Library
Mga Alituntunin ng Epektibong Paghahanda ng Lesson


Paghahanda ng Lesson

Mga Alituntunin ng Epektibong Paghahanda ng Lesson

Sources para sa Paghahanda ng Lesson

Mga Banal na Kasulatan

mga banal na kasulatan

Ang lahat ng apat na kurso sa seminary at karamihan sa mga aprubadong kurso ng institute ay binubuo ng pag-aaral ng mga pamantayang aklat [mga banal na kasulatan]. Ang pangunahing pinagkukunan para malaman ang ituturo sa mga kursong ito ay ang mga banal na kasulatan mismo. Sa isang mensahe sa mga titser ng seminary at institute, itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson, “Laging tandaan, walang nakasisiyang hahalili sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta. Dapat ito ang inyong orihinal na sources” (“The Gospel Teacher and His Message” [mensahe sa CES religious educators, Set. 17, 1976], 3).

Ang iilang kurso ng institute ay nakatuon sa mga paksa ng ebanghelyo sa halip na sa pag-aaral ng mga pamantayang aklat. Dapat isaalang-alang ng mga titser ng mga kursong ito ang materyal na iminungkahi sa kurikulum ng institute (pati na rin ang mga banal na kasulatan) bilang kanilang pangunahing batayan sa paghahanda. Dapat palaging humanap ang mga titser ng mga pagkakataong gamitin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta upang maipaliwanag at mailarawan ang mga doktrina at mga alituntuning itinuro sa mga kursong ito.

Kurikulum ng seminary at institute

1:52

Ang mga materyal sa kurikulum ng seminary at institute ay inilaan bilang mga pangunahing sanggunian na tutulong sa mga titser na maghanda at magturo ng mga lesson sa epektibong paraan. Ang kurikulum ay nagbibigay ng komentaryo at impormasyon tungkol sa mga banal na kasulatan at sa mga konteksto nito, mga paliwanag sa mahihirap na salita at mga parirala, mga komento ng General Authority tungkol sa mga doktrina at mga alituntuning itinuro sa mga banal na kasulatan, at mga mungkahi kung anong mga nilalaman, doktrina, at alituntunin ang ituturo. Nagmumungkahi rin ito ng mga ideya kung paano magtuturo. Kapag ginagamit ng mga titser ang kurikulum kasama ng kanilang pag-aaral ng scripture block, sila ay maaaring bigyang-inspirasyon ng Espiritu Santo habang iniaangkop nila ang lesson para sa mga pangangailangan ng kanilang mga estudyante.

Nagbigay si Pangulong Henry B. Eyring ng paliwanag hinggil sa paghahanda at paggamit ng kurikulum: “Ang mga tinawag ng propeta upang tiyakin ang katumpakan ng doktrinang itinuro sa Simbahan ay nirerebyu ang bawat salita, bawat larawan, bawat diagram sa kurikulum na iyon na natatanggap ninyo. Makikita nating epektibo ang kurikulum kapag nagtiwala tayo na ito ay binigyang-inspirasyon ng Diyos. …

Ang patuloy na pagtuturo ayon sa nilalaman ng kurikulum gayon din sa pagkakasunod-sunod nito ay magpapahusay, sa halip na makahadlang, sa ating mga natatanging kaloob sa pagtuturo” (“The Lord Will Multiply the Harvest” [evening with a General Authority, Peb. 6, 1998], 4–5).

Mga karagdagang resources

Maaaring gamitin ng mga titser ang mga karagdagang resources tulad ng mga magasin ng Simbahan, lalo na ang mga turo mula sa pangkalahatang kumperensya, habang sila ay nag-aambag para mas malinaw na maunawaan ang scripture block. Ang iba pang mga resources ay hindi dapat gamitin upang magbigay ng haka-haka, magpamangha, o magturo ng mga ideya na malinaw na hindi inihayag ng Simbahan. Kahit na may napatunayan o nalathala noon, maaaring hindi pa rin ito angkop gamitin sa loob ng klase. Ang mga lesson ay dapat magpatibay sa pananampalataya at patotoo ng mga estudyante.

