“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Pangkalahatang Hanbuk.
36.
Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit
36.0
Pambungad
Ang mga miyembro ng Simbahan ay kabilang sa mga kongregasyon batay sa lugar kung saan sila nakatira (tingnan sa Mosias 25:17–24). Ang mga kongregasyong ito ay mahalaga sa pag-oorganisa at pagsasagawa ng gawain ng Simbahan sa ilalim ng wastong awtoridad ng priesthood. Ang mga lider ng mga kongregasyon ay binibigyan ng mga susi ng priesthood upang bigyang-pahintulot ang pagsasagawa ng mga ordenansa ng priesthood. Ang mga kongregasyon ay tumutulong din sa mga miyembro na palakasin ang pananampalataya ng isa’t isa sa pamamagitan ng pagsamba nila sa Diyos, pag-aaral ng mga turo ni Jesucristo, at paglilingkod.
Kabilang sa mga kongregasyon (tinatawag ding mga unit) ng Simbahan ang mga stake, district, ward, at branch. Ang mga ito ay nililikha, binabago, o hindi ipinagpapatuloy ayon lamang sa pangangailangan.
Ang mga lider ay nagsisikap na palakasin sa espirituwal ang mga miyembro bago magmungkahi na lumikha ng bagong unit o baguhin ang hangganan ng isang unit. Dapat lamang lumikha ng mga bagong unit kapag ang mga kasalukuyang unit ay may sapat nang lakas.
Para sa suporta sa Estados Unidos at Canada, tumawag sa 1-801-240-1007. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, tumawag sa area office.
36.1
Paglikha o Pagbago ng mga Stake at District
Ang mga stake ay nililikha mula sa mga district o sa pamamagitan ng paghahati sa umiiral na mga stake. Ang isang stake o mission president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang bagong stake. Kailangan niya munang matiyak na matutugunan nito ang mga minimum na kinakailangan na makikita sa sumusunod na table.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Stake
Ang mga district ay nililikha mula sa mga branch sa isang mission o sa isang umiiral na stake. Walang kinakailangang minimum na bilang ng mga miyembro o mga branch para lumikha ng isang district.
Dapat mapanatili ng isang district sa loob ng anim na buwan ang lakas na tulad ng sa isang stake bago maaaring imungkahi ng mission president na gawin itong stake.
Ang hangganan ng isang stake o district ay nakaayon sa mga hangganan ng mga unit na napapaloob dito. Upang makapagmungkahi na baguhin ang mga hangganan ng isang stake o district o ilipat ang isang unit sa katabing stake o district, ang mga stake o mission president na may kinalaman dito ay magpaplano at magsasanggunian para sa rekomendasyon.
Isang stake o mission president ang nagpapasimula ng isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.
Ang pag-apruba sa mga iminungkahing pagbabago sa stake ay manggagaling sa Unang Panguluhan at sa Korum ng Labindalawa. Karaniwang nakakagawa ng desisyon mga walong linggo pagkatapos matanggap ang nakumpletong proposal.
36.2
Paglikha o Pagbago ng mga Ward at Branch sa mga Stake
Ang mga ward at branch sa mga stake ay nililikha mula sa mga umiiral na unit. Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang bagong ward o branch sa stake. Kailangan niya munang matiyak na matutugunan ng bagong unit ang mga minimum na kinakailangan na makikita sa sumusunod na table.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Ward o Branch sa Isang Stake
Maaaring magmungkahi ang isang stake president na gawing ward ang isang branch kapag natugunan nito ang mga minimum na kinakailangan at natukoy niya ang isang taong maaaring maglingkod bilang bishop.
Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na baguhin ang mga hangganan o hindi na ipagpatuloy pa ang mga ward o branch kapag malinaw na kailangan itong gawin.
Pasisimulan ng isang stake president ang isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.
Ang pag-apruba ng mga iminungkahing pagbabago sa ward o branch ay nanggagaling sa Unang Panguluhan. Karaniwang nakakagawa ng desisyon mga anim na linggo pagkatapos matanggap ang nakumpletong proposal.
36.3
Paglikha o Pagbago ng mga Branch sa mga Mission
Ang isang mission president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng mga bagong branch sa isang mission. Walang kinakailangang minimum na bilang ng mga miyembro para makalikha ng isang branch sa isang mission. Gayunman, ang mga bagong branch ay karaniwang dapat mayroong hindi bababa sa apat na mayhawak ng priesthood. Kahit isa man lang sa kanila ay dapat aktibo at full-tithe-payer na mayhawak ng Melchizedek Priesthood.
Pasisimulan ng isang mission president ang isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.
Ang Area Presidency ay maaaring magbigay ng huling pag-apruba o pagtanggi sa proposal ng isang mission president na:
-
Lumikha at pangalanan ang isang branch sa isang mission.
-
Hindi na ipagpatuloy ang isang branch sa isang mission.
-
Baguhin ang mga hangganan ng branch sa isang mission kung ang pagbabago ay hindi makaaapekto sa isang stake, district, o isa pang mission.
