Mga Hanbuk at Calling
34. Pananalapi at mga Audit


“34. Pananalapi at mga Audit,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“34. Pananalapi at mga Audit,” Pangkalahatang Hanbuk.

batang may hawak na sobre

34.

Pananalapi at mga Audit

34.0

Pambungad

Ang mga ikapu at mga handog ang tumutulong sa Simbahan na maisulong ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2). Ang mga pondong ito ay sagrado. Kinakatawan ng mga ito ang mga sakripisyo at pananampalataya ng mga miyembro ng Simbahan (tingnan sa Marcos 12:41–44).

Ang ilan sa mga paraan na ginagamit ang mga ikapu at mga handog para suportahan ang gawain ng Panginoon ay kinabibilangan ng:

  • Pagpapatayo at pagpapanatiling maayos ng mga templo, meetinghouse, at iba pang mga gusali ng Simbahan.

  • Pagsuporta sa mga aktibidad at operasyon ng Simbahan at mga lokal na kongregasyon nito.

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo sa buong mundo.

  • Pagsuporta sa mga programa ng Simbahan, tulad ng edukasyon at family history.

  • Pagbibigay ng pagkain, tirahan, at iba pang mga pangangailangan sa mga taong nangangailangan.

Ang mga stake president at bishop ay may sagradong obligasyon na pamahalaan ang mga pondo ng Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 72:9–10). Ang mga pondong ito ay dapat lamang gamitin ng mga awtorisadong miyembro para sa mga awtorisadong layunin ng Simbahan. Ang mga ito ay dapat maingat na bantayan at protektahan.

34.1

Pamunuan sa Stake Hinggil sa Pananalapi

34.1.1

Stake Presidency

Ang stake president ay may sumusunod na mga responsibilidad para sa pananalapi ng stake. Iniaatas niya ang ilan sa mga gawaing ito sa kanyang mga counselor at mga clerk.

Ang stake president ay:

  • Tinuturuan at hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng buong ikapu at maging bukas-palad sa pagbibigay ng mga handog (tingnan sa 34.3).

  • Tinitiyak na ang mga pondo ng stake ay nagagamit at nasusulit nang wasto (tingnan sa 34.5).

  • Nirerebyu ang mga financial statement bawat buwan at tinitiyak na ang anumang mga isyu ay kaagad na nalulutas.

  • Tinitiyak na natututuhan ng mga bishopric, mga lider ng mga organisasyon, at mga clerk ang kanilang responsibilidad para sa mga sagradong pondo ng Simbahan.

  • Inihahanda at pinamamahalaan ang taunang budget ng stake (tingnan sa 34.6).

  • Tinitiyak na nasusunod ang mga tuntunin sa budget allowance ng stake (tingnan sa 34.6.2).

  • Regular na kinakausap ang bawat bishop para talakayin ang pananalapi ng ward.

  • Tinitiyak na bawat taon ay natatanggap ng bawat ward ang mga tithing declaration ng mga miyembro.

  • Sinisiguro na ang mga password para ma-access ang mga financial system ng Simbahan ay hindi kailanman ibinabahagi sa ibang tao.

  • Tinitiyak na ang stake audit committee ay na-organisa at kumikilos nang tama (tingnan sa 34.7.1).

  • Naroroon kapag nagsasagawa ng audit sa mga talaan sa pananalapi ng stake upang sagutin ang mga tanong (tingnan sa 34.7).

  • Nirerebyu ang mga audit ng mga talaan sa pananalapi ng stake at ward at tinitiyak na nalulutas kaagad ang anumang mga isyu (tingnan sa 34.7).

  • Tinitiyak na sumusunod ang stake at mga ward sa lahat ng naaangkop na mga batas sa buwis (tingnan sa 34.8).

34.1.2

Mga Stake Clerk

Inaatasan ng stake president ang stake clerk o isang assistant stake clerk na tumulong sa pag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng stake. Maingat na sinusunod ng mga clerk ang kasalukuyang mga patakaran upang maingatan ang pondo ng Simbahan at matiyak na tama ang mga impormasyong nasa mga talaan ng Simbahan.

Ang clerk ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Itala at ideposito ang anumang pondong natanggap kasama ang isang miyembro ng stake presidency.

  • Rebyuhin ang financial statement bawat buwan at tiyakin na nalulutas kaagad ang anumang mga isyu.

  • Tulungan ang stake presidency na ihanda ang taunang budget ng stake (tingnan sa 34.6.1 at 34.6.2).

  • Tiyakin na naisumite ng bawat ward ang taunang tithing declaration report.

  • Makibahagi sa mga audit sa pananalapi na isinasagawa ng mga stake auditor at gumawa ng mga pagwawasto kung kinakailangan (tingnan sa 34.7).

  • Tulungan ang mga bishopric sa pagbibigay ng training sa mga ward clerk.

Ang mga clerk ay dapat may hawak ng Melchizedek Priesthood at mayroong current temple recommend. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtawag ng mga stake clerk, tingnan ang 33.3.2 at 33.3.3.

34.2

Pamunuan sa Ward Hinggil sa Pananalapi

34.2.1

Bishopric

Ang bishop ay may sumusunod na mga responsibilidad para sa pananalapi ng ward. Iniaatas niya ang ilan sa mga gawaing ito sa kanyang mga counselor at mga clerk.

Ang bishop ay:

  • Tinuturuan at hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng buong ikapu at maging bukas-palad sa pagbibigay ng mga handog (tingnan sa 34.3).