2:32

Magpasiya Kung Ano ang Ituturo at Paano Ito Ituturo

Kapag naghahanda ng lesson, ang bawat titser ay dapat magpasiya: “Ano ang ituturo ko?” at “Paano ko ito ituturo?” Ang Ano ang ituturo ay binubuo ng konteksto (kabilang ang pinagmulan, kultura, at pinangyarihan), nilalaman (tulad ng kuwento, mga tao, pangyayari, sermon, at inspiradong paliwanag), at mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo na nakapaloob sa scripture block. Ang paano magtuturo ay binubuo ng mga pamamaraan, at aktibidad na ginagamit ng titser para matulungan ang mga estudyante na matuto (tulad ng talakayan sa klase, mga audiovisual resources, mga aktibidad sa pagsulat, at gawain sa maliliit na grupo). Ang pagpapasiya kung ano ang ituturo ay kailangang unang gawin bago ang kung paano magtuturo upang manatili ang pangunahing pokus sa mga banal na kasulatan, sa halip na sa mga pamamaraan o estilo.

Sa paghahanda ng lesson, kinakailangang maglaan ang mga titser ng sapat na oras at pagsisikap sa pagpapasiya sa kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo. Kung iuukol ang halos lahat ng pansin sa ano ang ituturo sa paghahanda ng lesson, ang titser ay hindi magkakaroon ng sapat na panahon na isaalang-alang kung paano tutulungan ang mga estudyante na makilahok sa pag-aaral. Madalas na hahantong ito sa mga lesson na nakababagot o nakaiinip at nakasentro lang sa titser. Kapag masyadong nakatuon ang titser sa kung paano magtuturo, ang mga lesson ay maaaring maging magulo, kulang sa layunin at bisa.

Magpasiya Kung Ano ang Ituturo

May apat na pangunahing yugtong dinaraanan ang mga titser sa kanilang paghahanda kung ano ang ituturo nila: Una, sinisikap nilang unawain ang konteksto at nilalaman ng scripture block. Pangalawa, inaalam at inuunawa nila ang mga doktrina at mga alituntuning matatagpuan sa scripture block. Pangatlo, nagpapasiya sila kung aling mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng kanilang mga estudyante. At pang-apat, nagpapasiya sila kung anong antas ng pagbibigay-diin ang ibibigay sa bawat segment ng scripture block.

1. Unawain ang konteksto at nilalaman ng scripture block na itinuturo.

Dapat magsikap ang mga titser na maunawaan ang konteksto, o pinagmulang impormasyon, ng scripture block at ituon ang sarili sa scripture block na iyon hanggang sa maging pamilyar sa nilalaman nito. Ang ibig sabihin ng ituon ang sarili sa mga banal na kasulatan ay basahin, pag-aralan, pagnilayan, at manalangin para sa inspirasyon at maunawaan ang kanyang binabasa.

Ang isa sa mga bagay na makatutulong nang husto sa titser para maunawaan ang nilalaman ng banal na kasulatan ay bigyang-pansin kung saan may natural break o kung saan nahinto ang scripture block na kakikitaan ng pagbabago ng paksa o pangyayari. Gamit ang kurikulum at sarili nilang mga ideya, maaaring hatiin ng mga titser ang scripture block sa mas maliliit na segment o grupo ng mga talata batay sa mga natural break na ito. Ang mas maliliit na segment na ito ay magiging mahahalagang building blocks o bahagi na gagamitin ng mga titser kalaunan sa kanilang paghahanda upang ayusin ang daloy ng kanilang lesson at mabigyan nila ng kahit kaunting pansin ang buong nilalaman ng isang scripture block.

Habang binabalangkas ang scripture block sa ganitong paraan, ang mga titser ay dapat ding magsikap na palawakin ang kanilang pagkaunawa tungkol sa mga tao, lugar, pangyayari, at pahayag na may sanhi at bunga na tila mahalaga, pati na rin ang mga kahulugan ng mahihirap na salita o parirala. Ang pagtatamo ng sapat na kaunawaan tungkol sa mga nilalaman ay madalas na nangangailangan ng pagbabasa ng scripture block nang mahigit sa isang beses.

2. Tukuyin at unawain ang mga doktrina at mga alituntunin.

Kasama ang pag-unawa sa konteksto at nilalaman, dapat maingat na tukuyin at unawain ng mga titser ang mga doktrina at mga alituntunin sa scripture block at repasuhin ang mga iminumungkahi sa kurikulum. Maliban na lamang kung nagawa na sa kurikulum, ang titser ay dapat magsikap na isulat ang mga doktrina at mga alituntunin sa maikli at malinaw na mga pahayag. Ang paggawa nito ay tumutulong para maging malinaw ang mga alituntunin at kahulugan nito sa isipan ng titser. Makatutulong din ito para gabayan ang mga aktibidad sa oras ng klase at mapalawak ang pag-unawa at higit na makatuon sa pagsasabuhay ng mga estudyante.

