Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Tulungan ang mga Kaibigan na Sumamba Kasama Natin


Tulungan ang mga Kaibigan na Sumamba Kasama Natin

Maghanap ng Meetinghouse

Para sa maraming tao, ang pagdalo sa isang bagong simbahan ay nakakatakot. Matutulungan mo ang iyong mga kaibigan na magkaroon ng magandang karanasan sa pagsamba kasama ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa mga pulong ng Simbahan o pagtulong sa kanila na mahanap ang kongregasyong malapit sa kanila gamit ang Meetinghouse Locator saan man sila nakatira.

Tulungan ang iyong mga kaibigan na malaman kung ano ang dapat asahan sa mga serbisyo sa pagsamba sa araw ng Linggo. Sagutin ang kanilang mga tanong. Manalangin na madama nilang sila ay malugod na tinatanggap at magkaroon ng magandang espirituwal na karanasan sa unang beses nilang pagsamba kasama natin. Ang iyong mga kaibigan ay maaari ding humiling na magkaroon ng tour sa meetinghouse bago sila magsimba o mag-sign up para salubungin sila ng mga missionary sa simbahan sa araw ng Linggo kung nais nila.

Saan ka man nagsisimba, maghanap ng mga bagong tao at ipakilala ang iyong sarili sa inyong kongregasyon. Magtulungan tayo para ang ating mga pulong sa pagsamba at ang ating mga meetinghouse ay maging kalugud-lugod para sa lahat. May lugar para sa lahat sa Simbahan ni Jesucristo.

Sa mga lugar kung saan inaprubahan ng mga lokal na priesthood leader ang pag-livestream ng mga pulong, maaari mong anyayahan ang iyong mga kaibigan na hindi makadalo nang personal sa mga pulong na i-access ang inyong lokal na video link sa Gospel Stream.

Print