  • Tinitiyak na ang mga pondo ng ward ay nagagamit at nasusulit nang wasto (tingnan sa 34.5).

  • Nirerebyu ang mga financial statement bawat buwan at tinitiyak na ang anumang mga isyu ay kaagad na nalulutas.

  • Tinitiyak na natututuhan ng mga lider ng mga organisasyon at mga clerk ang kanilang responsibilidad para sa mga sagradong pondo ng Simbahan.

  • Inihahanda at pinamamahalaan ang taunang budget ng ward (tingnan sa 34.6).

  • Tinitiyak na nasusunod ang mga tuntunin sa budget allowance ng ward (tingnan sa 34.6.2).

  • Nakikipagpulong sa mga miyembro ng ward taun-taon para tanggapin ang kanilang tithing declaration.

  • Sinisiguro na ang mga password para ma-access ang mga financial system ng Simbahan ay hindi kailanman ibinabahagi sa ibang tao.

  • Naroroon kapag nagsasagawa ng audit sa mga talaan sa pananalapi ng ward upang sagutin ang mga tanong at tinitiyak na kaagad nalulutas ang anumang isyu (tingnan sa 34.7).

34.2.2

Mga Ward Clerk

Inaatasan ng bishop ang ward clerk o isang assistant ward clerk na tumulong sa pag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng ward. Maingat na sinusunod ng mga clerk ang kasalukuyang mga patakaran upang maingatan ang pondo ng Simbahan at matiyak na tama ang mga impormasyong nasa mga talaan ng Simbahan.

Ang clerk ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Itala at ideposito ang anumang pondong natanggap kasama ang isang miyembro ng bishopric.

  • Rebyuhin ang financial statement bawat buwan at tiyakin na nalulutas kaagad ang anumang mga isyu.

  • Tulungan ang bishopric na ihanda ang taunang budget ng ward (tingnan sa 34.6.1 at 34.6.2).

  • Tiyakin na ang mga miyembro ay may access sa kanilang mga statement of contributions at tumulong kung kailangan.

  • Tulungan ang bishop na ihanda at itala ang mga tithing declaration.

  • Makibahagi sa mga audit sa pananalapi na isinasagawa ng mga stake auditor at gumawa ng mga pagwawasto kung kinakailangan (tingnan sa 34.7).

Ang mga clerk ay dapat may hawak ng Melchizedek Priesthood at mayroong current temple recommend. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtawag ng mga ward clerk, tingnan ang 33.4.2 at 33.4.3.

34.3

Mga Kontribusyon

Itinuturo ng mga lider ng Simbahan sa mga miyembro ang mga alituntunin ng ikapu at iba pang mga handog at hinihikayat ang mga miyembro na ipamuhay ang mga alituntuning ito. Ang mga hindi miyembro ng Simbahan ay maaari ding magbigay ng mga kontribusyon. Gayunman, mga miyembro lamang ng Simbahan ang maaaring magbayad ng ikapu.

Hinihikayat ang mga miyembro na ibigay ang kanilang mga kontribusyon online hangga’t maaari (tingnan sa donations.ChurchofJesusChrist.org). Maaari ding ibigay ng mga miyembro ang kanilang mga kontribusyon at isang nakumpletong Tithing and Other Offerings form sa bishop o sa isa sa kanyang mga counselor (tingnan sa 34.5.2). Kung gumagamit ng tseke ang mga miyembro, dapat ito ay nakapangalan sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

34.3.1

Ikapu

Ang ikapu ay ang pagbibigay sa Simbahan ng Diyos ng ikasampung bahagi ng kita ng isang tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119:3–4; Ang kahulugan ng salitang tinubo ay kita). Lahat ng miyembrong kumikita ay dapat magbayad ng ikapu.

Ipinamumuhay ng mga pinagtipanang tao ng Panginoon ang batas ng ikapu mula pa noong unang panahon (tingnan sa Genesis 14:18–20; Levitico 27:30–32). Sinabi ng Panginoon, Ang “pagbibigay ng ikapu ng aking mga tao … ay mananatiling batas sa kanila magpakailaman” (Doktrina at mga Tipan 119:3–4).

Ang mga ikapu ay banal sa Panginoon, at ipinapakita ng mga miyembro ang kanilang mataas na pagrespeto sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabayad ng ikapu. Ito ay pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang mga pangako. Ang mga nagbabayad ng ikapu ay tinatanggap ang pangakong ito mula sa Panginoon: “Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo’y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan.” (Malakias 3:10).

34.3.1.1

Paggamit sa mga Pondo ng Ikapu

Ang mga donasyon na ikapu ay palaging ginagamit para sa mga layunin ng Panginoon, ayon sa tagubilin ng Council on the Disposition of the Tithes (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 120). Ang ilan sa mga layuning ito ay nakasaad sa 34.0.

34.3.1.2

Tithing Declaration

Sa mga huling ilang buwan ng bawat taon, ang bishop ay nakikipagpulong sa bawat miyembro para tanggapin ang kanilang tithing declaration. Sa pambihirang mga pagkakataon na wala ang bishop, maaaring i-awtorisa ng stake president ang isa sa mga counselor ng bishop na gampanan ang responsibilidad na ito.

Lahat ng miyembro ay inaanyayaang makipagkita sa bishop upang:

  • Ipahayag sa bishop ang kanilang status bilang mga nagbabayad ng ikapu.

  • Siguraduhing tumpak ang mga talaan ng kanilang mga kontribusyon.

Kung maaari, dapat magkakasamang dumalo sa tithing declaration ang lahat ng miyembro ng pamilya, pati na ang mga bata.

