Ang Aking Calling Bilang Priests Quorum Secretary
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Aaronic Priesthood
Tinutulungan ng mga Aaronic Priesthood quorum ang mga kabataang lalaki na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.1, Gospel Library.)
Quorum ng mga Priest
Nagiging bahagi ng priests quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 16 na taong gulang sila. Kung sila ay handa at karapat-dapat, maaari rin silang maordenan bilang mga priest. Ang mga priest ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon at teacher. Maaari ring pangasiwaan ng mga priest ang sakramento, magsagawa ng mga binyag (kabilang na ang mga binyag sa templo), at mag-orden ng iba pang mga priest, teacher, o deacon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:46–52, 73–79; Pangkalahatang Handbook, 10.1.3.3).
Secretary
Kapag may tinatawag na mga quorum secretary, sila ang naghahanda ng mga agenda o tala ng mga pag-uusapan para sa mga pulong at nagsusulat ng mga pinag-uusapan. Tinutulungan din nila ang ward clerk o ang quorum adviser na subaybayan ang attendance. (Tingnan sa 10.4.2.)
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang bishop at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ito ay dapat makatulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Dapat maging balanse ang mga ito sa apat na aspekto ng personal na pag-unlad: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal. (Tingnan sa 10.2.1.3.)
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang karagdagang mga patnubay at patakaran, kabilang na ang pagsuporta sa mga kabataang lalaki na may kapansanan, pagtanggap ng mga sagisag ng mga Bata at Kabataan, at pagkolekta ng mga handog-ayuno, ay matatagpuan sa bahagi 10.8 ng Pangkalahatang Hanbuk.