Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Moises at ang Manna
Mababasa mo ang kuwento tungkol sa manna sa Exodo 16.
Si Moises ay isang propeta. Inakay niya ang mga tao ng Diyos patungo sa lupang pangako. Naglakad sila sa loob nang maraming araw.
Nagutom ang mga tao. Wala silang pagkain. Kaya pinadalhan sila ng Diyos ng pagkain mula sa langit. Ang tawag doon ay manna.
Bawat umaga, nagtipon ang mga tao ng manna na kakainin. Pero hindi ito mananatiling sariwa sa magdamag. Kinailangan nilang magtipon pa kinabukasan.
Ang manna ay nagpapaalala sa atin kay Jesucristo. Ipinadala ng Diyos ang manna para iligtas ang mga tao. Ipinadala rin Niya si Jesus sa lupa para iligtas tayo. Kailangan natin si Jesus araw-araw, tulad ng pangangailangan natin sa pagkain araw-araw.
Susundin ko si Jesus. Bibigyan Niya ako ng lakas at ipadarama sa akin ang Kanyang pagmamahal bawat araw.