“37. Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“37. Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch,” Pangkalahatang Hanbuk.
37.
Espesyal na mga Stake, Ward, at Branch
37.0
Pambungad
Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng espesyal na mga stake, ward, at branch para tulungan ang mga miyembro, ayon sa nakasaad sa kabanatang ito. Para sa impormasyon tungkol sa paglikha ng espesyal na mga unit sa isang mission, tingnan ang 36.3.
Pasisimulan ng isang stake president ang isang bagong proposal sa Boundary and Leadership Proposals. Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link. Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring mag-apruba sa proposal.
Para sa suporta sa Estados Unidos at Canada, tumawag sa 1-801-240-1007. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, tumawag sa area office.
37.1
Mga Language Ward at Branch (Mga Ward at Branch na Gumagamit ng Ibang Wika)
Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang language ward o branch para sa mga miyembro ng stake na:
-
Nagsasalita ng wika na iba sa wika ng kanilang unit.
-
Gumagamit ng sign language.
Kung walang sapat na miyembro sa isa sa mga sitwasyong ito para lumikha ng hiwalay na branch, maaaring imungkahi ng stake president na lumikha ng isang group (tingnan sa 37.7).
Maaari ding magmungkahi ang stake president na lumikha ng isang language ward o branch na kinabibilangan ng mga miyembro mula sa isa o higit pang kalapit na stake. Ang mga stake president na may kinalaman dito ay nagpaplano at nagsasanggunian para sa rekomendasyon. Isa sa mga kalahok na stake ang mamumuno sa ward o branch na ito.
Maaaring imungkahi ng mission president na lumikha ng isang language branch o group para matugunan ang mga sitwasyong ito (tingnan sa 36.3 at 37.7).
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Language Ward o Branch sa Isang Stake
Ward |
Branch | |
---|---|---|
Bilang ng mga miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo) | Ward 125 | Branch Walang minimum |
Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga posisyon sa pamumuno | Ward 15 | Branch 4 |
Ang mga hangganan ng mga language unit ay karaniwang sumusunod sa mga hangganan ng mga geographic ward, branch, at stake.
Kung nais, ang mga bata at kabataan ng isang language unit ay maaaring dumalo sa mga klase ng isang geographic unit (tingnan sa 29.2.8).
Tingnan ang 36.3 para sa mga language branch sa isang mission. Tingnan ang 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan sa mga ward at branch.
37.1.1
Pagiging Miyembro sa Isang Language Ward o Branch
-
Ang mga miyembro ay dapat nakatira sa loob ng mga hangganan ng language ward o branch.
-
Ang mga miyembro ay maaaring piliing maging miyembro ng isang language unit o ng kanilang geographic unit.
-
Ang membership record ng bawat tao ay dapat nasa unit na kanyang dinadaluhan.
37.1.2
Pamumuno sa Isang Language Ward o Branch
-
Ang bishop o branch president at ang kanyang mga counselor ay karaniwang tinatawag mula sa loob ng mga hangganan ng language unit. Maaaring magkaroon ng mga eksepsyon para sa mga lider na hindi nakatira sa loob ng mga hangganan ng unit kung sila ay nakatira sa loob ng stake na namumuno rito.
-
Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan bago tumawag ng bishop.
-
Ang iba pang mga lider at guro ay karaniwang tinatawag mula sa mga miyembro ng ward o branch.
37.2
Mga Young Single Adult Ward at Branch sa Isang Geographic Stake
Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang young single adult ward or branch (para sa mga miyembrong edad 18–35) kung ang stake ay may sapat na bilang ng mga young single adult na nais dumalo rito. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
-
Ang epekto sa pansariling pag-unlad at espirituwal na pag-unlad ng mga young single adult. Kabilang dito ang kanilang kakayahang makibahagi sa lahat ng aspekto ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2).
-
Ang epekto sa mga geographic unit kung saan magmumula ang mga miyembro ng young single adult unit.
-
Ang oras ng paglalakbay at gastos na kailangang igugol ng mga young single adult at mga lider.