Sa tithing declaration, pinasasalamatan ng bishop ang mga miyembro para sa kanilang katapatan. Itinuturo din niya ang alituntunin ng ikapu, hinihikayat ang mga miyembro na maging bukas-palad sa pagbibigay ng handog-ayuno, at tinatalakay ang iba pang kaugnay na mga bagay.

Ang mga tagubilin hinggil sa tithing declaration ay ibinibigay ng headquarters ng Simbahan o ng nakatalagang area office.

mga missionary na kausap ang isang lalaki

34.3.2

Mga Handog-Ayuno

Hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na ipamuhay ang batas ng ayuno. Kabilang dito ang pagbibigay ng bukas-palad na handog-ayuno (tingnan sa 22.2.2).

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Sa ilang ward, maaaring bigyan ng bishop ng awtorisasyon ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na kolektahin ang mga handog-ayuno. Sa pagpapasiya kung gagawin ito o hindi, isinasaalang-alang ng bishop ang bilang ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na may kakayahang gawin ito, ang kanilang kaligtasan, at ang mga pagpapala sa mga miyembro na hindi magbibigay ng handog-ayuno kung hindi dahil sa gawaing ito.

Ang mga mayhawak ng priesthood ay dapat umalis nang dala-dalawa kapag naglilikom ng mga handog-ayuno. Kaagad nilang ibinibigay ang mga handog-ayuno sa isang miyembro ng bishopric.

Ang mga miyembro ay hindi dapat magbigay ng iba pang mga kontribusyon, tulad ng ikapu o iba pang mga handog, sa mga naglilikom ng mga handog-ayuno.

Ang mga tuntunin para sa paggamit ng mga pondo ng handog-ayuno ay ibinigay sa 22.5.2.

34.3.3

Mga Missionary Fund

Ang mga kontribusyon sa ward missionary fund ay pangunahing ginagamit para matugunan ang mga contribution commitment ng mga full-time missionary mula sa ward. Ang sobrang pondo sa isang ward ay maaaring gamitin upang tugunan ang mga commitment ng iba pang mga missionary sa stake. Ang labis na pondo sa stake ay maaaring gamitin para sa iba pang mga stake sa coordinating council ayon sa tagubilin ng Area Seventy na namumuno sa council.

Ang ward missionary fund ay hindi dapat direktang ipadala sa bawat missionary. Ang mga pondong ito ay hindi dapat gamitin para sa anumang aktibidad ng missionary sa ward o stake.

Ang mga kontribusyon sa General Missionary Fund ay ginagamit ng Simbahan sa pangkalahatang gawaing misyonero nito.

Ang missionary fund na higit sa pangangailangan ng stake at ward ay ipinadadala ng mga stake president at bishop sa General Missionary Fund sa headquarters ng Simbahan o sa area office.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga missionary fund at pagtustos sa mga missionary, tingnan ang 24.3.4.

34.3.4

Mga Karagdagang Kontribusyon

Ang mga miyembro ay maaaring mag-ambag ng pera sa karagdagang mga inaprubahang kategorya. Kung ang mga donor ay gumagamit ng Tithing and Other Offerings form, isinusulat nila ang pangalan ng kategorya sa bahaging “Iba Pa (Other)” ng form.

Ang mga stake at ward ay hindi dapat magtakda ng mga kategorya sa bahaging “Iba Pa (Other)” para humiling, magkolekta, o gumamit ng pondo para sa mga proyektong hindi inaprubahan ng Area Presidency. Para sa listahan ng mga inaprubahang kategorya, dapat kontakin ng mga miyembro ang ward clerk.

34.3.5

Philanthropies

Ang Philanthropies of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints ay isang departamento ng Office of the Presiding Bishopric. Ang departamentong ito ang nangangasiwa at nagpoproseso ng mga boluntaryong philanthropic na kontribusyon sa Simbahan at sa mga kaugnay nitong mga charity at aktibidad, maliban sa ikapu at iba pang mga handog. Maaaring humingi ng tulong hinggil sa kung paano magbibigay ng kontribusyon sa pamamagitan ng pagkontak sa Philanthropies office:

Philanthropies

1450 North University Avenue

Provo, UT 84604-6080

Telepono: 1-801-356-5300 o 1-800-525-8074

Email: philanthropies@ChurchofJesusChrist.org

34.3.6

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Donasyon na Hindi Salapi, Kabilang ang Ikapu

Karaniwang hindi hinihikayat ng Simbahan ang pagbibigay ng mga kontribusyon na hindi pera bilang ikapu at iba pang mga handog. Mas maganda kung ipagbibili ng mga miyembro mismo ang kanilang mga ari-arian at pagkatapos ay bayaran ng pera ang ikapu at iba pang donasyon. Gayunman, maaaring tanggapin sa ilang pagkakataon ang mga donasyon na hindi pera. Ang gayong mga donasyon ay maaaring karaniwan nang ginagawa sa ilang lugar sa mundo.

Tinatanggap ng Simbahan ang (1) stocks, bonds, o iba pang securities na kaagad maibebenta at (2) mga real estate na maipagbibili. Ang mga miyembro ay dapat mag-email sa DonationsInKind@ChurchofJesusChrist.org para sa mga tagubilin kung paano pasimulan ang mga donasyong ito na hindi salapi. Kung nais ng mga miyembro na mag-ambag ng iba pang bagay, kokontakin ng stake president ang headquarters ng Simbahan o ang area office para sa pag-apruba bago bigyan ng awtorisasyon ang bishop na tanggapin ang mga ito.

