maglalagay sa kanya sa panganib.
Para sa impormasyon tungkol sa pagtanggap ng mga bishop at stake president ng patnubay kaugnay sa mga kaso ng pang-aabuso, tingnan ang 32.4.5 at 38.6.2.1.
32.10.3
Pangasiwaan ang Council
Ilang sandali bago magsimula ang membership council, sasabihan ng bishop o stake president ang mga makikibahagi kung para kanino ito at kung ano ang iniulat na ginawang kamalian. Kung kinakailangan, ipinapaliwanag niya ang mga pamamaraan ng membership council.
Ang taong gagawan ng membership council, kung naroon, ay malugod na tatanggapin sa silid. Kung ang bishop ay inanyayahang dumalo sa isang stake membership council, pinapapasok din siya sa silid sa panahong ito. Kung inanyayahan ang ward Relief Society president o ang elders quorum president na dumalo at magbigay ng suporta, siya ay pinapapasok na rin sa silid.
Pinangangasiwaan ng bishop o stake president ang membership council sa diwa ng pagmamahal, tulad ng nakasaad sa ibaba.
-
Inaanyayahan niya ang isang tao na magbigay ng pambungad na panalangin.
-
Binabanggit niya ang iniulat na ginawang kamalian. Binibigyan niya ang miyembro (kung naroon) ng pagkakataong kumpirmahin, itanggi, o linawin pa ang pahayag na ito.
-
Kung kinumpirma ng miyembro ang ginawang kamalian, magpapatuloy ang bishop o stake president sa pagsunod sa bilang 5 sa ibaba. Kung itatanggi ito ng miyembro, maglalahad ang bishop o stake president ng impormasyon tungkol dito. Maaaring kabilang dito ang paglalahad ng mapagkakatiwalaang mga dokumento at pagbabasa nang malakas ng anumang nakasulat na pahayag ng mga biktima (tingnan sa 32.10.2). Kung babasahin niya ang gayong pahayag, poprotektahan niya ang pagkakakilanlan ng biktima.
-
Kung itatanggi ng miyembro ang ginawang kamalian, maaari siyang maglahad ng impormasyon sa council. Ito ay maaaring nakasulat. O maaaring hilingin ng miyembro na magsalita sa council nang paisa-isa ang mga taong makapagbibigay ng kaugnay na mga impormasyon. Ang gayong mga tao ay dapat miyembro ng Simbahan maliban kung maagang napagpasiyahan ng bishop o stake president na maaaring dumalo ang isang di-miyembro. Naghihintay sila sa hiwalay na silid hanggang sa sila ay hilingang magsalita. Bawat tao ay lilisanin ang council room kapag tapos na siya. Sila ay dapat handang sumunod sa kagalang-galang na katangian ng membership council, kabilang na ang mga pamamaraan nito at kumpidensyalidad. Hindi maaaring isama ng mga miyembro ang kanilang legal na tagapayo. Hindi rin sila maaaring magkaroon ng mga tagasuporta na higit pa sa mga binanggit sa ikalawang talata ng bahaging ito.
-
Maaaring magtanong ang bishop o stake president sa miyembro sa maayos at magalang na paraan. Maaari din siyang magtanong sa mga taong inanyayahan ng miyembro na magbigay ng impormasyon. Maaari ding magtanong ang mga counselor ng bishop o stake president. Ang anumang mga tanong ay dapat na maikli at limitado sa mahahalagang impormasyon.
-
Matapos maibigay ang lahat ng kaugnay na impormasyon, palalabasin muna ng bishop o stake president ang miyembro mula sa silid. Palalabasin din muna ang clerk, maliban kung nakikibahagi ang high council sa membership council. Kung naroon ang bishop ng miyembro para sa isang stake membership council, siya ay palalabasin din muna. Kung ang Relief Society president o elders quorum president ay dumalo para magbigay ng suporta, palalabasin din muna siya.
-
Hihilingin ng bishop o stake president sa kanyang mga counselor na magbigay ng mga komento o pananaw. Kung ang high council ay nakikibahagi sa isang stake membership council, hinihingi niya ang kanilang mga komento at pananaw.
-
Kasama ang kanyang mga counselor, ang bishop o stake president ay mapanalanging hihilingin ang kalooban ng Panginoon tungkol sa bagay na ito. Tanging ang stake president at kanyang mga counselor o ang bishop at kanyang mga counselor lamang ang dapat na nasa silid sa oras na ito. Kung kabilang sa stake membership council ang high council, ang stake presidency ay karaniwang pupunta sa opisina ng stake president.
-
Sasabihin ng bishop o stake president sa kanyang mga counselor ang kanyang desisyon at hihilingin sa kanila na sang-ayunan ito. Kung kabilang sa stake membership council ang high council, babalik ang stake presidency sa silid at hihilingin sa high council na sang-ayunan ito. Kung ang isang counselor o high councilor ay mayroong ibang opinyon, pakikinggan ito ng bishop o stake president at sisikaping lutasin ang mga pagkakaiba. Ang responsibilidad para sa desisyon ay nasa namumunong opisyal.
-
Papapasukin niyang muli ang tao sa silid. Kung pinalabas kanina ang clerk, muli rin siyang papapasukin sa silid. Kung naroon ang bishop ng miyembro para sa isang stake membership council, muli rin siyang papapasukin sa silid. Kung ang Relief Society president o elders quorum president ay dumalo para magbigay ng suporta, muli rin siyang papapasukin sa silid.
-
Ibabahagi ng bishop o stake president ang desisyon ng membership council nang may pagmamahal. Kung ang desisyon ay bigyan ng pormal na mga restriksyon ang pagkamiyembro ng tao sa Simbahan o bawiin ang kanyang pagkamiyembro sa Simbahan, ipapaliwanag niya ang mga kondisyon (tingnan sa 32.11.3 at 32.11.4). Ipapaliwanag din niya kung paano malalagpasan ang mga restriksyon at magbibigay ng iba pang tagubilin at payo. Maaaring pansamantalang itigil ng bishop o stake president ang membership council para makakuha ng karagdagang patnubay o impormasyon bago gumawa ng desisyon. Sa ganoong sitwasyon, ipinapaliwanag niya ito.
-
Ipinapaliwanag niya ang karapatan ng tao na mag-apela (tingnan sa 32.13).
-
Inaanyayahan niya ang isang tao na magbigay ng pangwakas na panalangin.
Naroon man o wala ang tao, aabisuhan pa rin siya ng bishop o stake president tungkol sa desisyon ayon sa paliwanag sa 32.12.1.