Sa mga lugar kung saan ito maaaring suportahan, maaaring hilingin ng mga stake president na lumikha ng dalawang young single adult unit para sa mga miyembro ng sumusunod na edad:
-
18–25
-
26–35
Sa pangkalahatan, ang dalawang young single adult unit para sa mga miyembro sa mga edad na ito ay magsisilbi sa parehong lugar. Makikita sa mapa na parehong lugar ang sakop ng dalawang unit na ito.
Maaari ding magmungkahi ang mga stake president na lumikha ng isang ward o branch na kinabibilangan ng mga miyembro mula sa isa o higit pang kalapit na stake. Dapat isaalang-alang ng mga stake president kung mas mainam na matutugunan ng mga multistake na aktibidad ang mga pangangailangan ng mga young single adult kaysa sa paglikha ng isang ward o branch. Isa sa mga kalahok na stake ang mamumuno sa ward o branch na ito.
Ang isang geographic stake ay hindi maaaring magkaroon ng sarili nitong young single adult unit kung ang ilang bahagi ng nasasakupan nito ay sakop ng isang young single adult stake.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Young Single Adult Unit sa Isang Stake
Ward |
Branch | |
---|---|---|
Bilang ng mga aktibong miyembro | Ward 125 | Branch 50 |
Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga posisyon sa pamumuno | Ward 15 | Branch 4 |
Ang isang young single adult ward ay kadalasang hindi dapat magkaroon ng higit sa 225 aktibong miyembro.
Tingnan ang 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan sa mga ward at branch.
37.2.1
Pagiging Miyembro sa Isang Young Single Adult Ward o Branch sa Isang Geographic Stake
-
Ang mga miyembro ay dapat mga young single adult (edad 18–35) na nakatira sa loob ng mga hangganan ng young single adult ward o branch.
-
Ang mga young single adult ay maaaring piliing maging miyembro ng young single adult unit o ng kanilang geographic unit.
-
Ang membership record ng bawat tao ay dapat nasa unit na kanyang dinadaluhan.
-
Kung nadarama ng stake president na makatutulong ito sa isang di-gaanong aktibong young single adult sa kanyang stake, maaari niyang aprubahan ang paglipat ng membership record nito mula sa geographic unit papunta sa young single adult unit. Kapag ang di-gaanong aktibong miyembro ay naging aktibo na, maaari niyang piliing dumalo sa young single adult unit o sa geographic unit.
-
Ang mga young single adult na magulang (edad 18–35) na kasama ang kanilang anak sa kanilang tahanan ay mananatili sa kanilang geographic unit. Ang mga magulang na ito ay maaaring dumalo sa mga aktibidad ng young single adult unit.
-
Ang mga miyembro ay hindi na dumadalo sa isang young single adult unit kapag sila ay nag-asawa o umabot na sa edad na 36. Tingnan ang 37.5 para sa mga single adult na miyembro edad 36–45.
-
Ang mga young single adult na dumadalo sa isang unit para sa mga edad 18–25 ay lilipat sa unit para sa mga edad 26–35 kapag umabot na sila sa edad na 26.
37.2.2
Pamumuno sa Isang Young Single Adult Ward o Branch sa Isang Geographic Stake
-
Ang bishop o branch president ay dapat lalaking may asawa na may matalinong paghatol at karanasan. Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan bago tumawag ng bishop. Ang bishop o branch president ay karaniwang nakatira sa loob ng mga hangganan ng young single adult unit. Maaaring magkaroon ng mga eksepsyon para sa mga young single adult unit para sa mga unibersidad at mga kolehiyo.
-
Ang mga counselor ng bishop ay maaaring mga miyembro ng unit. O sila ay maaaring mga kalalakihang walang asawa o may asawa na nakatira sa loob ng mga hangganan ng unit. Sila ay dapat mga high priest. Kung ang lalaking tinawag na maging counselor sa bishopric ay hindi high priest, tinitiyak ng stake president na siya ay maordenahan bilang isang high priest bago siya i-set apart.
-
Ang isang branch president at kanyang mga counselor ay maaaring mga high priest o elder.