3. Magpasiya kung aling mga alituntunin at mga doktrina ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng mga estudyante.

Sa karaniwang scripture block, madalas na mas maraming materyal kaysa kayang makabuluhang talakayin nang minsanan sa oras ng klase. Kapag pinag-aralan ng mga titser ang mga banal na kasulatan at ang kurikulum, kailangan nilang magpasiya kung aling mga doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalaga para sa kanilang mga estudyante na maunawaan at maipamuhay. Sa paggawa ng mga desisyong ito, dapat isaalang-alang ng mga titser ang sumusunod.

Mga Pahiwatig ng Espiritu Santo. Sa pagpapasiya kung ano ang mga alituntunin at mga doktrina ang bibigyang-diin sa lesson, ang mga titser ay dapat patuloy na humingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo.

Pinaiikli ni Mormon ang mga tala sa mga lamina

Ang layunin ng inspiradong awtor. Dapat alamin ng mga titser ang nais iparating ng manunulat. Sinabi ni Pangulong Ezra Taft Benson: “Kung nakita nila [ng mga manunulat] ang ating panahon, at pinili ang mga bagay na magiging makabuluhan sa atin, hindi ba iyon ang dapat na paraan ng pag-aaral natin ng Aklat ni Mormon? Dapat nating palaging itanong sa ating sarili, ‘Bakit binigyang-inspirasyon ng Panginoon si Mormon (o si Moroni o si Alma) na isama iyon sa kanyang talaan? Anong aral ang matututuhan ko mula roon na tutulong sa akin na mamuhay sa panahong ito?’” (“The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 6). Dapat isaalang-alang ng mga titser ang mga katulad na tanong sa kanilang paghahanda ng lesson para sa anumang kurso ng banal na kasulatan na itinuturo nila.

Dapat ding isaisip ng mga titser na ang pinakalayunin sa tuwina ng mga propeta sa mga banal na kasulatan ay patotohanan si Jesucristo. Tulad ng sinabi ni Nephi, “Ang kaganapan ng aking hangarin ay mahikayat ang mga tao na lumapit sa Diyos ni Abraham, at sa Diyos ni Isaac, at sa Diyos ni Jacob, at maligtas” (1 Nephi 6:4). Kaya nga, dapat tanungin ng isang titser, “Ano ang itinuturo ng scripture block na ito tungkol kay Jesucristo na makatutulong sa mga estudyante ko na maunawaan at umasa sa Kanyang mga turo at Pagbabayad-sala?”

Habang sinisikap ng mga titser na matukoy ang layunin ng inspiradong manunulat, dapat silang maging maingat na huwag lumampas sa nilalaman ng teksto. Nagbabala si Pangulong Henry B. Eyring, “Hindi ako dapat magkunwari na alam ko ang lahat ng ibig sabihin ng mga manunulat, o ang hindi nila ibig sabihin” (“‘And Thus We See:’ Helping a Student in a Moment of Doubt” [evening with a General Authority, Peb. 5, 1993], 6).

Mga alituntuning nakapagpapabago at mga paksa ng doktrina. Kapag nagpapasiya kung ano ang ituturo, dapat isaalang-alang ng titser na, “Sa lahat ng katotohanang maaaring bigyang-diin sa scripture block na ito, alin ang makatutulong sa mga estudyante ko na mas mapalapit sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas at aakay sa kaligtasan?” Ipinayo ni Pangulong Henry B. Eyring “Habang naghahanda kayo ng lesson, hanapin ang mga alituntuning nakapagpapabago. … Ang alituntuning nakapagpapabago ay ang yaong humahantong sa pagsunod sa kagustuhan ng Diyos” (sa L. Tom Perry, “Converting Principles” [evening with a General Authority, Peb. 2, 1996], 1).