Walang kalahok sa isang membership council ang pinapayagang gumawa ng audio, video, o nakasulat na recording. Maaaring gumawa ng tala ang clerk para sa paghahanda ng Report of Church Membership Council. Gayunman, ang gayong mga tala ay hindi transcript o tala ng lahat ng sinabi sa council. Matapos ihanda ang report, agad niyang sinisira ang anumang tala.
32.11
Mga Desisyon mula sa mga Membership Council
Ang mga desisyon mula sa mga membership council ay dapat may patnubay ng Espiritu. Dapat ipakita ng mga ito ang pagmamahal at pag-asang inihahandog ng Tagapagligtas sa mga nagsisisi. Ang mga posibleng desisyon ay inilalarawan sa ibaba. Sa paggawa ng mga desisyong ito, isinasaalang-alang ng mga lider ang mga sitwasyong nakabalangkas sa 32.7.
Pagkatapos ng alinmang membership council, agad isusumite ng bishop o stake president ang Report of Church Membership Council form sa pamamagitan ng LCR (tingnan sa 32.14.1).
Ang mga posibleng desisyon mula sa mga membership council ay nakabalangkas sa mga sumusunod na bahagi.
32.11.1
Mananatili sa Mabuting Katayuan
Sa ilang pagkakataon, ang isang tao ay maaaring walang-sala at mananatili sa mabuting katayuan. Sa ilang pagkakataon, ang isang tao ay maaaring nakagawa ng kasalanan, taos-pusong nagsisi, at mananatili sa mabuting katayuan. Ang bishop o stake president ay maaaring magbigay ng payo at babala tungkol sa mga gagawin sa hinaharap. Pagkatapos ng membership council, patuloy siyang nagbibigay ng suporta kung kailangan.
32.11.2
Personal na Pagpapayo ng Bishop o Stake President
Sa ilang membership council, maaaring mapagpasiyahan ng mga lider na ang miyembro ay nasa hindi mabuting katayuan—ngunit hindi makatwiran ang pagbibigay ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro. Sa mga pagkakataong ito, maaaring magpasiya ang council na ang miyembro ay dapat tumanggap ng personal na pagpapayo at pagtutuwid mula sa bishop o stake president. Maaaring kabilang sa pagpapayong ito ang di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro tulad ng nakabalangkas sa 32.8.3.
Ang personal na pagpapayo at di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay hindi opsiyon kapag nagdaos ng membership council para sa mga kasalanang nakalista sa 32.6.1.
32.11.3
Pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro
Sa ilang membership council, maaaring mapagpasiyahan ng mga lider na pinakamainam na magbigay sa miyembro ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan sa loob ng ilang panahon. Ang pormal na mga restrikyon ay maaaring sapat na para sa lahat maliban sa pinakamabibigat na kasalanan o sitwasyon, kung saan kailangang bawiin ang pagkamiyembro (tingnan sa 32.11.4).
Ang mga binigyan ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay mga miyembro pa rin ng Simbahan. Gayunman, may restriksyon o limitado ang kanilang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan gaya ng sumusunod:
-
Hindi sila maaaring pumasok sa templo. Gayunman, maaari nilang ipagpatuloy ang pagsusuot ng temple garment kung sila ay nakatanggap na ng endowment. Kung ang miyembro ay may temple recommend, kakanselahin ito ng lider sa LCR.
-
Hindi nila maaaring gamitin ang priesthood.
-
Hindi sila maaaring makibahagi ng sakramento o makilahok sa pagsang-ayon sa mga opisyal ng Simbahan.
-
Hindi sila maaaring magbigay ng mensahe, lesson, o panalangin sa mga miting ng Simbahan. Hindi rin sila maaaring maglingkod sa isang calling sa Simbahan.
Hinihikayat silang dumalo sa mga miting at aktibidad ng Simbahan kung maayos ang kanilang pagkilos. Hinihikayat din silang magbayad ng ikapu at mga handog.
Ang bishop o stake president ay maaaring magdagdag pa ng ilang kondisyon, tulad ng pag-iwas sa pornograpiya at iba pang masasamang impluwensya. Karaniwang nagdaragdag siya ng mga positibong kondisyon. Maaaring kabilang dito ang regular na pagdalo sa Simbahan, regular na pagdarasal, at pagbabasa ng mga banal na kasulatan at iba pang mga materyal ng Simbahan.
Kung ang isang tao ay binigyan ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan, ito ay inilalagay sa membership record.
Ang pormal na mga restriksyon ay karaniwang tumatagal ng isang taon at maaaring mas matagal pa. Kapag ang miyembro ay nakagawa ng mga partikular na pag-unlad tungo sa tunay na pagsisisi, ang bishop o stake president ay magdaraos ng isa pang membership council para isaalang-alang ang pag-alis sa mga restriksyon (tingnan sa 32.16.1). Kung patuloy pa rin ang miyembro sa paggawa ng kasalanan, ang lider ay maaaring magdaos ng isa pang membership council para isaalang-alang ang iba pang mga aksyon.
32.11.4
Pagbawi sa Pagkamiyembro
Sa ilang mga membership council, maaaring mapagpasiyahan ng mga lider na pinakamainam na bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao sa loob ng ilang panahon (tingnan sa Mosias 26:36; Alma 6:3; Moroni 6:7; Doktrina at mga Tipan 20:83).
Ang pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao ay kailangang gawin para sa kasalanang pagpatay ng tao (tulad ng kahulugan nito sa 32.6.1.1) at pag-aasawa nang higit sa isa (tulad ng ipinaliwanag sa 32.6.1.2). Ito ay halos palaging kailangang gawin para sa incest na ipinaliwanag sa 32.6.1.2 at 38.6.10.
Sa patnubay ng Espiritu, ang pagbawi sa pagkamiyembro ng isang tao ay maaari ding kailangang gawin sa sumusunod na mga sitwasyon:
-
Para sa mga tao na ang kilos at asal ay nagbabata ng malubhang panganib sa iba.
-
Para sa mga tao na nakagawa ng lubhang mabibigat na kasalanan.
-
Para sa mga tao na hindi nagpapakita ng pagsisisi sa mabibigat na kasalanan (tingnan ang mga konsiderasyon sa 32.7).
-
Para sa mga tao na nakagawa ng mabibigat na kasalanan na nakapipinsala sa Simbahan.
Ang ward, branch, o district membership council ay maaaring magrekomenda na bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang taong hindi pa nakatatanggap ng endowment sa templo. Gayunman, kailangan ang pag-apruba ng stake president o mission president bago pagtibayin ang desisyon.
