Ang Aking Tungkulin Bilang Elders Quorum Secretary
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Elders Quorum
Ang Melchizedek Priesthood ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Ang mga miyembro ng elders quorum ay nagtutulungan para maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Naglilingkod sila sa iba, ginagampanan ang mga tungkulin sa priesthood, nagkakaisa, at inaaral at ipinapamuhay ang doktrina (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 8.1).
Elders Quorum Secretary
Regular na nagmimiting ang elders quorum presidency at secretary. Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ng secretary ang paghahanda ng agenda o talaan ng pag-uusapan, pagsusulat ng mga pinag-uusapan sa mga miting, pagsubaybay sa mga takdang-gawain, pag-iiskedyul ng mga ministering interview, paghahanda at pagsumite ng mga report ng attendance, at pagtulong sa paghahanda ng taunang budget (tingnan sa 8.3.4).
Mga Miting sa Araw ng Linggo
Ang mga elders quorum ay nagpupulong sa ikalawa at ikaapat na Linggo na may layuning palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo, bumuo ng pagkakaisa, at patatagin ang mga pamilya at tahanan. Mapanalanging pinipili ng elders quorum presidency ang mga mensahe mula sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya na tatalakayin batay sa mga pangangailangan ng mga miyembro (tingnan sa 8.2.1.2).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga elders quorum presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad para mapalakas ang mga miyembro ng korum at bigyan sila ng mga pagkakataong maglingkod nang sama-sama (tingnan sa 8.2.1.3).