Mga Aaronic Priesthood Quorum
Mga Responsibilidad


grupo ng mga kabataang lalaki

Ang Aking Calling Bilang Teachers Quorum President

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Aaronic Priesthood

Tinutulungan ng mga Aaronic Priesthood quorum ang mga kabataang lalaki na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.1, Gospel Library.)

Teachers Quorum

Nagiging bahagi ng teachers quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging teacher kung sila ay handa at karapat-dapat. Ang mga teacher ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon. Naghahanda rin sila ng sakramento at naglilingkod bilang mga ministering brother. Ang iba pang mga tungkulin ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:53–59; 84:111. (Tingnan sa 10.1.3.2.)

President

Kabilang sa mga responsibilidad ng teachers quorum president ang pamumuno sa mga pagsisikap ng korum sa pakikibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos; pagkilala at paglilingkod sa bawat miyembro ng korum, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa mga miting ng korum; pagpapalakas sa mga bago at nagbabalik na miyembro; pagtuturo sa mga miyembro ng korum ng kanilang mga tungkulin sa priesthood; at pagpaplano at pagsasagawa ng mga miting ng korum (tingnan sa 10.4.2). Dapat magpulong nang regular ang quorum presidency (tingnan sa 10.4.3).

Youth Council

Ang teachers quorum president ay miyembro ng ward youth council. Ang layunin ng council na ito ay tulungan ang mga kabataan na maakay ang iba patungo kay Jesucristo at tumulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Ang bishop ang namumuno sa ward youth council. (Tingnan sa 10.4.4.)

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ito ay dapat makatulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Dapat maging balanse ang mga ito sa apat na aspekto ng personal na pag-unlad: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal. (Tingnan sa 10.2.1.3.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang karagdagang mga patnubay at patakaran, kabilang na ang pagsuporta sa mga kabataang lalaki na may kapansanan, pagtanggap ng mga sagisag ng mga Bata at Kabataan, at pagkolekta ng mga handog-ayuno, ay matatagpuan sa bahagi 10.8 ng Pangkalahatang Hanbuk.