Ang mga tao na binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan ay hindi maaaring tamasain ang mga pribilehiyong kaakibat ng pagiging miyembro ng Simbahan.
-
Hindi sila maaaring pumasok sa templo o magsuot ng temple garment. Kung ang tao ay mayroong temple recommend, kakanselahin ito ng lider sa LCR.
-
Hindi nila maaaring gamitin ang priesthood.
-
Hindi sila maaaring makibahagi ng sakramento o makilahok sa pagsang-ayon sa mga opisyal ng Simbahan.
-
Hindi sila maaaring magbigay ng mensahe, lesson, o panalangin sa mga miting ng Simbahan o mamuno sa mga aktibidad ng Simbahan. Hindi rin sila maaaring maglingkod sa isang calling sa Simbahan.
-
Hindi sila maaaring magbayad ng ikapu at mga handog.
Hinihikayat silang dumalo sa mga miting at aktibidad ng Simbahan kung maayos ang kanilang pagkilos.
Ang mga tao na binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan ay maaaring isaalang-alang para sa muling pagtanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon. Karaniwang kailangan muna nilang magpakita ng tunay na pagsisisi nang hindi kukulangin sa isang taon. Ang bishop o stake president ay magdaraos ng isa pang membership council para isaalang-alang ang muling pagtanggap (tingnan sa 32.16.1).
Mga Desisyon at Resulta ng Membership Council
Desisyon |
Mga Resulta |
---|---|
Desisyon Mananatili sa Mabuting Katayuan (tingnan sa 32.11.1) | Mga Resulta
|
Desisyon Personal na Pagpapayo ng Bishop o Stake President (tingnan sa 32.11.2) | Mga Resulta
|
Desisyon Pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro (tingnan sa 32.11.3) | Mga Resulta
|
Desisyon Pagbawi sa Pagkamiyembro (tingnan sa 32.11.4) | Mga Resulta
|
32.11.5
Mga Tanong Tungkol sa Pagdedesisyon sa Mahihirap na Bagay
Sumasangguni ang bishop sa stake president kapag mayroon siyang tanong tungkol sa mga tuntunin sa hanbuk para sa mga membership council.
Sa mahihirap na bagay, maaaring sumangguni ang stake president sa nakatalagang Area Seventy sa kanya. Ang stake president ay dapat sumangguni sa Area Presidency tungkol sa mga bagay na nakabalangkas sa 32.6.3. Gayunman, hindi dapat tanungin ng stake president ang isang Area Seventy o General Authority kung paano pagpapasiyahan ang mahihirap na bagay. Ang stake president ang magpapasiya kung dapat bang magdaos ng membership council upang matugunan ang ginawa ng isang tao. Kung magdaraos ng isang membership council, ang stake president o bishop ang nagpapasiya kung ano ang kalalabasan nito.
32.11.6
Awtoridad ng Unang Panguluhan
Ang Unang Panguluhan ang may ganap na awtoridad sa lahat ng restriksyon at pagbawi sa pagkamiyembro sa Simbahan.
32.12
Mga Abiso at mga Pabatid
Ang desisyon ng isang membership council ay ipinababatid sa tao—at sa iba pa kung kinakailangan—tulad ng ipinaliwanag sa ibaba.
32.12.1
Pagbibigay ng Abiso sa Tao Tungkol sa Desisyon
Karaniwang sinasabi ng bishop o stake president sa tao ang kinalabasan ng membership council sa pagtatapos nito. Gayunman, maaari niyang pansamantalang itigil ang membership council para makakuha ng karagdagang patnubay o impormasyon bago gumawa ng desisyon.
Ang ward, branch, o district membership council ay maaaring magrekomenda na bawiin ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang taong hindi pa nakatatanggap ng endowment sa templo. Gayunman, kailangan ang pag-apruba ng stake president o mission president bago pagtibayin ang desisyon.
Ipinapaliwanag ng bishop o stake president ang mga epekto ng desisyon tulad ng nakabalangkas sa 32.11. Karaniwan ay nagbibigay rin siya ng payo tungkol sa mga kondisyon ng pagsisisi nang sa gayon ay maaaring maalis ang mga restriksyon o muling tanggapin ang tao sa Simbahan.
Ang bishop o stake president ay kaagad na binibigyan ang tao ng nakasulat na abiso tungkol sa desisyon at sa mga epekto nito. Ang abisong ito ay kinabibilangan ng pangkalahatang pahayag na ang ginawang aksyon ay tugon sa gawaing salungat sa mga batas at kaayusan ng Simbahan. Maaaring kasama rin dito ang payo kung paano maaalis ang mga restriksyon sa pagkamiyembro o muling matatanggap sa Simbahan. Dapat ding ipaalam sa kanya sa abisong ito na maaari niyang iapela ang desisyon (tingnan sa 32.13).
Kung ang taong ito ay hindi dumalo sa membership council, ang nakasulat na abiso ay maaaring sapat na upang ipaalam sa kanya ang desisyon. Maaari ding makipagkita ang bishop o stake president sa tao.
Hindi binibigyan ng bishop o stake president ang tao ng kopya ng Report of Church Membership Council form.
32.12.2
Pagbibigay ng Abiso sa Ibang Tao Tungkol sa Desisyon
Kung binigyan ng bishop o stake president ang isang tao ng di-pormal na mga restriksyon sa mga pribilehiyo ng pagiging miyembro, hindi niya ito karaniwang ipinaaalam sa ibang tao (tingnan sa 32.8.3). Gayunman, nakikipag-ugnayan ang mga lider na ito sa isa’t isa tungkol sa di-pormal na mga restriksyon habang tinutulungan nila ang mga miyembro.
Kung ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng isang tao ay nilagyan ng pormal na restriksyon o binawi sa isang membership council, ipinaaalam ng bishop o stake president ang desisyon sa mga taong kailangan lamang makaalam. Ang sumusunod na mga tuntunin ay sinusunod.
-
Isinasaalang-alang niya ang pangangailangan ng mga biktima at mga maaaring maging biktima at ang damdamin ng pamilya ng taong iyon.
-
Hindi niya ipinaaalam sa iba ang desisyon kung ito ay inaapela ng tao. Gayunman, maaari niyang ipaalam na ito ay inaapela kung nadarama niya na kailangan ito para protektahan ang mga maaaring maging biktima. Maaari din niya itong ipaalam para makatulong sa paghilom ng mga pinsala sa mga biktima (bagama’t hindi niya ibinibigay ang pangalan ng mga biktima) o para protektahan ang integridad ng Simbahan.
