Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Ibahagi ang Aklat ni Mormon


Ibahagi ang Aklat ni Mormon

Ibahagi ang app ng Aklat ni Mormon

Ang Aklat ni Mormon ay nag-aalok ng pag-asa, nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo, at nagbibigay-daan sa Espiritu na mabigyan ang mga tao ng kapayapaan at patnubay sa lahat ng aspekto ng kanilang buhay. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na kapag ibinahagi natin ang Aklat ni Mormon, ibinabahagi natin “ang kapangyarihan na pagalingin, panatagin, ipanumbalik, tulungan, palakasin, aluin, at pasayahin ang ating kaluluwa.” Nangako siya na “sa mapanalanging pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, makagagawa kayo ng mas maiinam na desisyon—sa araw-araw. … Habang pinagninilayan ninyo ang inyong pinag-aaralan, ang mga durungawan ng langit ay mabubuksan, at tatanggap kayo ng mga sagot sa inyong sariling mga tanong at patnubay sa inyong buhay.”

Itinuturo ng [Aklat ni Mormon] ang Doktrina ni Cristo. … [Ito] ay nagbibigay ng ganap at lubos na mapaniniwalaang kaalaman tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na matatagpuan sa buong aklat. … Ang buong kapangyarihan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay nasa Aklat ni Mormon” (“Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 62–63).

Maraming paraan para maibahagi mo ang Aklat ni Mormon sa ibang tao. Maaari mong ibahagi sa mga tao ang mga turong natutuhan mo rito. Maaari kang magbahagi sa mga kaibigan mo ng isang talata na nauugnay sa kanilang buhay. Maaari mong ipaliwanag kung paano ka natulungan ng aklat na matuklasan ang pag-asa at pagpapagaling na iniaalok ni Jesucristo at i-tag ang @thebookofmormon kapag nagbabahagi ka online.

Anyayahan ang isang tao na manood ng video ng Aklat ni Mormon o basahin ang isang kwento sa Aklat ni Mormon na may kaakibat na larawan. Ipadala sa isang tao ang Book of Mormon app sa kanilang katutubong wika at ipakita sa kanya kung paano nito nasasagot ang mga taong ng kaluluwa. Lumahok sa mga talakayan sa mga social media page ng Simbahan para sa Aklat ni Mormon, o sumali sa mga komunidad na nakatuon sa pag-aaral at pagbabahagi ng mga kabatiran mula sa Aklat ni Mormon.

Kapag nanalangin ka para humingi ng patnubay kung paano ibabahagi sa iba ang mga turo at kapangkarihan ng Aklat ni Mormon, ikaw ay gagabayan ng Espiritu Santo.

Mga Resource Tungkol sa Aklat ni Mormon na Maaaring Ibahagi