Ang mga resibo para sa mga miyembrong nagbigay ng mga donasyong hindi pera ay ibinibigay lamang ng headquarters ng Simbahan o ng area office.

34.3.7

Ang mga Kontribusyon ay Hindi Maaaring Isauli

Kapag ang mga ikapu at iba pang handog ay ibinigay sa Simbahan, pagmamay-ari na ang mga ito ng Panginoon. Ang mga ito ay inilalaan sa Kanya. Ang lahat ng gayong kontribusyon ay mga handog na kusang-loob na ibinibigay. Ang mga ito ay ibinibigay nang walang ipinapataw na limitasyon sa paggamit, pagpapanatili ng kontrol, pagmamay-ari sa anumang anyo, o pag-asa sa anumang pakinabang ng nagbigay maliban sa mga pagpapala ng Panginoon.

Ipinaaalam ng mga stake president at bishop sa mga nagbibigay ng mga ikapu at iba pang handog na ang mga kontribusyong ito ay hindi maaaring i-refund o isauli. Hindi rin maaaring isauli ang missionary fund na naibigay na.

34.4

Pagiging Kumpidensyal ng Ikapu at ng Iba Pang mga Handog

Ang halaga ng ikapu at iba pang mga handog na ibinibigay ng isang donor ay kumpidensyal. Tanging ang bishop at yaong mga awtorisadong hawakan o makita ang mga kontribusyong ito ang dapat magkaroon ng access sa impormasyong ito. Hindi dapat talakayin ng mga stake presidency, bishopric, at clerk sa hindi angkop na paraan ang tithing status ng isang miyembro. Hindi rin nila dapat talakayin ang kabuuang halaga ng ikapu o iba pang mga handog na natanggap.

34.5

Pangangasiwa sa mga Pondo ng Simbahan

Tinitiyak ng stake president at bishop na ang lahat ng pondo ng Simbahan ay napangangasiwaan nang wasto. Ito ay isang sagradong responsibilidad ng kanilang mga calling. Ang mga pangkalahatang alituntunin ay nakasaad sa mga sumusunod na bahagi. Nirerebyu ng mga bishopric at clerk ang video na “Mga Sagradong Pondo, Mga Sagradong Responsibilidad” kahit isang beses sa isang taon.

22:59

34.5.1

Companionship Principle

Ang companionship principle o ang alituntunin ng pagkakaroon ng kasama ay nangangailangan na mayroong dalawang tao—isang miyembro ng bishopric at isang clerk, o dalawang miyembro ng bishopric—na aktibong makikibahagi kapag nagtatala o naglalabas ng pondo ng Simbahan. Ang alituntuning ito ay mahalaga upang mapangalagaan ang mga sagradong pondo at maprotektahan ang mga lider ng Simbahan.

Dapat ingatan ng mga lider ang kanilang mga password at huwag itong ibahagi sa iba (tingnan sa 33.9.1.1).

34.5.2

Pagtanggap sa Ikapu at Iba Pang mga Handog

Binigyan ng Panginoon ang mga bishop ng sagradong pagtitiwalang tanggapin at bilangin ang mga ikapu at iba pang mga handog ng mga Banal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:30–33; 119). Ang bishop at kanyang mga counselor lamang ang maaaring tumanggap ng mga ikapu at iba pang mga handog. Sa kahit anong sitwasyon, ang kanilang mga asawa, iba pang mga miyembro ng kanilang mga pamilya, clerk, o iba pang mga miyembro ng ward ay hindi dapat tumanggap ng mga kontribusyong ito. Ang tanging eksepsyon ay kapag inatasan ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na mangolekta ng mga handog-ayuno (tingnan sa 34.3.2).

Hindi dapat iwanan ng mga lider at miyembro ng Simbahan ang mga donasyon nang walang nagbabantay.

34.5.3

Pagsiyasat at Pagtatala sa Ikapu at sa Iba Pang mga Handog

Ang mga kontribusyon ay dapat siyasatin at itala sa araw ng Linggo na natanggap ang mga ito. Isang miyembro ng bishopric at isang clerk, o dalawang miyembro ng bishopric ang magkasamang nagbubukas ng bawat sobre. Tinitiyak nila na ang pondong nasa loob ng sobre ay kapareho ng halagang nakasulat sa Tithing and Other Offerings form. Itinatala nila nang wasto ang bawat donasyon. Kung magkaiba ang pondo at ang halagang nakasulat, kokontakin nila ang donor sa lalong madaling panahon para malutas ang pagkakaiba.

34.5.4

Pagdeposito sa Ikapu at sa Iba Pang mga Handog

Dapat ihanda ang deposito matapos matiyak na ang halagang nakatala ay tugma sa mga pondong natanggap.

Kapag mayroong 24-hour bank depository, ang isang miyembro ng bishopric kasama ang isa pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang magdedeposito ng pondo sa bangko sa mismong araw na binuksan at siniyasat ang mga pondo.

Kung walang 24-hour bank depository at sarado ang bangko sa araw ng Linggo, inaatasan ng bishop ang isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na ideposito ang pondo sa bangko sa susunod na araw na bukas ito. Ang taong ito ay karaniwang isang miyembro ng bishopric. Siya ang mananagot para sa mga pondong ito. Dapat niyang:

  • Tiyakin na ang mga pondo ay mananatiling ligtas hanggang sa maideposito ang mga ito.

  • Kunin ang isang deposit receipt na nagpapakita sa petsa at sa halaga ng idineposito.

