Training para sa Kurikulum
Training sa Cornerstone


Japan: Osaka Institute

Training sa Cornerstone

WELCOME

Malugod ka naming binabati sa pagtuturo ng mga Cornerstone course ng institute! Salamat sa pagtanggap mo sa pagkakataong tulungan ang iyong mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.

BAGO MAGTURO

Bago magturo, nanaisin mong:

  • Rebyuhin ang “Gabay sa Mabilis na Pagsisimula” sa pagtuturo ng mga Cornerstone course.

  • Pag-aralang mabuti ang pambungad sa materyal ng titser.

  • Magtakda ng oras upang matalakay mo sa iyong coordinator o institute director ang iyong assignment, ang mga estudyante, ang kurso, at ang anumang tanong na mayroon ka.

  • Manalangin na patnubayan ka upang matulungan mo ang iyong mga estudyante na lumapit kay Cristo at maging higit na katulad Niya.

MGA LAYUNIN NG INSERVICE TRAINING

Maraming alituntunin at kasanayan na mahalaga sa mahusay na pagtuturo. Maaari mong patuloy na pag-aralan ang mga alituntunin at praktisin ang mga kasanayang itinuro sa mga hanbuk sa seminary at institute. Para sa mga layunin ng inservice training na ito, ang ilang mahahalagang kasanayan na may kaugnayan sa pagtuturo ng mga Cornerstone course ng institute ay tutukuyin, ipakikita, at papraktisin upang matulungan kang maging pamilyar sa kurso at kurikulum. Ang mga kasanayang ito ay makatutulong sa iyo na makapagbigay ng nakapagpapatatag at nakapagpapabalik-loob na karanasan sa mga estudyante habang sinisikap mo na tulungan silang maghanda, makibahagi, at kumilos upang matulungan sila na maging katulad ng Tagapagligtas na si Jesucristo.

Act - Engage - Prepare Graphic
  • Maghanda: Pagbutihin ang paghahanda ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya.

  • Makibahagi: Hikayatin ang mga estudyante na makibahagi sa klase sa pamamagitan ng paggamit ng natutuhan nila sa kanilang paghahanda.

  • Kumilos: Bigyang-diin ang pagsasabuhay.

Man studying the scriptures.

KASANAYAN: PAGBUTIHIN ANG PAGHAHANDA NG ESTUDYANTE SA PAMAMAGITAN NG PAG-ANYAYA

Paano mo pagbubutihin ang paghahanda ng iyong mga estudyante upang mas gumanda ang kanilang karanasan sa klase?

Prepare Graphic

Basahin ang mga bahaging ito at sundin ang mga tagubilin.

Icon: Define

TUKUYIN

Sa mga Cornerstone course, ang materyal sa paghahanda para sa klase ay nilayon upang mapag-aralan mo at ng iyong mga estudyante bilang paghahanda para sa klase. Ang materyal sa paghahanda ay naglalaman ng mga paanyaya upang pagbutihin ang paghahanda ng mga estudyante at titser sa pamamagitan ng mga tanong at aktibidad na naglalayong tumulong na mapalalim ang pag-aaral sa loob at labas ng klase. Ang bawat isa sa mga paanyayang ito ay may kasamang mga icon upang matulungan kang makita kung paano at kailan gagamitin ang mga paanyayang ito sa klase.

Icon: Model

IPAKITA

Narito ang ilang halimbawa ng mga paanyayang ito sa paghahanda na maaari mong mahanap sa kurikulum:

A graphic symbol of a person with a thought bubble above him

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Halimbawa: “Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo para malaman mo na ang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos?”

A person reading the scriptures icon.

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Halimbawa: “Itinuro ng propetang si Alma sa mga tao ang tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Basahin ang Alma 7:11–13.”

Writing on a piece of paper with a pen or pencil.

Isulat ang Iyong mga Naisip

Halimbawa: “Sa iyong journal o sa nakalaang espasyo, magsulat ng ilang katotohanan na pinakamahalaga para sa iyo mula sa mga scripture passage at mga turo sa bahaging ito gayon din ng anumang iba pang mga naisip at katanungan mo. Dumating sa klase na handang magbahagi ng mga katotohanan at anumang kaalaman na natukoy mo.”

