“Ang Paglikha,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Ang Paglikha”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Ang Paglikha
Mula sa Genesis 1–2; Moises 1–3; Abraham 4–5
Noong unang panahon na hindi ko naaalala, nilikha ng Diyos ang isang magandang lugar na titirhan ko.
Nang simulan Niyang likhain ang mundo, inihiwalay Niya ang araw sa gabi. Ginawa Niya ang araw, buwan, at mga bituin para palaging may magbigay ng liwanag sa akin.
Nilikha Niya ang kalangitan, karagatan, at lupa. Pinuno Niya ang mundo ng lahat ng uri ng mga halaman.
Nilikha Niya ang mga ibon na lilipad sa kalangitan, mga isda na lalangoy sa karagatan, at mga hayop na maninirahan sa lupa.
Sa tuwing nakikita ko ang mga likha ng Diyos, nakadarama ako ng pagpipitagan at pagmamahal para sa Kanya. Nagpapasalamat ako na ginawa Niya ang mundong ito para sa akin.