Dagdag pa rito, dapat kumpletuhin ng isang miyembro ng bishopric at clerk, o dalawang miyembro ng bishopric, ang sumusunod na proseso sa susunod na Linggo bago magproseso ng anumang donasyon sa araw na iyon:

  • Ihambing ang deposit receipt sa mga deposit record noong nakaraang linggo upang tiyaking wastong halaga ang naideposito.

  • Pirmahan ang deposit receipt at itabi ito kasama ang donation information noong nakaraang linggo.

34.5.5

Pangangalaga sa mga Pondo ng Simbahan

Ang mga miyembro na responsable sa mga pondo ng Simbahan ay hindi dapat iwan ang mga ito sa meetinghouse nang magdamag o pabayaan ang mga ito nang kahit gaano man katagal, tulad ng kapag may mga miting at aktibidad.

34.5.6

Mga Donation Statement

Ang mga Donor Statement of Contributions ay makukuha ng lahat ng miyembro sa donations.ChurchofJesusChrist.org. Dapat hikayatin ng mga lider ang mga miyembro na regular na rebyuhin ang kanilang mga donor statement. Kung saan naaangkop, ang mga opisyal na tax statement ay makukuha rin sa donations.ChurchofJesusChrist.org, mula sa lokal na unit, o mula sa area office.

babaeng nagsusulat

34.5.7

Pamamahala sa mga Pagbabayad sa Stake at Ward

Ang lahat ng pondo ng stake ay pinamamahalaan sa mga financial system ng Simbahan. Ang stake president ang namamahala sa pananalapi ng stake. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at mga clerk. Ang counselor na nagsisilbing chairman ng stake audit committee ay karaniwang hindi nakikibahagi sa pag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng stake.

Ang lahat ng pondo ng ward ay pinamamahalaan sa mga financial system ng Simbahan. Ang bishop ang namamahala sa pananalapi ng ward. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at mga clerk.

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Ang mga pagbabayad ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng electronic funds transfer o tseke. Sa ilang lugar, maaaring aprubahan ang mga unit na gumamit ng mga bank card.

Hindi maaaring magkaroon ng gastusin o bayarin ang stake o ward nang walang awtorisasyon ng namumunong opisyal.

Dapat aprubahan ng dalawang awtorisadong lider ang bawat pagbabayad. Ang isa sa kanila ay dapat miyembro ng stake presidency o bishopric. Bagama’t ang mga counselor ay maaaring bigyan ng awtorisasyon na aprubahan ang mga pagbabayad, dapat rebyuhin ng stake president o bishop ang bawat pagbabayad. Hindi dapat aprubahan ng mga lider ang pagbabayad na para sa kanilang sarili.

Kailangan ang nakasulat na pag-apruba ng stake president bago maaaring gamitin ng bishop ang mga handog-ayuno o aprubahan ang bishop’s order para sa kanyang sarili o kanyang pamilya. Kailangan ang nakasulat na pag-apruba ng isang miyembro ng Area Presidency bago maaaring gamitin ng bishop ang mga handog-ayuno o aprubahan ang bishops’ order para sa stake president o para sa pamilya nito. Tingnan ang 22.5.1.2 para sa mga tuntunin.

Ang isang miyembrong humihiling ng reimbursement ay nagbibigay ng pisikal o electronic na kopya ng anumang resibo o invoice. Dapat ibigay din niya ang layunin, halaga, at petsa ng gastusin.

Kung ang pondo ay in-advance (paunang ibinigay), ang miyembro ay nagsusumite ng isang payment request form, kung saan itatala ang layunin, halaga, at petsa. Pagkatapos mabayaran ang gastusin, ang miyembro ay (1) magbibigay ng mga resibo o invoice para sa nagastos na pondo at (2) ibinabalik ang anumang hindi nagamit na pondo. Ang ibinalik na pondo ay dapat muling ideposito.

Hindi dapat aprubahan ng mga awtorisadong lider at clerk ang mga pagbabayad nang hindi maingat na nirerebyu ang mga gastusin at mga resibo o invoice.

Ang mga stake at ward ay hindi maaaring magbukas ng sarili nilang bank account o magkaroon ng isang petty cash fund.

34.5.7.1

icon, opsiyonal na resources
Mga Electronic Payment

Kung ang stake o ward ay gumagamit ng mga electronic payment, hinihikayat ang mga miyembro na ipasok ang kanilang personal bank account details sa bahaging Expense Reimbursement Account sa ilalim ng Settings sa Online Donations sa donations.ChurchofJesusChrist.org. Ang mga ward o stake ay hindi dapat mag-ingat ng pisikal o electronic na kopya ng bank account information details ng mga miyembro.

34.5.7.2

icon, opsiyonal na resources
Mga Tseke

Kung ang stake o ward ay gumagamit ng mga tseke, ang isang tseke ay hindi dapat lagdaan hangga’t hindi ito kumpletong napupunan. Ang mga checkbook at blangkong tseke ay dapat nakatago sa isang nakakandadong file o cabinet. Ang mga ito ay hindi dapat pabayaan kapag hindi nakakandado nang maayos ang pinaglagyan sa mga ito. Kapag may nawalang blangkong tseke, kaagad na inire-report ng stake president o ng bishop ang numero ng tsekeng ito sa headquarters ng Simbahan o sa area office.