Ang mga pangangailangan at kakayahan ng mga estudyante. Kapag mas kilala at naiintindihan ng titser ang kanyang mga estudyante, mas madaling matutukoy at mabibigyang-diin ang mga kaugnay na alituntunin na madaling maisasabuhay. Habang pinag-aaralan ng mga titser ang isang scripture block, maaari silang makakita ng mga ideya o konsepto na personal na kapana-panabik o may partikular na personal na kahalagahan, ngunit maaaring higit pa ito sa espirituwal na kahandaan at pang-unawa ng mga estudyante (tingnan, halimbawa, sa karne at gatas na payo ni Pablo sa 1 Corinto 3:2). Ang ilang alituntunin na hindi bago o kawili-wili sa mga titser ay maaaring napakahalaga sa mga estudyante. Kailangang tandaan ng mga titser na nagtuturo sila sa mga estudyante, hindi lamang ng mga lesson. Lumilikha sila ng karanasan sa pag-aaral at hindi lamang simpleng nagpaplano ng lesson. Ang kurikulum ay sadyang nakatutulong sa mga titser kapag nagpapasiya sila kung aling mga alituntunin at mga doktrina ang maaaring pinakanauugnay sa mga estudyante.

Itinuro ni Elder Richard G. Scott: “Magpasiya, ayon sa sariling kakayahan at pangangailangan ng inyong mga estudyante, kung ano ang dapat ipriyoridad. Kung ang isang mahalagang alituntunin ay naunawaan, naipapaunawa, at ginawang bahagi ng mga gabay na aklat ng mga estudyante para sa buhay, ang pinakamahalagang layunin ay naisakatuparan na” (“To Understand and Live Truth” [evening with a General Authority, Peb. 4, 2005], 2–3).

Habang nagpapasiya kung ano ang mga katotohanang bibigyang-diin, maaari ding pagplanuhan ng titser na sandaling ipaliwanag ang isang alituntunin o doktrina na hindi nila binabalak pagtuunan habang tinatalakay ang scripture block. Makapagbibigay ito sa Espiritu Santo ng pagkakataon na maiakma ang isang alituntunin na, bagama’t hindi ito ang pangunahing pinagtutuunan sa isang lesson, ay maaaring mahalaga para sa isang estudyante. Dapat ding isaisip ng mga titser na maaaring may matuklasan ang mga estudyante at naising pag-usapan ang ilang katotohanan ng ebanghelyo na hindi napansin o pinagplanuhang talakayin ng titser.

Sa lahat ng pagsaalang-alang na ito, ang mga titser ay dapat humingi ng pagpapatibay mula sa Espiritu. Tutulungan sila ng Espiritu na mas maunawaan ang layunin ng inspiradong may-akda ng banal na kasulatan, ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at kung anong mga katotohanan ng ebanghelyo ang makatutulong sa mga estudyante para mapalapit sa kanilang Ama sa Langit at sa Tagapagligtas.

4. Magpasiya kung gaano bibigyang-diin ang bawat segment ng scripture block.

Dahil naunawaan na ang konteksto at nilalaman ng scripture block, at hinati na ito sa mas maliliit na magkakaugnay na segment, at natukoy ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo para matutuhan at isabuhay ng mga estudyante, ang mga titser ay handa na ngayong magpasiya kung gaano bibigyang-diin ang bawat segment ng scripture block. Kadalasan, ang mga segment na naglalaman ng mga doktrina at mga alituntunin na nais bigyang-diin ng isang titser sa lesson ang pagtutuunan nang husto. Nangangahulugan ito na para sa mga grupong ito ng mga talata, gagabayan ng mga titser ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto at nilalaman nito, matukoy at maunawaan ang mahahalagang doktrina at alituntuning matatagpuan dito, madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina o alituntunin iyon sa kanilang mga puso, at matulungan silang makita kung paano nila maipamumuhay ang mga katotohanang iyon.

Ang iba pang mga segment ng scripture block ay maaaring hindi gaanong nakatuon sa mga katotohanang binigyang-diin sa lesson, ngunit ang mga ito ay hindi dapat nilalaktawan o hindi pinapansin. Dapat magplano ang mga titser na ibuod man lamang ang mga grupong ito ng mga talata.

Tandaan: Bihirang magkaroon ng paghahanda na hindi limitado ang oras. Ang isang karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga titser ay ang gumugol ng napakaraming oras sa pagbabasa at pag-aaral at pagpapasiya kung ano ang ituturo kung kaya’t hindi na sapat ang oras upang paghandaan nang mabuti kung paano ituturo ito. Dumarating sa punto ng paghahanda ng bawat lesson na dapat masabi ng isang titser, “Palagay ko ay sapat ko nang nauunawaan kung ano ang ituturo. Ngayon kailangan kong magpasiya kung paano ko ituturo ito nang epektibo.”

