“Mga Tuntunin para sa Matagumpay na Pagtuturo Online,” Mga Tuntunin para sa Matagumpay na Pagtuturo Online (2022)
“Mga Tuntunin para sa Matagumpay na Pagtuturo Online,” Mga Tuntunin para sa Matagumpay na Pagtuturo Online
Mga Tuntunin para sa Matagumpay na Pagtuturo Online
Nakalista sa dokumentong ito ang gawain sa pagtuturo online na may mga iminungkahing tuntunin na tutulong sa iyo na magtagumpay sa isang online na klase. Ang mga gawain at tuntuning ito ay dapat gamitin kaugnay ng iyong pag-aaral ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Kapag nakikipagpulong sa iyong lokal na Seminaries and Institutes (S&I) representative, sama-samang magsanggunian at suriin ang iyong mga ginagawa sa pagtuturo online. Alamin kung saan ka mahusay at kung ano ang mas mapagbubuti mo pa para mas matulungan ang mga mag-aaral na patatagin ang pananampalataya nila kay Jesucristo at maging higit na katulad Niya.
Mga Gawain sa Pagtuturo |
Mga Iminumungkahing Tuntunin |
---|---|
Mga Gawain sa Pagtuturo Mag-post ng Lingguhang Update para sa mga Mag-aaral | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin: Isang anunsyo sa Canvas ang ipino-post sa simula ng bawat linggo. Maaaring mag-post ng iba pang mga anunsyo kung kailangan. Ang mga lingguhang anunsyong ito ay nagpapalakas ng presensya ng instructor, nag-uugnay sa mga mag-aaral sa materyal ng lesson, nagpapabatid ng mga inaasahan, at nakahihikayat sa mga mag-aaral. Binibigyan din ng mga ito ang mga titser ng pagkakataon na anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto at ng isang lugar kung saan ay mabibigyang-diin nila ang halimbawa ni Jesucristo. |
Mga Gawain sa Pagtuturo Makibahagi sa mga Discussion Board | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin: May dalawang uri ng Canvas discussion board na ginamit sa online S&I course.
Ang pagbabasa at pagtugon sa mga post ng talakayan ay makatutulong sa mga titser na malaman ang mga sitwasyon, pangangailangan, at kalakasan ng mga mag-aaral habang pinalalakas ang presensya ng titser sa pag-aaral online. Bukod sa iba pang mga bagay, ang mga talakayan ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga titser at mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo. |
Mga Gawain sa Pagtuturo I-Access ang Kurso | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin: Ang mga online teacher ay dapat mag-log in sa Canvas course bawat araw na ginagawa ng kanilang mga mag-aaral. Ang average number ay apat na araw sa isang linggo. Ang paglahok sa online course ay nagtatatag ng presensya ng titser, na naghihikayat ng partisipasyon ng mag-aaral at nagpapaibayo ng kasiyahan ng mag-aaral. Naghihikayat din sa mga mag-aaral ang presensya ng titser sa online course na maging responsable sa sarili nilang pagkatuto. |
Mga Gawain sa Pagtuturo Sumulat ng Assignment at Activity Feedback | Mga Iminumungkahing Tuntunin Gabay: Kahit isa man lang na Canvas assignment ng bawat mag-aaral ay magkaroon ng mahusay na nakasulat at personal na feedback mula sa titser bawat linggo. Kapag ang mga titser ay nagbibigay ng mahusay na nakasulat at personal na feedback, nagbibigay ito sa kanila ng pagkakataon na tumugon sa mga espirituwal na impresyon tungkol sa mga pangangailangan ng mag-aaral na nahiwatigan nila mula sa aktibidad. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon na anyayahan ang estudyante na kumilala ng personal na paghahayag at kumilos ayon dito at ipamuhay ang natututuhan nila. |
Mga Gawain sa Pagtuturo Bigyan ng Grado ang mga Aktibidad | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin: Dapat bigyan ng mga titser ng grado ang mga aktibidad sa Canvas sa lalong madaling panahon at dapat bigyan ng grado ang lahat ng aktibidad sa loob ng dalawang araw matapos ng kanilang takdang petsa. Ipasok ang mga grado sa WISE sa lalong madaling panahon. Ang kaagad na pagbibigay ng grado sa mga aktibidad ay bumubuo ng tiwala sa mag-aaral. Ipinapakita nito na ang titser ay naroroon at aktibo sa kurso. Bukod pa rito, kapag alam ng mga mag-aaral na rerebyuhin ng titser ang kanilang gawain, nahihikayat sila nitong maging responsable sa kanilang pagkatuto. |
Mga Gawain sa Pagtuturo Sagutin ang mga Tanong sa Mag-aaral | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin: Bagama’t maaaring mas matagal ang paglutas ng mga tanong, sa una ay sagutin ang mga tanong ng mag-aaral sa loob ng 24 na oras. Maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang mga mag-aaral sa Canvas Inbox, anunsyo, discussion board, o email. Pinagtitibay ng mabilis na pagsagot ng titser ang alituntunin ng paglikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at nalalaman ng lahat na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon. Ang pagsagot ay maaari ding magbigay ng pagkakataon sa isang titser na magpahayag ng pagmamahal sa estudyante sa angkop na mga paraan. |
Mga Gawain sa Pagtuturo Irekord ang Attendance ng Mag-aaral | Mga Iminumungkahing Tuntunin Tuntunin:
Ang attendance ay hindi lamang kailangan para makatanggap ng class credit, kundi ang pagsubaybay dito ay bahagi rin ng pagkilala sa mga pangalan ng mga mag-aaral at kung sino sila. Kapag pinapansin ng mga titser ang mga huwaran ng pagdalo, mas mauunawaan nila ang mga sitwasyon, pangangailangan, at kalakasan ng kanilang mga mag-aaral. |
MGA LOKAL NA KONSIDERASYON
Ang mga tuntuning ito ay angkop sa lahat ng online teacher. Gayunman, sa tulong ng inyong lokal na kinatawan ng S I&, ang mga tuntuning ito ay maaaring iangkop upang matugunan ang mga natatanging pangangailangan sa inyong lugar. Halimbawa:
-
Kung dalawang araw sa isang linggo lamang ang access mo sa internet access sa inyong lugar, maaaring hindi makatwirang mag-log in ka sa Canvas apat na araw sa isang linggo.
-
Kung ang iyong online course ay hindi gumagamit ng mga discussion board, hindi ka inaasahang lumikha nito para matugunan ang tuntunin sa partisipasyon ng discussion board.
© 2022 ng Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. 9/22. PD80007358 893