34.5.7.3

icon, opsiyonal na resources
Mga Payment Card

Kung ang stake o ward ay gumagamit ng mga payment card para sa mga gastusin ng lokal na unit, maaari itong gamiting pambayad para sa mga point-of-sale transaction o para mag-withdraw ng pera. Ang mga card transaction at cash withdrawal ay awtomatikong naa-upload sa mga financial system ng Simbahan. Dapat kaagad na itala ang lahat ng paggamit sa card. Kung hindi naitala ang mga paggamit na ito, maaaring ma-disable ang card.

Ang balanse ng lahat ng payment card ay dapat gawing zero kahit minsan sa isang taon.

34.5.8

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Cash Box

Ang area office ay nagbibigay ng partikular na mga tuntunin para sa mga unit na walang access sa isang bank account na ibinigay ng Simbahan.

34.5.9

Pag-iingat ng mga Talaan sa Pananalapi

Bawat stake at ward ay dapat mag-ingat ng updated at tumpak na mga talaan sa pananalapi. Tinutulungan ng mga talaan na ito ang mga stake president at bishop na maitala at maprotektahan ang sagradong pondo ng Simbahan. Kailangan din ang tumpak na mga talaan para sa:

  • Paghahanda ng mga budget.

  • Pamamahala sa budget allowance.

  • Pagbibigay ng impormasyon sa mga miyembro tungkol sa kanilang mga kontribusyong pera.

  • Pagtugon sa mga audit.

Para sa impormasyon tungkol sa paggamit at pagtatago ng mga talaan at mga report, dapat sumangguni ang mga clerk sa mga tagubilin mula sa headquarters ng Simbahan o sa area office. Ang mga talaan sa pananalapi ay dapat ingatan sa loob ng hindi kukulangin sa tatlong taon nang hindi kabilang ang kasalukuyang taon. Maaaring mas mahabang panahon ang hingin ng mga lokal na batas.

34.6

Budget at mga Gastusin

Ang budget allowance program ay naglalaan ng pangkalahatang pondo ng Simbahan para pambayad sa mga gastusin sa mga aktibidad at programa ng mga stake at ward. Inaalis ng programang ito ang pangangailangan na tumanggap ng kontribusyon mula sa mga miyembro. Nagkaroon ng budget allowance dahil sa matapat na pagbabayad ng mga ikapu.

Kung kailangan, dapat bawasan at gawing simple ng mga lider ang mga aktibidad para hindi sila lumampas sa allowance. Karamihan sa mga aktibidad ay dapat simple at maliit lang ang gastos o walang gastos.

34.6.1

Mga Budget ng Stake at Ward

Ang bawat stake at ward ay naghahanda at gumagamit ng taunang budget. Ang stake president ang namamahala sa budget ng stake, at ang bishop ang namamahala sa budget ng ward. Maaari nilang atasan ang isang counselor na pangasiwaan ang budget sa ilalim ng kanilang pamamahala. Maaari din nilang atasan ang isang clerk na tumulong sa paghahanda at pagsubaybay sa budget.

Ang mga stake presidency at bishopric ay nagsisimulang maghanda ng budget bago pa man magsimula ang bawat taon. Ang mga tuntunin ay nakalista sa ibaba:

  • Rebyuhin ang mga halagang ginastos sa nakaraang taon para matiyak na naisasaalang-alang ang paulit-ulit na mga gastusin.

  • Hilingin sa mga organisasyon na tantiyahin ang kailangan nilang budget nang detalyado.

  • Gumawa ng budget gamit ang inaprubahang mga pamamaraan. Dapat tiyakin ng mga budget na ang inaasahang gastusin ay hindi lalampas sa inaasahang pondo ng budget allowance.

Ang mga budget tool na nasa mga financial system ng Simbahan ay dapat gamitin kung saan mayroon nito.

34.6.2

Budget Allowance

34.6.2.1

Pagbibigay ng Budget

Ang pondo ng budget ay ibinibigay bawat quarter batay sa attendance sa sumusunod na mga kategorya:

  • Sacrament meeting

  • Young men

  • Young women

  • Mga bata sa Primary edad 7–10

  • Mga young single adult

Mahalaga na ang attendance ay nairereport nang tumpak at sa tamang oras (tingnan sa 33.5.1.1).

Bago ibigay ang pondo ng budget bawat quarter, ang stake president ay tumatanggap ng impormasyon tungkol sa halagang ipamamahagi. Pagkatapos ay nagpapasiya siya kung magkano ang pondo na ibibigay sa mga ward. Nakikipagtulungan siya sa mga bishop sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan upang matiyak na ang halaga ng pondong matatangap ng stake at mga ward ay sapat at makatarungan. Kung may nangyaring hindi inaasahang pagbabago na maaaring magbigay-katwiran sa pagbabago sa mga alokasyon ng budget, tinitiyak ng stake president na makatuwiran ang gagawing pagbabago.

Pinangangasiwaan ng bishop ang alokasyon ng budget allowance funds sa ward. Tinitiyak niya na ang mga organisasyon sa ward ay makatuwiran at wastong napopondohan.

Tinitiyak ng mga priesthood leader na ang mga alokasyon ng budget at mga aktibidad para sa mga kabataang lalaki at kabataang babae ay makatwiran at mayroong sapat na alokasyon para sa mga bata sa Primary.

34.6.2.2

Tamang Paggamit ng Budget

Tinitiyak ng mga stake president at bishop na ang budget allowance fund ay ginagamit sa matalinong paraan. Ang pondo ay dapat gamitin para pagpalain ang mga tao at itaguyod ang mga layunin ng ebanghelyo. Tinitiyak din ng mga lider na lahat ng gastusin ay hindi lalampas sa allowance.