Magpasiya Kung Paano Magtuturo

Karaniwan sa mga titser na masabik sa scripture block na ituturo nila at sa mga katotohanang natuklasan nila. Sa pamamagitan ng masigasig na pagsisikap na pag-aralan, unawain, at maturuan ng Espiritu, ang mga titser ay sumisigla at natural na nagkakaroon ng hangaring maipabatid ang natutuhan nila sa kanilang paghahanda. Bagama’t maaaring angkop ito, dapat tandaan na ang layunin ng anumang lesson ay maunawaan ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, maturuan ng Espiritu Santo, at mahikayat na ipamuhay ang natutuhan nila. Halos palaging nangangailangan ito nang higit pa sa pagsasabi ng mga titser sa mga estudyante kung ano ang mismong natutuhan nila mula sa mga banal na kasulatan at kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ito. Nangangailangan din ito nang higit pa sa pagbabasa ng isang titser ng isang talata, pagbibigay ng komento tungkol dito, at pagkatapos ay pagbabasa ng isa pang talata.

Sumisigla ang mga estudyante kapag inaakay sila sa proseso ng pag-aaral na katulad ng naranasan ng titser sa paghahanda ng lesson. Nararapat na ipasaliksik sa mga estudyante ang mga banal na kasulatan para maunawaan ang mga ito at matuklasan ang mga katotohanan ng ebanghelyo para sa kanilang mga sarili. Nararapat silang bigyan ng mga pagkakataong ipaliwanag ang ebanghelyo sa kanilang sariling mga salita at ibahagi at patotohanan ang nalalaman at nadarama nila. Tumutulong ito na madala ang ebanghelyo sa kanilang puso mula sa kanilang isipan.

1:44

Kapag palaging nararanasan ng mga estudyante ang ganitong paraan sa pag-aaral ng ebanghelyo, nagkakaroon sila ng tiwala sa kanilang kakayahan na pag-aralan ang mga banal na kasulatan para sa kanilang sarili at matuto sa pamamagitan ng Espiritu. Nakadarama sila ng hangaring ipamuhay ang kanilang natututuhan. Mas handa rin silang ipaliwanag sa iba ang kanilang paniniwala at patotohanan ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.

Ang mga titser ay dapat magplano ng mga paraan na makatutulong sa mga estudyante na maranasan ang prosesong ito ng pag-aaral habang natututuhan nila nang magkakasama ang mga banal na kasulatan sa kanilang klase. Habang ginagawa ng mga titser ang kanilang lesson plan, ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong ay nagbibigay ng batayan sa pagpapasiya kung paano magtuturo:

  1. Anong mga pamamaraan o aktibidad sa pag-aaral ang tutulong sa mga estudyante ko para maunawaan ang konteksto at nilalaman na kailangan nilang malaman?

  2. Anong mga pamamaraan ang makatutulong sa mga estudyante para matukoy at mailahad nila ang mga pangunahing doktrina at alituntunin at mabigyan sila ng pagkakataong matuklasan ang iba pa?

  3. Ano ang pinakamahusay na paraan upang matulungan ang mga estudyante ko na maunawaan ang mga alituntunin at mga doktrinang ito?

  4. Anong mga pamamaraan o estilo ang aakay sa mga estudyante ko para madama nila ang katotohanan at kahalagahan ng mga alituntuning ito at maanyayahan sila na magbahagi at magpatotoo tungkol sa mga ito?

  5. Ano ang magiging epektibong paraan upang tulungan sila na makita kung paano nila maipamumuhay ang mga alituntuning ito at mahikayat sila na gawin ito?

Narito ang ilang isasaalang-alang sa pagdedesisyon kung paano magtuturo.

Tiyakin na ang mga pamamaraan sa pagtuturo ay ayon sa mensahe na itinuturo at kaaya-aya para sa impluwensya ng Espiritu. Kung minsan, sa pagtatangkang libangin ang mga estudyante o panatilihin ang kanilang interes, ang mga titser ay pumipili ng mga pamamaraan o gumagamit ng mga estilo na hindi humahantong sa pagkaunawa at pagiging matatag. Kapag pumipili ng mga pamamaraan, dapat isaalang-alang ng mga titser kung ang pamamaraan ay nakabubuti o nagpapawalang-halaga sa mensahe na nilayon upang tulungan ang mga estudyante na isapuso ito. Halimbawa, ang isang larong pang-edukasyon ay maaaring isang masaya at epektibong paraan ng pagtuturo ng impormasyon (tulad ng pagkakasunud-sunod ng mga aklat sa Biblia), ngunit halos tiyak na hindi ito makatutulong kung ang pinakalayunin ay mag-anyaya ng espirituwal na damdamin. Ang paggawa sa maliliit na grupo ay maaaring epektibo, ngunit dahil kailangan ng mahabang oras para rito, maaaring hindi ito ang pinakamahusay na paraan sa pagtukoy ng mga simpleng alituntuning inihayag.

Dapat tiyakin ng titser na ang mga pamamaraan sa pagtuturo at mga aktibidad ay angkop para sa isang lugar ng pag-aaral ng ebanghelyo, hindi makasasakit ng sinuman, at kaaya-aya para sa impluwensya ng Espiritu.

Gamitin ang kurikulum. Ang kurikulum ng seminary at institute ay nagbibigay ng mga mungkahi kung paano magtuturo na ginagamit ang mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo. Habang inihahanda ng mga titser ang bawat lesson, dapat nilang maingat na repasuhin ang kurikulum at piliin kung aling impormasyon at mga pamamaraan ang kanilang gagamitin sa pagtuturo ng scripture block. Maaaring piliin ng mga titser na gamitin ang lahat o ilang bahagi ng mga mungkahi sa kurikulum para sa isang scripture block o kaya ay iakma ang mga iminungkahing ideya sa mga pangangailangan at kalagayan ng kanilang klase.

1:14

Magtakda ng mga kaugnayan at layunin. Kapag nakikita ng mga estudyante ang kaugnayan ng pinag-aaralan nila sa scripture block sa sarili nilang mga sitwasyon at kalagayan, kadalasang mas nahihikayat sila na mag-aral at ipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo. Nakikita rin nila kung paano nakapagbibigay ang mga banal na kasulatan ng mga kasagutan at tagubilin na makakagabay sa kanila sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Samakatwid, kapag naghahanda kung paano magtuturo, makatutulong na pagnilayan ng mga titser ang mga walang-hanggang katotohanan na nakapaloob sa scripture block at isipin kung paano magiging kapaki-pakinabang at makabuluhan ang mga ito sa buhay ng mga estudyante. Nasasaisip ito, madalas na sisimulan ng mga titser ang lesson sa isang nauugnay na tanong, sitwasyon, o problema na magbibigay-daan sa mga estudyante na saliksikin ang mga banal na kasulatan para sa mga alituntunin at mga doktrina na magbibigay sa kanila ng patnubay at gabay. Habang naghahanda ng mga lesson ang mga titser, sila ay dapat ding magplano ng mga paraan upang mapanatili ang interes at patuloy na makibahagi ang mga estudyante sa proseso ng pagkatuto.

babaeng nag-aaral

Pagpasiyahan ang pacing ng lesson. Dapat masigasig na pagsikapan ng mga titser na matalakay ang buong scripture block. Gayunman, sa pagpapasiya kung gaano karaming oras ang ilalaan sa iba’t ibang bahagi ng lesson, mahalaga para sa mga titser na tandaan na nagtuturo sila ng mga estudyante, at hindi ng mga lesson. Ang mga titser ay hindi dapat masyadong nakatuon sa istriktong pagsunod sa lesson plan na hindi na nila nabibigyang-daan ang posibilidad na makatanggap ng inspirasyon o hindi planadong partisipasyon ng estudyante sa oras ng klase kung saan kakailanganing baguhin nang kaunti ang lesson.

2:12

Isa sa mga pinaka-karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga titser ay magtagal sa unang bahagi ng lesson at pagkatapos ay mamadaliin ang huling bahagi. Habang naghahanda ang mga titser, kailangan nilang tantiyahin kung ilang oras ang kailangan upang matalakay ang bawat segment ng lesson gamit ang mga pamamaraang napili nila. Dahil palaging mas maraming kailangang ituro ang titser kaysa sa oras para ituro ang mga ito, kailangan nilang magpasiya kung aling mga bahagi ng scripture block ang bibigyang-diin at kung alin ang ibubuod.

Ang pangangailangang magpasiya sa pacing ng lesson ay kinakailangang gawin sa kabuuan ng kurso at sa bawat lesson. Halimbawa, sa kurso ng Bagong Tipan, kung mag-uukol ng maraming oras ang mga titser sa apat na Ebanghelyo, hindi nila matalakay nang sapat ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo na nasa mga huling aklat.