Dapat isumite ng Area Presidency ang inaprubahang proposal sa headquarters ng Simbahan para maproseso ito bago likhain ang branch o baguhin ang pangalan nito sa mga system ng Simbahan.
Ang Area Presidency ay maaaring mag-endorso subalit hindi maaaring magbigay ng huling pag-apruba sa proposal ng isang mission president na:
-
Ilipat ang isang branch sa isa pang stake, district, o mission.
-
Baguhin ang pangalan ng isang umiiral na branch sa isang mission.
-
Baguhin ang mga hangganan ng branch sa isang mission kung ang pagbabago ay makaaapekto sa isang stake, district, o isa pang mission.
-
Lumikha o baguhin ang isang mission branch para sa mga young single adult o single adult; mga miyembrong nagsasalita ng wika na iba sa wika ng kanilang unit; mga miyembro na gumagamit ng sign language; mga miyembro na nasa mga care center, treatment program, o bilangguan; o mga miyembro sa military.
Sa ganitong mga sitwasyon, nirerebyu ng Area Presidency ang proposal, at kung ito ay kanilang ieendorso, isusumite nila ito para maaprubahan. Ang pag-apruba ng mga iminungkahing pagbabago sa branch ay nanggagaling sa Unang Panguluhan. Karaniwang nakakagawa ng desisyon mga anim na linggo pagkatapos matanggap ang nakumpletong proposal.
36.4
Pagpapangalan sa mga Unit ng Simbahan
Ang pangalan ng isang unit ay dapat makatulong na tukuyin ang mga taong nakatira sa lugar na iyon. Karaniwang hindi dapat baguhin ang mga pangalan ng mga umiiral na unit.
Kung ang pangalan ng unit ay kailangang baguhin dahil sa pagbabago ng mga hangganan, ang stake o mission president ay magpapasimula ng isang bagong proposal gamit ang online system sa Boundary and Leadership Proposals. Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.
Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring mag-apruba sa ganitong mga proposal.
Ang mga Area Presidency ay maaaring mag-apruba ng mga proposal para lumikha at pangalanan ang mga bagong branch sa mga mission (tingnan sa 36.3).
36.4.1
Pagpapangalan sa mga Stake at District
Ang unang salita sa pangalan ng stake o district ay isa sa mga sumusunod:
-
Ang lungsod kung saan matatagpuan ang headquarters ng stake o district
-
Isa pang lungsod sa stake o district na kilalang-kilala ng mga miyembro
-
Isang tampok na lugar na sakop ng stake o district
Sa Estados Unidos at Canada, ang pangalawang salita ay ang estado o probinsya kung saan matatagpuan ang stake o district. Sa ibang mga bansa, ang pangalawang salita ay ang pangalan ng bansa.
Kapag mayroong mahigit sa isang stake o district ang nasa parehong lungsod, ang ikatlong pangalan ay isang pantukoy na katangian na nasa loob ng mga hangganan ng unit. Ang ilan sa pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga stake at district ay makikita sa ibaba:
-
Direksyon sa kompas (north, south, east, o west)
-
Komunidad
-
Tampok na lugar
Ang ilan sa hindi pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga stake at district ay makikita sa ibaba:
-
Iba pang direksyon (halimbawa, southwest)
-
Mga pangalan ng tao
Kapag ang pangalan ng isang lungsod ay kapareho ng pangalan ng estado, probinsya, o bansa, hindi na ito inuulit pa sa pangalan. Halimbawa:
-
Idaho Falls Taylor Mountain Stake, hindi Idaho Falls Idaho Taylor Mountain Stake
-
México City Azteca Stake, hindi México City México Azteca Stake
36.4.2
Pagpapangalan sa mga Ward at Branch
Ang isang ward o branch ay pinapangalanan batay sa isang pantukoy na katangian na matatagpuan sa loob ng mga hangganan nito. Ang ilan sa pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga ward at branch ay makikita sa ibaba:
-
Lungsod
-
Komunidad
-
Kalye
-
Parke o Liwasan
-
Paaralan
-
Tampok na lugar
Ang ilan sa hindi pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga ward at branch ay makikita sa ibaba:
-
Direksyon sa kompas (halimbawa, east o northwest)
-
Mga pangalan ng tao
-
Mga pangalan na batay lamang sa view o sa lugar na makikita mula roon (halimbawa, Temple View, Mountain View, o River View)
-
Ang pagsasama ng dalawang pangalan upang lumikha ng isang bagong pangalan
Ang pangalan ng isang pantukoy na katangian lamang ang gagamitin sa pangalan ng ward o branch. Kung may higit sa isang ward o branch na magkapareho ng pangalan, isang numero ang idinaragdag bilang bahagi ng pangalan, tulad ng Preston 1st Ward at Preston 2nd Ward.
Ang pangalan ng ward o branch ay dapat nasa wika ng lugar. Kung ang wika ay hindi gumagamit ng alpabetong Romano, dapat ilakip sa aplikasyon ang isang pagsasaling gumagamit ng mga Romanong titik.