Ang mga budget fund ng stake at ward ay dapat gamitin sa pagbayad para sa lahat ng aktibidad, programa, manwal, at kagamitan. Ang mga miyembro ay karaniwang hindi dapat magbayad para makalahok sa mga aktibidad. Hindi rin sila dapat magbigay ng mga materyal, kagamitan, bayad sa upa o pagpasok, o bumiyahe nang malayo sa sariling gastos nila. Ang mga miyembro ay maaaring magbigay ng pagkain kung hindi ito magiging pabigat sa kanila (tingnan sa 20.6.1).

Ang mga miyembrong nais magbigay ng karagdagang pondo sa Simbahan ay hindi maaaring piliin na ilagay ito sa budget ng stake o ward. Sa halip, hinihikayat sila ng mga lider na ibigay ang pondo sa mga handog-ayuno, missionary fund, humanitarian aid, o iba pang awtorisadong kategorya ng donasyon.

Ang mga gastusin sa pagpapatayo ng gusali, pagpapanatiling maayos nito, telepono, tubig at kuryente, computer, at paglalakbay ng mga priesthood leader ay binabayaran mula sa pangkalahatang pondo ng Simbahan ayon sa umiiral na mga tuntunin.

34.6.2.3

Sobrang Budget

Ang hindi kailangang budget allowance funds ay hindi dapat gastusin. Ang sobrang pondo ng ward ay dapat ibalik sa stake. Ang sobrang pondo ng stake ay dapat ibalik sa Simbahan.

Bilang eksepsyon, maaaring maiwan sa mga stake at ward ang ilang bahagi ng hindi nagastos na pondo kung kailangan ito para sa partikular na mga aktibidad na nakaplano para sa susunod na taon, tulad ng youth conference. Gayunman, ang malaking bahagi ng stake o ward budget allowance ay hindi dapat itabi para sa susunod na taon.

34.6.3

Pagpopondo sa mga Espesyal na Aktibidad at Kagamitan

34.6.3.1

Mga Aktibidad sa Stake at Multistake

Hinihikayat ang mga lokal na lider na magdaos ng mga aktibidad sa stake at multistake na nagbibigay ng mga oportunidad na bumuo ng pagkakaisa at pagkakaibigan, lalo na sa mga kabataan at mga young single adult. Tinitiyak ng mga lider na naglalaan sila ng sapat na pondo ng budget upang suportahan ang angkop na bilang ng mga aktibidad sa stake at multistake.

Ang pagpopondo sa karamihan sa mga multistake na aktibidad ay mula sa mga pondo ng budget ng mga makikibahaging stake. Ang pagpopondo para sa mga aktibidad sa area ay maaaring manggaling sa budget ng area o budget ng headquarters ng Simbahan kapag inaprubahan.

34.6.3.2

Mga Espesyal na Aktibidad at Kagamitan

Para sa impormasyon tungkol sa mga espesyal na aktibidad at kagamitan, tingnan ang kabanata 20.

34.7

Mga Audit

34.7.1

Stake Audit Committee

Ang stake president ay nagtatalaga ng isang stake audit committee. Tinitiyak ng komiteng ito na ang pananalapi ng stake at ward ay napangangasiwaan ayon sa patakaran ng Simbahan. Ang komiteng ito ay binubuo ng isa sa mga counselor ng stake president bilang chairman at dalawang iba pang miyembro ng stake na may kaalaman o maaaring maturuan tungkol sa pananalapi. Ang mga lalaki o babaeng ito ay dapat mayroong current temple recommend.

Ang counselor na nagsisilbing chairman ay karaniwang hindi nag-aapruba ng mga pagbabayad o nakikibahagi sa pag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng stake.

Ang mga miyembro ng komite ay hindi dapat mga stake auditor. Hindi rin sila dapat nag-iingat ng mga talaan sa pananalapi ng stake o ward.

34.7.2

Mga Stake Auditor

Ang stake president o kanyang counselor na chairman ng stake audit committee ay tumatawag ng hindi kukulangin sa dalawang stake auditor. Ang mga lalaki at babaeng ito ay dapat mayroong current temple recommend. Kung maaari, dapat ay may karanasan sila sa accounting o auditing. Dapat aprubahan sila ng stake presidency at high council. Gayunman, hindi sila sinasang-ayunan. Ang stake president ang nagpapasiya kung sila ay ise-set apart o hindi.

Ang mga high councilor ay maaari ding maglingkod bilang mga stake auditor. Gayunpaman, ang stake clerk at mga assistant stake clerk ay hindi maaaring tawagin bilang mga auditor. Ang naglilingkod bilang mga auditor ay maaaring humawak ng iba pang calling.

34.7.3

Ang Financial Audit

Ginagawan ng audit ng mga stake auditor ang mga talaan sa pananalapi ng mga stake, ward, at FamilySearch center nang dalawang beses kada taon. Ginagawan din nila ng audit ang mga talaan sa pananalapi ng mga recreational property isang beses kada taon. Ang mga ito ay mga pagkakataong hikayatin, suportahan, at magiliw na sanayin ang mga tinawag na mangasiwa sa mga pondo ng Simbahan ng Panginoon.

Tinitiyak ng mga auditor na:

  • Ang ikapu at iba pang mga kontribusyon ay naitatala nang wasto.

  • Ang mga pondo ng Simbahan ay ginagamit, sinusulit, at pinoprotektahan sa tamang paraan.

  • Kumpleto at tumpak ang mga talaan sa pananalapi.

