Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ruth at Noemi
Dumating si Noemi at ang kanyang pamilya sa isang bagong lupain dahil sa taggutom. Nakilala nila ang isang dalagitang nagngangalang Ruth. Pinakasalan ni Ruth ang anak ni Noemi.
Pagkatapos ay namatay ang asawa ni Noemi. Lungkot na lungkot si Ruth.
Napakalungkot din ni Noemi. Nagpasiya siyang bumalik sa lupaing pinagmulan niya.
Sinabihan ni Noemi si Ruth na bumalik sa kanyang pamilya. Pero mahal ni Ruth si Noemi. Nangako siyang sasama kay Noemi at aalagaan siya.
Mahirap lang sina Ruth at Noemi. Kaya nagsikap nang husto si Ruth para may makain sila.
Isang araw nakita ng isang lalaking nagngangalang Boaz si Ruth na nagtitipon ng mga natirang butil sa isa sa kanyang mga bukid.
Mabait si Boaz. Sinabi niya sa kanyang mga manggagawa na mag-iwan ng karagdagang pagkain para kay Ruth.
Kalaunan ay nagpakasal sina Ruth at Boaz. Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Tumulong si Noemi sa pag-aalaga sa kanya.
Kaya kong pangalagaan ang iba. Kaya kong maging mabait sa mga taong nangangailangan.