36.5
Pagpapatupad ng mga Iminungkahing Pagbabago
36.5.1
Mga Pagbabago sa Stake at District
Ang liham ng pag-apruba para sa paglikha o hindi na pagpapatuloy ng isang stake o district ay karaniwang nagsasaad ng petsa kung kailan gagawin ang mga pagbabagong iyon. Ang petsang ito ay hindi dapat ipaalam hangga’t hindi tinatalakay ng naatasang General Authority ang mga detalye sa stake o mission president. Ang aktuwal na mga pagbabago ay hindi ipinaaalam hanggang sa stake o district conference.
Inaabisuhan ng stake o mission president ang headquarters ng Simbahan o ang kanilang area office pagkatapos maipatupad ang mga pagbabago.
36.5.2
Mga Pagbabago sa Ward at Branch
Matapos matanggap ng isang stake o mission president ang pag-apruba para sa mga pagbabago sa ward o branch, karaniwang mayroon siyang 90 araw para ilahad sa mga miyembro ang mga pagbabago at kanila itong masang-ayunan. Kung kailangan niya itong ipagpaliban nang higit sa 90 araw, kailangan niyang humingi ng pahintulot mula sa Office of the First Presidency.
Ipinatutupad ng mga stake o mission president ang proposal sa LCR kapag nagawa na ang mga pagbabago. Para sa tulong sa Estados Unidos at Canada, tumawag sa 801-240-6243 o mag-email sa oiservices@ChurchofJesusChrist.org. Para sa tulong sa labas ng Estados Unidos at Canada, kontakin ang area office. Ang mga mapa at unit ay hindi ina-update hanggang sa maitala ang mga ito ng headquarters ng Simbahan.
36.6
Basic Unit Program
Binuo ng Simbahan ang Basic Unit Program para gamitin ng ilang maliliit na branch o maliliit na awtorisadong pagtitipon ng mga miyembro, na kilala bilang mga group (tingnan ang 37.7 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga group). Maaaring iawtorisa ng isang Area Presidency ang paggamit ng Basic Unit Program sa mga group o branch kung saan naaangkop ang alinman sa mga sumusunod na kondisyon:
-
Ang Simbahan ay nagsisimula pa lamang.
-
Magkakalayo ang mga miyembro.
-
Kakaunti lamang ang mga miyembro, at ang mga lider ay nagsisimula pa lamang umunlad.
-
Ang mga miyembro ay may espesyal na mga pangangailangan sa wika.
-
Ang mga miyembro ay nasa military (tingnan ang 38.9.4 para sa mga kadahilanang maaaring lumikha ng isang service member group).
-
Ang mga miyembro ay nasa mga care center, treatment program, o bilangguan.
Binigyang-diin ng mga Area Presidency at iba pang lider na hindi dapat masyadong mabilis na palawakin ng mga unit na gumagamit ng Basic Unit Program ang kanilang mga organisasyon, miting, at programa. Ang pamumuno ay pinakamainam na nalilinang kapag ang resources ng Simbahan ay naaayon sa kalagayan at pangangailangan ng mga miyembro.
Ibinabahagi rin ng mga lider ang mga sumusunod na alituntunin sa mga group at branch na gumagamit ng Basic Unit Program:
-
Humingi ng inspirasyon sa Espiritu para malaman kung ano ang gagawin at kung paano ito gagawin.
-
Ituro ang pangunahing doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.
-
Tulungan ang mga miyembro na (1) maunawaan at matanggap ang mahahalagang ordenansa ng priesthood at (2) gawin at tuparin ang mga kaugnay na tipan.
Ang mga unit na ito ay maaaring magdaos ng mga miting ng Simbahan sa isang tahanan, isang inuupahang gusali, o isang gusaling pag-aari ng Simbahan (tingnan sa 35.3). Ang mission, stake, o district presidency ay maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa pagkakaroon at pagpapanatiling maayos ng lugar para sa pagpupulong ng group o branch.
Kung kakaunti lamang ang miyembro ng group o branch, nagdaraos lamang sila ng sacrament meeting at isang klase para sa lahat ng miyembro kung saan itinuturo ang ebanghelyo. Para sa pagtuturo ng ebanghelyo, ginagamit ng mga miyembro ang mga banal na kasulatan at Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan. Kung hindi pa naisalin ang mga banal na kasulatan sa wikang ginagamit ng mga miyembro, gagamitin ng mga miyembro ang manwal na Gospel Fundamentals para sa pagtuturo ng ebanghelyo. Habang lumalaki ang Simbahan, magkakaroon ng mas maraming pagsasalin ng mga banal na kasulatan, himno at awitin, at mga magasin ng Simbahan.
Habang lumalaki ang unit, dapat mag-organisa ang mga lider ng Simbahan ng elders quorum at Relief Society (tingnan sa 8.3.3 at 9.3.2). Habang dumarami ang mga miyembro at potensyal na lider, maaaring mag-organisa ang branch president ng mga korum ng Aaronic Priesthood at mga organisasyon ng Young Women, Primary, at Sunday School (tingnan sa 10.3, 11.3.2, 12.3.2, at 13.2.2).