Two text/quote boxes meant to depict communication or discussion.

Talakayin upang Makapaghanda para sa Klase

Halimbawa: “Sa tulong ng isang kapamilya o kaibigan, tumukoy ng ilang kasalukuyang pagsasabuhay ng mga alituntuning natuklasan mo mula sa mga talatang ito. Dumating sa klase na handang ibahagi ang natutuhan mo.”

A symbol of a man walking - there is an arrow pointing away

Kumilos Ayon sa Natutuhan Mo

Halimbawa: “Ano ang gagawin mo sa mga darating na araw at linggo upang makapaglingkod sa iba tulad ni Jesucristo?”

Ngayong nakita mo na kung paano pinagbubuti ng kurikulum ang paghahanda ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya, praktisin ang paghahanap at paggamit ng mga paanyayang ito sa kurikulum.

Icon: Practice

PAGSASANAY

Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang para mapraktis ang paghahanap at paggamit ng mga paanyayang ito upang pagbutihin ang paghahanda ng mga estudyante.

  1. Pumunta sa isang lesson sa materyal sa paghahanda para sa kursong itinuturo o ituturo mo, at tingnan ang mga nakasaad na paanyaya sa paghahanda.

  2. Pumili ng isa sa mga paanyayang ito.

  3. Isipin kung ano kaya ang maaaring mangyari kapag ginawa ang aktibidad na ito sa paghahanda ng mga estudyante. Isipin kung ano kaya ang maaaring maging epekto ng paggamit ng paanyayang ito sa paghahanda sa karanasan ng mga estudyante bago magklase at habang nagkaklase. Pag-isipan kung paano mo aanyayahan ang mga estudyante na maghanda para sa susunod na klase sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na matukoy ang mga paanyayang ito sa paghahanda.

  4. Tumukoy ng isa pang paanyaya sa paghahanda, at praktisin din ito.

Ang pagiging pamilyar sa mga paanyaya sa paghahanda at pagiging mahusay sa paggamit nito ay tutulong sa iyo na magtuon sa mga estudyante at pagbutihin ang kanilang paghahanda upang lalo pang mapalalim ang kanilang karanasan sa pag-aaral.

Icon: Incorporate

ISAMA

Sa iyong pagsisikap na pagbutihin ang paghahanda ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya, pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano mo isasama sa iyong pagtuturo ang natutuhan mo sa mga kasanayang ito?

  • Ano ang maaari mong gawin para patuloy mong mapraktis ang kasanayang ito upang maging mas mahusay kang titser?

Icon: Discuss

TALAKAYIN

Isulat ang natutuhan mo mula sa karanasang ito.

A series of images taken at the Antofagasta Institute of Religion. Young adult men and women can be see taking part in class and interacting with the instructor and with each other.

KASANAYAN: HIKAYATIN ANG MGA ESTUDYANTE NA MAKIBAHAGI SA KLASE SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG NATUTUHAN NILA SA KANILANG PAGHAHANDA

Paano mo hihikayatin ang iyong mga estudyante na makibahagi sa klase sa pamamagitan ng paggamit ng napag-aralan, natutuhan, at nadama nila sa kanilang paghahanda para sa klase?

Engage Graphic

Basahin ang mga bahaging ito at sundin ang mga tagubilin.

Icon: Define

TUKUYIN

Sa buong Cornerstone course, matutulungan ka ng kurikulum na magtiwala sa natutuhan ng mga estudyante sa kanilang paghahanda at gamitin ito. Ang materyal ng titser ay kinapapalooban ng maraming ideyang mag-aanyaya sa mga estudyante na rebyuhin, alalahanin, iugnay, magbahagi mula sa kanilang paghahanda, at iba pa na magpapaalala at maghihikayat sa iyo na gamitin ang pagkaunawa at paghahanda ng mga estudyante upang magabayan ang karanasan sa klase.

