Ibahagi ang mga Resource ng Simbahan
Ang pagbabahagi ng mga resource ng Simbahan—kabilang na ng mga klase sa self-reliance, EnglishConnect, addiction recovery group, at mga klase at programang pang-edukasyon—ay maaaring maging mabisang paraan para matulungan ang ibang tao na mapabuti ang kanilang buhay at makahanap ng lugar sa ating komunidad na mga Banal sa mga Huling Araw.
Noong narito sa lupa si Jesucristo, tinulungan Niya ang mga tao sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan. Pinakain Niya ang nagugutom at pinagaling ang may sakit. Pinanatag at tinulungan Niya ang mga taong nakapaligid sa Kanya. Magagawa rin natin iyan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga resource ng Simbahan para matugunan ang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan ng mga tao ngayon.
Available na mga Resource ng Simbahan
Itinataguyod ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang sumusunod na mga resource na panrelihiyon. Inaanyayahan namin ang lahat ng tao na makibahagi, anuman ang kanilang relihiyon. Tara at sama-sama tayong umunlad, makipag-ugnayan, at matuto.
EnglishConnect
Paghusayin ang iyong kasanayan sa wikang Ingles habang ikaw ay nag-aaral at nakikibahagi sa isang interactive conversation group.
Katatagan ng Damdamin
Matuto ng mga praktikal na kasanayan para maharap ang mga pagsubok sa buhay at mapatatag ang iyong emosyonal na kalusugan.
BYU–Pathway Worldwide
Tumanggap ng mga sertipiko at associate at bachelor’s degree online sa abot-kayang halaga.
FamilySearch
Libreng access sa bilyun-bilyong mga talaan para mabuo ang iyong family tree at mahanap ang iyong mga ninuno
Mga Institute para sa mga Young Adult
Sumali sa mga klase, workshop, at aktibidad na nakasentro kay Jesucristo para magabayan ang iyong espirituwal at personal na pag-unlad.
Mga Seminary para sa mga Kabataan
Patatagin ang iyong pundasyon para sa habambuhay na espirituwal na pag-aaral at personal na pag-unlad sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga turo ni Jesucristo.
Paggaling mula sa Adiksyon
Dumalo sa isang support group meeting kung saan pinagsasama ang napatunayang mga hakbang sa pagrekober at ang pananampalataya sa Diyos.
Personal na Pera
Alamin kung paano gumawa at sumunod sa isang budget, alisin ang utang, at matalinong mag-invest.
Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo
Alamin kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng mga kostumer, gumawa ng mga marketing strategy, at pamahalaan ang iyong mga talaan.
Maghanap ng Mas Magandang Trabaho
Alamin kung paano mapapansin ng mga kumpanya, magkaroon ng mga kasanayan sa paghahanap ng trabaho, mag-network, at maghanda para sa mga interbyu.
Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho)
Alamin kung paano magsaliksik, gumawa, at maghayag ng mga plano sa edukasyon at trabaho.
Tulong sa Buhay
Mga resource para sa mga hamon sa buhay tulad ng pang-aabuso, pag-aampon, kamatayan, kapansanan, pagiging magulang, pornograpiya, pagpapakamatay, at marami pang iba.
JustServe
Maghanap ng mga pagkakataong magboluntaryo na tumutugma sa iyong mga interes at mga kasanayan na malapit sa inyong lugar.
Opisyal na mga Social Media Account ng Simbahan
Ang isa pang resource na maaari mong ibahagi ay ang mga social media channel ng Simbahan. Kapag nag-follow ka sa mga ito, makakahanap ka at madali mong maibabahagi ang mga mensahe ng pag-asa, kapayapaan, katatagan, at pagmamahal sa iyong pamilya at mga kaibigan. Ang Simbahan ay may listahan ng “Opisyal na mga Social Media Account para sa mga Lider at Grupo sa Simbahan.” Ang mga post mula sa mga account na ito ay makapagbibigay-inspirasyon sa mga tao na mas lumapit kay Jesucristo at madagdagan ang kanilang interes na makaugnay sa Kanya sa pamamagitan ng tipan.
Paano Magbahagi sa Pamamagitan ng Social Media
Kapag nagbahagi ka ng impormasyon tungkol sa Simbahan sa pamamagitan ng iyong mga social media account:
-
Isiping mag-post sa iyong personal social media account ng mga inspirasyong natanggap mo sa pagsisimba, pananalangin para makahingi ng patnubay, o pagbabasa ng mga banal na kasulatan.
-
Magpahayag ng pasasalamat sa mga pagpapala ng Diyos at para sa nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Jesucristo.
-
Magbahagi ng post mula sa account ng Simbahan. Mag-iwan ng personal na kaisipan at imbitasyon, o isiping mabigay ng tanong na nagpapabukas ng isipan tungkol sa pananampalataya.
-
Magbahagi o magpost tungkol sa isang bagay na natutuhan mo sa klase sa self-reliance, institute, o EnglishConnect, at anyayahan ang iyong mga kaibigan na sumama sa iyo sa pagdalo.