Tungkol sa mga Magasin ng Simbahan
Liahona
Alamin ang tungkol sa Liahona


Liahona,” Ene. 2021.

Liahona

Itinuturo Tayong Lahat kay Jesucristo

Larawan
lalaking nagbabasa ng magasin

Sa Aklat ni Mormon, mababasa natin na inihanda ng Panginoon ang Liahona para tulungan si Lehi at ang kanyang pamilya na makapagpatuloy sa kanilang paglalakbay. Ito ay “aguhon … na nagturo sa kanila sa tuwid na daan patungo sa lupang pangako” (Alma 37:44). Sa ilalim ng pamamahala ng mga buhay na propeta, ang magasin na Liahona sa ating panahon ay gabay na kasama natin sa ating paglalakbay at itinuturo nito ang daan patungo kay Jesucristo, maging sa gitna ng unos.

Ang Bagong Liahona

Ang magasin na Liahona para sa mga adult ay nagtatampok sa mga turo at ministeryo ng mga lider ng Simbahan, nagbabahagi ng mga nagbibigay-inspirasyong artikulo na nagpapakita kung paano ipamumuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo, sumusuporta sa pag-aaral ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan, at nagbibigay ng mga ideya tungkol sa mga paksa na nasa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Gabay mula sa mga Buhay na Propeta

Bawat isyu ay nagtatampok ng isang bago at orihinal na artikulo na inihanda ng isang miyembro ng Unang Panguluhan o ng Korum ng Labindalawang Apostol. Basahin ang itinuturo ng mga propeta at mga apostol ngayon.

Mahahalagang Mambabasa

Ang Liahona ay naglalaan ng nagbibigay-inspirasyong materyal ng ebanghelyo para sa lahat ng adult na miyembro, kabilang na ang mga content para sa mga single adult, young adult, bagong miyembro, matatag na miyembro, at mga magulang. Para sa mga young adult, inilathala rin sa Liahona ang ilan sa mga artikulo na matatagpuan sa Lingguhang YA, isang digital na magasin para sa mga young adult.

Pandaigdigan

Sinisikap ng Liahona na pagpalain ang mga miyembro sa buong mundo. Ang magasin ay inilalathala sa 23 wika kada buwan sa mga digital at nakalimbag na format at sa karagdagang 25 na mga wika kada dalawang buwan sa mga digital at nakalimbag na format. Ang mga piniling mahahalagang mensahe ay makukuha sa digital format na ipinamamahagi sa lokal na antas sa karagdagang 39 na mga wika. Dahil dito ang Liahona ay makukuha ng mga miyembro sa 87 wika kada buwan.

Mas Maraming Artikulo sa Digital Format

Alam mo ba na ang Liahona ay naglalathala ng mas maraming content o nilalaman kaysa sa makikita mo sa nakalimbag na magasin? Ang mga digital extra na ito ay matatagpuan sa liahona.ChurchofJesusChrist.org o sa Liahona sa Gospel Library app.

Mga Artikulo para sa Partikular na mga Area

Ang buong Liahona ay isinasalin sa 48 wika. Halos bawat isyu ay kinabibilangan ng mga content o nilalaman na gawa ng mga lokal na komite ng mga empleyado o tinawag na mga boluntaryo. Kabilang sa mga lokal na content o nilalaman na ito ang mga mensahe mula sa mga miyembro ng Area Presidency, mga artikulo tungkol sa mga lokal na kaganapan, mga kuwento at patotoo mula sa mga lokal na miyembro, at iba pa. Para sa karamihan ng mga area, ang mga content o nilalaman na ito ay makukuha sa digital version ng Liahona bawat buwan sa Gospel Library.

Ipadala sa Amin ang Iyong Kuwento

Nais ng Liahona na makarinig mula sa iyo. Maaari mong bigyang-inspirasyon ang mga miyembro sa buong mundo habang ibinabahagi mo ang iyong mga karanasan sa pamumuhay ng ebanghelyo. Isumite ang iyong mga artikulo, ideya, at feedback sa Liahona online.

Mag-subscribe Ngayon

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-subscribe sa Liahona, bisitahin ang online store at piliin ang gustong wika. Ang mga lokal na pahina para sa partikular na mga area ay awtomatikong isasama batay sa iyong lokasyon.

Paalala: Maaaring abutin nang tatlong buwan bago magsimula ang suskrisyon.

Print