-
Kung kailangan, ipinaaalam ng bishop ang desisyon sa mga miyembro ng ward council sa kumpidensyal na paraan. Ito ay para ipaalam sa mga lider na nag-iisip na tawagin ang tao para sa mga calling, para sa pagtuturo ng mga lesson, o pagbibigay ng mga panalangin o mensahe. Hinihikayat din nito ang mga lider na alagaan at suportahan ang miyembro at ang kanyang pamilya.
-
Sa pag-apruba ng stake president, maaaring ipaalam ng bishop ang desisyon sa elders quorum meeting at Relief Society meeting kung ang sitwasyon ay kinabibilangan ng:
-
Mapagsamantalang pagkilos na maaaring maging banta sa ibang tao.
-
Pagtuturo ng maling doktrina o iba pang anyo ng apostasiya.
-
Lubhang mabibigat na mga kasalanan tulad ng pag-aasawa nang higit sa isa o paggamit ng mga turo ng isang kulto para makaakit ng mga tagasunod.
-
Hayagang pagsalungat sa mga gawa o turo ng mga pangkalahatan o lokal na mga lider ng Simbahan.
-
-
Sa gayong mga pagkakataon, maaari ding kailanganing bigyan ng awtorisasyon ng stake president ang pagbibigay ng isang pabatid sa mga miyembro sa ibang mga ward sa stake.
-
Sa ilang pagkakataon, maaaring madama ng bishop o stake president na makatutulong na ipaalam sa ilan o sa lahat ng biktima at kanilang mga pamilya na nagdaos ng membership council para sa taong iyon. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng kanilang bishop o stake president.
-
Kung ang mapagsamantalang pag-uugali ng isang tao ay maglalagay sa ibang tao sa panganib, ang bishop o stake president ay maaaring magbigay ng mga babala para makatulong na maprotektahan ang iba. Hindi siya nagbabahagi ng kumpidensyal na impormasyon at mga haka-haka.
-
Sa lahat ng iba pang sitwasyon, nililimitahan ng bishop o stake president ang anumang pabatid sa isang pangkalahatang pahayag. Sinasabi lamang niya na nilagyan ng mga restriksyon o binawi ang mga pribilehiyo ng tao sa pagkamiyembro sa Simbahan para sa mga pagkilos na labag sa mga batas at kaayusan ng Simbahan. Hinihiling niya sa mga taong naroroon na huwag itong pag-usapan. Hindi niya sila tinatanong kung sila ba ay sang-ayon o hindi sa aksyon.
-
Kung ang miyembro ay nanatili sa mabuting katayuan pagkatapos ng isang membership council (tingnan sa 32.11.1), maaaring ipaalam ito ng bishop o stake president upang pasinungalingan ang mga tsismis.
32.12.3
Pagbibigay ng Abiso Tungkol sa Pagbibitiw sa Pagkamiyembro
Sa ilang sitwasyon, maaaring kailanganing sabihin ng isang bishop na ang isang tao ay nagbitiw sa kanyang pagkamiyembro sa Simbahan (tingnan sa 32.14.9). Ang bishop ay hindi nagbibigay ng iba pang detalye.
32.13
Pag-apela sa Isang Desisyon
Maaaring iapela ng isang miyembro ang desisyon ng isang ward membership council sa stake president sa loob ng 30 araw. Ang stake president ay magdaraos ng isang stake membership council para isaalang-alang ang apela. Maaari din niyang hilingin sa bishop na magdaos muli ng isang membership council para muling isaalang-alang ang desisyon, lalo na kung mayroong bagong impormasyon.
Maaaring iapela ng isang miyembro ang desisyon ng isang stake membership council sa pamamagitan ng pagsulat ng liham sa Unang Panguluhan sa loob ng 30 araw. Ibibigay ng miyembro ang liham sa stake president para maisumite sa Unang Panguluhan.
Sa isang mission, maaaring iapela ng isang miyembro ang desisyon ng isang branch o district membership council sa mission president sa loob ng 30 araw. Ang mission president ay nagdaraos ng isang membership council para isaalang-alang ang apela. Kung nahahadlangan siya ng oras o layo para magawa ito, sinusunod niya ang mga tagubilin sa 32.9.4.
Kung isang mission president ang nangasiwa sa membership council, maaaring iapela ng miyembro ang desisyon sa pamamagitan ng pagsulat ng liham sa Unang Panguluhan sa loob ng 30 araw. Ibibigay ng miyembro ang liham sa mission president para maisumite sa Unang Panguluhan.
Ang isang tao na nag-aapela ng desisyon ay tutukuyin sa pamamagitan ng sulat ang mga di-umano’y pagkakamali o kawalang-katarungan sa pamamaraan o desisyon.
Kung isang membership council ang idaraos para isaalang-alang ang isang apela, ang isa sa dalawang desisyon ay posible:
-
Hayaang manatili ang unang desisyon.
-
Baguhin ang naunang desisyon.
Ang mga desisyon ng Unang Panguluhan ay ang panghuling desisyon at hindi na maaaring muling iapela.
32.14
Mga Report at Membership Record
32.14.1
Report of Church Membership Council
Matapos ang alinmang membership council, agad isinusumite ng bishop o stake president ang Report of Church Membership Council form sa pamamagitan ng LCR. Maaari niyang atasan ang clerk na ihanda ang report. Tinitiyak niya na walang itatabi na naka-print o elektronikong kopya nito. Tinitiyak din niya na ang anumang mga talang ginamit sa paghahanda ng report ay kaagad na wawasakin.
32.14.2
Pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro sa Simbahan
Ang pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan ay nakasaad sa membership record ng isang tao. Ginagawa ng headquarters ng Simbahan ang talang ito matapos matanggap ang Report of Church Membership Council. Kapag nakapagsisi na ang isang miyembro, kailangang magdaos ang lider ng isa pang membership council para alisin ang mga restriksyong ito (tingnan sa 32.16.1).
32.14.3
Mga Record Pagkatapos Bawiin ang Pagkamiyembro sa Simbahan ng Isang Tao
Kung binawi ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao, inaalis ng headquarters ng Simbahan ang membership record matapos matanggap ang Report of Church Membership Council. Kung nais ng tao, tutulungan siya ng mga lider na maghanda para muling matanggap sa Simbahan sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 32.16.1).
