“Sinunod ni Moises ang Diyos,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Sinunod ni Moises ang Diyos”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Sinunod ni Moises ang Diyos
Mula sa Exodo 2–34
Isang araw, natagpuan ng isang prinsesa ng Egipto ang isang sanggol na Hebreo sa isang basket. Pinangalanan niya itong Moises at pinalaki para maging isang prinsipe.
Nang lumaki si Moises, hindi niya nagustuhan ang pagtrato ng mga Egipcio sa mga Hebreo, na kanilang mga alipin. Nang ipagtanggol sila ni Moises, gusto siyang ipapatay ng mga Egipcio. Kailangang tumakas ni Moises. Pagkatapos ay iniutos sa kanya ng Diyos na bumalik at palayain ang mga Hebreo.
Hiniling ni Moises kay Faraon, ang hari ng Egipto, na palayain ang mga Hebreo. Hindi pumayag si Faraon. Tinulungan ng Diyos si Moises na isumpa ang lupain para magbago ng isip si Faraon. Napuno ng mga langaw, kuto, at pagkatapos ay mga palaka ang Egipto. Sa wakas ay sinabi ni Faraon na makakaalis na ang mga alipin.
Nang makaalis na ang mga Hebreo, nagbago ang isip ni Faraon at pinahabol sila sa kanyang hukbo. Nang dumating sa Dagat na Pula ang mga tao ni Moises, gumawa ng tuyong daanan sa dagat ang Diyos para makatakas sila.
Ibinigay ng Diyos kay Moises ang Sampung Utos. Itinuro ito ni Moises sa mga tao habang naglalakbay sila patungo sa lupang pangako. Sa wakas, sila ay ligtas na at malaya!
Maaari akong maging katulad ni Moises. Makakaya kong sundin ang mga kautusan. Tutulungan ako ng Diyos kapag ipinagtanggol ko ang mga nangangailangan ng tulong.