Ang namumunong opisyal ng unit at ang clerk na nakatalaga sa pananalapi ay dapat naroon upang sagutin ang mga tanong sa audit.

Nirerebyu ng stake president at stake audit committee ang lahat ng audit. Pagkatapos nila itong rebyuhin, lalagdaan ng stake audit committee chairman at stake president ang audit. Ang mga audit ay maaaring lagdaan at isumite bago maitama ang lahat ng audit exception. Tinitiyak ng stake president at stake audit committee na ang anumang audit exception ay kaagad na maitatama.

34.7.4

Mga Area Auditor at mga Assistant Area Auditor

Sinusunod ng Area Presidency ang mga tuntunin sa Guide to the Area Audit Program kapag tumatawag ng area auditor o assistant area auditor.

34.7.5

Pagkawala, Pagnakaw, Paglustay, o Maling Paggamit sa mga Pondo ng Simbahan

Ang stake president o ang chairman ng stake audit committee ay dapat kaagad na abisuhan kapag:

  • May nawala o ninakaw na pondo ng Simbahan.

  • Dinispalko o nilustay ng isang lider ang mga pondo ng Simbahan.

Inaabisuhan ng stake president o ng chairman ng audit committee ang Church Auditing Department. Inaabisuhan niya ang area controller kapag ang unit ay nasa labas ng Estados Unidos at Canada.

Ang Church Auditing Department (o area controller) ay nagpapadala ng loss report form sa stake president o sa chairman ng audit committee. Sa ilalim ng pamamahala ng Church Auditing Department (o ng area controller), tinitiyak ng stake president o ng chairman ng audit commitee na ang pangyayari ay masisiyasat nang mabuti. Tinitiyak din niya na ang loss form ay nakumpleto at naisumite nang wasto.

Matapos makumpleto ang pagsisiyasat, kung natukoy ng Church Auditing Department na ang isang lider o empleyado ng Simbahan ay nagdispalko ng pondo o ari-arian ng Simbahan, dapat isaalang-alang ang pagsasagawa ng aksyon hinggil sa kanyang pagkamiyembro. Ang mga tuntunin ay nasa 32.6.3.3.

Kung may matutuklasang malaking maling paggamit ng pondo, aabisuhan din ng stake president o ng chairman ng audit committee ang Area Presidency.

34.7.6

Stake Clerk o Assistant Stake Clerk na Nakatalaga sa Pananalapi

Maaaring atasan ng stake audit committee ang stake clerk o ang assistant stake clerk na nakatalaga sa pananalapi na turuan ang mga lider ng ward hinggil sa tamang patakaran sa pananalapi. Tinuturuan din niya sila tungkol sa mga pamamaraang nauugnay sa mga eksepsyon na natagpuan sa mga audit.

34.7.7

Para sa Karagdagang Impormasyon

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga audit committee, mga auditor, at mga pamamaraan ng audit, tingnan ang Help Center sa ChurchofJesusChrist.org. Maaaring iparating ng mga stake audit committee ang mga tanong sa assistant area auditor.

34.8

Mga Buwis

Ang impormasyon tungkol sa buwis sa bahaging ito ay naaangkop lamang sa Estados Unidos at Canada. Kapag ang mga priesthood leader sa Estados Unidos at Canada ay nangailangan ng karagdagang impormasyon, dapat nilang kontakin ang Tax Administration Division:

Tax Administration

50 East North Temple Street, Room 2276

Salt Lake City, UT 84150-0022

Telepono: 1-801-240-4405 or 1-800-453-3860, extension 2-4405

Kinokontak ng mga priesthood leader sa labas ng Estados Unidos at Canada ang area office upang masagot ang mga tanong tungkol sa buwis.

34.8.1

Tax-Exempt Status

Ang Simbahan ay karaniwang exempt sa pagbabayad ng mga sales, property, income, at iba pang tax o buwis dahil isa itong organisasyong panrelihiyon. Ang mga gusali at iba pang mga ari-arian ng Simbahan ay dapat gamitin para sa mga layunin ng pagsamba, pagtuturo hinggil sa relihiyon, at iba pang aktibidad na nauugnay sa Simbahan. Tinitiyak ng mga lider ng stake at ward na ang mga pasilidad ng Simbahan ay hindi ginagamit para sa mga layuning pampulitika, pangnegosyo, o pagkalap ng puhunan o investment tulad ng nakasaad sa mga halimbawa sa 35.5.6.1 at 35.5.6.3. Ang paggawa ng mga iyon ay paglabag sa mga batas na nagbibigay ng tax exemption para sa mga ari-arian ng Simbahan.

Mahalagang sundin ng mga lider ng stake at ward ang mga tuntunin na ito upang mapanatili ang tax-exempt status ng Simbahan. Kapag mali ang paggamit ng isang stake o ward sa tax-exempt status ng Simbahan, maaaring maapektuhan ang iba pang mga unit ng Simbahan.

34.8.2

Sales at Use Tax

Ang mga batas tungkol sa sales at use tax at kung paano ito naaangkop sa Simbahan ay magkakaiba sa bawat bansa at bawat estado. Kinokontak ng mga lider ang Tax Administration Division ng Simbahan o ang nakatalagang area office upang malaman kung ang Simbahan ay exempt o kailangang magbayad ng ganitong mga buwis.

34.8.3

Property Tax

Ang Tax Administration Division ng Simbahan ang nag-aasikaso sa lahat ng property tax exemption at nagbabayad sa lahat ng hinihinging property tax. Hindi kinakailangan ang pagkilos ng mga lokal na lider.