32.14.4
Mga Record Pagkatapos Muling Tanggapin sa Simbahan
Pagkatapos muling tanggapin sa Simbahan ang isang tao, magsusumite ang bishop ng Report of Church Membership Council form. Hindi na lilikha ng Baptism and Confirmation Certificate [Sertipiko ng Binyag at Kumpirmasyon]. Sa halip, ang binyag at kumpirmasyon ay itatala sa Report of Church Membership Council form.
Kung hindi pa nakatanggap ng endowment ang miyembro, magbibigay ang headquarters ng Simbahan ng isang membership record na nagpapakita ng petsa ng kanyang orihinal na binyag at iba pang mga ordenansa. Hindi binabanggit sa record ang pagkawala ng pagkamiyembro sa Simbahan.
Kung nakatanggap na ng endowment ang miyembro, ia-update ng headquarters ng Simbahan ang membership record para maipakita ang bagong mga petsa ng binyag at kumpirmasyon. Kasama rin sa record na ito ang mensaheng “Kailangang Ipanumbalik ang mga Pagpapala [Restoration of Blessings Required].” Matapos maipanumbalik ang mga pagpapala ng miyembro (tingnan sa 32.17.2), maa-update ang membership record para maipakita ang orihinal na mga petsa ng binyag at iba pang mga ordenansa. Hindi binabanggit dito ang pagkawala ng pagkamiyembro sa Simbahan.
32.14.5
Mga Membership Record na Mayroong mga Anotasyon
Sa pag-apruba ng Unang Panguluhan, lalagyan ng anotasyon ng headquarters ng Simbahan ang membership record ng isang tao na nasa alinman sa mga sitwasyong nakalista sa ibaba.
-
Nagsumite ang bishop o stake president ng Report of Church Membership Council form na nagsasaad na nilagyan ng pormal na mga restriksyon o binawi ang pagkamiyembro ng isang tao para sa alinman sa mga sumusunod na gawain:
-
Incest o Pagtatalik ng Malapit na Magkamag-anak
-
Seksuwal na pang-aabuso sa isang bata o kabataan, seksuwal na pagsasamantala sa isang bata o kabataan, o malubhang pisikal o emosyonal na pang-aabuso sa isang bata o kabataan
-
Pagkasangkot sa pornograpiyang gumagamit ng mga bata tulad ng nakabalangkas sa 38.6.6
-
Pag-aasawa nang higit sa isa
-
Seksuwal na mapagsamantalang pagkilos bilang adult
-
Pagdispalko sa mga pondo ng Simbahan o pagnanakaw ng ari-arian ng Simbahan (tingnan sa 32.6.3.3)
-
Pang-aabuso sa pondo ng welfare ng Simbahan
-
Mapagbantang pagkilos (tulad ng seksuwal, marahas, o sa pananalapi) o sa pagkilos na nakapipinsala sa Simbahan
-
-
Ang bishop at stake president ay nagbigay ng nakasulat na abiso na ang taong ito ay:
-
Umamin na nagawa ang isa sa mga gawaing nakalista sa itaas.
-
Nahatulang maysala sa paggawa ng krimeng kinasasangkutan ng isa sa mga gawaing nakalista sa itaas.
-
Napatunayan sa isang sibil na aksyon na mayroong ginawang panlilinlang o iba pang ilegal na gawain na kinabibilangan ng isa sa mga gawaing nakalista sa itaas.
-
-
Dahil ang ilang ordenansa ng priesthood ay batay sa kasarian, ang bishop at stake president ay nagsusumite ng kahilingang lagyan ng anotasyon ang record ng isang tao na sadyang gumawa ng mga hakbang para baguhin ang kanyang biological na kasarian noong siya ay isinilang (tingnan sa 38.6.23).
Kapag nakatanggap ang bishop ng membership record na may anotasyon, sinusunod niya ang mga tagubilin na nakasaad sa anotasyon.
Tanging ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng awtorisasyon para tanggalin ang anotasyon sa isang membership record. Kung inirerekomenda ng stake president na alisin ang anotasyon, ginagamit niya ang LCR para magawa ito (tingnan sa 6.2.3). Inaabisuhan siya ng Office of the First Presidency kung ang rekomendasyon ay inaprubahan o hindi.
32.14.6
Pagre-report ng Pagnanakaw ng Pondo ng Simbahan
Kung nilagyan ng restriksyon o binawi ang pagkamiyembro ng isang tao dahil sa pagdispalko sa mga pondo ng Simbahan, inirereport ito ng bishop o stake president ayon sa nakasaad sa 34.7.5.
32.14.7
Mga Restriksyon sa Paglilipat ng mga Membership Record
Kung minsan ang isang miyembro ng Simbahan ay lumilipat ng tirahan habang hindi pa nalulutas ang aksyon sa kanyang pagkamiyembro o iba pang mabibigat na problema. Kung minsan kailangang magbahagi ang isang bishop ng impormasyon sa bagong bishop bago ilipat ang membership record sa bagong unit. Sa ganitong mga sitwasyon, ang bishop (o clerk kung awtorisado) ay maaaring maglagay ng restriksyon sa paglipat sa membership record. Ang membership record ay mananatili sa unit hanggang sa tanggalin ng bishop (o ng clerk kung awtorisado) ang restriksyon. Binibigyan nito ang bishop ng pagkakataong maibahagi ang mga problema at impormasyon.
32.14.8
Mga Record ng mga Nakakulong
Ang ilang mga miyembro ay nahatulang maysala sa paggawa ng isang krimen at ikinulong. Ang bishop o stake president ng unit kung saan nakatira ang taong ito noong maganap ang krimen ay pasisimulan ang anumang aksyon para sa pormal na mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro. Kung nilagyan ng mga restriksyon ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro, ang lider (o ang clerk kung awtorisado) ay ipadadala ang membership record sa unit sa lugar kung saan nakakulong ang tao. Kung binawi ang pagkamiyembro, kokontakin ng bishop o stake president ang lider ng unit na iyon. (Tingnan sa 32.15.)
32.14.9
Mga Kahilingang Magbitiw sa Pagkamiyembro
Kung hiniling ng isang miyembro na magbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan, kakausapin siya ng bishop para tingnan kung papayag siyang pag-usapan ang mga problema at subukang lutasin ang mga ito. Maaari ding sumangguni ang bishop at ang miyembro sa stake president. Tinitiyak ng lider na nauunawaan ng miyembro ang sumusunod na mga resulta ng pagbibitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan:
-
Ipawawalang-bisa nito ang lahat ng mga ordenansa.
-
Inaalis nito ang lahat ng pribilehiyo ng pagkamiyembro.
-
Ang muling pagtanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon ay maaari lamang mangyari pagkatapos ng masusing interbyu at, sa maraming pagkakataon, isang membership council (tingnan sa 32.16.2).