Icon: Model

IPAKITA

Narito ang ilang halimbawa ng mga ideyang ito na naghihikayat ng pakikibahagi na maaari mong mahanap sa kurikulum:

  • “Anyayahan ang mga estudyante na ikuwento mula sa kanilang paghahanda para sa klase kung ano ang naaalala nila tungkol sa sitwasyong ito.”

  • “Ipaalala sa mga estudyante na sa materyal sa paghahanda, inanyayahan silang markahan ang mga katotohanang pinakamahalaga para sa kanila. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante upang marebyu ang mga scripture passage at turo ng propeta na minarkahan nila sa bahaging ito. Hilingin sa kanila na ibahagi sa klase ang natutuhan nila.”

  • “Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante upang matalakay sa maliliit na grupo kung paano nila gagamitin ang natutuhan nila sa kanilang paghahanda upang matulungan ang kanilang kaibigan.”

Ngayong nakita mo na kung paano ka tinutulungan ng kurikulum na magamit ang natutuhan ng mga estudyante sa kanilang paghahanda, praktisin ang paghahanap sa kurikulum ng mga ideyang ito na naghihikayat ng pakikibahagi.

Icon: Practice

PAGSASANAY

Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang upang mapraktis ang paghahanap at paggamit ng mga ganitong uri ng ideyang naghihikayat ng pakikibahagi upang magamit ang natutuhan ng mga estudyante sa kanilang paghahanda.

  1. Pumunta sa isang lesson sa materyal ng titser para sa kursong itinuturo o ituturo mo, at tingnan ang mga nakasaad na ideyang naghihikayat ng pakikibahagi.

  2. Pumili ng isa sa mga ideyang ito.

  3. Isipin kung ano kaya ang maaaring mangyari kapag ginawa ang aktibidad na ito sa klase. Isipin kung ano kaya ang maaaring maging epekto ng paggamit ng ideyang ito na naghihikayat ng pakikibahagi sa karanasan ng mga estudyante.

  4. Tumukoy ng isa pang ideyang naghihikayat ng pakikibahagi, at praktisin din ito.

Ang pagiging pamilyar sa mga ideyang naghihikayat ng pakikibahagi at pagiging mahusay sa paggamit nito ay tutulong sa iyo na magtuon sa mga estudyante at hikayatin sila na lalo pang palalimin ang kanilang karanasan sa pag-aaral.

Icon: Incorporate

ISAMA

Sa iyong pagsisikap na madagdagan ang pakikibahagi sa klase sa pamamagitan ng paggamit ng natutuhan ng mga estudyante sa kanilang paghahanda, pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano mo isasama sa iyong pagtuturo ang natutuhan mo sa mga kasanayang ito?

  • Ano ang maaari mong gawin para patuloy mong mapraktis ang kasanayang ito upang maging mas mahusay kang titser?

Icon: Discuss

TALAKAYIN

Isulat ang natutuhan mo mula sa karanasang ito.

Young adults helping an elderly woman.

KASANAYAN: BIGYANG-DIIN ANG PAGSASABUHAY

Paano mo bibigyang-diin sa iyong klase ang pagsasabuhay? Ano ang gagawin mo upang mahikayat ang iyong mga estudyante na kumilos ayon sa natutuhan nila?

Act Graphic

Basahin ang mga bahaging ito at sundin ang mga tagubilin.

Icon: Define

TUKUYIN

Ang mahusay na paghahanda ng mga estudyante at titser bago magklase ay makapagbibigay ng mas maraming oras sa klase upang matulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano isasabuhay ang mga katotohanang natukoy nila sa lesson. Ang materyal ng titser ay nilayon upang gamitin ang natutuhan ng mga estudyante sa kanilang paghahanda at pag-ibayuhin ang kapangyarihan at kakayahan ng mga estudyante na kumilos sa paraang tutulong sa kanila na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Icon: Model

IPAKITA

Narito ang ilang halimbawa ng mga talakayan at paanyaya na naghihikayat ng pagsasabuhay na maaari mong mahanap sa kurikulum ng Cornerstone:

  • “Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod: Ano ang ilan sa mga paraan na nakibahagi kayo at ang inyong pamilya sa family history at sa paglilingkod sa templo? Anong mga pagpapala ang natanggap ninyo sa paggawa nito? Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang tao na maaari nilang pakiusapan na turuan sila sa paggawa ng family history. Kung mahusay na ang ilang estudyante sa paggawa ng family history, anyayahan sila na turuan ang iba pa sa klase.”