Karamihan sa mga kurikulum ng seminary at institute ay nagmumungkahi ng pacing ng lesson at iskedyul upang maituro ang buong kurso.

Pagtuunan ang pagtulong sa mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad. Habang naghahanda ang mga titser kung paano sila magtuturo, dapat silang manatiling nakatuon sa mag-aaral at hindi lamang sa kung ano ang gagawin ng titser. Sa halip na itanong lamang ang “Ano ang gagawin ko sa klase ngayon?” o “Ano ang ituturo ko sa aking mga estudyante?” dapat ding iniisip ng titser sa paghahanda ng lesson ang tanong na “Ano ang gagawin ng mga estudyante ko sa klase ngayon?” o “Paano ko tutulungan ang aking mga estudyante na matuklasan kung ano ang kailangan nilang malaman?”

Gumamit ng iba’t ibang pamamaraan at istilo. Maging ang nakahihikayat na paraan ng pagtuturo ay maaaring hindi maging epektibo o nakaiinip kung napakadalas gamitin. Bagama’t ang mga titser ay hindi dapat pumili ng mga pamamaraan para lamang magkaroon ng pagkakaiba-iba, maraming mahuhusay na titser ang nag-iiba-iba ng mga paraan sa pagtuturo nila sa bawat lesson at sa araw-araw din. Dapat ding maging handa ang mga titser na baguhin ang mga pamamaraan sa oras ng klase kapag nawalan ng interes ang mga estudyante o kung ang ginagawa nila ay tila hindi nakatutulong sa mga estudyante na makamit ang resultang inaasam.

Ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo ay makatutulong din sa mga estudyante na natututo sa magkakaibang paraan. Ang mga pamamaraan sa pagtuturo o mga aktibidad sa pag-aaral na nangangailangan gamitan ng mga estudyante ng iba’t ibang pandama, gaya ng paningin, pandinig, at pagdama ay maaaring makatulong na mapagbuti ang partisipasyon ng mga estudyante at kanilang matandaan ang itinuro.

Bagama’t ang mga titser ang karaniwang dapat pumili ng pamamaraan kung saan sila komportable at mahusay, dapat din silang maging handa na sumubok ng mga bagong pamamaraan o estilo na makatutulong sa kanila na maging mas mahusay.

Ang susunod na bahagi ng hanbuk na ito ay tumatalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo na mapag-iisipan ng mga titser kapag nagpapasiya kung paano magtuturo.

Ang kurikulum ng Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ay isang pangunahing resource sa pagtulong sa iyo na humusay bilang titser at nagbibigay ng mabubuting karanasan sa pagkatuto sa iyong mga estudyante. Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

“Ang mga tinawag ng propeta upang tiyakin ang katumpakan ng doktrinang itinuro sa Simbahan ay nirerebyu ang bawat salita, bawat larawan, bawat diagram sa kurikulum na iyon na natatanggap ninyo. Makikita nating epektibo ang kurikulum kapag nagtiwala tayo na ito ay binigyang-inspirasyon ng Diyos. …

Ang patuloy na pagtuturo ayon sa nilalaman ng kurikulum gayon din sa pagkakasunod-sunod nito ay magpapahusay, sa halip na makahadlang, sa ating mga natatanging kaloob sa pagtuturo” (“The Lord Will Multiply the Harvest” [evening with a General Authority, Peb. 6, 1998]).

Sinisikap ng kurikulum na iayon ang mga pamamaraan at aktibidad sa pag-aaral sa tagubilin na natanggap mula sa Church Board of Education at S&I administration. Ang paggamit ng kurikulum at paghahangad na angkop na gamitin at iakma ito ay tutulong sa iyo na mailakip ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Sa palagiang paggamit ng kurikulum, magiging mas nakatuon ka sa mag-aaral at makikita kung paano isentro ang bawat karanasan sa pagkatuto sa Tagapagligtas.

Pinagsisikapan din ng kurikulum na tulungan kang ituro nang mas epektibo ang mga banal na kasulatan. Kabilang dito ang pagtulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang konteksto at nilalaman upang matukoy nila ang mga katotohanan ng ebanghelyo, makita ang kaugnayan ng mga ito, at maipamuhay nila ang mga ito. Ang paggawa nito ay susuporta at hihikayat sa mga estudyante sa kanilang pagsisikap na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.