-
Ang iba pang mga lider at guro ay tinatawag mula sa mga young single adult na miyembro ng unit.
37.3
Mga Young Single Adult Stake at Kanilang mga Ward at Branch
Kung saan maraming bilang ng mga young single adult ang naninirahan sa isang partikular na lugar, kadalasang malapit sa mga unibersidad o kolehiyo, isa o higit pang young single adult stake ang maaaring buuin.
Sa mga lugar kung saan ito maaaring suportahan, maaaring hilingin ng mga stake president na lumikha ng dalawang young single adult unit para sa mga miyembro ng sumusunod na edad:
-
18–25
-
26–35
Sa pangkalahatan, ang dalawang young single adult unit para sa mga miyembro sa mga edad na ito ay magsisilbi sa parehong lugar. Makikita sa mapa na parehong lugar ang sakop ng dalawang unit na ito.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Young Single Adult Stake, Ward, o Branch
Young single adult stake |
|
---|---|
Young single adult ward sa isang young single adult stake |
|
Young single adult branch sa isang young single adult stake |
|
Ang isang geographic stake ay hindi maaaring magkaroon ng sarili nitong young single adult unit kung ang ilang bahagi ng nasasakupan nito ay sakop ng isang young single adult stake.
Ang isang young single adult unit na nasa isang geographic stake ay maaari lamang ilipat sa isang young single adult stake kung:
-
Ang mga hangganan nito ay katabi ng young single adult stake.
-
Inirekomenda ng mga president ng dalawang stake and paglilipat.
Tingnan ang 36.4.1 at 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan ng stake at ward.
37.3.1
Pagiging Miyembro sa Isang Young Single Adult Stake at sa mga Ward o Branch Nito
-
Ang mga miyembro ay dapat mga young single adult (edad 18–35) na nakatira sa loob ng mga hangganan ng young single adult ward o branch.
-
Lahat ng aktibo at di-gaanong aktibong mga young single adult na nasa loob ng mga hangganan ng stake na hindi nakatira kasama ng kanilang mga magulang ay miyembro ng young single adult stake, maliban na lamang kung pipiliin nilang dumalo sa kanilang geographic unit.
-
Ang mga young single adult na nakatira kasama ng kanilang mga magulang ay maaaring piliing maging miyembro ng young single adult unit o ng kanilang geographic unit.
-
Ang membership record ng bawat tao ay dapat nasa unit na kanyang dinadaluhan.
-
Ang mga young single adult na magulang (edad 18–35) na kasama ang kanilang anak sa kanilang tahanan ay mananatili sa kanilang geographic unit. Ang mga magulang na ito ay maaaring dumalo sa mga aktibidad ng young single adult unit.
-
Ang mga miyembro ay hindi na dumadalo sa isang young single adult unit kapag sila ay nag-asawa o umabot na sa edad na 36. Tingnan ang 37.5 para sa mga single adult na miyembro (edad 36–45).
-
Ang mga young single adult na dumadalo sa isang unit para sa mga edad 18–25 ay lilipat sa unit para sa mga edad 26–35 kapag umabot na sila sa edad na 26.
37.3.2
Pamumuno sa Isang Young Single Adult Stake at sa mga Ward o Branch Nito
-
Ang stake president, stake patriarch, mga bishop, at mga branch president ay dapat na mga lalaking may asawa na may matalinong paghatol at karanasan. Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan bago tumawag ng bishop. Maaari silang tawagin mula sa labas ng mga hangganan ng stake ayon sa pagpapasiya ng Area Presidency. Ang mga taong nagbibigay ng gayong mga calling ay sasangguni muna sa stake president ng miyembro upang makakuha ng pag-apruba. Para sa mga tuntunin, tingnan ang kabanata 30.
-
Ang mga counselor ng stake president, high councilor, counselor sa bishopric, at counselor sa branch presidency ay maaaring mga lalaking walang asawa o may asawa. Ang mga Stake Relief Society president at mga counselor ay maaaring mga kababaihang walang asawa o may asawa. Ang mga Stake Sunday School president at counselor ay maaaring mga lalaking walang asawa o may asawa. Ang mga lider na ito ay maaaring mga miyembro ng stake. O maaari silang tawagin mula sa labas ng mga hangganan ng stake ayon sa pagpapasiya ng Area Presidency.