-
Ang isang tao na dati nang nakatanggap ng endowment ay magiging karapat-dapat lamang sa pagpapanumbalik ng priesthood at mga pagpapala ng templo kapag natanggap na ang pag-apruba ng Unang Panguluhan at pagkalipas ng isang buong taon pagkatapos ng muling pagtanggap (tingnan sa 32.17.2).
Kung nais pa rin ng miyembro na ituloy ang pagbibitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan, binibigyan niya ang bishop ng nakasulat at nilagdaang kahilingan. Isusumite ng bishop ang kahilingan sa stake president sa pamamagitan ng LCR. Pagkatapos ay rerebyuhin ng stake president ang kahilingan at isusumite ito sa pamamagitan din ng LCR. Ang mga lider ay dapat kaagad na gumawa ng aksyon para sa ganitong mga kahilingan.
Ang isang tao ay maaari ding magbitiw sa pagkamiyembro sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang nilagdaan at ipinanotaryong kahilingan sa headquarters ng Simbahan.
Ang isang menor-de-edad na nais magbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan ay kailangang sumunod sa kaparehong pamamaraan para sa isang adult ngunit may isang eksepsyon: ang kahilingan ay kailangang lagdaan ng menor-de-edad (kung lampas na sa 8 taong gulang) at ng (mga) magulang o (mga) tagapag-alaga na may legal na kustodiya sa menor-de-edad.
Kung ang isang miyembrong nagbibitiw sa pagkamiyembro ay nagbabanta ng legal na aksyon laban sa Simbahan o sa mga lider nito, susundin ng stake president ang mga tagubilin sa 38.8.23.
Ang kahilingan na magbitiw sa pagkamiyembro ay dapat gawan ng aksyon kahit na ang mga priesthood leader ay mayroong impormasyon tungkol sa mabigat na kasalanan. Ang anumang impormasyon tungkol sa hindi pa nalulutas na mga kasalanan ay inilalagay sa kahilingan na isusumite sa pamamagitan ng LCR. Tutulungan nito ang mga priesthood leader na malutas ang mga bagay na iyon sa hinaharap kung ang taong ito ay hihiling na muling tanggapin sa Simbahan (tingnan sa 32.16.2).
Hindi dapat irekomenda ng isang priesthood leader ang pagbibitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan para makaiwas sa pagdaraos ng isang membership council.
Ang mga lider ay patuloy na magmiminister sa mga taong nagbitiw sa pagkamiyembro maliban kung hiniling nila na huwag na silang kontakin.
PAGBALIK SA MGA PRIBILEHIYO NG PAGIGING MIYEMBRO NG SIMBAHAN
Kung nilagyan ng mga restriksyon o binawi ang mga pribilehiyo ng isang tao sa pagiging miyembro ng Simbahan, ang mga lider ay maglilingkod, magbibigay ng payo, at magbibigay ng suporta sa tao kung hindi niya ito tututulan. Ipinapaliwanag ng bahaging ito kung paano maibabalik ang mga pribilehiyong iyon.
32.15
Patuloy na Magminister
Ang tungkulin ng bishop o stake president bilang pangkalahatang hukom ay hindi nagtatapos kapag ang isang miyembro ay nabigyan na ng mga restriksyon sa pagkamiyembro o binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan. Patuloy siyang nagmiminister, kung pinapayagan ng tao, upang muli nitong matamasa ang mga pagpapala ng pagiging miyembro ng Simbahan. Regular na nakikipagkita ang bishop sa taong ito at, kapag makatutulong at angkop, sa asawa nito. Itinuro ng Tagapagligtas sa mga Nephita:
“Huwag ninyo siyang itataboy palabas ng inyong … mga pook ng sambahan, sapagkat sa mga yaon kayo ay patuloy na maglilingkod; sapagkat hindi ninyo alam kung sila ay magbabalik at magsisisi, at lalapit sa akin nang may buong layunin ng puso, at pagagalingin ko sila; at kayo ang magiging daan ng pagdadala ng kaligtasan sa kanila” (3 Nephi 18:32).
Ang panahon pagkatapos lagyan ng restriksyon o bawiin ang pagkamiyembro ng isang tao ay mahirap at maselan para sa kanyang pamilya. Ang mga lider ay dapat maging sensitibo sa mga pangangailangang ito at magbigay ng panghihikayat at tulong sa mga miyembro ng pamilya.
Tinitiyak ng bishop na mapagmalasakit na mga miyembro ang aatasan na magminister sa taong binigyan ng mga restriksyon o binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan, kung hindi ito tinututulan ng tao. Nagmiminister din sila sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang mga indibiduwal na mayroong mga restriksyon sa pagkamiyembro ay maaaring makinabang sa pakikibahagi sa indexing (tingnan sa 25.4.3).
Kung ang tao ay lumipat ng ward, ipinapaalam ito ng bishop sa bagong bishop at ipinapaliwanag kung ano pa ang kailangang mangyari bago maalis ang mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan. Kung ang tao ay binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan o nagbitiw sa pagkamiyembro, ginagawa rin ng bishop ang kaparehong pagkontak sa bagong bishop kung pumayag ang tao na matulungan ng mga lider ng Simbahan.
32.16
Pag-aalis ng Pormal na mga Restriksyon sa Pagkamiyembro o Muling Pagtanggap sa Simbahan
32.16.1
Mga Membership Council Para Alisin ang Pormal na mga Restriksyon o Muling Tanggapin ang Isang Tao
Kapag nagbigay ng mga restriksyon sa pagkamiyembro o binawi ang pagkamiyembro sa isang membership council, kailangang magdaos ng isa pang membership council para isaalang-alang ang pag-aalis ng mga restriksyon o para muling tanggapin ang tao sa Simbahan. Ang membership council na ito ay dapat mayroong kaparehong antas ng awtoridad (o mas mataas pa) sa naunang membership council. Halimbawa, kung isang stake president o mission president ang namuno sa unang membership council, isang stake president o mission president ang mamumuno sa membership council para isaalang-alang ang pag-aalis ng mga restriksyon o para muling tanggapin ang tao.
Ang kasalukuyang bishop o stake president ang magdaraos ng membership council. Tinitiyak muna niya na ang tao ay nakapagsisi na at handa at karapat-dapat na matamasa ang mga pagpapala ng pagiging miyembro ng Simbahan.
