“Ana at Samuel,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Ana at Samuel”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Ana at Samuel
Mula sa I Samuel 1–3
Malungkot si Ana dahil hindi siya magkaanak. Nagdasal siya sa templo. Nangako siya na kung magkakaroon siya ng anak na lalaki, palalakihin niya ito para maglingkod sa Diyos.
Nagkaroon nga ng anak si Ana at ang kanyang asawa! Pinangalanan ni Ana ang kanyang anak na Samuel. Alam niya na sinagot ng Diyos ang kanyang panalangin.
Habang lumalaki si Samuel, tinupad ni Ana ang kanyang pangako. Hiniling niya kay Eli, ang saserdote sa templo, na turuan si Samuel kung paano maglingkod sa Diyos. Tumulong si Eli sa pag-aalaga kay Samuel.
Isang gabi nakarinig si Samuel ng isang tinig. Tinanong niya si Eli kung tinawag siya nito. Sinabi ni Eli na gustong makipag-usap ng Diyos kay Samuel. Nang marinig muli ni Samuel ang tinig, nakinig siya. At nangusap ang Diyos kay Samuel. Nakinig si Samuel sa Diyos at sumunod sa Kanya.
Kaya kong matuto tungkol sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga utos!