-
Ang mga counselor ng bishop ay dapat mga high priest. Kung ang lalaking tinawag na maging counselor sa bishopric ay hindi high priest, tinitiyak ng stake president na siya ay maordenahan bilang isang high priest bago siya i-set apart. Ang isang branch president at kanyang mga counselor ay maaaring mga high priest o elder.
-
Ang pag-apruba ng Korum ng Labindalawa ay kinakailangan bago tumawag ng patriarch.
-
Sa mga ward at branch, ang ibang mga lider at guro ay tinatawag mula sa mga young single adult na miyembro ng unit.
37.4
Mga Married Student Stake at Ward (Mga Stake at Ward para sa mga Estudyanteng May Asawa)
Maaaring lumikha ng mga married student stake at ward upang tulungan ang mga miyembrong estudyanteng may asawa na nakatira malapit sa isang unibersidad o kolehiyo.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Married Student Stake o Ward
Married student stake |
|
---|---|
Married student ward |
|
Tingnan ang 36.4.1 at 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan ng stake at ward.
37.4.1
Pagiging Miyembro sa mga Married Student Stake at Ward
-
Ang mga miyembro ay dapat mga estudyanteng may asawa na nakatira sa mga hangganan ng married student ward.
-
Ang mga estudyanteng may asawa ay maaaring piliing maging miyembro ng married student ward o ng kanilang geographic unit.
-
Ang mga membership record ay dapat nasa unit na dinadaluhan ng pamilya.
37.4.2
Pamumuno sa mga Married Student Stake at Ward
Tingnan ang 37.3.2 at gamitin ang parehong mga tuntunin.
37.5
Mga Single Adult Ward
Ang mga single adult na miyembro (edad 36–45) ay karaniwang pinakamahusay na natutulungan sa mga geographic unit. Bilang eksepsyon, maaaring magmungkahi ang stake president na lumikha ng isang single adult ward.
Ang isang stake president ay maaari ding magmungkahi na lumikha ng isang single adult ward na binubuo ng mga miyembro mula sa isa o higit pang kalapit na stake. Ang mga stake president na may kinalaman dito ay nagpaplano at nagsasanggunian para sa rekomendasyon. Isa sa mga kalahok na stake ang mamumuno sa ward.
Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Single Adult Ward sa Isang Stake
Bilang ng mga miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo) |
125 |
---|---|
Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga posisyon sa pamumuno |
15 |
Tingnan ang 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan sa ward.
37.5.1
Pagiging Miyembro sa Isang Single Adult Ward
-
Ang mga miyembro ay dapat mga single adult (edad 36–45) na nakatira sa loob ng mga hangganan ng single adult ward.
-
Ang mga single adult ay maaaring piliing maging miyembro ng single adult ward o ng kanilang geographic unit.
-
Ang membership record ng bawat tao ay dapat nasa unit na kanyang dinadaluhan.
-
Ang mga single adult na magulang (edad 36–45) na kasama ang kanilang anak sa kanilang tahanan ay mananatili sa kanilang geographic unit. Ang mga magulang na ito ay maaaring dumalo sa mga aktibidad ng single adult ward.
-
Ang mga miyembro ay hindi na dumadalo sa isang single adult ward kapag sila ay nag-asawa o umabot na sa edad na 46.
37.5.2
Pamumuno sa Isang Single Adult Ward
-
Ang bishop ay dapat isang high priest at may asawa na may matalinong paghatol at karanasan. Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan bago tumawag ng bishop.
-
Ang mga counselor ng bishop ay maaaring mga miyembro ng unit. O sila ay maaaring mga kalalakihang walang asawa o may asawa na nakatira sa loob ng mga hangganan ng unit. Sila ay dapat mga high priest. Kung ang lalaking tinawag na maging counselor sa bishopric ay hindi high priest, tinitiyak ng stake president na siya ay maordenahan bilang isang high priest bago siya i-set apart.