Ang mga miyembro ng Simbahan na binigyan ng pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro ay karaniwang kailangang magpakita ng tunay na pagsisisi sa loob ng hindi kukulangin sa isang taon bago maaaring isaalang-alang ang pag-aalis sa mga restriksyon. Ang mga binawian ng pagkamiyembro sa Simbahan ay karaniwang kailangang magpakita ng tunay na pagsisisi sa loob ng hindi kukulangin sa isang taon bago maaaring isaalang-alang ang muling pagtanggap sa kanila. Para sa miyembrong may mahalagang katungkulan sa Simbahan noong maganap ang mabigat na kasalanan, ang panahong ito ay karaniwang mas mahaba (tingnan sa 32.6.1.4).
Ang isang membership council para isaalang-alang ang pag-aalis ng mga restriksyon o muling pagtanggap sa Simbahan ng isang tao ay sumusunod din sa mga tuntunin ng iba pang mga membership council. Kailangan ng isang bishop ang pag-apruba ng stake president para magdaos ng membership council na ito. Sa isang mission, kailangan ng branch president o district president ang pag-apruba ng mission president.
Ang sumusunod na mga tuntunin ay angkop kapag nagdaraos ng isang membership council para isaalang-alang ang pag-aalis ng mga restriksyon sa pagkamiyembro sa Simbahan o para sa muling pagtanggap sa isang tao sa Simbahan. Hindi lahat ng tuntuning ito ay angkop sa bawat sitwasyon.
-
Rebyuhin ang unang membership council. Nirerebyu ng bishop o stake president ang Report of Church Membership Council form. Hihingi siya ng kopya sa pamamagitan ng LCR. Matapos rebyuhin ang form, maaari niyang kontakin ang bishop o stake president kung saan ginanap ang unang membership council para humingi ng paglilinaw.
-
Interbyuhin ang tao. Masusing iinterbyuhin ng bishop o stake president ang tao para mahiwatigan ang lakas ng kanyang pananampalataya kay Jesucristo at ang lawak ng kanyang pagsisisi. Tutukuyin din niya kung natugunan na ng tao ang mga kondisyong nakasaad sa unang aksyon.
-
Tukuyin ang status ng kaso sa sibil o pangkriminal na korte. Kung minsan ang isang tao ay umamin o nahatulang maysala sa paggawa ng isang krimen. Kung minsan ang isang tao ay napatunayang maysala sa isang sibil na aksyon ng panlilinlang o iba pang ilegal na gawain. Sa ganitong mga sitwasyon, ang lider ay karaniwang hindi nagdaraos ng membership council hanggang sa matupad ng tao ang lahat ng kondisyon ng anumang sentensiya, utos, o paghatol na ginawa ng mga legal na awtoridad. Ang mga sitwasyong ito ay maaaring kabilangan ng pagkabilanggo, probation, parole, at mga multa o paggawa ng pagsasauli. Ang mga eksepsyon ay nangangailangan ng pag-apruba ng Unang Panguluhan bago magdaos ng membership council. Maaaring kabilang sa mga eksepsyong ito ang isang taong nakumpleto na ang mga hinihingi ng batas at nagpakita ng tunay na pagsisisi ngunit napasailalim sa panghabang-buhay na probation o mayroong napakalaking multa.
-
Kontakin ang mga priesthood leader ng mga biktima. Kokontakin ng bishop o stake president ang kasalukuyang bishop o stake president ng mga biktima (tingnan sa 32.10.2).
-
Magbigay ng abiso tungkol sa membership council. Aabisuhan niya ang tao tungkol sa petsa, oras, at lugar ng membership council.
-
Pangasiwaan ang membership council. Pangangasiwaan niya ang membership council ayon sa mga tuntunin sa 32.10.3. Tatanungin niya ang tao kung ano ang ginawa nito para makapagsisi. Tatanungin niya ito tungkol sa katapatan nito kay Jesucristo at sa Simbahan. Kapag ang lahat ng mahahalagang bagay ay nailahad na, palalabasin niya muna ang miyembro. Kasama ang kanyang mga counselor, siya ay mananalangin para malaman kung ano ang dapat na maging desisyon. Ang tatlong posibleng desisyon ay:
-
Ipagpatuloy ang mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro.
-
Alisin ang mga restriksyon o pahintulutan ang muling pagtanggap.
-
Irekomenda sa Unang Panguluhan na pahintulutan ang pag-aalis ng mga restriksyon o kaya ay muling pagtanggap (kung kailangan ayon sa “Hilingin ang Pag-apruba ng Unang Panguluhan” sa ibaba).
-
-
Ibahagi ang desisyon. Pagkatapos makagawa ng desisyon ang membership council, ibinabahagi ito ng namumunong opisyal sa tao. Kung kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan, ipinapaliwanag niya na ang desisyon ay magpadala ng rekomendasyon sa Unang Panguluhan.
-
Magsumite ng report. Isusumite ng bishop o stake president ang Report of Church Membership Council form sa pamamagitan ng LCR. Maaari niyang atasan ang clerk na ihanda ang report na ito. Tinitiyak niya na walang matitirang naitatabing naka-print o elektronikong kopya nito. Tinitiyak din niya na ang lahat ng mga talang ginamit sa paghahanda ng report ay kaagad na wawasakin.
-
Hilingin ang Pag-apruba ng Unang Panguluhan (kung kailangan). Sa sumusunod na mga sitwasyon, kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan para maalis ang pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro o muling tanggapin ang tao sa Simbahan. Kailangan ang pag-apruba na ito kahit na nangyari ito pagkatapos maibigay ang pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro o bawiin ang pagkamiyembro.
Isusumite lamang ng stake president ang aplikasyon sa Unang Panguluhan kung inirerekomenda niya na aprubahan ito (tingnan sa 6.2.3).
-
Pagpatay ng Tao
-
Incest o Pagtatalik ng Malapit na Magkamag-anak
-
Seksuwal na pang-aabuso sa isang bata o kabataan, seksuwal na pananamantala sa isang bata o kabataan, o malubhang pisikal o emosyonal na pang-aabuso sa isang bata o kabataan ng isang adult o ng isang kabataan na ilang taon na mas matanda sa biktima
-
Pagkasangkot sa pornograpiyang gumagamit ng mga bata kapag nahatulang maysala
-
Apostasiya (tingnan ang 32.6.3.2 para sa kahulugan ng apostasiya)
-
Pag-aasawa nang higit sa isa
-
Nakagawa ng mabigat na kasalanan habang humahawak ng mahalagang katungkulan sa Simbahan
-
Transgender—sadyang gumawa ng mga hakbang para baguhin ang biological na kasarian ng isang tao noong siya ay isinilang (tingnan sa 38.6.23)
-
Pagdispalko sa mga pondo o ari-arian ng Simbahan
-
-
Magbigay ng nakasulat na abiso tungkol sa desisyon. Tinitiyak ng bishop o stake president na kaagad na matatanggap ng tao ang nakasulat na abiso tungkol sa desisyon at sa mga epekto nito.