  • “Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante upang pag-isipan at isulat ang mga naiisip nila tungkol sa sumusunod na tanong: Sa anong mga paraan ako maaaring maging mas aktibo sa Simbahan at sa pagtulong na maisakatuparan ang mga layunin nito?”

  • “Idispley ang sumusunod na tanong: Ano ang gagawin ko upang maanyayahan nang mas lubos ang kapangyarihan ni Jesucristo sa aking buhay? Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante upang mapag-isipan nang may panalangin ang tanong na ito at makapagsulat ng sagot sa kanilang journal o notebook. Habang nag-iisip sila, maaari kang magdispley ng isang sipi mula sa isang propeta sa mga huling araw upang mahikayat sila sa mga partikular na paraan na anyayahan ang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa kanilang mga buhay.”

Ngayong nakita mo na kung paano ka tinutulungan ng kurikulum na mabigyang-diin sa mga estudyante ang pagsasabuhay, praktisin ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa pagtuturo mula sa kurikulum.

Icon: Practice

PAGSASANAY

Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang upang mapraktis ang paghahanap at paggamit ng mga aktibidad sa pagtuturo upang mabigyang-diin sa mga estudyante ang pagsasabuhay.

  1. Pumunta sa isang lesson sa materyal ng titser para sa kursong itinuturo o ituturo mo, at tingnan ang mga nakasaad na aktibidad sa pagtuturo.

  2. Pumili ng isa sa mga aktibidad na ito sa pagtuturo, at basahing mabuti ang mga tagubilin sa aktibidad at ang mga tanong na may kaugnayan sa pagsasabuhay.

  3. Isipin kung ano kaya ang maaaring maging epekto ng aktibidad na ito sa pagtuturo o ng mga tanong sa karanasan ng mga estudyante.

  4. Ulitin ang kasanayang ito sa pamamagitan ng pagpili ng ibang lesson sa materyal ng titser at pagtukoy ng mga aktibidad sa pagtuturo na makatutulong na mabigyang-diin ang pagsasabuhay.

Ang pagiging pamilyar sa mga talakayang naghihikayat ng pagsasabuhay at pagiging mahusay sa paggamit nito ay tutulong sa iyo na magtuon sa mga estudyante at makatutulong sa kanila na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Icon: Incorporate

ISAMA

Sa iyong pagsisikap na hikayatin ang mga estudyante at bigyang-diin ang pagsasabuhay, pag-isipan ang mga sumusunod na tanong.

  • Paano mo isasama sa iyong pagtuturo ang natutuhan mo sa mga kasanayang ito?

  • Ano ang maaari mong gawin para patuloy mong mapraktis ang kasanayang ito upang maging mas mahusay kang titser?

Icon: Discuss

TALAKAYIN

Isulat ang natutuhan mo mula sa karanasang ito.

BUOD

Salamat muli sa pagtanggap mo sa pagkakataong tulungan ang iyong mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.

Alalahanin:

  • Gagabayan ka ng Panginoon habang sinisikap mong tulungan ang iyong mga estudyante na lumapit kay Cristo at maging higit na katulad Niya.

  • Matutulungan ka ng iyong coordinator o institute director sa anumang tanong o alalahanin mo.

  • Ang mga kasanayang tinukoy, ipinakita, at pinraktis sa training na ito ay makatutulong sa iyo na maging mas mahusay sa paggamit ng kurikulum upang mapagpala ang iyong mga estudyante. Ang mga kasanayang ito ay makatutulong sa iyo na makapagbigay ng nakapagpapatatag at nakapagpapabalik-loob na karanasan sa mga estudyante habang sinisikap mo na tulungan silang maghanda, makibahagi, at kumilos upang maging katulad sila ng Tagapagligtas na si Jesucristo.

Act - Engage - Prepare Graphic