Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Ipakilala ang mga Kaibigan sa mga Missionary


Ipakilala ang mga Kaibigan sa mga Missionary

Mag-Refer ng Kaibigan

Ang pag-anyaya sa mga kaibigan na makipagkita sa mga missionary ay isang mabisang paraan para maibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo. Lubos na kilala at mahal ng Ama sa Langit ang iyong mga kaibigan at tutulungan ka Niya na malaman kung kailan at paano mo sila aanyayahan na makipagkita sa mga missionary.

Bago mo ipakilala ang iyong mga kaibigan sa mga missionary, tiyakin na kumportable silang gawin ito at tulungan silang malaman kung ano ang dapat nilang asahan.

Ano ang Dapat Asahan Kapag Nakipagkita sa mga Missionary

Kapag nai-refer mo na ang iyong mga kaibigan sa mga missionary, makipag-ugnayan sa mga missionary at tulungan silang maunawaan ang mga pangangailangan, interes, at tanong ng iyong mga kaibigan. Lumahok sa mga talakayan tungkol sa ebanghelyo at sa mga lesson ng missionary kasama ang iyong mga kaibigan at mga missionary nang personal o online. Ang pakikilahok mo ay may positibong epekto sa karanasan sa pag-aaral ng iyong mga kaibigan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

Print