-
Binyagan at kumpirmahin. Kung binawi ang pagkamiyembro sa Simbahan ng isang tao sa unang membership council, siya ay kailangang binyagan at kumpirmahing muli. Kung kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan, ang mga ordenansang ito ay maaari lamang isagawa matapos matanggap ang pag-apruba na ito. Hindi na lilikha ng Baptism and Confirmation Certificate [Sertipiko ng Binyag at Kumpirmasyon] (tingnan sa 32.14.4).
32.16.2
Muling Pagtanggap Matapos ang Pagbibitiw sa Pagkamiyembro
Kung ang isang tao ay pormal na nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan, siya ay kailangang binyagan at kumpirmahin upang muling tanggapin sa Simbahan. Para sa mga adult, ang muling pagtanggap ay karaniwang hindi isinasaalang-alang hanggang sa makalipas ang isang taon matapos ang pagbibitiw sa pagkamiyembro.
Kapag ang isang tao ay humiling na muling tanggapin, ang bishop o stake president ay kumukuha ng kopya ng Report of Administrative Action form na kasama ng kahilingan para sa pagbibitiw sa pagkamiyembro. Makukuha niya ito sa LCR.
Pagkatapos ay masusing iinterbyuhin ng bishop o stake president ang tao. Itatanong niya ang tungkol sa mga dahilan ng unang kahilingan at ang pagnanais na muling tanggapin. Sa diwa ng pagmamahal, tatanungin niya ang tao kung may nagawa ba itong mabibigat na kasalanan bago o matapos ang pagbibitiw sa pagkamiyembro. Hindi magpapatuloy ang lider sa muling pagtanggap hanggang sa kumbinsido siya na ang tao ay nakapagsisi at handa at karapat-dapat na matamasa ang mga pagpapala ng pagiging miyembro ng Simbahan.
Ang mga tuntunin para sa muling pagtanggap pagkatapos ng pagbibitiw sa pagkamiyembro ay sinusundan ng:
-
Isang membership council ang idaraos kung mayroong pormal na mga restriksyon ang pagkamiyembro ng tao noong siya ay nagbitiw sa pagkamiyembro.
-
Isang membership council ang idaraos kung ang tao ay nakagawa ng mabigat na kasalanan, kabilang na ang apostasiya, bago ang pagbibitiw sa pagkamiyembro.
Sa iba pang mga sitwasyon, hindi nagdaraos ng isang membership council maliban kung nagpasiya ang bishop o stake president na kailangan ito.
Kapag kailangan ng isang membership council para sa isang taong nakatanggap na ng endowment sa templo, idaraos ito ng stake president. Kapag kailangan ng isang membership council para sa isang taong hindi pa nakakatanggap ng endowment, idaraos ito ng bishop matapos aprubahan ng stake president.
Kung ang tao ay nasangkot sa alinman sa mga gawaing binanggit sa 32.16.1, bilang 9, bago o pagkatapos magbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan, kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan para sa muling pagtanggap. Kung ang tao ay nasangkot sa anumang kilos sa 32.14.5, bilang 1, bago o pagkatapos magbitiw sa pagkamiyembro, lalagyan ng anotasyon ang membership record.
Ang taong humihiling ng muling pagtanggap ay kailangang matugunan ang kaparehong mga kwalipikasyon gaya ng iba na bibinyagan. Kapag ang bishop o stake president ay kumbinsido na ang tao ay karapat-dapat at taos-pusong nagnanais na muling tanggapin, maaari na itong binyagan at kumpirmahin. Hindi na lilikha ng Baptism and Confirmation Certificate [Sertipiko ng Binyag at Kumpirmasyon] (tingnan sa 32.14.4).
32.17
Pakikibahagi sa Simbahan, Ordinasyon, at Pagpapanumbalik ng mga Pagpapala Matapos ang Muling Pagtanggap
32.17.1
Pakikibahagi sa Simbahan at Ordinasyon
Nakasaad sa sumusunod na chart ang angkop na antas ng pakikibahagi sa Simbahan para sa isang taong muling tinanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon.
Hindi pa Nakatatanggap ng Endowment |
Nakatanggap na ng Endowment | |
---|---|---|
Mga Dating Mayhawak ng Priesthood | Hindi pa Nakatatanggap ng Endowment
| Nakatanggap na ng Endowment
|
Iba pang mga Miyembro | Hindi pa Nakatatanggap ng Endowment
| Nakatanggap na ng Endowment
|
32.17.2
Pagpapanumbalik ng mga Pagpapala
Ang mga taong dating nang nakatanggap ng endowment sa templo at muling tinanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon ay matatanggap lamang ang kanilang priesthood at mga pagpapala sa templo sa pamamagitan ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 109:21). Hindi sila ioorden sa mga katungkulan sa priesthood o muling bibigyan ng endowment. Ang mga pagpapalang ito ay ipinanunumbalik sa pamamagitan ng ordenansang iyon. Ang mga lalaki ay ibabalik sa kanilang dating katungkulan sa priesthood, maliban sa katungkulan ng Pitumpu, bishop, o patriarch.
Tanging ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng pag-apruba sa pagsasagawa ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala. Hindi isasaalang-alang ng Unang Panguluhan ang isang aplikasyon para sa pagpapanumbalik ng mga pagpapala kung wala pang isang taon mula nang muling tinanggap ang tao sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon.
Iniinterbyu ng bishop at stake president ang tao para malaman kung siya ay karapat-dapat at handa para dito. Kapag nadama ng stake president na handa na ang tao, hihiling siya ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala gamit ang LCR. Tingnan ang 6.2.3 para sa responsibilidad ng stake president kapag nagsusumite ng mga aplikasyon sa Unang Panguluhan.
Kung inaprubahan ng Unang Panguluhan ang pagpapanumbalik ng mga pagpapala, inaatasan nila ang isang General Authority o ang stake president na interbyuhin ang tao. Kung karapat-dapat ang taong iyon, isasagawa ng lider na ito ang ordenansa para ipanumbalik ang mga pagpapala ng tao.
Para sa impormasyon tungkol sa mga membership record at sa pagpapanumbalik ng mga pagpapala, tingnan ang 32.14.4.