Para sa mga Batang Mambabasa
Pinatawad ni Jose ang Kanyang mga Kapatid


“Pinatawad ni Jose ang Kanyang mga Kapatid,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Pinatawad ni Jose ang Kanyang mga Kapatid”

Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Pinatawad ni Jose ang Kanyang mga Kapatid

Mula sa Genesis 42, 45

si Jose sa Egipto

Si Jose ay isang lider sa Egipto nang dumating ang taggutom. Kakaunti ang pagkain. Sa malayong lugar, ang pamilya ni Jose ay nagugutom. Naglakbay sila papunta sa Egipto upang maghanap ng pagkain.

si Jose at ang kanyang mga kapatid

Nakita ni Jose ang kanyang mga kapatid. Pero hindi siya nakilala ng kanyang mga kapatid! Tinanong ni Jose kung buhay pa ang tatay nila, at sumagot sila ng oo.

mga kapatid ni Jose

Nakita ni Jose na naging mas mabait ang kanyang mga kapatid. Inaalagaan nila ang kanilang nakababatang kapatid na si Benjamin. Nagmamalasakit sila sa isa’t isa.

niyakap ni Jose ang kanyang mga kapatid

Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid kung sino siya talaga. Hindi sila makapaniwala! Si Jose at ang kanyang mga kapatid ay naiyak sa tuwa. Pinatawad sila ni Jose sa pagbebenta sa kanya bilang alipin. Sinabi niya na itinulot ng Diyos na mapunta siya sa Egipto upang mailigtas sila mula sa taggutom.

magkapatid na magkayakap

Maaari akong maging katulad ni Jose. Maaari kong mahalin ang aking pamilya at patawarin ang iba.

Pahinang Kukulayan

Mahal Ako ni Jesus

si Jesus kasama ang mga bata

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott