Mga Hanbuk at Calling
Resources para sa Ministering


“Resources para sa Ministering sa Pinalakas na mga Melchizedek Priesthood Quorum at Relief Society”

“Resources para sa Ministering”

Resources para sa Ministering sa Pinalakas na mga Melchizedek Priesthood Quorum at Relief Society

Ang resources na ito ay tumutulong sa mga lider habang naghahanda silang magturo at habang namumuno sila sa mga talakayan sa mga area council, coordinating council, stake conference, stake council, ward council, at sa mga lesson sa araw ng Linggo.

Mga Mungkahi sa Paggamit ng Resources na Ito

Sa isang council meeting, maaaring simulan ng mga lider ang talakayan tungkol sa mga pagbabagong ibinalita sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018 sa pamamagitan ng pagbasa sa pambungad na bahagi ng enclosure na kasama sa Liham ng Unang Panguluhan noong Abril 2, 2018, “Ministering with Strengthened Melchizedek Priesthood Quorums and Relief Societies” (tingnan sa ministering.ChurchofJesusChrist.org).

Maaari ding panoorin at talakayin ng mga miyembro ng council ang video na A Vision of Ministering (tingnan sa “Mga Video” sa ibaba). Ang mga karagdagang video at iba pang resources ay inilalaan upang mapahusay ang talakayang ito at maaaring gamitin ang mga ito sa mga susunod na council meeting o sa iba pang mga pagkakataon. Bawat segment sa video na Effective Ministering ay sinusundan ng isang tanong na maaaring talakayin ng grupo.

Mga Video

Kasama sa sumusunod na mga video ang mga clip mula sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018 at mga leadership meeting ng pangkalahatang kumperensya kasama ang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisyal.

A Vision of Ministering (4:41)

Ang Effective Ministering (15:00) ay naglalaman ng sumusunod na mga yugto:

  1. Bakit Tayo Nagmi-minister” (2:45). Tanong: Bakit tayo nagmi-minister?

  2. Simple, Individualized, and Led by the Sspirit” (2:20). Tanong: Paano natin mapapanatiling simple at ginagabayan ng Espiritu ang ating mga pagsisikap?

  3. Overview of Ministering Interviews” (3:53). Tanong: Paano mapagpapala ng epektibong mga ministering interview ang mga indibiduwal at pamilya?

  4. One Coordinated Effort” (2:49). Tanong: Paano tayo matutulungan ng tulung-tulong na pagsisikap na pangalagaan ang lahat ng anak ng Diyos?

  5. Invitation to Act” (3:24). Tanong: Paano natin pinakamahusay na maipatutupad ang layunin ng ministering na ibinigay ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol?

Mga Ministering Interview (19:18)

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mateo 10:39; 22:37–39; Lucas 22:32; Juan 10:11; 13:34; 21:15–16; Mga Taga Galacia 5:13; Mosias 23:18; Doktrina at mga Tipan 20:51–53

Karagdagang Resources

  • Ang mga isyu noong Mayo 2018 ng mga magasing Liahona at Ensign at comefollowme.ChurchofJesusChrist.org ay naglalaan ng resources na maaaring gamitin sa mga talakayan tungkol sa ministering sa mga miting ng elders quorum at ng Relief Society tuwing ikaapat na Linggo.

  • Ang karagdagang impormasyon, na may pamagat na “Mga Alituntunin sa Ministering,” ay isasama sa darating na mga isyu ng Liahona at Ensign.