“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion,” Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion (2022)
“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion,” Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion
Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion
Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit.
Upang makamit ang ating layunin:
Ipamuhay
Ipinamumuhay natin ang ebanghelyo ni Jesucristo at sinisikap na makasama ang Espiritu Santo. Ang ating pag-uugali at mga ugnayan ay huwaran sa tahanan, sa silid-aralan, at sa komunidad. Patuloy nating sinisikap na pag-igihin ang ating pagganap, kaalaman, pag-uugali, at pagkatao. Tayo ay nakikinig nang mabuti sa mga buhay na propeta ng Diyos at sinusunod ang kanilang mga inspiradong turo at payo.
Magturo
Itinutuon natin ang bawat karanasan sa pagkatuto kay Jesucristo at sa Kanyang halimbawa, mga katangian, at kapangyarihang tumubos. Tinutulungan natin ang mga estudyante na matutuhan ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ayon sa nakasaad sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. Tinutulungan natin ang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral para sa kanilang sarili. Pinagsisikapan nating anyayahan ang Espiritu Santo na gawin ang Kanyang tungkulin sa bawat karanasan sa pagkatuto.
Mamuno
Iniaayon natin ang ating pamumuno sa halimbawa ni Jesucristo. Inaanyayahan at hinihikayat natin ang lahat ng kabataan at young adult na makibahagi sa seminary at institute. Hinahangad nating palakasin ang mga pinamumunuan natin, pangasiwaan nang mahusay ang gawain, at makiisa sa iba. Ang ating mga pagsisikap ay tumutulong at sumusuporta sa mga indibiduwal, pamilya, at mga lider ng priesthood.
© 2022 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Bersyon: 1/22. Pagsasalin ng The Objective of Seminaries and Institutes of Religion. Tagalog. PD80008508 893. Inilimbag sa Pilipinas