-
Ang iba pang mga lider at guro ay tinatawag mula sa mga single adult na miyembro ng ward.
37.6
Mga Ward at Branch para sa mga Miyembro na may Espesyal na Kalagayan
Ang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng mga ward o branch para sa mga miyembro na may espesyal na kalagayan, tulad ng mga nasa care center, treatment program, o bilangguan.
Ang mga lider na tinatawag para maglingkod sa mga unit na ito ay karaniwang dapat nakatira sa loob ng stake na responsable para sa unit.
Tingnan ang 36.3 para sa impormasyon tungkol sa mga branch para sa mga young single adult o single adult na nasa isang mission; mga miyembro na hindi nagsasalita ng lokal na katutubong wika; mga miyembro na nasa mga care center, treatment program, o bilangguan; o mga miyembro sa military.
Tingnan ang 36.4.2 para sa mga tuntunin sa pagpapangalan sa mga ward at branch.
37.7
Mga Group sa mga Stake, Mission, at Area
Ang mga group ay maliliit na awtorisadong pagtitipon ng mga miyembro na pinamamahalaan ng isang bishop, branch president, o mission president. Maaaring magrekomenda ang stake o mission president na lumikha ng isang group sa sumusunod na mga kalagayan:
-
Ang mga potensyal nitong miyembro ay nahihirapang maglakbay para dumalo sa isang ward o branch.
-
May maliit na bilang ng mga miyembro na nagsasalita ng isang wika na iba sa wika ng kanilang unit, kabilang na ang sign language.
-
Ang mga miyembro na nasa military ay pinakamahusay na matutulungan kapag kabilang sa isang group (tingnan sa 38.9.4).
Upang magmungkahi na lumikha ng isang group, ang stake o mission president ay magsusumite ng kahilingan sa Area Presidency. Ang Area Presidency lamang ang maaaring mag-apruba sa kahilingan.
Ang isang group ay dapat mayroong hindi bababa sa dalawang miyembro. Ang isa ay dapat na karapat-dapat na priest sa Aaronic Priesthood o karapat-dapat na mayhawak ng Melchizedek Priesthood.
Sa mga stake, inaatasan ng stake president ang isang bishop o branch president na iorganisa at pangasiwaan ang group. Sa mga mission, inaatasan ng mission president ang isang branch president na iorganisa at pangasiwaan ito.
Ang group ay karaniwang nililikha upang matulungan ang mga miyembro na nakatira sa isa o higit pang unit sa isang stake o district. Ang pagiging miyembro sa isang group ay limitado lamang sa mga nakatira sa loob ng mga hangganan ng mga nakikibahaging unit. Ang sakop ng mga group ay hindi lumalampas sa mga hangganan ng stake o district.
Ang stake president, mission president, bishop, o branch president ay tumatawag ng isang group leader at kanya itong sine-set apart. Ang group leader ang nag-oorganisa at nangangasiwa sa mga group meeting, na kinabibilangan ng pangangasiwa ng sakramento.
Ang group leader ay walang hawak na mga susi ng priesthood, at hindi siya awtorisadong:
-
Tumanggap ng ikapu at mga handog.
-
Payuhan ang mga miyembro tungkol sa mga mabibigat na kasalanan.
-
Magbigay ng pormal o di-pormal na mga restriksyon sa pagkamiyembro.
-
Magsagawa ng iba pang mga tungkulin na nangangailangan ng mga susi ng priesthood.
Karaniwang ginagamit ng mga group ang Basic Unit Program (tingnan sa 36.6).
Ang mga membership record ng mga miyembro ng group ay iniingatan sa ward o branch na nangangasiwa sa group.
Hindi nagbibigay ang headquarters ng Simbahan ng unit number sa mga group.
Kapag naging kwalipikado ang isang group, maaaring imungkahi ng stake o mission president na gawin itong branch.
37.8
Mga Unit ng Simbahan sa mga Base-Militar
Para sa mga tagubilin tungkol sa paglikha ng mga ward, branch, at service member group na nagpupulong sa mga base-militar, tingnan ang 38.9.4.